Habang nagmamaneho si Marga papuntang company ay nagulat siya nang may nakasunod na kotseng kulay black sa kaniyang likuran. Kinuha niya ang kaniyang baril at hinanda niya ang sarili, pumasok sa isip niya na baka barilin siya, o 'di kaya ay paulanan ng bala. Mas pinaharurot niya ang kaniyang kotse, nakita niyang lalong hinabol siya sa mga nakasunod sa kaniya. "Alam kong sina Tristan at Rebecca ang may pakana nito." nagulat siya nang biglang hinarangan siya ng kotse, kaya mabilis niyang inaapakan ang preno at nasobsob siya sa manibela. Sa galit niya at kinuha niya ang kaniyang baril, nang nakita niyang meron tatlong lalaking lumabas sa kotse ay nakaramdam siya ng takot dahil meron itong hawak na baril. Nakita niyang tinutukan siya ng baril at inuutusang buksan ang kotse. Binuksan niya ang salamin ng kotse at binaril niya ang lalaking meron hawak na baril. At mabilis niyang pinaharurot ang kaniyang sasakyan. Pero sinundan pa rin siya ng mga lalaki. Lumaki ang mga mata niya nang makitang sumabog ang kotseng nakasunod sa kaniya. "Anong nangyayari? Bakit sumabog ang kotse nila? Nawala na rin ang takot ko pero kailangang balikan ko si lolo sa ospital." bulong niya sa sarili.
"Tristan, nakita mo ba ang balita? Sumabog ang kotseng sinakyan ng mga tauhan natin! I'm sure si Joshua na naman ang nagplano nito!"
"Lintik na Joshua wala nang ginawang tama!"
"Kung kuntento na siya sa low class niyang company ako hindi. Ang company ni Don Alfonso lang ang gusto kong makuha. Upang sa ganoon ay hawak natin ang pinakasikat na company sa buong pilipinas."
"Pero paano natin magawa ang sinasabi mo Rebecca? Hindi umaayon sa plano natin si Joshua. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig."
"Gawin ko ang lahat para mawala si Marga sa landas niya kailangang mamatay na ang babaeng iyon!"
Nagulat silang dalawa nang bumaba si Joshua at meron itong bitbit na malaking bag. Lumapit sina Tristan at Rebecca sa kaniya, pero hindi niya ito pinapansin. "Joshua? Saan ka pupunta? Bakit malaking bag ang dala mo?"
"Ayoko nang makita ang mga mukha ninyong sobrang makapal, sa oras na meron masamang mangyari kay Marga, kalimutan kong mga magulang ko kayo. At ako na mismo ang magpapakulong sa inyong dalawa!" sigaw niya at nagmamadaling lumabas. Naiwang tulala ang dalawa at walang salitang lumabas sa bibig nila. Nang umalis na ang kanilang anak ay saka na lang nagsalita si Rebecca. "Tristan ang anak natin. Saan iyon pupunta?"
"Huwag kang mag-alala Rebecca, pasundan ko siya sa mga tauhan natin."
Habang nagmamaneho si Joshua ay nakita niyang meron sumunod sa kaniya. Gusto niyang puntahan ng ospital si Don Alfonso dahil gusto niyang kumustahin ang kalagayan nito. Nang akmang papasok na siya sa loob, ay hinarangan siya ng mga pulis. Bawal ang kahit na sinong pumasok sa loob except kay Marga. "Sir, bawal ka sa loob. Walang kahit na sino ang puwedeng pumasok sa loob tanging doctor at mga nurses lang ang puwedeng pumasok. Kahit sa loob ay meron nakabantay na pulis."
"Gusto ko lang sanang kumustahin ang matanda. Wala akong gawing masama." seryosong turan ni Joshua. Nagulat siya nang biglang nagsasalita si Marga sa kanilang likuran.
"Bakit ka nandito Joshua? Anak ka ng mga taong pumatay sa mga magulang ko. Anong ginagawa mo rito? Inutusan ka ba nilang patayin ang Lolo ko? Kanina lang ay hinahabol ako ng mga armadong tao. Tinutukan nila ako ng baril. At gusto nila akong kidnapin. Kaya kumuha ako ng mga pulis para siguraduhing ligtas ang Lolo ko. Ngayon nandito ka? Para ano? Para patayin ang taong nagpapalaki at nag-aaruga sa akin? Lumayas ka na rito Joshua! Punong-puno na ako nang dahil sa mga kasamaan ninyo!"
"Wala akong kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang mo Marga, nandito ako para siguraduhing ligtas siya."
"Sinungaling ka! Pare-pareho lang kayong tatlo! Mga sakim sa kayamanang hindi naman sa inyo, mga walang hiya! Itong mukhang to huwag na huwag ninyong papasukin rito. Anak siya sa mga taong pumatay sa mga magulang ko!"
"Marga, sila lang ang may atraso sa 'yo, bakit nadadamay ako?"
"Dahil dugo nila ang dumadaloy diyan ss ugat mo, dahil diyan, abot langit ang galit ko sa 'yo!" galit na sigaw ni Marga saka siya pumasok sa loob.
"Umalis ka na rito, ayaw naming ikaw ang mag-cause ng kaguluhan rito." turan ng pulis habang tinulak si Joshua palabas ng building.
"Lolo, kumusta na ang pakiramdam niyo? Bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa puwedeng umuwi ng bahay? Meron bang masakit sa 'yo?" malungkot na tanong ni Marga. Pero ngumiti lang ang kaniyang Lolo at tumitig sa kaniya.
"Apo, masaya akong nandito ka. Alam mo bang sa tuwing wala ka sa tabi ko ay lagi akong nagdadasal na sana ay ligtas ka. Na walang masamang nangyari sa 'yo."
"Maraming salamat po Lolo, huwag kang mag-alala kaya kung ipagtanggol ang sarili ko, ikaw ang iniisip ko sa tuwing wala ako rito. Baka napahamak ka o 'di kaya ay iniwan mo na ako." turan niya habang yakap-yakap niya ang kaniyang lolo. Hindi sinabi ni Don Alfonso kay Marga na malapit na siyang mamatay na meron nang taning ang buhay niya. Dahil ayaw niyang makitang malungkot ang kaniyang apo. Masaya na siyang iwanan niya si Marga sa mundo dahil marami na itong natutunan at alam na nitong lumaban. Saka matanda na rin siya gusto na niyang magpahinga. Bukod sa nahihirapan na siyang huminga ay pagod na pagod na rin ang katawan niya. Hinihintay na lang niya ang kaniyang kamatayan.
Saka na lang niyang namalayang nakatulog si Marga habang nakapatong ang mukha nito sa kama.
"Apo, magpakatatag ka ha, nasa pangalan mo ang lahat kung mga ari-arian. Mahal na mahal kita Marga, sana tigilan ka na ng mga taong halang ang kaluluwa. Tumulo ang mga luha ni Don Alfonso habang nakapatong ang kamay niya sa ulo ni Marga. Nang nagising si Marga ay natulog na ang kaniyang Lolo kaya dahang-dahan siyang tumayo para pumunta ng opisina.Pero bago siya umalis ay hinalikan niya sa noo ang kaniyang Lolo at mahigpit niya itong niyakap. Kinabukasan ay kaarawan ni Marga, inuutusan niya ang mga nurses at doctor na mag-order ng boquet ng flower, at chocolate cake dahil kaarawan ng kaniyang nag-iisang apo, alam kasi niyang sobrang busy ang kaniyang apo at nakalimutan na nitong alagaan ang sarili, at siguradong nakalimutan na rin nito ang sariling kaarawan. Ayaw naman niyang siya ang dahilan upang hindi makapag-celebrate si Marga sa birthday nito, kaya siya na ang naghanap ng paraan.