Nang gumising si Alfonso ay nagtataka siya kung bakit nasa labas ang kotse ni Joshua. Tinawag niya si Conching upang alamin kung nandito ba si Joshua.
"Conching, bakit nandito ang kotse ni Joshua? Nandito na siya?"
Don Alfonso hindi ko alam, kakagising ko lang." tugon ni Conching. Lumipas ang ilang minuto ay lumabas na sina Joshua at Marga.
"Joshua, nandito ka pala? Dito ka ba natutulog?"
"Don, Alfoso, pasensiya na po, hinatid ko kasi si Marga, lasing po kasi siya. Nakalimutan kong umuwi nakatulog na rin kasi ako." paliwanag niya.
"Joshua, ayokong maulit ang ginagawa mo. Saka ka na matulog rito kung kasal na kayo." galit na turan ni Alfonso. Kumunot ang noo ni Marga habang nakatitig sa kaniyang lolo.
"Lolo naman eh, ikakasal na kami 'di ba? Wala nang masama kung dito na siya tumira?"
"Huwag ka nang magsasalita Marga hindi ko hinihingi ang opinyon mo. Umuwi ka na muna Joshua, meron lang kaming importanteng pag-uusapan ng apo ko."
"Sige Don Alfonso mauna na po ako. Marga tawagan na lang kita mamaya." nang umalis na si Joshua ay galit na galit si Marga hindi siya makapaniwala sa ginagawa ng lolo niya. "Umupo ka na Marga masamang pinaghihintay ang grasya."
"Lolo, bakit po kayo ganiyan? Pinaalis niyo si Joshua na hindi pa kumakain ng breakfast? Saka bakit kayalo nagagalit lolo? Ikaw naman ang may gusto nito 'di ba? Na ikasal ako sa lalaking iyon? Tapos ngayon ay nagagalit ho kayo?" galit niyang sumbat habang nagdadabog.
"Apo kita at hindi basta-basta ang pangalan natin, paano kong mabuntis ka ni Joshua, tapos ayaw niyang ituloy ang kasal? Ginagamit ko lang ang utak ko, dahil ayokong mapapahamak ka."
"Mapapahamak? Lolo naman eh. Malapit na ang kasal namin eh."
"Kumain ka na lang Marga, mauna na ako, baka gusto mong pumasok sa opisina. Tulungan mo akong magpapalago sa company natin, dahil ikaw lang naman ang makikinabang sa lahat na meron ako." nang umalis na si Don Alfonso ay galit na galit siyang humarap sa kaniyang yaya.
"Yaya! Hindi ko maintintidan si lolo!"
"Marga, hindi mo kasi iniisip ang lolo mo, kaya hindi mo siya naiintindihan." seryosong turan ng yaya niya.
"Pareho lang kayong dalawa ni lolo eh." galit na turan niya at nagmamadali na siyang umakyat sa taas.
Samantalang galit na galit na sinugod ni Jacky si Joshua, hindi siya makapaniwang iniwanan siya nito sa bar kagabi. Habang naliligo si Joshua ay nagdadabog siya sa loob ng kuwarto nito.
"Joshua, buksan mo ang pinto ng banyo!" sigaw niya.
"Jacky, nababaliw ka na ba? Lumabas ka sa kuwarto ko!" sigaw niya ay nagpapatuloy siyang naligo.
Nang matapos na siyang maligo ay agad siyang lumabas ng banyo, nagulat siya nang hinampas siya ni Jacky ng unan.
"Jacky, bakit ka ba nakapasok rito sa kuwarto ko? Puwede ba lumabas ka na rito?" utos niya kay Jacky pero walang pakialam ang babae sa kaniya.
Hinawakan niya ang braso nito ay kinaladkad niya palabas ng kuwarto.
"Bitawan mo ako Joshua! Napakawalanghiya mo, isinama mo ako sa bar na iyon pagkatapos ay iniwan mo ako? Napakawalang hiya mo!"
"Jacky, I'm sorry. Hinatid ko lang ang fiancee ko sa mansion nila. Ayokong nakikitang naglalasing siya. Sana lang ay naintindihan mo ako magkaibigan tayo. At ikaw mismong alam mo na ikakasal na kami ni Marga."
"Joshua, porke't ikakasal ka na sa babaeng iyon ay pababayaan mo na ako? Huwag naman ganoon Joshua. Sa panahong bored ka, ako naman ang kasama mo 'di ba? Matitiis mo bang makikita akong mag-isa? Kailangan kita eh. Huwag mo naman akong pabayaan." umiiyak na turan nito kay Joshua.
"Jacky, hindi naman kita iniwan eh, kailangan kong mag-focus sa kaniya, dahil ayokong magalit si Don Alfonso sa akin."
"Sabihin mo sa akin ang totoo Joshua, mahal mo na ba ang babaeng iyon? Ang sabi mo sa akin ay maghihiganti ka lang 'di ba? Pero bakit sa nakikita ko ay nahuhulog na ang loob mo sa kaniya." seryosong turan nito kay Joshua pero tuluyan na siyang tinulak nito palabas ng kuwarto. Bumuntong hininga siya saka nagmamadaling nagbibihis. Pagkatapos niyang magbihis ay bumaba na siya sa sala. Nagulat siya nang naabutan pa niya si Jacky sa baba.
"Jacky, akala ko ay umalis ka na? Ano pa ang dahilan bakit nandito ka pa rin? Akala ko ba ay malinaw na sa iyo ang reason kung bakit ayokong pumunpunta ka pa rito sa bahay." seryosong turan nito kay Jacky.
"Ayokong sasabihin mo sa akin 'yan Joshua, ang sakit sa tenga."
Nang meron nag-doorbell sa labas ay umupo si Joshua, dahil ang nasa isip niya ay ang mommy niya ang dumating, pero sinabi ng katulong na nandito si Marga, nagmamadali siyang tumayo at nagtungo siya sa pinto para salubungin niya si Marga, pero nagulat siyang hatakin siya ni Jacky at hinalikan siya nito sa labi. Aktong nakita ni Marga ang lahat. Mabilis na itinulak siya ni Joshua, pero huli na ang lahat dahil kitang-kita ni Marga ang ginagawa ni Jacky.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong niya.
"Marga, magpaliwanag ako sa 'yo!"
"Magpaliwanag? Naghahalikan kayo tapos magpapaliwanag ka sa akin? Sige Joshua, makikinig ako. Simulan mo nang magpaliwanag!" galit na singhal ni Marga sa lalaki, habang nakangiting humarap sa kaniya si Jacky.
"Hindi na kailangang magpaliwanag ni Joshua sa 'yo, sapat na ang nakikita mong hindi lang ako basta kaibigan ni Joshua, karamay niya ako sa hirap at sarap, kung ako sa 'yo ay layuan mo na si Joshua kung ayaw mong masaktan!" galit na singhal niya kay Marga.
"Jacky, nababaliw ka na ba? Ano ba ang pinagsasabi mo? Umalis ka na nga rito!" galit na singhal ni Joshua kay Jacky
umusok ang tenga ni Marga sa galit, lumapit siya kay Jacky at hinablot niya ang buhok nito sabay sampal sa mukha nito nang dalawang beses.
"Sa 'yo na si Joshua, magsama kayong dalawa sa impyerno! Ayokong meron akong karibal na garapal sa s*x at mukhang pokpok na tulad mo!" galit na singhal niya kay Jacky at nagmamadaling umalis, hinabol siya ni Josua at hinawakan ang kamay niya. Pero mabilis niyang tinulak ang lalaki. At tumakbo siya palabas ng gate. "Marga, sandali lang mag-usap tayo!" sigaw ni Joshua pero hindi na nakikinig sa kaniya si Marga. Binuhay na nito ang makina ng kotse at pinaharurot niya ito ng takbo.
"Huwag mo nang pag-aksayahan ng oras ang babaeng iyon Joshua, nandito naman ako para sa 'yo eh, kahit 24 oras mo pa akong kasama, hindi kita iwanan Joshua.
"Hayop ka Jacky! Umalis ka na rito at huwag na huwag ka nang bumalik pa! Sa oras na malaman ni Don Alfonso ang nangyayari ngayon ay sigurado akong malilintakan ka!"
"Joshua, hindi mo ako puwedeng paalisin sa buhay mo! At wala akong pakialam sa Alfonso na iyan!"
"Bakit nga ba hindi Jacky? Hindi pa ba malinaw sa 'yo na ayoko sa 'yo? Mahal ko si Marga! Naririnig mo ba? Mahal na mahal ko si Marga, hindi pa ba malinaw sa 'yo ang lahat? Ginagamit lang kita para pagselosin si Marga, pero ngayong nakita ko nang mahal niya rin ako ay sana lang lumayas ka na sa buhay ko!"
"Ginagamit mo lang ako Joshua?"
"Nagpagamit ka rin naman 'di ba? Wala akong obligasyon sa 'yo. Ngayong sinira mo kami ni Marga, lumayas ka na sa buhay ko!" galit na turan niya kay Jacky at nagmamadaling nagtungo sa kaniyang kotse.