Nagulat si Don Alfonso na meron siyang dumating na bisita nang tingnan niya ay mas lumaki pa ang kaniyang mga mata. "Kumiusta ka na don Alfonso? Naalala mo pa ako?"
"Re–Rebecca, anong ginawa mo rito? Umalis ka sa harapan ko! Kriminal ka!"
"Don Alfonso relax. Akala mo ba patay na ako? Kaya ka malayang naglalakad sa magulong mong mundo? Don Alfonso. Nasasaktan ako kasi hindi mo ako tinanggap dapat kami ni Diego ang magpaoakasal pero mas pinili mong ang babaeng iyon dahil mayaman matunog ang pangalan at anak ng governor. Paano naman akong nakatira lang sa maliit na apartment? Paano naman akong walang kayamanan?"
"Rebecca, deserve mo namang iwanan dahil hindi ang anak ko ang ama ng batang pinagbubuntis mo. Hindi ako matapobre nalaman ko kasing pera lang ang hangad mo sa anak ko kaya kumakapit ka. Nagpabuntis ka sa ibang lalaki para makuha mo ang kayaman ko? Ganiyan ka ba katanga Rebecca? Tandaan mong hindi ako papayag na ang tulad mo lang ang mapangasawa ng anak ko.!
"Napasama mo Don Alfonso, nararapat lang na mamatay silang mag-asawa dahil ayokong makita silang masaya samantalang ako ay nagdurusa."
" Mamatay tao ka Rebecca, ang akala ko ay pinatay ka na sa tauhang kong si Tristan. Traydor ang lalaking iyon nakuha pa ninyong pasukin ang aking company? Ang kapal ng mukha ninyong dalawa! Huwag na huwag kayong lumapit sa apo ko dahil kayang-kaya ko kayong ilibing na buhay!"
"Mahal na mahal mo talaga ang spoiled brat mong apo? Bakit nang nalaman mong buntis ako'noon ay pinalayas mo ako sa mansion. At itinaboy mo akong parang aso! Nagmamakaawa ako sa 'yo pero pinalayas mo pa rin ako!"
"Dahil nalaman kong ikaw ang pumatay sa mga magulang ni Marga! Anong gusto mo tanggapin ko ang babaeng kriminal na tulad mo? Mabuti na lang na hindi kita tinanggap dahil hindi naman pala ang anak ko ang tunay na ama ni Joshua. Plano pa ninyo akong skamin? Napakawalang hiya ninyong mag-ina!"
"Sige lang Don Alfonso, darating din tayo sa point na mamatay ka na at ako na mismo ang mamumunosa company mo! Dahil'ako naman talaga ang nararapat na maging CEO hindi ang apo mong walang alam kung 'di uminom ng alak, mag-car racing at manglandi!"
"Bawiin mo ang sinasabi mo! Hindi malandi ang apo ko. Spoied brat lang siya pero never siyang nangungulikta ng lalaki Hindi tulad mong kahit kanino pumapatol para lang sa pera!" sa galit ni Don Alfonso ay pinindot niya ang buzzer at pumasok ang mga nurse at doctor. Nagmamadaling tumakbo si Rebecca palabas ng kuwarto ni Don Alfonso. Pagdating ni Marga sa ospital ay nagulat siyang meron biglang bumangga sa kaniya, bumagsak ang kaniyang katawan sa sahig dahil sa lakas ng empact. "Hoy! Ano ba ang problema mo! Bulag ka ba? Hindi mo ako nakita?" galit na sigaw niya, pero tumitig lang si Rebecca sa kaniya at nagmamadaling tumakbo palayo. Nang pumasok siya sa kuwarto ng lolo niya ay nagtataka siyang maraming nurse at doctor. "Anong nangyayari kay lolo. Lolo, lolo, anong nangyayari sa 'yo?"
"Ma'am, walang nangyayari meron siyang bisita kanina isang babae, dahilan sa pagtaas ng dugo niya."
"Sinong babaeng bisita? Kabilin bilinan ko sa inyo na walang puwedeng pumasok sa kuwartong 'to, kung 'di ako lang. Delikado ang buhay ni lolo ngayon maraming gustong pumatay sa kaniya. Meron naman akong inuutusang magbantay lolo 'di ba? Ikaw ang private nurse niya apat kayong kinuha ko para secure ang kaligtasan ni lolo!"
"Ma'am, I'm sorry. Ako po ang may kasalanan eh, kumuha ako ng mainit na tubig sa nurse station gusto ko sanang magkape, saglit lang naman ako, kaso ang bilis ng babaeng iyon."
"Anak, Marga. Huwag mo silang pagalitan inaalagaan nila akong lahat, pero mabilis lang talagang kumilos ang babaeng iyon!"
"Lolo, ang babaeng iyon ay binagga niya ako. Namumukhaan ko siya lolo. Maganda siya kahit meron ng edad."
"Marga siya si Rebecca, siya ang babaeng pumatay sa mga magulang mo. At siya ang ina ni Joshua." seryosong turan ni Don Alfonso lumaki ang mga mata n Marga at tumitig siya sa lolo niya.
"Anong ginagawa niya rito lolo? Sinaktan ka ba niya? Bakit siya nandito?"
"Makinig ka sa ikukuwento ko sa 'yo apo.
Gusto niya akong patayin. Mag-ingat ka sa kanilang tatlo dahil meron silang masamang plano. Hangad pa rin nila ang makuha ang company ko, noong magsiyota pa sila ng daddy mo, ang tanging pangarap niya ay pakasalan siya. Secretary kasi siya ng daddy mo, inaakit niya upang matupad ang kaiyang ambisyong umupong CEO sa company natin. Kaso naka-arrange marriage ang daddy at mommy mo. Hindi niya matanggap kaya naghahanap siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal. Sa Amerika ko pinakasal ang iyong mga magulang dahil ayokong sisirain ni Rebecca ang kanilang kasal. Nag-stay sila sa Amerika nang halos dalawang taon. Umuwi sila rito sa pilipinas dahil namatay ang lola mo. Lumipas ang ilang taon ay sumugod si Rebecca sa mansion, buntis raw siya ang daddy mo raw ang ama. Gusto niyang sa mansion tumira dahil meron raw karapatan ang anak niya sa mga kayamanan ko. Saka ko na lang nalamang nagpatuloy ang relasyon nila ng daddy mo. Madalas silang magkasama. At binigyan siya mg daddy mo ng sariling bahay. Malaki at meron siyang allowance everymonth. Dahil buntis nga siya kaya ginawa ng daddy mo ang lahat para maprotektahan niya si Rebecca. Pero nalaman ng mommy mo ang relasyon nilang dalawa. Kaya binigyan ko ng power ang mommy mong saktan si Rebecca. Busy ang iyong ina sa pag-aalaga sa 'yo. Mahal na mahal ka niya apo, ni ayaw ka niyang pahawakan kay yaya mo noon. Dahil natatakot siyang baka mapilayan ka ayaw ka niyang ipagkatiwala sa iba. Hindi na siya nagtatrabho para mag-focus siya sa pag aalaga sa 'yo. Kaya nang nalaman niyang nagsasama na ang daddy mo at si Rebecca sa isang bahay nawawasak ang puso niya at sobrang galit na galit siya, nakipaghiwalay siya sa daddy mo pero saka na lang napagtanto ng iyong ama na, mahal na mahal niya ang mommy mo. Binigyan ko si Rebecca ng limang million para layuan ang daddy mo tinanggap niya ang pera. Pero matigas pa rin ang ulo niya. Nakipagkita pa rin siya, dahil mas malaki raw ang matanggap niya kapag CEO na siya sa company ko. Nang nalaman ng iyong ina ang plano ni Rebecca, ay sinugod niya ito bitbit niya ang gasolina, binuhusan niya ang dingding at sinunog niya. Sa mga oras na iyon ay muntik nang namatay si Rebecca pero nakatakas ito kasama pala ang daddy mo sa loob ng bahay. Sa galit ng mommy mo nang makita silang dalawa ay pinaliguan niya ang sarili ng gasolina, dahil gusto na lang niyang magpakamatay dahil hindi na niya mapigilan ang daddy mo. Pero niyakap siya ng daddy mo sinakay sa kotse at nagtungo sila sa dagat para paliguan ang mommy mo. Sa mga oras na iyon ay takot na takot ang iyong ama. Kaya siya na mismo ang nagdesisyong sa Amerika na sila maninirahan. Pero nang nalaman ni Rebecca ang plano ng mga magulang mo ay kumuha siya ng mga tauhan at pinakidnap niya ang iyong mga magulang. Natagpuang patay at puro bogbog ang kanilang mga katawan. Pinaimbistigahan ko ang nangyayari. Lumapit sa akin ang tristan na iyon para siya ang mag imbistiga dahil isa raw siyang detective at magkaibigan raw sila ng mommy mo, gusto niyang makuha ang hustisya sa pagkamatay ng iyong mga magulang. Lumipas ang ilang buwan ay pumunta si Rebecca sa mansion nagmamakaawang tanggapin ko siya at ang batang nasa sinapupunan niya dahil apo ko ang bata. Pero kinaladkad ko siya palabas ng mansion, sa mga oras na iyon hindi ko alam na siya ang pumatay sa mga magulang mo. Bumalik si Trista sa akin at sinabing pinatay niya si Rebecca. At huwag na raw akong mag-aalala dahil walang nakakaalam sa ginagawa niya. Ang akala ko ay totoong patay na si Rebecca, pero nalaman ko na lang na siya ang ina ni Joshua. Lumapit si Joshua sa akin noong naghahanap ako ng bodyguard para sa 'yo. Plano na pala nilang tatlo ang pasukin ang mundo natin. At saka ko na lang nalamang matagal na palang magkakilala sina Rebecca at Tristan. At siya ang ama ni Joshua. Grabe ang plano nilang dalawa matalino, silang gumawa ng paraan para makabalik sa buhay natin. Natatakot ako apo, na baka saktan ka nila ayokong mawala ka sa akin apo."
"Hayop sila, humanda silang lahat sa akin, ako mismo ang maniningil sa kanila!"