CHAPTER 2

1052 Words
“Walang hiya ka, Franco. Paano pa ako makatanggi eh, nag-deal ka na pala sa kanila. Sige na nga, akin na ang mga request nila. Huwag ka nang tumanggap ulit ha, need ko nang umuwi pagkatapos nito. Hinihintay na ako ni Lolo,” saad ni Marga habang inaayos niya ang kaniyang buhok. “Sige, Marga. Promise last na lang. Ganda kasi ng boses mo kaya hinahanap ka nila," saad ni Franco habang nakangiti. Si Franco ang pinaka-close niyang kaibigan bukod sa business minded ay galing din siya sa mayamang angkan. Siya ang may-ari ng bar kung saan kumakanta si Marga. Pagkatapos ng tugtog ni Marga ay nagpaalam na itong umuwi at nagmamadali siyang pumara ng taxi. Lasing na ang kaniyang mga tropa, kaya mas pinili niyang mag-taxi, baka mapahamak siya kung magpahatid pa siya sa mga ito. Sa Makati City nakatira si Marga, sila ang nagmamay-ari ng isang sikat na hotel. Meron din silang Supermarket kung saan ang kanyang Lolo pa rin ang namamahala. Graduated si Marga sa kursong business administration, ngunit hindi niya ito ginagamit dahil mas gusto niya ang tumugtog, maglaro ng billiard, mag-car racing at soccer. Kasama ang kankyang mga tropa, si Franco ang may-ari ng isang sikat na bar sa Commonwealth, Quezon City. Doon tumutugtog si Marga. Hindi umaasa si Marga sa pera ng kaniyang Lolo, dahil malaki naman ang kaniyang kinikita sa pagtugtog, at minsan nananalo siya sa mga car racing. Ayaw niya lang talaga sa gusto ng kaniyang Lolo na magtrabaho sa kanilang company. Ginagawa niya lang ang mga bagay na magpapasaya sa kaniya. Pagdating niya sa mansion ay tulog na ang Lolo niya. Nasanay na rin ang matanda na laging siyang late na umuuwi, dahil araw-araw naman niya itong ginagawa, kaya gumawa ng paraan si Don Alfonso para matigil na si Marga sa mga ginagawa nito. Ang kinabukasan lang naman ni Marga ang hinahangad niya. “Marga, may party tayo bukas dito sa bahay, huwag kang umalis. Lahat ng business partner natin ay iniimbitahan ko. Huwag mo akong ipahiya, alam mo namang nag-iisang apo lang kita, at kahit ganiyan ka ipinagmamalaki pa rin kita sa kanila,” saad ng kaniyang lolo. “Lolo, bakit po ba kayo nagpatawag ng party? Anong meron, Lolo?" nagtatakang tanong ni Marga. “Medyo malaki na kasi ang marketing natin ngayon, Marga. Pasalamat natin ito sa lahat ng mga business partner natin. Kaya kailangan nandito ka bukas,” Saad ni Don Alfonso. “Opo, Lolo ika-cancel ko na lang ang banda ko bukas. Pero Lolo, ayokong humarap sa mga malalaking tao. Sana naman huwag kang lumayo sa akin sa party. Gusto ko nasa tabi lang po kita,” sabi niya habang nakayakap sa Lolo niya. “Marga, kailangan mo nang matuto, dahil sa ‘yo ko iwanan ang lahat nang meron ako. Kailangang mong ipakita sa kanila na karapat-dapat ka bilang tagapagmana para ‘di ka maliitin ng iba.” “Lolo naman eh, don’t tell me gagawin mo akong super Marga bukas? Kailangan hindi magkamali? Kailangan mabait at magalang sa kanilang lahat?” tanong ni Marga. “Yes, Marga. Dapat lang na gawin mo ang lahat nang binanggit mo ngayon.” Napangiti ang matanda dahil natatawa ito sa expression sa mukha ni Marga. Pagkatapos nilang mag-breakfast ay nagmamadaling umalis si Don Alfonso kaya nagmadali na ring magbihis si Marga para umalis. Mabilis niyang pinaandar ang kaniyang kotse. Pero laking gulat niyang may biglang humarang sa kaniya. Tinutukan siya ng baril ng mga taong bumaba mula sa kotseng kulay itim. Binaril ang mga gulong ng kaniyang kotse para hindi na siya makatakbo. Lumabas siya sa kotse at itinaas ang kaniyang mga kamay. Kinakabahan siya dahil may kanya-kanyang hawak na baril ang mga ito. “Ano ba ang kailangan ninyo sa akin? Kung pera, wala akong pera!” sigaw ni Marga. “Buhay mo ang kailangan namin, hindi ang pera mo!" sagot ng isang lalaki. “Patayin na lang ninyo ako? Wala akong naaalala na may nakaaway ako, at wala akong kalaban! Sino ba kayo?” tanong ulit ni Marga. “Huwag ka nang marami pang tanong. Sumakay ka sa van!” Nagulat ang lahat nang may dumating na isang sasakyan, at bumaba ang limang tao, tinutukan nila ng baril ang mga taong humarang kay Marga. Hinila ng isang matangkad at guwapong lalaki si Marga at isinakay niya ito sa kaniyang kotse. Nagpumiglas si Marga dahil hindi niya kilala ang lalaking humatak sa kaniya. “Sino ka ba? Kasama mo ba ang mga lalaking ‘yon? Ano ang kailangan mo sa akin?!” sigaw niya sa lalaking humila sa kaniya. “Miss, ikaw na nga itong tinutulungan, ako pa ang iyong pagbibintangan? Hindi ka man lang ba marunong magpasalamat?” saad ng lalaki. “Hindi kita kilala! Pero salamat dahil iniligtas mo ako. Paano ang kotse ko? Teka lang, balikan natin ang kotse ko!” sigaw ni Marga. “Huwag mo nang isipin ang kotse mo, mas mahalaga pa ba 'yan kesa sa buhay mo? Saan ang bahay mo at ihatid na kita.” Tinititigan ni Marga ang lalaki. Napansin niya ang itsura nito, sobrang guwapo at matipuno ang katawan. “Miss, saan kita ihahatid? Kung saan-saan ka tumitingin eh! Bakit ka ba pinag-tripan ng mga taong ‘yon? Ano ang atraso mo sa kanila? Baka drug user ka, ha. May utang ka ba sa kanila?” Lumaki ang mga mata ni Marga at galit na galit siya sa sinasabi ng lalaki. “Walang hiya ka! Porket nailigtas mo ako sa mga hayop na ‘yon ay kung ano-ano na lang ang mga sinasabi mo? Hindi mo pa nga kilala ang buong pagkatao ko eh, kung anu-ano na ang lumalabas diyan sa bibig mo! Ihinto mo ang kotse! Ihinto mo sabi eh!” galit na galit si Marga dahil ayaw itigil ng lalaki ang kotse. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan niya ang kaniyang lolo. “Hello, Lolo? Tulungan niyo po ako. Kinidnap po ako, Lolo,” saad ni Marga na parang batang paslit na nagsusumbong. “Hello Marga, apo. Alam ko ang nangyayari sa ‘yo. Hindi ka kinidnap ng lalaking kasama mo ngayon. Alam ko ang bawat galaw mo at kung saan ka pumunta at kung ano ang mga ginagawa mo. Siya ang mga mata ko sa ‘yo, Marga,” saad ni Don Alfonso sa kabilang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD