Don Alfonso, nakita ko si Joshua meron siyang kasamang babae. At nalaman kong anak siya sa dating kabit ni Diego." seryosong turan ng detective sa kaniya. Hindi makapaniwala si Don Alfonso sa balita. "Paano nangyayaring magkapatid pala sila sa ama? Alam ba ito ni Joshua?" tanong niya sa sarili. Nagpatawag ng meeting si Don Alfonso at kasamang nag-attend si Joshua. Sinabi niya sa lahat nang board member na si Marga na ang kanilang bagong CEO nagulat ang lahat sa desisyon ng matanda. Nang matapos na ang board meeting ay lumapit siya kay Joshua, dahil nakita niyang nagtataka ito sa desisyon ng matanda.
"Joshua, alam kong nagulat kita. Meron lang akong gustong itanong sa 'yo. Mahal mo ba talaga ang apo kong si Marga o pumasok ka lang sa company para maghiganti sa amin ng apo ko."
nagulat si Joshua sa narinig niya, nagmadali siyang humarap kay Alfonso at tinitigan niya sa mukha.
"Don Alfonso, alam mo na pala ang lahat?" tanong niya.
"Hindi ako bobo tulad ng inaakala mo, ang pagpasok mo bilang body guard ni Marga ay entensiyon mo talaga kasama sa plano mo 'di ba?"
"Oo, dahil gusto kong maghiganti sa pagpapahirap mo kay mommy. Pinagkaitan mo siya ng kaligyahan. Mahal na mahal ni mommy ang anak ninyo pero hindi mo siya binigan ng pagkakataong mabuhay kasama ang anak mo!"
"Dahil kabit ang ina mo! At ayokong maiskandalo ang pamilya ko, ayokong meron salot na nakatira sa mansion ko. Saka mahal ng anak ko ang asawa niya. Ang ina mo ang nagpumilit na pasukin ang mundo namin dahil gusto niyang makakuha ng kayamanan namin." seryosong turan ni Alfonso kay Joshua. Lumapit si Joshua at hinablot niya ang kuwelyo nito. Aktong dumating si Marga.
"Joshua, bakit mo sinaktan ang lolo ko? Hayop ka?!" lumapit si Marga ka Joshua at sinampal nya sa mukha. At tinulak niya palabas ng board room. "Mulan ngayon Joshua ayoko nang magpakita ka pa sa apo ko. Lumayas ka na rito. Dalhin mo ang shares mo wala nang dahilan upang manatili ka pa rito." nagulat si Marga sa kaniyang narinig at tumitig siya kay Joshua. "Lolo anong nangyayari? Paano na ang kasal namin ni Joshua?"
"Apo, anak siya sa dating kabit ng daddy mo. Hindi siya totoo. Pumasok siya sa buhay natin para mahiganti sa ating dalawa. Kalimutan mo na siya anak. Magkapatid kayo sa ama." lumaki ang mga mata ni Marga sa kaniyang narinig bumaling siya kay Joshua at sinampal niya ito sa mukha.
"Joshua, paano mo nagawa sa akin 'to? Alam mo namang totoo ang pagmamahal ko sa 'yo 'di ba? Manloloko ka! Lumayas ka na rito? Bakit mo hinayaang mahulog ako sa 'yo? Magkapatid tayo sa ama pero hinayaan mong magtatalik tayo? Hayop ka Joshu! Demonyo ka!"
"I'm sorry Marga, ang totoo ay ni minsan ay hindi kita minahal. Paghihiganti ang dahilan kung bakit pumasok ako sa buhay mo. Gusto kitang saktan tulad ng ginawa ni Don Alfonso kay mommy. "
"Kabit ng daddy mo ang ina ni Joshua. Galit na galit siya dahil pinalayas ko raw ang mommy niya noon sa mansion. Hindi naman puwedeng tumira siya sa mansion alangang silang dalawa ng mommy mo magkasalo sa daddy mo. Buntis pala nang pinalayas ko sa mansion baka nagkuwento sa kaniya ang ina niyang mukhang pera kaya nandito ngayon ang lalaking 'to para kunin ang lahat na meron tayo."
"Lumayas ka na rito Joshua, at huwag na huwag kang magpapakita sa akin! Nakakadiri ka! Tulad ka nang mommy mong makapal ang mukha!" tumawag ng guard si Marga para dalhin sa labas si Jushua. Pero nagulat si Marga nang hawakan ni Don Alfonso ang kaniyang dibdib.
"Lolo, bakit po? Meron bang masakit
sa 'yo?"
"Apo, ang puso ko."
"Lolo, dalhin kita sa ospital. Tulong! Tulong!" nagulat si Marga nang biglang binuhat ni Joshua si Don Alfonso. At dinala niya ito sa labas. Kinarga niya agad sa kotse ng matanda. Nagmadaling sumakay si Marga upang alalayan ang matanda. Nagtaka siyang sumakay si Joshua katabi kay don Alfonso.
"Anong ginagawa mo rito Joshua? Lumabas ka na!"
"Marga, apo din ako ni Don Alfonso gusto kong makasigurong ligtas siya. Nang dumating sila sa ospital ay dinala agad si don Alfonso sa emergency room. Humagulgol nang iyak si Marga nang hindi siya pinayagang makapasok sa loob. "Marga dito ka lang bawal kang pumasok sa loob. " turan ni Joshua sa kaniya.
"Ikaw ang dahilan kung bakit inatake si lolo! Sa oras na mero masamang mangyayari sa lolo ko, humanda ka sa akin dahil ipakukulong kita!" galit niyang sigaw sa binata. "Marga, tulad mo lolo ko rin si Don Alfonso anak ako ng daddy mo. Kaya kung puwede lang huwag ka namang masyadong magalit sa akin dahil magkadugo tayo. At hindi ko naman intensiyong magkagulo at umabot sa ganito. Gusto ko lang makapasok sa buhay ninyo dahil pinagkaitan ako ng karapatan. Lahat na meron ka ay meron akong karapatan dahil pareho tayong apo ni lolo." seryosong turan ni Joshua dahilan sa pagkunot ng noo ni Marga. "Joshua, ang kapal ng mukha mo! Kung talagang apo ka nga ng lolo ko, dapat nagpakilala ka sa maayos na paraan 'di iyong niloloko mo kaming lahat, nagpanggap ka pang bodyguard at nag-invest ka pa sa company namin, para ano Joshua? Para makuha mo ang lahat na meron si lolo? Hindi ka na ba nahiya sa sarili mo? Ang sabihin mo pera ni lolo ang hinahabol mo hindi dahil apo ka rin niya. Pinaibig mo ako? Pinaniwala sa hindi totoo! Nagsesex tayo kahit alam mong magkadugo tayong dalawa, hindi ka ba nandidiri Jushua? Nakakahiya ka! Nakakadiri tayong dalawa! Ngayon kong meron ka pang hiya, umalis ka na at huwag na huwag ka nang magpakita pa sa akin! Lalong-lalo na sa lolo ko!"
"Marga, magalit ka lang hangga't gusto mo. Pero kahit anong gawin mo ay hindi ako aalis, dahil kung meron kang karapatan mas lalo naman ako tandaan mong mas deserve ko 'to dahil lalaki ako at marami akong alam sa pamamalakad ng negosyo, hindi tulad mo na spoiled brat, walang ambag sa buhay ni lolo, ikaw ang nagbigay ng sakit sa kaniya Marga. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkasakit sa puso si lolo. Tandaan mong hindi ako papayag na habang buhay kang mamumuhay bilang prensisa sa mansion ng lolo ko. Kung ako sa 'yo lumayas ka na, dahil wala kang kuwentang apo!"
"Ang kapal ng mukha mo Joshua, salot ka! Kabit ang ina mo sa daddy ko. Nakakadiri kayong pareho ng ina mo! Wala kang karapatang sirain ang mundo ko, dahil basura ka lang tulad ng ina mong higad, makati, at linta!" galit na galit na lumapit si Joshua kay Marga at sinakal niya ito. Mabuti na lang meron dumating na mga nurses at security guard madaling inawat nila si Joshua. "Huwag na huwag mong bastusin ang mommy ko Marga! Sa susunod papatayin na kita!"
"Masakit ang katotohanan Joshua. Hindi mo matanggap na pokpok ang mommy mo, kaya nagagalit ka ng ganiyan! At ikaw ang bunga sa kalandian niya. Get lost Joshua!"