Myton
"A-are you okay? W-wala ba silang ginawang masama sa'yo?" tanong ni Jack sa akin sa mahinang boses. Tapos na siyang i-check ng mga doktor niya. At mabuti na lang stable na siya. Kaya nakahinga na kami ng maluwag.
"Psh! Paano nila 'yon magagawa? Eh, hinarang mo ang sarili mo. Kaya ka nga puro saksak 'di ba?" Mataray na sagot ko sa kaniya.
"Myton, ngayon lang nagkamalay si Jack. Don't talked to him that way,"
Saway sa akin ni Luisa. Nag-make face lang ako sa kaniya.
"Tama si Lui, anak. Jack protects you. Kaya siya nagkaganiyan. Be nice to him, okay?" Dad said to me, Pinagtulungan pa nila ako.
"Fine. Magiging mabait ako sa'yo dahil hindi ka pa okay. Magpagaling ka na agad para pwede na kitang sungitan ulit." Nakangisi kong turan kay Jack. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-iling nina Daddy at Luisa.
"Tsk! Kumusta habang wala akong malay? Nasaan si Lolo Alfred?" Jack asked.
"Nasa bahay siya para i-meeting ang mga tao. Kailangang i-alerto ang lahat. Kailangan nating maging handa sa posibleng pag-atake ng kalaban," Dad said.
"Tama. Kailangan nating maging maingat. We have to be sure of your safety. Hindi tayo sigurado sa pakay ng mga kaaway sa atin," Jack said, serious as usual.
"Alam mo, Jack, ang isipin mo muna ay ang pagpapagaling mo. Para makalabas ka na rito sa ospital. Bakit ka ba kasi napuruhan? Ano ang nangyari, that day? Paano ka naisahan ng kalaban?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
"Myton, give Jack a break, please," awat sa akin ni Luisa.
"I'm okay now. Dont worry about me, Luisa. Pagkalabas ko dito sa ospital, hahanapin ko kaagad ang may gawa nito sa akin. Sisiguraduhin ko na hindi siya o sila makakalapit sa kahit na sino sa inyo," madilim ang mukha na saad ni Jack.
"Ihaharang mo na naman ang sarili mo? You are not a robot nor a super-natural, Jack. Look what happened to you. And besides, kaya din naman naming protektahan ang sarili namin, noh." I said to him. Sabay irap ko sa kaniya.
"Yeah right. Kung hindi dahil sa katigasan ng ulo mo baka hindi ito nangyari kay Jack. Kaya pwede ba, Myton? Tigilan mo siya." Luisa said, na pinandilatan pa ako ng mga mata. "Ipagbalat mo na lang siya ng prutas. He needs that. Para maka-recover siya kaagad." Utos pa nito sa akin.
"Dad, can do that. Right, Dad?" Nakangiti kong baling kay Dad.
"No, anak. You do that. Dahil sa'yo naman kaya nangyari 'to kay Jack, eh. I have to go. Kailangan kong humabol sa meeting. Mag-iingat kayo ni Luisa pauwi, okay?" Bilin ni Dad habang palabas na ng pinto. "Jack, I have to go." Paalam nito.
"Mag-iingat ka, Tito. Magsama ka ng tao natin. 'Wag matigas ang ulo mo. Katulad nitong anak mo." Pahabol pa nitong wika kay Dad na tinawanan lang nito saka tuluyan nang umalis.
"Hah! So, aalipinin nin'yo ako? Hindi ko naman ginusto na mangyari ito kay Jack, ah." Reklamo ko pa.
"Aalipin agad? Myton, pinagbalat lang kita ng prutas for Jack. Ang OA, ha." Natatawang sabi ni Luisa.
"Tsk! Hayaan mo siya. I can manage. Utang na loob ko pa sa kaniya 'yon." Jack said, na pilit na binabangon ang sarili.
"Jack, no! Hindi ka pa pwedeng kumilos. Myton, will do that. Aalagaan ka niya habang nandito ka sa ospital." Pinigilan ni Luisa sa pagbangon si Jack.
"Luisa!" Palag ko pero sinamaan niya ako ng tingin.
"Do it, Myton," Luisa said with authority.
"Hmp! Fine!" Nagmamaktol na sinunod ko na lang ang gusto niya. Nakasimangot na ipinag-balat ko ng prutas si Jack. Sa mansanas ko ibinuhos ang inis ko.
"Wala bang nanggulo sa photoshoot mo, that day?" Jack asked, habang ipinagbabalat ko siya ng mansanas.
"Wala. Natapos ng maayos ang shoot. Kung hindi ako tinawagan ni Luisa, hindi ko pa malalaman na nasa ospital ka at nag-aagaw buhay." I said to him, na hindi siya
tinitignan.
"Mabuti naman kung ganoon," tipid na tugon nito.
"Siguro naman dahil sa nangyari makikinig ka na kay Jack. Hindi safe na pakalat-kalat ka kung saan-saan, Myton," Luisa said, na prenteng nakaupo sa sofa na mukhang ka-text ang asawang si Sebastian dahil nangingiti ang bruha.
"I suggest, na sa kompanya ka na lang mag-focus. Stop that modelling thing," Jack said, na ikinalaki ng mga mata ko.
"No way! Gusto niyong itigil ko ang pagmomodelo?" I exclaimed.
"It's for your own safety, Myton. Trish is with Gino with bodyguards. Kaya siguradong ligtas siya. Eh, ikaw? Ni ayaw mo ng bodyguards." Inirapan pa ako ni Luisa.
"Mukhang wala siyang balak na sumunod. I will be her bodyguard na lang," Jack said, kaya napasinghap ako.
"Wait, what?!?" Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. "Hindi ko kailangan ng bantay, Jack. Now that I know, na may threaten ulit sa atin. I'll be sure of my safety. You don't need to bother yourself. And besides, kailangan mo pang magpagaling." I said to him," Habang inaabot ko sa kaniya ang mansanas na nabalatan at nahiwa ko na.
"Ang tigas talaga ng ulo." Naiiling na komento ni Luisa.
"Nag-e-enjoy ka talaga na ibinibilad ang sarili mo sa madla ano? Mas madali kang mata-target ng mga kalaban dahil sa pagmomodelo mo." Salubong ang kilay na sabi ni Jack habang ngumunguya ng mansanas.
"What a word, Jack!" Binibilad talaga? I've never posed naked before, ha. At tsaka mag-iingat nga ako, eh. Just don't make me stop modelling. Don't dare na i-suggest kay Dad na pahintuin ako." Ang irritated kong sabi.
"As if namang papapigil ka sa Dad mo," singit naman ni Luisa.
"Perhaps I should talk to Lolo Alfred," Jack suggests.
"Jack!" I yelled.
"Then choose. Titigil ka sa pagmomodelo? O, papayag kang samahan kita sa mga photoshoot mo," seryoso na wika ni Jack.
"Goodluck on choosing," Nakangising sabi ni Luisa.
"Tse! "You're not helping, Lui." I hissed at her.
"Sabi mo igaganti mo ako 'di ba? You don't have to do that. Makinig at sumunod ka na lang sa amin. That way, makakabawi ka na sa akin," malumanay na saad ni Jack.
"Hmp! Sana hindi ka na lang muna nagkamalay." Inirapan ko siya sa inis ko sa kaniya. Wala akong panalo sa kanila kapag nagkampi na sila.
"Talaga lang, ha. Pero iiyak-iyak ka 'nung wala pang malay si Jack," Nang-iinis na sabi ni Luisa.
"Akala ko kasi matatagalan siyang walang malay, eh. At tsaka na-guilty lang kasi ako no'n. Pero ngayon binabawi ko na. Oh! Ubusin mo lahat 'yan!" Pabagsak kong inilapag sa tabi niya ang mga nabalatan kong mansanas.
"Salamat, ha. You're so sweet talaga. Gagaling ako nito agad," Sarcastic na sabi sa akin ni Jack.
"Can I go home? Nandito ka naman Luisa, eh," paalam ko.
"Sorry. Susunduin na ako ni Sebastian, eh. Dadalaw na lang kami dito bukas kasama ang mga bata." Tumayo na si Luisa at naghanda na para umalis.
"'Wag na. Magpapa-discharge na ako bukas para sa bahay na lang magpagaling," Jack said.
"I don't think na papayag ang mga doktor mo," I commented.
"Oo nga. Tsaka walang nurse o doktor na titingin sa'yo habang nagpapagaling ka," segunda naman ni Luisa.
"Myton can do that." Jack pointed me.
"What?!? Ano'ng ako?" Shocked na tanong ko.
"Sabagay. Mas mabuti ngang sa bahay ka na lang magpagaling. Mas nakakasiguro tayo na ligtas. And Myton here will takecare of you, habang nagpapagaling ka sa bahay. Siya, aalis na ako." Tinapik ako sa balikat ni Luisa bago ako nito nilampasan.
"Hah! Pumayag ba ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.
"We're not giving you a choice. Para mapirmi ka rin sa bahay." Jack said, smirking.
"I hate you, Jack! " Sigaw ko sa kaniya.
"Whatever, Myton," Balewalang sabi niya saka kumain ng mansanas. "Pakibukas 'yung t.v naiinip ako." Utos pa nito sa akin.
Nakangising lumabas na ng pintuan si Luisa. Padabog ko namang kinuha ang remote ng tv at binuksan ito. Saka ako nakasimangot na naupo sa sofa. Wala pa nga siyang isang araw na nagigising sobrang pambubuwisit na ang ginagawa niya sa akin.