Myton
"Ms. Myton, bakit ba mukhang ang laki ng galit mo kay pogi?" tanong sa akin ng hair stylist ko na si Kimmy habang inaayusan niya ako.
"Oo nga. Sabi mo hindi mo siya kilala. But it seems na kilalang kilala niyo ang isa' t-isa," dagdag pa ng make-up artist na si Gwen.
"Ayoko siyang pag-usapan. Baka lalo lang masira ang mood ko," hindi pa rin maipinta ang mukha na sagot ko naman sa kanila. Kaya tumahimik na lang sila at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa akin.
Pagkatapos akong ayusan ng glam team ko, pumunta na kami sa photo studio kung saan ready na ang platform for our photoshoot. At kasalukuyang nakasalang si Jack.
Nakahalukipkip na pinagmasdan ko siya habang kinukuhanan siya ng litrato ni Yumi. Sinusunod naman niya kung ano ang mga ipinagagawa sa kaniya. But I know him. Hindi siya sanay ng inuutusan siya. Si Lolo Alfred at Daddy lang ang nakakapag-utos sa kaniya. Pero usually hinahayaan siya ng mga ito sa mga diskarteng gagawin niya sa mga misyon niya sa organisasyon. Kaya nakakapagtaka na napapayag siya ng mga ito na gawin ang bagay na ito. Lalo na for him, modelling is lame. Isa siya sa tutol at kontrang-kontra sa pagmomodelo ko. Pero heto siya ngayon sa harap ng camera. Doing what a model like me does. And that is what the photographer is telling him to do in front of the camera.
Pumayag siyang mag-model para bantayan ako?
Akala ko pa naman hinayaan na nila ako. May plano naman pala sila. Or it must be Jack's plan. Humanda siya sa akin mamaya. How dare him invade my world. Ito na nga lang ang mundo ko outside the organization, eh. Pumayag naman sila Daddy na mag-model ako aside from managing our Human Resource business, eh. Even Luisa support me in my modelling career. Si Jack lang talaga ang nag-iisang kontrabida.
After ng ilang shots ni-retouched ang make up niya. He looked in my direction and he smirked. Inirapan ko naman siya. Akala mo naman ikina-gwapo niya iyon. Ang sarap lang bigwasan.
"Grabe! Sobrang lakas ng dating niya, Ms. Myton!" kinikilig na sabi ng P.A ko na si Charm na halos tumili pa.
"Oo nga. Ang gwapo niya! Matagal mo na ba siyang kilala? Bakit hindi mo siya ipinakilala agad 'nung naghahanap sila ng kapalit ni Dale?" tanong naman ni Gwen.
"Kasi hindi naman siya model. At hindi siya bagay mag-model!" Sabay irap ko sa kanila.
"Bakit parang may something?" Makahulugang sabi ni Kimmy.
"Oo nga, eh. Bakit parang inis na inis ka sa kaniya, Ms. Myton?" nagtatakang tanong naman ni Gwen.
"Oh my! Hindi kaya ex mo siya?!" animo shocked pa na conclude ni Charm.
"Excuse me? Hindi ko siya ex. At mas lalo namang wala kaming something ng gangster na 'yan, noh!" walang preno kong asik sa tatlo.
"Gangster?!?" Sabay-sabay at kunot noong react naman ng mga ito. It's too late para bawiin ko ang nasabi ko.
"Ms. Myton, sasalang na po kayo," informed sa akin ng isa sa mga staff.
Save by her. Makakaiwas na ako sa mga tanong ng tatlo. Kaagad akong sumama sa kaniya para maghanda sa mga shots ko.
Sakto namang nakasalubong ko si Jack na kaaalis lang sa platform.
"Let see kung may ibubuga ka nga dito sa career na pinaglalaban mo," halos pabulong na sabi niya sa akin nang magkatapat na kami.
"Hah!" halos umusok ang ilong ko sa sinabi niya. I was about to shout on him kaya lang nilapitan ako ni Yumi.
"Myton, ready for your shots?" nakangiting tanong nito sa akin.
"Yeah! Of course! Let's get it done!" nakangiti kong sagot kay Yumi.
Dahil may kailangan pa akong harapin pagkatapos.
Nanggigigil kong sabi sa utak ko habang pasimple kong sinamaan ng tingin si Jack. And he just smirked on me. Saka prenteng naupo sa couch habang umiinom sa bottled water na iniabot sa kaniya ng halatang kinikilig kong assistant.
Ang sarap talagang tusukin ng singkit niyang mga mata.
Jack
I don't know if it is a good idea. Knowing her, siguradong magwawala siya sa galit. But I don't have a choice but to do this. Masyadong matigas ang ulo niya. Pinaglalaban niya kung ano ang gusto niya. Kaya kahit pinakiusapan na siya ng Dad niya na tumigil na sa pagmomodelo ay ayaw niya pa ring magpaawat. That's why we ended up with this decision.
I'm not sure if I'll be able to pull it off. Being told what to do is something I despise. And joining the modeling industry means I'll have to follow their rules and regulations.
At sinimulan na nila 'yon pagkapasok ko pa lang sa dressing room na ito.
They told me to put on these clothes, and now they're applying make-up to my face.
At pati ang buhok ko pinakialaman nila. Ayokong hinahawakan ng iba ang buhok ko. Pero kailangan kong magtiis at magpigil. I have to be thankful because when I asked them if I could replace their sick model position, hindi sila nagdalawang isip. At pinaayusan, tinanggap agad nila ako. Maybe they are already in a rush right now. At wala na silang oras humanap ng ipapalit sa nagkasakit na modelo.
And when I saw her reaction when she saw me? It's priceless!
I know, na gigil na gigil na siya sa akin. Paniguradong gustong-gusto niya na akong tarayan. Nagpipigil lang siyang ipakita sa mga tao rito ang outburst niya.
Well, napilitan lang din naman ako na gawin 'to.
I hate being commanded.
But, I'm doing this para mabantayan si Myton. After what happened. Kailangan naming mag-ingat. Hindi pa rin namin alam kung sino ang kalaban. Pero hinayaan pa rin siya na ipagpatuloy ang pagmomodelo niya. Knowing her, paniguradong hindi siya papayag na mag-focus na lang sa pamamahala sa negosyo. Ayaw niya rin na may nakabuntot sa kaniya na bantay. She even undergo training para matuto ng self defense. Para kaya niya na raw protektahan ang sarili niya. Pero hindi siya katulad ni Luisa na bata pa lang ay naging interesado na sa pagpapakadalubhasa sa martial arts. Kaya kailangan pa rin siyang bantayan. Kahit na ayaw niya at matigas ang ulo niya. That's why we come up with this decision.
Ang pasukin ko ang modelling world para mabantayan siya.
At gaya nga ng inaasahan namin, hindi niya ito nagustuhan. And I don't like this either. I hate being told what to do. I don't like the lime light and all this lame things about modelling. Mas gusto kong magpalakas pa lalo para paghandaan ang kalaban. Pero wala akong choice kung hindi gawin ito. Para sa ikakapanatag nina Lolo Alfred, Tito Ben and Luisa. 'Yun nga lang kailangan kong harapin ang galit niya.
And I'm not afraid of that. Lalo ko pa nga siyang iniinis, eh. Kaya naman ibinulong ko sa kaniya 'yon kanina nang makasalubong ko siya kanina.
At mukha namang nahamon ko siya.
Because right now, I'm seeing the different side of Myton.
The way she project in front of the camera, I can say that she really mastered this craft. Hindi na siya kailangang sabihan ng photographer na si Yumi kung ano ang gagawin niya. It seems na kabisado niya na ang anggulo niya. Total opposite talaga sila ni Luisa. Kaya himalang nag-jive sila at naging mag-bestfriend.
Everytime na mapapatingin siya sa gawi ko ay iniirapan niya ako. At ginagantihan ko naman ng ngisi.
Well, I have to endure her anger dahil paniguradong higit pa sa irap ang matitikman ko pag-uwi namin ng bahay.