Chapter 5: The Oc Gangster

1270 Words
Myton I really hate it! Ilang araw na mula nang makalabas ng hospital si Jack para rito na lang sa mansiyon tuluyang magpagaling. At ilang araw niya na rin akong inaalila. And the people here seem to enjoy it. Nakakainis! Pinagtutulungan nila ako. Gaya na lang ngayon. I I woke up early for my daily routine of exercise. Pero imbes na nagja-jogging ako ngayon, heto at naghahanda ako ng almusal ng kamahalan. Mabuti sana kung hindi siya maarte. Kaso hindi, eh! Ang dami niyang ayaw at ang dami niyang do's and don'ts. "Hija, baka naman hindi matunawan niyan si Jack. Nakasimangot ka habang pinag-hahanda mo siya ng almusal." Natatawang puna sa akin ng mayordorma sa mansiyon na si Manang Celeste. "Well, pabor po sa akin kapag nangyari 'yon." Hindi maipinta ang mukha na sabi ko habang tinatapos ko ang paglalagay sa tray ng almusal ni Jack. "Ikaw talagang bata ka. Hala, sige. Iakyat mo na 'yan at kailangan ng makakain ng batang 'yon. Para makainum ng gamot," Manang Celeste said. "Yes, Manang. Mag-almusal na rin po kayo." Nakangiting wika ko saka ko binitbit ang tray at nagpunta na ng kuwarto ni Jack. Nang marating ko ang kwarto niya, hindi na ako nag-abalang kumatok. Basta ko na lang binalya pabukas ang pinto niya. Sakto namang nagsusuot siya ng shirt pagkabukas ng pinto. "Myton! Don't you know how to knock?" he exclaimed. Hindi ko naman siya pinansin at tuloy-tuloy akong pumasok at inilapag sa lamesang naroon ang almusal niya. Saka nakapamewang na hinarap ko siya. "Hindi ko kasalanang hindi ka marunong mag-lock ng pinto. Ayan na po ang almusal niyo kamahalan. Kumain ka na para makainom ka na ng gamot," Talak ko sa kaniya. "Tsk! I told you. You don't have to do this. Just say yes to managing the human resources company again." Masungit na sabi ni Jack habang lumalapit sa mesa kung saan ko inilagay ang almusal niya. "No way! And what? Stop my modelling career? Sabagay, 'yun naman talaga ang plano niyo 'di ba? Ilang project na nga ang nawala sa akin, eh. And that's because of you!" Nakasimangot na naupo ako pabagsak sa kama niya. Na, ikinasimangot nito. "Not in my bed, Myton." Salubong ang kilay na warning niya sa akin while munching his food. I smirked, noong ma-realize ko na ayaw na ayaw niya nga pa lang nagugusot ang kama niya na ayos na ayos. And with that, an idea popped in my head. Nakangising nagtatalon ako sa ibabaw ng kama niya. "Myton!" Nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang sigaw niya sa akin. "I said not my bed, Myton!" Madiing saad ni Jack saka madilim ang mukhang naglakad palapit sa akin. Pero mas ginanahan lang ako na inisin siya lalo. Kaya mas nagtatalon pa ako sa lahat ng parte ng kama niya. "How dare you ruin my bed! Stop right now! I'm warning you." Matalim ang tinging banta niya sa akin. "As if namang natatakot ako sa'yo." Naghahamong wika ko sa kaniya. "'Wag mong sabihing hindi kita binalaan," Jack said. "I'm scared, Jack. I'm scared." Sarcastic na sabi ko sa kaniya. Hindi naman ako natatakot sa kaniya. Dahil kahit gaano siya ka-oc sa mga gamit niya, alam ko namang hindi niya ako kayang saktan. Pero hindi ko inaasahan at mas lalong hindi ko napaghandaan ang gagawin niya. Hinawakan niya ang isang paa ko at hinila ako. Saka ako binuhat at halos ibalibag sa may carpet na part ng kuwarto niya. "No. Not in my carpet too." Binuhat niya uli ako nang ma-realize niyang sa carpet niya ako ibinaba. Nanlalaki ang mga mata at napaawang ang bibig ko sa sobrang shocked sa ginawa niya. Sa sahig na walang carpet niya ako halos pabagsak na ibinaba. "How could you do this to me, Jack?" I exclaimed, still trying to process what had just happened. "I warned you. Pero hindi ka nakinig," he said, saka inayos ang nagulong kama. Saka siya bumalik sa pagkain na parang walang nangyari. "Pagkatapos kitang ipaghanda ng almusal? Gaganituhin mo ako?" Sindak pa rin na sumbat ko sa kaniya. "You can muck up anything in this house, but not my things, Myton. And 'wag mong ipagmalaki itong almusal na ginawa mo. Hindi naman masarap," Jack said, habang ngumunguya ng pagkain. Napasinghap naman ako sa sinabi niya. "Hindi pala masarap. Eh, bakit mo kinakain!" Marahas akong tumayo pero napangiwi ako ng makaramdam ng sakit sa may pang-upo ko. "Ouch! My butt hurts. Kasalanan mo 'to, eh!" Asik ko sa kaniya. "Dont over react. Baka hindi ka na nakatayo ngayon, kung nilakasan ko ang pagbagsak sa'yo sa sahig." Walang pakialam na wika ni Jack. "Hah! How dare you talaga, Jack! I hate you!" I hissed at him. "Huh?" Natigilan ako ng mula sa balcony ng kuwarto ni Jack ay pumasok ang dalawang alagang puppy nito at dumiretso sa kama niya. And it seems that he doesnt mind. Kahit nahiga roon ang dalawa. "Wait! Bakit sa kanila hindi ka nagalit na nasa kama mo sila?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Jack. "Of course! Ton-ton and Lulu are my pets," Jack says. "Hah! Hindi hamak na mas malinis naman ako sa mga aso na 'yan, noh! Tapos ako hindi pwede kahit maupo lang sa kama mo? Pero sila pwedeng mahiga riyan? Nananadya ka lang ba, ha!" Asik ko sa kaniya. "Of course! Kakapaligo ko pa lang sa kanila. That's why they are clean," Jack explained. "Unlike you. Galing ka pa sa kusina. At mukha ngang hindi ka pa naliligo, eh." Dagdag pa nito. "Wow! Just wow, Jack! Sabay tayong lumaki nila Luisa. But I never thought na ganiyan ka ka-Oc!" Nakapamewang na talak ko sa kaniya. Kaya naman pala ang dami niyang do's and dont's. Now, I know. "It's because you're too preoccupied with your own whims, and you're not aware of other people around you," Jack retorted. "What? My own whims? Hah! You're really stressing me out, Jack. Uminom kang mag-isa ng gamot mo! At hinding-hindi na uli kita ipaghahanda at ipagluluto ng pagkain mo. Kahit magalit pa sa akin sina Dad at Lolo Alfred." Saka ako nagdadabog na namartsa palabas ng kwarto niya. "Hah! Hindi pala masarap ang mga luto ko, ha. At hindi ako mukhang malinis? I can't believe, he can be that Oc! Tinalo niya pa ko, ha! Hah!" Napabuga ako ng marahas ng hangin. And I decided to take a break, mula sa ilang araw ng pang-i-stress sa akin ni Jack. Jack "Hey, Lulu and Ton-ton, come here." Linapitan ko ang dalawa na prenteng nakahiga sa kama ko at binuhat. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko ang itsura ni Myton kanina. Serves her right for messing with my bed. But I really don't mean to do that to her. It's just that when it comes to my things. Especially, my bed. Nag-iinit ang ulo ko, kapag may ibang taong gumugulo o humahawak. That's why I personally clean my room. And I makesure, na malinis sina Ton-ton at Lulu kapag nandito sila sa kwarto ko. Pero usually, sa may balcony ko talaga sila nakalagay at nakakulong sa cage nila. "I guess, I really pissed her off. Kaya kayong dalawa, mag-iingat kayo. Knowing her, baka gantihan niya tayo." Kausap ko sa dalawa. "Aw!" Napadaing ako at napahawak nang kumirot ang tahi ko sa tagiliran. Ginalit ko ang personal nurse ko. Kaya mukhang kailangan kong linisin mag-isa ang mga sugat ko. And I don't mind actually. Kaya ko naman talagang gamutin ang sarili ko. Sinadya lang talaga naming obligahin si Myton para hindi siya umalis ng bahay. Pero dahil ginalit ko siya, mukhang kailangan naming mag-isip ng ibang paraan para mapirmi siya dito sa mansiyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD