CHAPTER 16

2181 Words
"Hayop ka Rebecca! Humanda ka sa akin!" nang makatulog na si Don Alfonso ay nagmamadaling umalis si Marga. Nagtungo siya sa company ni Joshua, dahil gusto niya itong komprontahin. Galit na galit siya sa kaniyang nalalaman Hindi niya matanggap na malayang humihinga ang mga taong dahilang naulila siya sa magulang. Pagdating niya sa company ay hinarangan agad siya ng secretary. "Ma'am, bawal po kayong pumasok sa opisina ng CEO meron siyang bisita." "Sinong bisita niya?" "Ang mommy at daddy niya. Kabilin-bilinan ni madam Rebecca na bawal magpapasok sa opisina ng CEO. "Hindi ako basta-bastang bisita. Fiance ako ng CEO ninyo." preskong turan ni Marga, natulala ang secretary at napalunok ng laway, mabilis niyang pinayagang pumasok si Marga sa loob. Pagbukas ni Marga sa pinto ay nagulat silang tatlo at nagmamadaling tumayo. "Marga, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Joshua, nagulat silang tatlo nang galit na galit itong lumapit kay Rebecca. "Ikaw ang bumangga sa akin sa ospital kanina 'di ba? At ikaw ang pumatay kay mommy at daddy? Kanina pinuntahan mo si lolo sa ospital, bakit? Gusto mo rin siyang patayin? Para makuha mo na ang company. Nakakadiri ka, bukod sa isa kang kriminal ay gold digger ka!" "Dahan-dahan ka sa mga salitang binibitawan mo Marga, nasa teretoryo kita!" sigaw ni Rebecca. "Marga, hindi mo na kailangang pumunta rito! Baka mapahamak ka!" seryosong turan ni Joshua. "Bakit mo ako sinugod rito Marga? Meron ka bang ebedensiya? Kung magsasalita ka akala mo lahat nang sinasabi mo totoo. Kaya mo bang patunayan sa korte iyan Marga?" "Kaya kong patunayang malandi ka! Na kahit mag-asawa na sina mommy at daddy pinagsiksikan mo pa ang sarili mo! Dahil ambisyosa ka, gusto mong kamkamin ang mga kayamanan ni lolo! At ang lakas loob mong magpabuntis sa ibang lalaki para ipaangkin sa daddy ko?" "Marga, tama na hindi mo sila kilala!" "Bakit Joshua, iba ka ba sa kanila? Iba ang style mo sa panloloko! At Ang kapal ng mukha mong kunsintihin ang kahayupan ng ina mo! Pare-pareho kayong lahat mga kriminal! At ikaw Rebecca, huwag na huwag ka nang bumalik sa ospital kung nasaan na confined si lolo, dahil sa oras na saktan mo siya, ibabaon kita sa ilalm ng lupa!" galit na'sigaw ni'Marga nakita ni Joshua si Tristan na lumapit kay Marga kaya gumitna siya. "Daddy huwag mo nang patulan babae siya nakita mo naman." "Kakampihan mo pa iyan Joshua? Wala akong pakialam kahit babae pa siya. Ang gusto ko ay kaladkarin siya palabas baka meron pang makarinig sa mga sinasabi niya!" galit na turan ni Tristan kay Joshua. "Bakit Tristan? Mahihiya ka ba kung may makarinig? Oo nga naman nakakahiyang kamkamin ang kayamanan mg iba lalo na at alam mong kalandian lang ang iyong puhunan! Humanda kayong tatlo, dahil sa kulungan ang bagsak ninyo!" "Anong kaya mong gawin Marga? Bobong babae ka 'di ba? Wala kang kuwenta at lalong wala kang alam sa mga nangyayari noon!" "Sinabi sa akin ni lolo ang kahayopan mo! Ilang beses kang pinakiusapang layuan si Daddy pero mas pinili mong akitin ang daddy ko, kumabit ka para sa pera 'di ba? Ganoon kang klaseng babae, marumi at nakakadiri!" "Nagmamahalan kami ni Diego! Inaagaw siya sa akin ng malandi mong ina!" "Hindi kasalanan ng mommy ko dahil arrange marriage silang dalawa. Tradisyon ng pamilya namin ang ipakasal sa mas mayaman pa sa amin. Ikaw kung meron kang utak dapat naintindihan mo dahil lagi kami ng mga chinese. Ikaw na dapat ang umiwas pero pabalik-balik ka kay daddy nagpabuntis ka pa sa ibang lalaki para makuha mo ang atesiyon ni daddy. At ikaw Josuhua, proud ka ba sa mga magulang mong kriminal. Dahil lang sa pera ay nagawa nilang pumatay? Binayaran ka ng limang milyon ni lolo para layuan mo si daddy. Dahil hindi deserved na lokohin si mommy dahil malinis siyang babae! Pero alam mo ba Josshua kung ano ang ginawa ng magaling mong ina? Tinanggap niya ang limang million pero patuloy pa rin siya sa pang-aakit kay daddy. Hanggang sinunog ni mommy ang bahay na binigay ng daddy ko sa 'yo! Nang pinili ni daddy na maninirahan sila sa America ay kinidnap mo silang dalawa. Binugbog at pinatay! Ngayon Joshua, sabihin mo sa akin. Anong karapatan ng ina mo para bumalik upang maghiganti? Anong karapatan ninyong pumasok sa buhay namin ni lolo samantalang kayo ang may atraso sa amin!" "Gumaganti lang ako Marga dahil meron inutusan ang lolo mong patayin ako!" "Dahil nalaman niyang pinatay mo sina mommy at daddy!" "Walang utos ni lolo na patayin ka! Ang utos ni lolo sa taong ito ay hanapin ka at iharap sa kaniya. Pero ang sinabi nitnong Tristan kay lolo ay pinatay ka niya naniniwala namam si lolo ang hindi niya alam ay palabas lang pala ninyong dalawa ang lahat, dahil kasama sa plano ninyo 'di ba? Nagulat na lang ang lolo nang nalaman niyang anak pala ni Daddy si Joshua, at ang akala naming magkapatid kami.'Mabuti na lang nagpaimbistiga si lolo nalaman niyang anak pala ng dati niyang tauhan si Joshua. Alam ko ang mga kababuyan ninyo! Bukod sa makakapal ang mga mukha ninyo, mukha pa kayong pera!" Binabalaan ko kayong tatlo sa oras na meron masamang mangyayari sa lolo ko kayo ang ituuro kong suspect at nakunan ka sa CCTV Rebecca, at narinig ko lahat nang mga sinasabi mo sal lolo ko, kaya meron akong malakas na ebedensiya laban sa inyo!" nagmamadaling lumabas si Marga sa opisina ni Joshua, pagdating niya sa parking lot ay nagulat siyang meron humila sa braso niya. "Marga, mag-usap tayo!" "Wala na tayong kailangang pag-usapan Joshua, dahil masaya na akong malamang hindi tayo magkapatid, at least wala akong kadugong kriminal at mukhang pera!" "Marga, maniwala ka sa akin? Noong una ang alam ko lang ay pinapatay ng lolo mo si mommy. Hindi ko alam ang buong istorya. Iba ang sinasbi nila sa akin maniwala kang wala akong alam. Lately na lang nang nalaman kong iba pala ang plano nilang dalawa, narinig ko silang nag-uusap na hindi ko raw dapat malaman na silang dalawa ang pumatay sa mga magulang mo." paliwanag ni Joshua kay Marga pero tinulak siya nito at sinampal sa mukha. "Huwag na huwag mo akong subukang kombensihin sa kasinungalingan Joshua, kahit mamatay ka pa hinding-hindi kita mapapatawad sa pagpatay ninyo sa mga magulang ko!" "Hindi ako ang pumatay Marga, hindi ako kriminal!" "Mga magulang mo sila, kung ano ang puno ganoon na rin ang bunga!" "Mapanghusga ka na pala ngayon Marga? Hindi mo ako subukang paniwalaan? Nagsasabi ako sa iyo ng totoo!" "Wala akong pakialam Joshua, basta ang alam ko lang, never na akong magtitiwala ulit sa mga lalaki, dahil tulad mo rin silang lahat, bukod sa manloloko ay mukhang pera!" "Anong ginagawa mo rito Marga? Milagro biglang sumulpot ka." "Franco, kumusta na ang bar? " "Okay lang, sa awa ng diyos meron na akong branch sa east ave. Saka medyo malaki na rin ang income ko monthly. Hindi na rin ako lugi." "Mabuti naman kung ganoon Franco, I'm sorry kung hindi ko na pinapansin ang tawag mo. Ang daming problema sa company. Saka nabalitaan mo naman siguro na umatras na ako sa kasal namin ni Joshua." Pinagpiyestahan kayo Marga, ang sikat ng pangalan ninyo kaya ang bilis nag spread ng balita. Pero wala pa namang inilibas na dahilan kung bakit ka umatras.Ang sabi ng mga netizins ay spoiled brat ka kaya siguro na-discourage si Joshua. Ano nga ba ang totoong dahilan Marga? Baka puwede mong sabihin sa akin. Pero kung ayaw mo namang magkuwento huwag kang mag-aalala maintindihan kita." seryosong turan ni Franco habang pinagmamsdan ang itsura ng kaibigan. "Marga, bakit parang pumayat ka ngayon, ang stress ng itsura mo. Halika meron akong bagong wine ang sarap nito." kumuha siya ng baso at nagsalin siya saka inabot niya kay Marga. Naramdaman niyang hindi ganoon kadali ang pinagdadaanan ni Marga. Lumapit siya sa dalaga at binuka niya ang kaniyang mga braso. "Willing pa rin akong yakapin ka sa tuwing nalulungkot ka. Handa pa ring saluin ng balikat ko ang iyong ulo." malungkot na turan niya kay Marga. Saka na lang tumingin si'Mara sa kaniya at nagmamadaling sumandal sa dibdib niya. Nang humagulgol ng iyak si Marga ay hinaplos niya ang buhok nito sabay haplos sa likod. Nandito lang ako Marga. Ako pa rin 'to ang iyong kaibigan." umiiyak na turan nito kay Marga. Saka na lang siya kumalas nang medyo magaan na ang pakiramdam niya. "Okay ka na ba?" "Franco, I'm sorry. Hindi na talaga kaya ng dibdib ko eh, alam mo ba ang pakiramdam na ginamit at niloloko? Tipong nagtitiwala ako ng buong puso. Saka first time kong pinagkatiwala ang puso ko sa tao pang sinungaling at manloloko." "Bakit Marga, anong ginawa ng lalaking iyon? May ibang babae ba siya?" "Meron siyang ibang babae, saka ang mga magulang pala niya ang pumatay sa mga magulang ko. Kaya pumasok siya sa buhay ko para maghihiganti at kunin ang lahat naming kayamanan. Ang paraan niya ay ang pakasalan ako, para sa ganoon ay madali na lang sa kaniyang gawin ang plano nilang kamkamin ang mga kayamanan ni lolo." "Paano nila nagawa sa 'yo ang lahat nang iyan Marga? Napakawalang hiya ng pamilya niya!" "Franco, ang sakit-sakit kasi habang nagpapaliwanag siya sa akin kanina ay gusto na namang maniwala ang puso ko sa mga sinasabi niya. Kaso mas pinapairal ko ang utak ko dahil ayokong maisahan naman niya sa ikalawang pagkakataon." "Marga, mahal mo pa rin ba siya sa kabila ng masamang ginagawa niya sa 'yo?" "Franco, kung maaring tanggalin na lang ang puso ko para makawala ako sa nararamdamang kong 'to pero hindi eh. Ang daya- daya ng puso ko Franco." wika niya habang humagulgol ng iyak. "Marga, relax. Huwag na huwag mong hayaang makalapit sila sa lolo mo. Baka meron silang hindi magandang plano. Saka kailangang mong mag-ingat upang sa ganoon ay hindi sila magkaroon ng pagkakataong saktan ka." "Mommy, hindi ba kayo titigil? Tama na puwede?! Huwag naman ninyong karerin ang pagkawalang hiya ninyo! Dapat nasa kulungan kayong dalawa ni daddy para pagbayaran ninyo ang mga kasalanan ninyo sa kulungan!" "Joshua, hindi mangyayari iyon, walang makukulong dahil hindi kami puwedeng makulong, saka wala silang hawak na ebedensiya laban sa amin ni Tristan." "Kaya pala kampanti kayong dalawa? Dahil walang sapat na ebedensiya? Nakakatulog pa kayo sa gabi? Minulat ninyo ako sa kasinungalingan. Naisip ba ninyo ang impact nito sa pagkatao ko? Nanakit ako ng inosenteng babae, ni minsan ba iniisip ninyo ang kinabukasan ko ang maaaring mangyayari sa akin in the future? Puro kayamanan ang nasa isip ninyo eh, ni peso ay wala kayong ambag kayamanan nila iyon hindi sa inyo!" galit na sigaw ni Joshua sa kaniyang mga magulang. Parang wala lang kay Rebecca ang mga sinasabi ni Joshua. Pabalik-balik ito ng lakad na parang meron iniisip. "Naririnig mo ba ako mommy? Puwede ba kahit minsan lang gumawa naman kayo ng mabuti!" "Puwede ba Joshua, huwag mo kaming pangaralan! Alam ko ang ginagawa ko. Walang mali sila ang may kasalan sa akin, kung hindi nila pinakasal si Diego sa babaeng iyon ako na sana ang multi-billioner ngayon hindi si Marga!" "Mommy, sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Inaambisyon mo ang kayamanan ng ibang tao? Dapat nasa mental ka mommy, dahil baliw ka na! At ikaw daddy hindi ka ba nagseselos? Okay lang sa 'yo na marinig na nanghihinayang siya nang hindi maikasal kay Diego? Baka okay lang sa 'yo dahil nakikinabang ka, kasi papatayin pa rin ninyo si Diego 'di ba? Dahil iyon nga ang nasa plano ang nakawin ninyo ang kayamanan ng ibang tao? Nakakahiya sa buong mundo, kung puwede lang palitan kayong magulang ko, matagal ko nang nerequest. Nakakahiya kayong pareho!" "Kung ayaw mo kaming tulungan Joshua, wala kaming pakialam. Meron kaming mga tauhang mautusan. Huwag na huwag ka nang magsalita kung wala ka namang magandang sasabihin! Nakakabingi ka na!" galit na wika ni Rebecca kay Joshua sak nagmamadaling pumasok sa sariling silid. "Joshua, I'm sorry. Pero ang mommy mo pa rin ang nasusunod. Huwag ka na lang mangingialam. Gawin mo ang gusto mong gawin sa buhay mo, basta layuan mo lang si Marga, dahil kami na ang bahala sa kaniya." nagulat si Joshua nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang ama. Sa sarili niya ay alam niyang mahal niya si Marga pero wala na siyang lakas ng loob na lumapit sa dalaga. Nahihiya na siyang suyuin si Marga baka kasi isipin nitong kayamanan ang dahilan kung bakit gustong niyang bumalik sa buhay nito. "Tama na dad! Konting respito naman sa sarili!" turan niya sa kaniyang ama at nagmamadaling sumakay sa kaniyang kotse at pinaharurot ng takbo. Naiwang natulala si Tristan, ang totoo ay gusto niyang mapadali na lang ang plano ni Rebecca para matapos na ang lahat. Dahil pagod na rin siyang sunod-sunuran sa gusto nito. "Tristan bakit nakatulala ka diyan? Nasaan na ang magaling mong anak? Hindi ko alam kung ano ang pinakain ni Marga sa kaniya, malaki na ang pinagbago niya mula nang magkakilala sila." "Hindi mo ba nakikita Rebecca? Mahal ni Joshua ang babaeng gusto mong patayin." "Tristan, kailangang mawala sa landas ni Joshua ang babaeng iyon, dahil sagabal siya sa mga plano natin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD