"Lolo, ayokong pakasalan si Joshua, manloloko siya at marami siyang babae. " seryosong tugon niya kay Don Alfonso.
"Normal lang naman sa lalaki iyan apo. Hindi sila lalaki kung wala silang maraming babae. Saka hindi pa naman kayo kasal 'di ba? Kung kasal na kayo tapos niloloko ka niya, saka na ako makikialam, pero ngayong wala pa tayong karapatan dahil hindi pa kayo kasal."
"Pero lolo, nasasaktan ako, tama ba namang mahuli ko silang naghahalikan sa mismong mansion ni Joshua? Ayokong sa lalaking tulad niya lolo, hindi makontento sa isang babae."
"Apo, tulad ng sinasabi ko, hindi pa kayo kasal hayaan mo na lang muna siyang mag-enjoy sa buhay niya. I'm sure kapag mag-asawa na kayo ay hindi na niya gagawin ang ginagawa niya ngayon
sa 'yo 'di ba?" seryosong turan ni Don Alfonso, kalmado lang ito habang nakangiting kinakausap ang kaniyang apo. Umakyat na si Marga sa kuwarto niya at pabagsak na humiga sa kama, hindi niya inasahang ganoong eksena ang nakikita niya kanina. "Walang hiya ka Joshua, pagkatapos mo akong paibigin ay ganito ang gagawin mo sa akin? Humanda kayong dalawa sa akin!" galit na sigaw niya.
Kinabukasan ay maagang gumising si Marga, naligo siya at nagbihis ng eleganteng damit. Nang magkaharap na sila sa dining ng lolo niya, ay nagpapaalam siya nitong magtrabaho na raw siya sa opisina. Para makalimutan na raw niya ang binata.
"Lolo, gusto kong kalimutan ang lalaking iyon, ayoko na sa kaniya lolo, magtatrabaho na ako sa company mo. Magpakabait na ako, huwag mo lang akong ipakasal sa taong iyon." seryosong turan niya sa kaniyang lolo, tinitigan siya ng matanda at ngumiti ito sa kaniya. Sigurado ka ba sa desisyon mo hija?"
"Opo lolo." sagot niya.
"Okay, masusunod."
Pagdating ni Marga sa company ay nagulat siyang nakita niya si Joshua sa opisina ng lolo niya.
"Joshua, bakit nandito ka?"
"Marga, ikaw bakit nandito ka?"
"Binalik mo lang sa akin ang tanong ko Joshua."
"Pinatawag ako ng lolo mo. Ako raw ang magtuturo sa 'yo kung paano i-handle ng maayos ang iyong trabaho." nakangiting turan niya kay Marga.
"Lolo, akala ko ba ay papayag ka sa gusto kong mangyayari? Pero bakit nandito ang babaeng 'to?"
"Marga, I'm sorry pero nakahanda na raw ang lahat mga invitation card, saka meron na silang veneu kung saan gaganapin ang inyong kasal."
"Ano? Wala akong pakialam lolo, ang damdamin ko ang mahalaga kesa nagastos nila, bakit hindi na lang natin iatras ang kasal natin Joshua? Tutal pareho naman nating hindi gustong makasama ang isa't isa 'di ba?"
"Marga, wala ka nang magagawa pa, ihanda mo ang iyong sarili sa nalalapit nating kasal."
"Pagkatapos mo akong lukuhin saka mo sabihing ituloy natin ang kasal? Hindi mo ba naiisip na hindi tayo maging masaya dahil babaero ka? Saka ang landi ng babae mo. Baka mahawaan pa ako sa sakit niya. Kung meron ka pang hiya huwag mo nang ipilit pa ang kasal natin, dahil hindi na mangyayari iyon!"
galit na saad ni Marga kay Joshua, pero tinatawanan lang siya ng lalaki.
"Alam kong mahal mo na ako Marga, at alam kong hindi mo kakayaning makitang maikasal ako sa iba, kung ako sa 'yo huwag ka nang mag-inarte dahil hindi na magbabago ang napag-usapan namin ng lolo mo. Matutuloy ang kasal natin kahit ayaw na ayaw mo."
tumingin siya sa kaniyang lolo at nakikiusap siyang pagbigyan siya nito. "Apo, ko. Maniwala ka sa akin. Mas maganda ang buhay mo kung maikasal ka na kay Joshua."
"Lolo, bakit ba hindi niyo ako naintindihan? Nasasaktan ako sa nakikita kong nakipaghalikan siya sa babaeng iyon!
"Hindi ako nakipaghalikan sa kaniya Marga, siya ang humalik sa akin. Hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit niya ginagawa iyon. Si Jacky ay kaibigan ko, siya since high school. Open minded saka liberated lumaki kasi siya sa Amerika kaya ganoon siya sa akin. Sana huwag kang magseselos sa babaeng iyon. Kaibigan ko siya samantalang ikaw ay asawa ko na soon." nakangiting paliwanag niya sa dalaga.
"Ang sabihin mo ay pareho kayong dalawa. Ayokong maging asawa ang tulad mo Joshua!" turan nito saka nagmamadaling umalis.
"Joshua, ayokong saktan mo ang apo ko. Siya ang dahilan kung bakit patuloy
pa rin akong nabubuhay. Sa nakita ko ay natutunan ka na niyang mahalin. Ngayon niya lang naranasang magmahal, kaya ganoon ang reaksiyon niya. Makakaasa ba ako Joshua na aalagan mo ang apo ko hanggang sa pagtanda niya?" tanong ni Don Alfonso sa kaniya.
"Don Alfonso, gawin ko po sa abot ng makakaya ko." tugon niya sa matanda at nagpapaalam na siyang umalis para sundan si Marga.
Paglabas niya sa opisina ni Don Alfonso ay nagtungo siya sa coffee area nagbakasakaling maabutan niyang nagkakape si Marga. Naabutan niyang nakaupo si Marga habang nagbabasa ng magazine. At may hawak na kape ang isang kamay nito, nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi napansing pumasok siya. Niyakap niya ito mula sa likuran.
"Joshua, bitawan mo nga ako hindi ka ba nahihiyang yumakap sa akin? Pagkatapos ng ginagawa mo?"
"Alam mo bang masaya akong nakikita kitang nagkaganyan Marga?"
"At masaya ka pa talagang nagagalit ako? Ang kapal ng mukha mo Joshua, umalis ka nga rito. Ako na nga ang umiiwas eh, dahil ayoko ng gulo.Tapos nandito ka ngayon na parang walang nangyayari?"
"Kasi, nagseselos ka, kaya happy ako." turan nito sa dalaga.
"At ngayon masaya ka pa na nagseselos ako? Ang galing mo rin nuh? Ako na nga itong nasasaktan, ikaw pa ang masaya, mas lalong ayokong maikasal sa 'yo!"
"Marga, masaya ako kasi mahal mo rin ako. Sino ba ang nag-akalang ang isang spoiled brat na tulad mo, ay minahal ako?" nakangiting turan niya kay Marga.
"At alam mo bang ayoko sa ganitong pakiramdam? Ayokong nasasaktan ng ganito Joshua, ngayon ko lang maranasang magmahal tapos sa tulad mo pang malandi at babaero!"
"Alam kong mahal mo ako, sinabi ng lolo mo sa akin. Na ngayon mo lang maranasang magmahal ng ganito."
"Napakatsismoso na ngayon ni lolo, bakit ba niya sinasabi sa 'yo? Para mas lalong lumaki ang ulo mo?" tanong ni Marga habang nakataas ang nguso.
"Marga, masaya ang lolo mo dahil alam mo na raw kung paano magmahal." nakangiting turan nito sa dalaga.
"Ayaw na kitang mahalin, pinagsisihan kong minahal pa kita." seryosong turan nito sa lalaki saka uminom ng kape.
"Marga, I'm sorry. Hayaan mo akong alagaan kita, at handa akong magbago para sa 'yo. " tinitigan siya ng dalaga saka nagmamadaling lumabas.
"Pahirapan mo munang makuha ang kapatawaran ko Joshua."
.