CHAPTER 1

984 Words
Pinatawag ni Don Alfonso si Joshua Castillon, humingi siya ng tulong upang sugpuin ang mga ginagawa ni Marga. Matanda na kasi siya ang gusto n'ya, ay bago man lang siya mawala sa mundo ay masiguro niya ang kinabukasan ni Marga. Kaya kinausap niya ang binata na pakasalan ang kaniyang apo. "Don Alfonso, baka hindi magustuhan ng apo mo ang plano natin. Sabi mo sa akin na pasaway ang apo mo 'di ba? Paano na lang kung hindi n'ya tanggapin ang proposal ko sa kaniya?" nag-aalalang tanong ni Joshua kay Don Alfonso. Gusto niyang makasigurong hindi siya mapahiya sa kanilang plano. Habulin kasi siya ng mga babae at hindi pa n'ya maranasang mabigo. Kaya kinabahan siya baka mapahiya siya kay Marga. "Joshua, huwag kang mag-aalala ako na ang bahala basta magdala ka lang ng mamahaling sing-sing para makuha mo ang loob ng apo ko. I'm sorry Joshua, pero lumaki si Marga na lahat ng gusto n'ya ay binibigay ko. Sa kagustuhang mapupunuan ko ang pagmamahal ng kaniyang mga magulang. Bata pa kasi siyang namatay ang anak kung si Diego at ang asawa nitong si Veronica. Kaya maaga siyang nauulila." paliwanag ni Don Alfonso nag-aalala ang matanda baka umatras ang binata. "Don Alfonso, okay na papayag na ako sa gusto niyo." turan ni Joshua, natutuwa si Don Alfonso dahil sa wakas ay pumayag na rin si Joshua sa gusto niyang mangyayari. Pag-uwi niya sa mansion ay naabutan n'ya si Marga na nakabihis ng maikling mini skirt at naka-crop top. “Marga, hindi ko na gusto ang mga ginagawa mo! Hindi na magandang tingnan. Ano na lang ang sasabihin ng mga kakilala ko? Kapag makita kang ganyan ang suot mo? Hanggang kailan ka ganyan, Marga?” tanong ng kanyang Lolo Alfonso. Pero ngumiti lang siya at niyakap ng mahigpit ang kanyang lolo. “Tigilan mo na ang mga kalokohan mo Marga. Kailangan mo nang mag-asawa para magkaroon tayo ng matinong heirs!” saad ni Don Alfonso. Lumaki ang mga mata ni Marga sa sinasabi ng lolo niya. “Lolo, ayoko nga, wala akong boyfriend sinong asawahin ko lolo? Alam niyo naman, Lolo, na wala akong boyfriend at wala akong planong magka-boyfriend,” saad nito habang nakayakap sa kaniyang Lolo. “Huwag mo nang isipin ‘yan, Marga, dahil inaayos ko na ang lahat ng kailangang ayusin. Ayusin mo na rin ang sarili mo. Magpakatino ka na dahil next week magpatawag ako ng party. “Lolo, anong party po?" nagtakang tanong ni Marga. "Marga panahon na para ipakilala kita sa lahat ng ating mga investors para magkaroon ka ng ideya kung paano mag-handle ng mga business partner. Gusto kong ikaw ang pinakamaganda sa araw na iyon. Kaya umakyat ka na sa taas kailangang mag-bed rest ka para naman fresh kang humarap sa mga busniness partner natin. Nakangiting wika ni Don Alfonso. Lolo nama eh, meron po kaming lakad ngayon." nakangusong saad nito pero wala siyang magawa kung 'di sundin niya ang kaniyang lolo. Samantalang masaya sina Rebecca at Joshua dahil umaayon sa kanila ang panahon. Mas madaling makuha ni Joshua ang lahat kay Marga kapag magpakasal na sila. "Joshua, kailangang mangyari ang kasal ninyo ni Marga sa mas lalong madaling panahon. Excited na akong makita silang dalawa na lumubog sa lupa, dahil kunin natin ang lahat sa kanila." nakangiting saad ni Rebecca. "Mommy nasaan ba si daddy? Bakit hindi ko na siya nakita?" "Anak, nasa business trip ang daddy mo. Saka alam mo namang hindi kami puwedeng magpakita kay Don Alfonso siguradong makilala niya kami." seryosong wika ni Rebecca. Kinabukasan ay nagbihis si Marga at nagmadaling bumaba pero wala ang susi ng kaniyang kotse. Itinago ito ng lolo niya para hindi siya makaalis ng bahay. “Yaya, nasaan ang susi ng kotse? Dito lang nakalagay ‘yon eh!” sigaw niya sa kaniyang yaya. “Marga, kinuha ng Lolo mo. Ang sabi niya grounded ka, at hindi ka puwedeng lumabas ng bahay. Kaya kung ako sa ‘yo, sundin mo ang lolo mo, kung ayaw mong makulong rito sa bahay habambuhay,” nakangiting sabi ng kaniyang yaya. “Yaya naman eh! Pati ba naman ikaw ganyan sa akin? Wala na ba akong karapatang gawin ang magpapasaya sa akin? Yaya, hindi na po ako bata,” seryosong sabi ni Marga. “Marga, puntahan mo ang Lolo mo, tulungan mo siyang patakbuhin ang negosyo ninyo. Alam mo ba na marami ang gustong makuha ang posisyon mo? Maraming naghabol sa kayamanan ng Lolo mo. Kailangang mong magpaka-matured, Marga, kung ayaw mong maagaw sa ‘yo ang lahat na meron ka ngayon.” “Yaya, ano ba ang pinagsasasabi niyo? Wala akong pakialam sa kayamanan ni Lol. Ang gusto ko lang naman ay kumanta, at tumugtog. Ayaw ko sa buhay na ibinibigay niya sa akin. Nasasakal na ako. Nasaan na ang susi ng ibang kotse, Yaya? Ibigay mo sa akin!” singhal ni Marga. “Marga, kinuha ng Lolo mo lahat ng susi. Bawal ka umalis ng bahay. Kung gusto mong makalabas, tawagan mo siya at puntahan mo siya sa opisina niya.” “Late na ako eh. Yaya naman eh. Akin na ang susi, please,” nagmakaawa na siya sa kaniyang yaya pero walang maibigay na susi sa kaniya. “Marga, wala nga sa akin. Bahala ka nga diyan. Marami pa akong gagawin, diyan ka na nga,” saad ni Yaya Conching. Nakasimangot si Marga na umakyat sa kaniyang kuwarto. Nagwawala siya at nagbasag ng kaniyang gamit sa sobrang inis. “Lolo, anong ginagawa niyo sa akin? Bakit niyo ako pinapahirapan? Ayaw ko sa gusto niyo para sa akin,” saad ni Marga. Tinawagan ni Marga ang kanyang tropa para magpasundo. Nakasuot siya ng maiksi na mini skirt at halos mag-bra na lang sa sobrang ikli ng kaniyang suot na damit. Lumipas ang ilang oras ay dumating na ang kaniyang mga tropa. Kinuha niya ang kaniyang bag at nagmamadali itong umalis. Nakita siya ni Yaya Conching kaya kumaripas siya nang takbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD