Chapter 2

1034 Words
Chapter 2 Mabilis na lumipas ang three months mula nang ipakilala ng kanilang ina ang nobyo nitong si Rupert. Mula noon ay mas dumalas na ang pagdalaw ng lalaki sa bahay nila. Tatlong beses sa isang linggo kung matulog ito sa bahay nila. Hindi naman sila nagrereklamo ni Zabina dahil hindi naman nila ito madalas makaharap. Or should they say, they are avoiding Rupert's presence. Si Zabina naman kasi, sa tuwinv makakasabay nito sa hapag-kainan ang nobyo ng ina, panay pangbabara ang lumalabas sa bibig nv kapatid niya. Ayaw ni Zara ng gulo. Kaya hanggang maaari, umiiwas na lang siya. They grew up in a very conservative environment. Kaya naman hindi sila sanay ngayon na may ibang kasamang lalaki ang kanilang ina. Zabina might have a foul mouth, but it was just her character.  Zara went home early one Friday afternoon. Nag-aasikaso siya ng mga damit na nilabhan ng isa sa mga kinuhang labandera ng Mom niya pero hindi stay-in. Malalaki na kasi sila, kung noon may mga kasamabahay pa sila, ngayon wala na. Their Mom wanted them to at least know the basic of how to arrange things and how to do small chores in the house. Pero mostly, siya naman ang gumagawa. Kapag ayaw ni Sabina, hinahayaan na lamang niya ito. Narinig niyang may dumating na kotse. Noong una, akala niya ay Zabina na ito. Ngunit napasimangot siya nang makitang si Rupert lang pala ang dumating. They are calling him now Tito. She tried to ignore him at first habang iniaakyat ang mga natuping bagong labang mga damit. "Need a hand?" Rinig niyang tanong nito. "No, thanks. I got it," mabilis namang sagot ni Zara sabay talikod at lakad na paakyat. Nang makababa siya para kunin ang huling patong ng mga damit, ay nakita niyang nakaupo na sa sofa nila si Rupert. "Mom's not here yet. You can just go back in the evening," sabi pa ni Zara. "It's okay. I will just wait," kibit-balikat na tugon lang naman nito. Napasimangot naman si Zara. Can't this man feel that Zara doesn't like his presence in their house? Kung si Zabina siguro ang narito, baka sakaling masabi at mapilit no'n na umalis na lang muna ang lalaking 'to.  Matapos niyang makuha ang mga natirang damit ay nagkulong na lamang siya sa kanyang kwarto sa itaas. Dapat sana ay magluluto pa siya ng dinner nila pero magdadahilan na lamang siya at magpapabili na lamang ng take out food kay Zabina pag-uwi nito.  "Jollibee? Ano ka ba? Bata?" Tanong ni Zabina sa kanya sa kabilang linya nang tawagan siya nito. "Pangbata lang ba ang Jollibee chickenjoy? Favorite mo rin 'yon, ah?" Tanong niya rin naman pabalik sa kapatid. "Oo nga. Sandali. Magdrive-thru na lang ako. Gutom na gutom ka na ba? Mga 4 hours pa," pang-aasar pa ni Zab sa kanya. "Bilisan mo," utos pa ni Zara sa kapatid. "Oo, eto na. Wait lang," tugon naman ni Zab. They ended the call. Humiga muna si Zara sa kama at natulala. She feels tired. Siguro dahil paulit-ulit lang naman ang ginagawa niya sa araw-araw. She will go to work early in the morning. She will work for the rest of the day, then she will come home around 5 or 6 in the evening. Walang bago, walang adventure o excitement man lang.  Natigilan siya sa pag-iisip nang marinig niyang tila may pumihit sa doorknob ng kwarto niya. Napabalikwas siya ng bangon at kaagad na nakaramdam ng kaba. That's not Zab. She's still on her way home. At isa pa, kakakausap lang nila at inutusan niya itong magdrive-thru. Imposibleng nakauwi na ito kaagad. At kung 'yon man nga ang kapatid niya, paniguradong magbubunganga iyon pagkatapos na makitang naka-lock ang pinto niya.  Wala naman na siyang ibang kasama pa dito sa bahay. Bukod kay Rupert na nasa baba kanina. Lalo siyang nakaramdam ng mas matinding kaba sa naisip niya. Umakyat kaya si Rupert para puntahan siya sa kwarto niya? Bakit naman? She tried to brush all those thoughts away. Baka naman guni-guni lang niya 'yon. Pinaniwala ni Zara ang sarili niya na hindi naman siguro aakyat si Rupert sa taas ng bahay nila dahil wala namang ang Mommy nila roon.  - Lumipas ang isa pang linggo. Dahil every Friday nga kung mag-early out si Zara para mag-asikaso sa bahay, gano'n ulit ang naging oras ng uwi niya. At habang nagliligpit sa kabahayan, ay nagulat na lamang siya nang lumitaw si Rupert sa likuran niya. Nabitiwan tuloy niya ang mga supot ng basura na ilalabas sana niya sa bandang gate nila. "Sorry, nagulat yata kita," nakangising sabi ni Rupert nang makita ang naging reaksyon niya.  Nainis siya sa paraan ng pagngiti nito. Pakiramdam ni Zara ay nananadya naman ito kahit na nagsabi at nanghingi pa ito ng paumanhin sa kanya. "Okay lang," tipid na tugon na lamang ni Zara habang dinadampot muli ang plastic ng basura na nabitiwan niya kanina. "Marami ka pa bang bubuhatin? I could help you," alok pa nito. Natigilan naman sa paglakad si Zara para harapin ang lalaki. "I could do all the household chores alone, Tito Rupert. If you are waiting for my Mom, just wait on the living room. Or better yet, check her out in the office. Pwedeng doon mo na lang po siya hintayin," tugon niya rito. She tried her best to be polite as she can be. Tinalikuran na niya ito at nagpatuloy na sa paglabas ng mga basura sa gate nila. Bumalik siya sa kusina para i-double check ang laman ng refrigerator at kitchen cabinet nila. Bukas kasi ang mamimili siya ng mga supplies nila. Pagsara niya ng pinto ng ref ay biglang nandoon na naman si Rupert. "What do you need, Tito Rupert? If you need juice or water, just get it and help yourself," sabi ni Zara habang unti-unting umaatras papalayo sa lalaki.  "Yes, I was about to get what I need," pabulong na tugon naman nito habang matalim at seryoso ang tingin sa kanya. Tatalikod na sana siya para iwan ang lalaki sa kusina dahil kailangan niyang kumuha ng papel at ballpen para ilista ang mga kailangan niyang bilhin nang maramdaman na lamang niya ang kamay nito sa braso niya. Hinila na lamang siya bigla nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD