Chapter 1

2788 Words
Zara Gomez is the eldest from the daughters of Julie Gomez, a Businesswoman that is known for her wit and skills. Siya ang nakatakdang sumunod sa yapak ng kanyang ina dahil siya ang nakatatanda. Wala naman siyang reklamo roon. Obligasyon niya bilang isang anak ang pag-ingatan at mas pagyabungin ang kung ano ang mayroon ang ina para sa kanila. Maliit pa lamang sila ni Zabina, ang bunsong kapatid niya, saksi na aila sa hirap at sakripisyo ng kanilang ina para lamang maiahon sila sa kahirapan at mabigyan sila ng magandang buhay. For the past 28 years of her life, nakita niyang mag-isa ang kanyang ina sa buhay. Hindi nila nakagisnan ang kanilang ama. O kung nakita man niya ito noon, hindi niya na maalala. Hindi na rin naman 'yon importante pa sa kanila. Her younger sister, Zabrina is still enjoying her own life. Nagta-trabaho ito kung saan nito gusto. Magre-resign kapag hindi nakayanan o kung nainis sa Boss niya. She wanted her sister to have freedom thag she wants.  Masaya silang tatlo. Hanggang sa isang araw, nagulat na lang silang magkapatid nang may ipakilala sa kanila ang kanilang ina na nobyo raw nito at magpapakasal daw ang dalawa. They kept silent about their mother's lovelife. What else coukd they say? Can they say no? Hindi niya kaya. Buong buhay ng kanilang ina, kapakanan nilang magkapatid ang inuuna. Kaya sino siya para tutulan ang pagkakataon nito na sumaya? They kept quiet and accepted the man with name Rupert. He is also a businessman. Mukhang nakilala ito ng kanilang ina dahil sa negosyo. Ang sabi sa kanila ng kanilang ina, sa susunod na taon pa ang magiging petsa ng kasal. Pero si Rupert o ang kanilang step-dad ay madalas nang magawi at makitulog sa bahay nila. Her Mom wanted them to become like a real family. But Zara doubt that. "So, Rupert, dati ka bang may asawa rin?" Tanong bigla ni Zabina sa lalaking kasabay naming kumain. Pinandilatan kaagad si Zabina ng mata ni Mom dahil sa asal nito. "I don't have a family yet, Zab," mabilis na tugon nito. "Call her, Dad," pagtama pa ni Mom kay Zabina. Zara felt cringe. She can't just call anyone their Dad. "Why would I? He is not my biological Dad. Even my biological Dad won't hear me call him Dad. Hindi 'yon gano'n kasimple, Mom," tanggi naman kaagad ni Zabina. My sister got a point. Mukha lang itong bastos, pero nasa tama naman ang sinasabi nito. "Call him, Tito at least. Not just his name. Show him some respect, Zab," muling sabi ng kanilang ina. "Mom, 'yong mga US clients nga namin, I call them by their firstname eh. Calling them by their name doesn't mean being disrepectful. Tayong mga Pinoy lang ang ma-issue sa buhay. Di'ba, Rupert?" Patuloy na paliwanag pa rin ni Zabina sa ina. Rupert just smile. "Let her, Julie. She can call me whatever she wants. Ikaw rin, Zara. Huwag kang mahihiya. Mabait naman ako," tugon pa ni Rupert sa kanilang magkapatid. Kinilabutan si Zara sa paraan ng pagngiti nito aa kanya nang tawagin nito ang pangalan niya. Pinilit na lamang niyang balewalain 'yon, malamang hindi lang talaga siya sanay na may ibang lalaki sa bahay nila. "See? He even let me, Mom. Pwede ko siyang tawaging Pare," kibit-balikat na sagot lang ni Zabina sa ina. "May kurot ka sa akin mamaya, Zab," pabulong na sabi ng ina sa bunsong kapatid niya. Until now, she's still amaze on how can Zabina tell what she wants in front of everybody? Wala itong pakialam kung makabubuti man o makakasama ang sasabihin nito. Basta naisip nito, kaagad nitong sasabihin. Her younger sister is really a brave woman. Unlike her, who is always silent. Who needs to act prim and proper, because she needs to set an example as an Ate to Zabina. Being the eldest child in a family is very tough. They will have to much expectations from you. Pero hindi naman siya nagrereklamo. In fact, she's thankful to become a part of this family.  That night after dinner, Zab came to her room. This will be the first time they will talk and react about their Mom's new boyfriend. "Why are you not saying anything in front of that man? Are you okay with him? Wala kang issues?" Tanong ni Zab habang ngumunguya pa ng dala nitong cheesecurls at nakasalampak sa kama ni Zara. "All of these are new to me. I don't how I should react. But Mom looks happy with. Isn't that what should matter?" Sagot naman ni Zara. "Really? Mom looks happy with that man? Kung ako kasi ang tatanungin? Ayaw ko sa lalaking 'yon. He looks like someone who won't do anything good to people. Kontrabida, gano'n," si Zab na mismo ang sumagot sa tanong nito kanina. "Don't judge other people by their looks, Zab. That would be unfair to them," saway niya naman sa kapatid. "Yeah, right. Don't judge them by their loom because they are not a book. Lumang tugtugin na 'yan. But I love judging people, Ate. It gives me satisfaction, especially when I figured out that I was right all along," pagtanggol pa ni Zab sa sarili niya. "I know. Maybe, we could give this Rupert a chance? Sabi naman ni Mom sa susunod na taon pa ang kasal nila. We will have enough time to decide if we can accept him or not," kumbinsi pa niya sa kapatid. "No one can change my mind, Ate. Anyway, antok ka na ba?" Tanong ni Zab sa kanya. "Hindi pa naman. Bakit?" Sagot niya naman. "I would like to hear your opinion. How about I resign from my job?" Tanong muli ni Zab. "Resign? Eh di'ba kakasimula mo lang two months ago?" Gulat na tanong ni Zara sa kapatid. "That's the thing. Nakakadalawang buwan na ako sa kumpanyang 'yon and it bores me! All of them. Para silang patay na tao. Zombies ba sila? Hello? Mahigpit sa breaktime? Pati pag-ihi bawal lumagpas sa 10 minutes? Eh paano kung may kasama jebs 'yong ihi ko and I was constipated? Hindi makatarungan," rant pa ni Zab sa Ate niya. "You know what's best for you, Zab. At the end of the day, whatever you choose, it's you who will need to face it. Kapag sinabi kong magstay ka, eh kung ayaw mo nga sa patakaran nila, hindi ka magiging masaya. Do what makes you satisfied. Don't worry, I got your back," payo niya pa sa kapatid. "I know. Thanks, Ate," sabi naman ni Zab sa kanya. - "Ateeee!" Sigaw ni Zab mula sa baba. Kaagad namang umakyat sa hagdan si Zara para silipin ang kapatid. "Ano 'yon? Ano'ng nangyari?" Tanong niya naman. "Nasaan 'yong paperbag ng sapatos dito? Naglinis ka na naman sa kwarto ko?" Gigil na tanong ni Zab sa kanya. "Nagligpit lang ako. Alam mo namang wala tayong katulong, pero 'yong mga damit mo nakatambak lanh sa upuan palagi. Hindi ko tuloy alam kung bagong laba ba 'yon o maruming damit," paliwanag naman ni Zab. "Malinis 'yon. Hindi ko pa lang naipasok sa cabinet. Nasaan na 'yong paperbag sa gilid ng kama?" Tanong pa ni Zab. "Bakit mo hinahanap 'yong basura? Eh, di siyempre tinapon ko na. Nakuha na ng truck ng basura kaninang umaga," tugon naman ni Zara sa kapatid. "Hindi 'yon basura! Mga sapatos ko 'yon! Dadalhin ko sa school, iiwan ko dapat sa locker ko! Ate naman! Bakit ka ba nakikialam?!" Sigaw ni Zab sa kanya. "Sapatos ba 'yon? May mga maduduming gamit kasi. May pinaglagyan pa ng junkfood. Kaya itinapon ko. Bumili ka na lang ulit. Sorry," sagot lang ni Zara. "Paano ako bibili? Eh limited edition 'yong rubber shoes na 'yon. Nakotongan pa nga ako ni Mom dahil binili ko 'yon nang patago eh," reklamo ni Zabina. "Kuhanin mo na lang 'yong sapatos ko. Hindi ko naman sinasadya. Papalitan ko kapag nakahanap ako ng gano'n sa susunod," tugon ni Zara sa kapatid. "Sabi mo 'yan, ha? Or kapag may nagustuhan ako, ipapabili ko sa'yo, Ate," hirit pa ni Zabina. "Oo, sige. Para makabawi ako. Huwag ka naman kasing burara sa kwarto mo. Kapag nakita ni Mom 'yan, bubungangaan ka talaga no'n. Parang may gubay sa loob," bahagyang sermon ni Zara sa kapatid. "Because I'm the Queen of the jungle. Sige na, Ate. Papasok na ako. Kunin ko 'yong rubber shoes mo, ha? Pumayag ka," nakangiting sabi pa ni Zabina sa kanya. Tumango na lang naman siya bilang tugon. Kagaya lang din sila ng mga normal na magkakapatid. Nagbabangayan, nagkakainisan, pero mas madalas talaga si Zabina 'yong galit at nagsasalita ng kung anu-ano. Si Zara 'yong tipo na laging umuunawa at nagbibigay. Siya kasi 'yong Ate. Kaya sa paniniwala niya, siya dapat ang maging mabuting ehemplo sa nakababatang kapatid niya. - "Ateeeeee!" Sigaw ni Zabina na bigla na lamang pumasok sa kwarto ni Zara nang hindi man lang kumakatok. Napabalikwas naman ng bangon si Zara. Kakagising lang niya. Nataranta siya sa umiiyak na boses ng kapatid. Nag-alala siya baka kung napaano na ito. "Bakit, Zabina?!" Tanong niya kaagad habang lumalapit sa kapatid para damayan ito. "Ayaw ko na! Sa babae na lang ako magkakagusto!" Sigaw pa nito. "What? Ano ba kasing nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak ng ganyan?" Tanong pa rin ni Zara dahil naguguluhan siya sa nangyayari. "Kasi Ate, 'yong crush ko sa campus!" Galit na sambit ni Zabina. "Oh? Nireject ka?" Tanong muli ni Zara. "Mas malala pa ro'n, Ate! Gusto niya ng ka-espadahan! Ayaw niya ng tahong!" Kwento pa ni Zabina. Napakunot naman ang noo ni Zara. Hindi niya kasi naintindihan ang sinabi nito. Hindi tuloy niya alam kung ano ang dapat na i-react sa kapatid. "Ate, don't make it so obvious with your silence," pahabol na sabi ni Zabina. "What? Obvious with what?" Nagtatakang tanong ni Zara sa kapatid. "That you have no idea on what I said," sagot kaagad ni Zabina. "Because I really don't have any idea. Hindi ko nga maintindihan ang sinabi mong espadahan. Is he a swordsman or something? And what's bad at not wanting to eat shells?" Inosenteng tanong ni Zara. "Ate, hindi literal ang ibig kong sabihin. Mas naiinis na ako ngayon sa'yo kaysa sa lalaking gusto ng espada. What I mean is, kapwa lalaki niya ang gusto niya. Espada, means the p***s of the men. Tahong, v****a of the women," paliwanag pa ni Zabina sa ate niya. "Oh! That's why. Now, I understand. You have a codename for the reproductive parts? That's nice, para hindi mukhang bastos pakinggan," komento din naman ni Zara. "Si Ate talaga. Nakakainis minsan ang kagagahan mo. Nawala na 'yong buwisit ko sa Carlito na 'yon na Carla pala za gabi. Kaya pala madalas akong irapan noon? Kasi insekyora sa akin. Sa'yo na nalipat 'yong inis ko, Ate," sagot naman ni Zabina sa kanya. "Oh, bakit biglang sa akin ka na galit? Wala naman akong ginagawa?" Tanong ni Zara sa kapatid. "That's exactly the reason why! Dapat kasi kampihan mo 'ko. Dapat magalit ka rin kapag galit ako," udyok pa ng kapatid niya sa kanya. Napa-iling na lang si Zara sa asal ng kapatid niya. "Bago ako magalit, I need to know both sides of the stories," tugon lang ni Zara. "Pero ako ang kapatid mo!" Reklamo ni Zabina. "I know. Siyempre, sa'yo ang simpatya ko. Kapatid kita eh. Pero kapag ikaw naman ang mali, bakit kita kakampihan? Hindi naman kasalanan ng Carlito na 'yon kung hindi ka man niya magustuhan pabalik dahil kapwa lalaki niya ang gusto niya. Gano'n din sa'yo. Kapag may lalaking may gusto sa'yo na hindi mo kayang gustuhin pabalik, hindi mo kasalanan 'yon. You have your own free will. And it's not a bad thing to choose what will make you happy. And not choose what you think that won't make you happy," paliwanag pa ni Zara. "Nakakainis, may point ka. Pero ayaw ko sa point mo," nakasimangot na sabi lang ni Zabina sabay walk out na mula sa kwarto ng ate niya. Natatawa na lang na naiiling si Zara habang nakatingin sa pinto ng kwarto niya na isinara nang pabagsak ng kapatid niya. Her sister can be very childish somehow. But she understands her. Dalawa lang kasi silang magkapatid. Ang gusto ni Zabina, magkampihan sila sa lahat ng oras. Wala naman siyang issue ro'n, ayaw lang niya na lumalaki ang ulo ng kapatid dahil alam nitong may kakampi naman sa kanya sa bandang huli kahit na nasa mali pala ito. - Abala si Zara sa negosyo ng kanilang ina. Sinasanay kasi siya ng mga pinagkakatiwalaan ng ina. Graduate siya sa Business course, pero alam naman niyang hindi sapat 'yon. She needs to gain experience in the actual field. Pumapasok siya sa opisina from 8am to 5pm, kagaya ng mga normal na empleyado at sumasahod din tuwing kinsenas at katapusan. Nagsimula siya sa baba, 'yon kasi ang gusto niya. She needs to gain experience from the bottom, then she will crawl her way up to reach the top. Malakas pa naman ang kanyang ina, matagal pa bago siya tuluyang kailanganin ng negosyo nito. So, she will just take her time to learn. Other than the two persons helping her in the business field, no one knows her true identity in their company. Ewan ba niya. Hindi siya confident na ipaalam ang tunay niyang pagkatao. Ayaw niya kasing bigyan siya ng special treatment ng iba. O alam din niyang maaring may mga mainis o mainggit sa kanya kung sakali man. Other people might say, she's living under the shadow of her Mom. Well, that's the truth. That's the perks of being the daughter of her Mom. Pero hindi naman lahat ay madali para sa kanya. Hindi porket tagapagmana siya ay madali na ang lahat sa kanya. She's still under the pressure. A lot of expectations like she should be as good as her Mom. Is she as intelligent as her Mom? Will she also bring success to the business? Her answer? Let's see. Hindi naman kasi pare-pareho ng tandhana ang mga tao. But we can all give our best. Like Zara, she can follow her Mom's path, but that will not guarantee her that she can be the same. Pwede siyang magkulang, magkamali o pumalpak. Handa naman siya kahit alin do'n ang maging kahinatnan. If this line of business is really not for her, then she will go with the Plan B. What is the Plan B? She will make one as she go along with this Plan A. Basta ang goal sa Plan A, ibigay niya ang lahat ng makakaya niya. Makatulong sa kanilang ina sa kahit ano pang paraan na kaya niya. Gano'n naman talaga dapat. Hindi ka pupunta sa laban na ang pakay mo ay masawi sa gyera. Siyempre, ang gusto ng lahat makabalik sa pamilya at manatiling buhay kung maaari. Pero hindi naman lahat ay sinuswerte.  Wala namang mawawala sa kanya maging ano pa man ang kahinatnan. She can always start again. Madadapa, pero hindi susuko. Masusugatan, pero gagamutin niya kaagad. Mapipilay, pero hindi mamamatay. Nahinto sa pag-inom ng kape si Zara nang makita niyang dumaan si Zabina sa harapan niya.  "Zab! Saan ang punta mo? Bakit ganyan ang suot mo?" Tawag niya sa atensyon ng kapatid niya. "Sa opisina, may event kasi kami mamaya eh," sagot naman ito habang lumalakad papalapit sa kanya. "Opisina? Na ganyan ang suot mo? Kita ang cleavage at likod? Baka hindi ka papasukin ng gwardiya niyan?" Tanong ni Zara. "May jacket naman ako sa kotse. Siyempre, magdo-doble muna ako bago pumasok sa opisina," paliwanag pa ni Zab sa Ate niya. "Kahit na. Hindi ka dapat bumibili ng mga damit na ganyan. Labas na halos ang kaluluwa. Hindi na mahihirapan ang mga mamboboso sa'yo eh. Kahit hindi gustong manilip, magkakaroon na kusa ng kuliti," sermon pa ni Zara sa bunsong kapatid. "Relax, Ate. Sa cabinet mo nga 'to galing eh. Saab ka ba bumibili ng ganito? Saka saan mo ginagamit? Ikaw, ha?" Balik naman kaagad ni Zab sa kanya. "Ha? Sa akin 'yan? Patingin nga?" Gulat na tanong ni Zara sabay lapit kay Zab para silipin ang brand ng damit. "Oo nga! Sa akin nga 'to. Regalo 'to ni Ivy," paliwanag naman kaagad ni Zara sa kapatid. "Siguro pumupuslit ka sa club na ganito ang suot, 'no? Ikaw, ha? Ginamit mo pa ang pangalan ng pinsan nating si Ivy? Matanong nga siya," pang-aasar pa ni Zab sa Ate niya. "Tangek! Hindi. Tawagan mo pa si Ivy. Bago pa 'yan. Ikaw pa nga lang ang unang nagsuot niyan eh. Sa'yo na 'yan," sagot naman ni Zara. "Okay, thank you. Bye," mabilis na sagot ni Zab sabay takbo na palalayo. Natulala si Zara. Parang dapat si Zabina ang sinisermunan niya? Pero biglang nalipat sa kanya 'yong hotseat. Napakagaling talaga ng kapatid niyang 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD