CHAPTER 3

1123 Words
“Lolo, ano ang ibig niyong sabihin? Pinapasundan niyo ako kahit saan? Lolo naman eh, pati ba sa labas ng bahay wala akong privacy?” singhal nito. “Sige na, Marga. Marami pa akong ginagawa. Alam na nang bodyguard mo kung saan ka niya dadalhin. Bye na, Marga,” ani ng kaniyang lolo. “Hello! Lolo! Huwag mong ibaba ang cellphone mo mag-uusap pa tayo!” nakita ni Marga na ngumiti amg lalaki, sa kaniyang galit ay sinikmuraan niya ito. “Huwag ka nang magpapakita kay Lolo at sa akin! Ayoko sa ‘yo!” sigaw ni Marga. “Tingnan lang natin. Basta ako sinusunod ko lang naman ang mga iniuutos ng lolo mo sa akin. Sinabi niya pa sa akin na kung matigas ang ulo mo, puwede kitang balian ng buto hanggang sa matuto ka sa mga pagkakamali mo.” Lumaki ang mga mata ni Marga at sinipa niya ang manibela ng kotse. Muntik na silang mabangga sa sasakyan na kanilang nasundan. “Ma’am Marga, ano ba? Gusto mo na bang mamatay?” tanong ng lalaki kay Marga. “Oo! Mas mabuting mamatay na lang ako kesa may isang asong tahol nang tahol sa harapan ko! “Aray! Ma’am Marga, bakit mo ako sinuntok? Wala akong ginagawang masama sa ‘yo. Niligtas pa nga kita ‘di ba?” saad nito. “Walang hiya ka! Kailan ka pa nag-umpisa sa pagsunod sa akin? Ang akala ko, malaya ako sa labas ng mansion ng lolo ko, pero may aso pa lang ulol na sumusunod sa akin!” singhal ni Marga. “Utos ni Don Alfonso na sundan kita. Ginagawa ko lang nang maayos ang trabaho ko.” “Kailan ka pa nagsimula sa ginagawa mo? Nagmumukha akong tanga!” singhal ni Marga. “Dalhin mo ako sa mansion! Gusto ko nang umuwi!” “Kahapon lang ako nagsimulang sumusunod sa ‘yo, ma’am. At alam ko ang mga ginagawa mo pero huwag mo namang isipin na pati sa cr ay sinusundan pa rin kita. Naghihintay lang ako sa labas.” Paliwanag ng lalaki sa kanya. Hinatid ng lalaki si Marga sa mansion, at nagpaalam na itong umuwi. Kinabukasan ay nagsimula na ang party sa Mansiyon ni Don Alfonso. Maraming mga bigatin na mga bisita ang dumalo. Habang nasa kaniyang kuwarto pa rin si Marga, pero nakasuot na ito ng napakagandang gown at napaka-elegante nito. Umakyat ang kaniyang yaya para sabihang bumaba na siya dahil hinihintay na siya ng lahat ng mga bisita. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman dahil sa sobrang kaba. Kinakabahan siya dahil first time niyang humarap sa mga business partner ni Don Alfonso. Pagbaba niya sa hagdan ay nagulat siya dahil maraming camera ang nakatutok sa kaniya. Kinakabahan siya at nahihiya, pero kailangan niyang labanan ang kaniyang nararamdaman dahil nakasalalay sa kaniya ang kanilang company, at ayaw niyang mapahiya ang matandan. Pagbaba niya sa hagdan ay sinalubong siya agad ni Don Alfonso at nagpalakpakan ang lahat. Ipinakilala siya ng kaniyang lolo sa lahat ng mga bisita at proud nitong sinabi na si Marga ang kaniyang nag-iisang tagapagmana ng kanyang lahat na negosyo. Napakaganda ni Marga lalo na sa kaniyang suot na gown, at nakasuot naman siya ng 4 inches heels. Lalong na-surprise ang lahat nang ipakilala ng kaniyang lolo ang kaniyang mapangasawa. Lumapit ang isang matipuno at napakaguwapong lalaki. Nakasuot ito ng tuxedo at hindi siya makapaniwala na ang lalaking 'yon ay ang nagligtas sa kaniya kahapon. Nagulat si Marga at hindi nakapagsalita. Hinawakan niya ang kamay ng Lolo niya at tiningnan niya ang mga mata nito na para bang nangungusap. “Lolo, alam mo ba ‘to? Plano niyo ba ang lahat ng ito?" tanong ni Marga. “Apo, para sa ‘yo ang lahat ng ginagawa ko. Isa siya sa pinakamatalinong businessman at napakayaman. Siya ang nararapat para sa ‘yo, apo. Panahon na para ayusin mo na ang sarili mo. Bawal mo nang gawin ang mga ginagawa mo noon.” Lumapit sa kanila si Joshua at inabot nito ang kaniyang kamay kay Marga. “Hello, Marga. Na-surprise ba kita? Don Alfonso, magandang gabi po sa inyo at sa ‘yo na rin, Marga. Napakaganda mo pala, kapag formal na gown ang suot mo, at hindi ang mini skirt na halos makita na ang puwet mo. Marga, halika. Humawak ka sa braso ko at ipakilala kita sa lahat ng mga business partner ng Lolo mo.” nakangiting saad ni Joshua. “Ayoko, dito lang ako!” sagot ni Marga kay Joshua. Pero ngumiti lang si Joshua. Kinuha nito ang kamay ni Marga at nilagay niya ito sa kaniyang braso. “Lolo Alfonso, ako na po ang bahala sa apo ninyo,” saad nito. “Sige, Joshua. Asikasuhin ko lang muna ang iba kong mga bisita,” saad ng kankyang lolo. "Ladies and gentlemen me i have you're attention please. . . ipakilala ko sa inyo ang aking maging asawa, si Marga Montemayor. Lumaki ang mga mata ni Marga dahil nabigla siya sa ina-announce ni Joshua. "Joshua, anong ibig sabihin nito?" "Marga, kailangang gawin natin 'to para maisalba ng lolo mo ang company ninyo." bulong ni Joshua kay Marga. Nagulat si Marga nang lumuhod si Joshua at kinuha nito ang maliit na box na nakalagay sa kaniyang bulsa. "Marga, will you marry me? Naguluhan si Marga at wala siyang maintindihan lumapit si Don Alfonso at bumulong siya kay Marga na pabagsak na ang kanilang negosyo at tanging si Joshua lang ang taong makatulong sa kanila, pero kailangang maikasal muna silang dalawa ni Marga. "Apo, nakiusap ako sa iyo." wika ni Don Alfonso. "Yes, Joshua. I will marry you." tugon ni Marga kahit napilitan lang siya. Pero wala siyang choice, dahil ayaw niyang tumira sa kalye kasama ang mga pulubi. Sinuot ni Joshua ang singsing sa daliri ni Marga. At tumayo siya nagulat si Marga nang halikan siya ni Joshua sa labi. Hindi na siya pumalag dahil ayaw niyang masira ang reputation ng kanyang lolo. Natutuwa si Don Alfonso dahil ang bait ni Marga ngayon. Hindi siya binigo nito at sobrang humanga ang lahat sa gandang taglay ni Marga. Engaged na sina Marga at Joshua. Hiningi ng kaniyang Lolo na kailangang maikasal sila sa mas madaling panahon. Pumayag naman si Joshua, kahit labag sa kalooban ni Marga. Iniisip niya na lang ang reputation ng kaniyang Lolo, kaya hindi muna siya magsalita. Pagkatapos ng party ay nagpaalam na rin si Joshua, at ang lahat nang bisita. Nagmadaling umakyat si Marga sa kaniyang kuwarto at nagbihis. Pagkatapos ay pinuntahan niya ang kaniyang lolo sa kuwarto nito. “Lolo! Lolo! Buksan mo ang pinto, mag-usap tayo! Bakit mo naman nagawa sa akin 'to Lolo? Ipakasal mo ako sa taong ‘yon?" binuksan ni Don Alfonso ang pinto at pumasok agad si Marga .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD