"Lolo, anak ba talaga ni daddy si Joshua?"
"Apo, hindi niya anak si Joshua, lumabas na ang results na anak siya ni Rebecca sa ibang lalaki."At iyon ay si Tristan ang kanang kamay ko na tumiwalag sa akin. Ang akala ko ay patay na si Rebecca. Si Tristan ang inuutusan kong patayin si Rebecca. Pero trinaydor niya ako. At ngayon ay magkasama ang dalawa plano nilang pabagsakin ako at kunin ang lahat na meron ako."
."Pero lolo, bakit mo inuutusang si Tristan na patayin ang ina ni Joshua? Masama iyon lolo, mamatay tao ka na rin kung nagkataong pinatay ng taong iyon si Rebecca. Mabuti na lang hindi niya ito pinatay."
"Masyadong garapal si Rebecca, pinatay niya ang mommy at daddy mo. Nang nalaman kong siya ang kriminal ay inuutusan ko si Tristan na patayin siya."
"Pinatay niya sina mommy at daddy? Nagsasabi ka ba ng totoo lolo? Napakahayop niya, tapos ngayon sila pa ang may ganang gumanti sa atin? Samantalang wala namang nawala sa kanila samantalang tayo ay sina mommy at daddy pinatay nila! Walang hiya sila lolo, humanda sila sa akin ako mismo ang maniningil sa ginawa nila kay mommy at daddy!"
"Marga, huwag. Ayokong mapahamak ka anak. Ayokong pati ikaw ay mawala sa akin. Ikaw na lang ang meron ako Marga."
"Pero lolo matagal na panahon nang walang justice ang pagkamatay ng mga magulang ko. Malaya silang naglalakad sa labas? Samantalang ako ay wala nang mga magulang dahil pinatay nila! Lolo hindi ako basta-bastang mananahimik na lang dahil sila ang dahilan kung bakit mag-isa ka lang na nag-aalaga sa akin. Kinuha hindi nila alam kung gaano kahirap lumaking walang mommy at daddy. Sa tuwing binubully ako sa skwelahan noon elementary ay inilihim ko lang sa inyo lolo kasi ayokong mag-aalala po kayo sa akin. Sinolo ko ang sakit at pangungulila sa kanila. Pero ngayong nalamang kong pinatay sila ni Rebecca ay ako mismo ang maghanap ng paraan para gumapang silang mag-ina sa lupa. Sisingilin ko sila lolo, iparanas ko sa kanila ang lupit ng paghihiganti ko."
"Marga, huwag kang kumilos mag-isa ayokong mapapahamak ka. Ayokong magplano kang hindi mo ipapaalam sa akin dahil ayokong mapahamak ka."
turan ni don Alfonso kay Marga.
"Opo lolo. Huwag po kayong mag-aalala."
Kinabukasan ay si Marga na ang umupong CEO ng company. Tinuruan siya ni Don Alfonso kung paano mamalakad ng company. Natuto na siya, dahil ayaw niyang magwagi sina Joshua at Rebecca sa planong angkinin ang ari-arian ni don Alfonso. Habang nasa boardroom ang lahat ay hindi mapalagay si Joshua. Ayaw niyang si Marga ang umupong CEO an plano kasi nila kapag kasal na silang dalawa ay siya mismo ang CEO ng company. Nagtataka siya kung bakit binigay na kay Marga ang posisyon.
Tinitigan niya ang dalaga pero hindi ito nagpapatinag sa kaniya.
"Marga, kaya mo bang gampanan ang posisyon mo?"
"Joshua, kayang-kaya ko. Ikaw kaya mo bang mag-stay sa company kahit alam na namin ang plano ninyong mag-ina? Kung ayaw mong mapaalis rito, huwag na huwag mong pakialaman ang mga desisyon ko. Lahat tayo kabutihan ng company ang hangarin. At iyon ang pinakamimithi ko ang lumago ang ating company. Tapos na akong magsalita at I'm sure lahat tayo rito ay naintindihan ang mga aking layunin. Saka gusto kong sabihin sa inyong lahat na hindi na matutuloy ang kasal namin ni Joshua. Alam kong naguguluhan kayo sa desisyon ko, pero ayokong magpakasal sa lalaking wala akong gusto. Maraming salamat sa inyong lahat magandang araw." tumayo
na rin si Marga at nagtungo palabas ng pinto. Lahat sila ay natulala sa sinasabi ni Marga, lalong-lalo na si Joshua, ilang beses na siyang napalunok ng laway.
Tumayo na rin siya at nagpaalam sa lahat paglabas niya nang pinto ay mabilis siyang tumakbo para habulin si Marga. Nang makita niyang papalayo na ang kotse nito ay nagmamadali siyang sumakay para habulin ang dalaga. Nagulat si Marga nang biglang humarang ang kotse ni Joshua. Napasubosob pa siya sa manebela dahil bigla niyang inaapakan ang preno. Bumaba siya sa kotse at lumapit siya sa sasakyan ni'Joshua. Kumuha siya ng malaking bato at binato niya ang salamin nito. Nagulat si Joshua sa ginawa ni Marga kaya nagmamadaling bumaba siya sa kaniyang kotse. "Marga, anong ginawa mo?! Bakit mo binato ang kotse ko!?"
"Bakit mo ako hinarangan? Alam mo bang muntik na akong mapahamak dahil sa ginagawa mo? Kung sabagay mamatay tao ang mga magulang mo 'di ba? Meron kang pinagmanagan easy lang sa inyo ang pumatay. Tulad na lang sa ginawang pagpatay ng ina mo sa mga,magulang ko!" galit na sigaw ni Marga, hndi siya makapaniwalang alam ni Marga ang lahat. "Anong ibig mong sabihin Marga? Alam mo na pala lahat?"
"Alam ko na ang dahilan kung bakit pumasok ka sa pamilya ko, at alam kong si Tristan ang ama mo! Isang mamatay tao!"
"Ang taong iyon at ang ina mong malandi ang pumatay kina mommy at daddy! Kaya huwag na huwag kayong magkamaling kalabanin ako Joshua, baka sa kulungan ang bagsak ninyong mga kriminal! Ang lakas ng loob mong palasing ama mo ang daddy ko? Para ano Joshua? Para makuha mo ang lahat nang meron ako? Nagpanggap kang bodyguard para subaybayan at alamin ang lahat nang ginagawa ko. Part ng plano ninyong kamkamin ang mga kayaman ni lolo!" bulyaw ni Marga kay Joshua. Hindi na nagsalita ang binata dahil sa sobrang hiya umalis ka na sa company! At umalis ka na sa buhay ko! Hinding-hindi kita bigyan ng pagkakataong magwagi sa mga masamang plano ninyong mag-ina!" galit na sigaw ni Marga, at nagmamadaling sumakay sa kotse niya. Pagdating ni Joshua sa mansion niya ay naabutan niyang nakaupo ang kaniyang ina sa sofa habang umiinom ng wine. Tumayo ito agad nang makitang dumating na si Joshua.
"Anong nangyari Joshua? Bakit mo hinayaang si Marga ang uupong CEO sa company, kaya kita nilagay sa company para magtagumpay tayo sa plano nating kuhain ang kanilang mga kayamanan!"
"Tama na mommy! Hindi ka na ba nakaramdam ng hiya? Alam na ni Marga ang totoo!"
"Anong totoo Joshua? Walang alam ang babaeng iyon! Mangmang iyon walang alam! Bakit hinayaan mong siya ang nasa posiayong gusto kong makuha?! Hindi na ba gumana ang utak mo Joshua? Anong gusto mo ako ang kumilos para matigok agad ang babaeng iyon?"
"Mommy, puwede bang tama na! Ayoko na! Nahihiya na akong humarap sa kanila. Meron akong sariling company! Ikaw lang naman ang gusto nito 'di ba? Gusto mong pasukin at agawin ang company nila, dahil sa kagustuhan mong maghiganti! Pero ang totoo ikaw ang may malaking kasalanan, kabit ka na nga, pinatay mo pa ang mga magulang ni Marga!"
"Gumanti lang ako, dahil ayaw nila akong tanggapin sa mansion!" sigaw ni Rebecca sa galit ni Joshua kinuha niya ang flower vase at binato niya sa wall.
"Tama na mommy! Nakakahiya ka na?! Hindi mo lang makuha ang iyong gusto pinatay mo na ang mga magulang ni Marga. Huwag mong hintaying itakwil kita! Layuan mo na sila, bago pa kita kaladkarin sa kulungan!" galit niyang sigaw. Natulala si Rebecca sa kaniyang narinig, lumapit siya kay Joshua at sinampalniya sa mukha. "Walang hiya ka anak lang kita Joshua!"
"Ayokong ina ang tulad mong kriminal!" galit na bulyaw ni Joshua, iniwanan niya si Recca at nagtungo siya sa kuwarto.