Myton
I woke up early to go through my daily routine today.
Na magagawa ko na ulit dahil magaling na sa wakas ang pang-asar na si Jack.
"Hay... Ang sarap sa feeling. Nakapag-jogging at yoga na rin ulit sa wakas." I inhale the fresh air, mula sa terasa ng kwarto ko. "I feel so energized for my photoshoot today." Sabi ko pa sa sarili ko.
And speaking of that photoshoot, may nahanap na kaya silang kapalit ng partner ko? Bakit ngayon pa kasi nagkasakit 'yung co-model ko na iyon? Kung kailan deadline na ng mga pictures namin na gagamitin sa print ads at billboard ng isang sikat na clothing line.
Well, problema na nila iyon. All I have to think about is making myself presentable and pretty for the photoshoot. Kaya ko namang mag-adjust kahit sino pa ang i-partner nila sa akin, eh.
So, I got ready and headed to my photoshoot location.
And I felt weird while driving my car on the way there.
Dahil himalang walang mga taga-organisasyon na nakabuntot sa akin. Hindi yata kapani-paniwala na hinayaan nila akong magpatuloy sa modelling. At wala pang nakabuntot na bantay. Hanggang marating ko ang location ng photoshoot ay napapaisip pa rin ako. Lalo na't, no where to be found si Jack. Himalang wala siya kanina sa mansiyon para buwisitin ako.
"Hmmm... Baka hina-hunting niya na 'yung mga kalaban." Kibit balikat na sabi ko na lang sa sarili ko saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
When I reach the photostudio, napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang pagkakagulo nila sa may bandang dressing room.
Nagtatakang lumapit ako sa mga nagkakagulong staff sa may pintuan ng dressing room.
"What's going on here?" Kunot pa rin ang noong tanong ko sa kanila. Sabay-sabay naman silang napalingon sa akin.
"Ms. Myton! Dumating na po pala kayo," It's one of my glam team. At nang tignan ko ang iba pang nandoon ay nakita kong kasama sa mga nagkakagulong staff ang glam team ko.
"Ano'ng meron at nagkakagulo kayo riyan?" I asked again. At nagsitabi sila para makadaan ako para makapasok sa dressing room.
"See it with your own eyes na lang po, Ms. Myton!" Kinikilig pa na bulong sa akin ng gay na hairstylist ko.
"Eee! Ang gwapo niya talaga."
"Oo nga. Sobrang lakas ng appeal niya!"
"I can't believe na walang naka-discover sa kaniya para maging model o artista dati pa."
"Ang swerte ni Ms. Myton dahil siya ang unang makaka-partner niya."
"For sure, he will be the next big thing in the modelling world."
Pinipigilan ko ang mapataas ang isang kilay ko sa mga naririnig kong bulungan nila habang papasok ako ng dressing room.
"Oh, Myton! You're here! Mabuti naman." Excited na linapitan ako ng photographer na si Yumi. "I would like you to meet your new partner for this project." She said, after niyang makipagbeso sa akin.
"Okay. You know what? I'm curious kanina pa kung sino ang nahanap ninyong kapalit ni Dale, eh. Everyone seems amused with him." Nakangiti kong sabi kay Yumi. But my smile faded slowly, nang tumayo sa kinauupuan niya ang lalaking pinagkakaguluhan nila at dahan-dahan itong humarap sa akin. And my jaw almost dropped when I saw who he was.
That's Jack! And he is looking at me with that grin on his face.
"J-jack?!?" Shocked na react ko nang makabawi. "What are you doing here?" I asked him. Pinipigilan ko ang sarili ko na sugurin siya at burahin ang ngisi sa mukha niya.
"Do you know him? Or, it must be, you know each other?" Puzzled na tanong ni Yumi habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Jack. Tulad din ng iba pang taong naroon.
"Yeah, I know her." Si Jack ang sumagot agad, still grinning at me.
"No! I don't know you." Inirapan ko siya saka ko hinarap si Yumi. "Ano ang ginagawa ng lalaking ito rito? Care to explain to me, Yumi?" Nakapamewang na tanong ko sa kaniya.
"Hey! Relax, Myton. You said you don't know him. Pero bakit ganiyan ang reaction mo nang makita mo s'ya?" Naguguluhan pa rin na tanong ni Yumi.
"It's because we are running out of time. We are in a rush. We have to finish this photoshoot today, right? Kaya, ano ang ginagawa ng lalaki na 'yan dito? "Nasaan 'yung model na kapalit ni Dale?" I asked her, trying so much to control my temper.
"Well, you are right. Nagmamadali na tayo. But you have to relax now, Myton. Dahil siya ang kapalit ni Dale. Wala na tayong problema. Siguradong matutuwa pa ang client natin sa magiging resulta ng project na ito." Yumi said and she seems so excited talaga. And it pissing me off even more.
Bakit sila tuwang-tuwa kay Jack?
Hindi ba nila nakikita kung gaano siya nakakainis?
At siya ang kapalit ni Dale?!?
"You've got to be kidding me," I exclaim, "you're just bluffing, right?"
"Hindi siya nagbibiro. Wala ring nanloloko sa'yo. Ako ang makaka-partner mo ngayon sa photoshoot mo. And you have to accept it," Jack said.
I look at him glaringly. "This can't be! You are not a model. You are a gangster!" I said to him that made all the people in that room gasp.
While Jack slowly approaches me and says, "Well, who said a gangster couldn't be a model?" I can, Myton. I can." He said this to me with a serious expression on his face. Saka siya bumaling kay Yumi. "Can we start it now?"
"Ahm...Yes! Uunahin na natin 'yung mga shots mo ng mag-isa habang inaayusan pa si Myton. Then, 'yung magkasama naman kayo kapag ready na si Myton," Yumi replied, smiling.
"Okay." Tipid na sabi ni Jack.
"Let's move guys! Time is gold, right? Let's do this!" Cheerful na sigaw ni Yumi sa lahat. At sinimulan na nilang kuhanan ng litrato si Jack.
Habang ako ay hindi pa rin makapaniwala habang inaayusan ako ng glam team ko.
They have a lot of explaining to do with me later.
At hindi pa kami tapos ni Jack. Humanda siya sa akin mamaya.