Myton
"Hi, Myton!" Bati sa akin ng mga makakasalubong kong mga kaklase. Nasa unahan at nakataas ang kilay habang naka-crossed arms ang pinaka-lider nila.
Napairap ako sa isip ko. Feeling Queen bee. Hindi naman pantay ang dibdib. Pinigilan ko ang sarili ko na maisatinig iyon.
"Ano ang kailangan ninyo sa akin?" Instead ay tanong ko na lang sa kanila. I have no choice but to deal with them dahil humarang sila sa daraanan ko.
"Feisty as ever. Pero may laban ka kaya sa amin? Ngayong hindi mo kasama si Luisa?" Mataray na mas lumapit pa ito sa akin.
"Alam niyo gusto ko sana kayong patulan, eh. Kaya lang may klase pa ko.Kaya next time na lang okay?" Tinangka kong dumaan sa gitna nila pero itinulak nila ko pabalik sa kinatatayuan ko kanina.
"At sa tingin mo hahayaan ka naming umalis?" Sabi ng isa sa kanila.
"Oo nga. Pagkakataon na naming saktan ka," wika pa ng isa.
"Just because, wala akong kasama?Hindi naman pala kayo patas, eh. Mga duwag," I said to them, na lalo nilang ikinagalit.
"Hah! Tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo!" Lumapit ang isa sa kanila at itinulak ako. Na hindi ko napaghandaan kaya napaupo ako.
"Lampa naman pala ito, eh." Nakakabuwisit na humalakhak pa ang lider nila.
Nandidilim ang paningin na bumangon ako at tinulak siya ng mas malakas.
"Aray!" Nasaktang sigaw nito dahil mas malakas ang impact ng tulak ko sa kaniya.
"Madelaide!" Dinaluhan naman ito agad ng mga kasama nito.
"Aah! Nakakainis! Nadumihan ang damit ko. Ano pa ang ginagawa niyo? Pagtulungan niyo na 'yan!" Nang-gagalaiting utos nito sa mga kasama.
"Humanda kang babae ka!" Sumugod sa akin ang isa kasunod ang mga kasama pa nito.
Pinilit kong makailag at lumaban. Pero dahil tatlo sila at mag-isa lang ako, lugi ako.
"Ouch!" Daing ko ng hilahin ng isa sa mga ito ang buhok ko. "Kainis! Not my hair!" Sa inis ko kinalmot ko ang mukha niya. Pero hindi ko napaghandaan ang pagtulak sa akin ng isa sa kanila. Kaya natumba ako at tumama ang noo ko sa isang paso na naroon. Mahilo-hilong bumangon ako at napahawak sa noo ko. At halos manginig ako ng makakita ng dugo sa kamay ko.
"'Yan ang napapala ng mayabang na tulad mo!" asik sa akin ng lider nilang si Madelaide.
I was about to shout at her, nang bigla silang magsitumbahan nang may humawi sa kanila para makalapit sa akin.
"Aray! Ano ba!" Reklamo nila pero natameme sila ng makita nila kung sino ang nakatayo sa harapan ko.
"Who did that to you?" Madilim ang mukhang tanong ni Jack habang nakatingin sa nagdurugo kong noo.
Napatingin ako sa babaeng tumulak sa akin. Lumipat ang tingin ni Jack sa kaniya. Namutla ang babae at dahan-dahan na gumapang paatras ng lumapit sa kaniya ang nakakuyom ang kamaong si Jack.
"H-hindi ko s-sinasadya..." Nanginginig na wika nito.
"Jack...." Tawag ko sa kaniya. Because, I know that look. Kaya niyang manakit ng kahit na sino kapag ganiyan ang itsura niya.
"H-Hey! Dont tell me, sasaktan mo siya?" Nanginginig din na tanong ni Madelaide kay Jack.
Tinignan ito ng masama ni Jack. Kaya takot na umatras ito. Madilim pa rin ang aura na nagpatuloy sa paglapit sa takot na umaatras na babae. Jack is about to kick her, pero nagmamadali akong tumayo at yumakap sa mga binti niya.
"No, Jack! Dont do that! Baka mapatay mo siya," I said, habang awat-awat siya. Nanlaki naman ang mga mata ng mga babae dahil sa sinabi ko. And that's true. Mabait si Jack, but he can be savage. Kapag gano'n kadilim ang aura niya. And I can't understand him. Bakit ganito ang reaksyon niya ngayon? Eh, preschool pa lang naman napapaaway na kami ni Lui. Napatingin ako sa kaniya nang maramdaman kong may dinampi siya sa nagdudugo kong noo.
"Hold it," he said, napasunod naman ako. Tinignan niya ako sandali bago nilapitan ng tuluyan ang babaeng nakasalampak pa rin sa semento. Marahas na hinila niya ito patayo na ikina-singhap ng mga kasama nito. Including me.
"Jack! No! Please..." Pakiusap ko sa kaniya. Hindi sa naawa ako sa bruha na 'to. It just that, baka ma-expel sa University si Jack kapag sinaktan niya ang babae.
Nakita kong huminga muna siya ng malalim bago hinawakan ng mahigpit sa braso ang babae. "Palalampasin ko ang ginawa niyo ngayon sa kaniya. Pero sa susunod na kantiin niyo uli siya... I swear hindi na ako magpapaawat na saktan kayo. Naiintindihan mo?" Mahina pero madiin ang bawat salita ni Jack.
Nanlalaki ang mga matang tumango ang babae.
Marahas itong binitawan ni Jack saka niya ako pinangko.
"Sisiguraduhin kong hindi lang noo ang magdudugo sa inyo kapag inulit niyo pa ito. I'm not afriad to get expelled. Kaya, believe me, kaya ko kayong saktan." Tinignan niya ng masama isa-isa ang mga nahihintakutang mga babae bago nilagpasan ang mga ito.
"H-Hoy! Ibaba mo nga ako. Noo ko ang may sugat, kaya kong maglakad," I said to him. Mabilis na ibinaba niya ako ng ma-realize niya ang sinabi ko.
"Tsk! Troublemaker. Kung makikipag-away ka. Makesure na hindi ka nila masusugatan." Masungit na sabi niya saka nag-iwas ng tingin.
"Psh! Ginusto ko ba na masugatan ako? Naunahan lang nila ko, no! Tsaka dapat hindi ka na nakialam. Seriously? Mananakit ka ng babae?" Sermon ko sa kaniya.
"Pumunta ka na ng clinic para magamot 'yang sugat mo. Siguradong mag-aalala na naman ang Daddy mo at si Lolo kapag nakita kang may galos." Supladong turan niya pa bago tumalikod na para umalis.
"Galos? Pero parang gusto niya ng patayin 'yung babae kanina," Murmur ko pa habang papunta ako sa clinic. Kaasar! Hindi nila nagalusan ang buhok ko pero ang mukha ko naman ang nabangasan. "Remind me na galusan din ang mukha ng babaeng 'yon." Nagpunta na ako sa clinic para magpagamot.
And that's the end of my dream about the past. Nag-iinat na umangat ako mula sa pagkakayukyok ko sa gilid ng hospital bed ni Jack. Until now, hindi pa rin siya nagkakamalay. Tatlong araw na siyang walang malay mula nang araw na masaksak siya. Kumikilos na ang organisasyon para alamin kung sino ang nanakit kay Jack. At oras na mahuli siya ng mga miyembro ng organisasyon, I swear, ako mismo ang magpapahirap sa kaniya.
"I guess, It's my turn para ako naman gumanti para sa'yo, Jack," mahinang sambit ko.
Mula pagkabata, hindi lang iisang beses niya ako pinagtanggol at iginanti sa mga umaaway sa akin. Pero in the end, sesermunan niya kami ni Luisa. Specially me. Kasalanan ba namin kung maraming nai-insecure sa amin? At hindi rin naman namin kasalanan ni Lui lalo na ako. Kung nai-intimidate sila sa aura namin, noh.
I almost roll my eyes upon remembering those days.
Napatitig ako sa walang malay na si Jack.
"Psh! Kailan mo balak gumising? Baka gusto mong magkamalay na? Para mahanap na natin 'yung may gawa sa'yo niyan! Siguro naman namukhaan mo siya, noh. Gumising ka na nga! Lolo Alfred is so worried and sad because of you. A-all of us actually," mahabang talak ko sa kaniya kahit na hindi niya naman ako naririnig. Pero napasinghap at nanlaki ang mga mata ko nang paglingon ko sa kaniya ay nakadilat na ang mga mata niya.
"Tsk! Kanina pa ako gising.... Ang ingay mo, eh..." mahina ang boses na wika ni Jack.
"Y-your... awake.... Tatawagin ko si Doc!" Nagmamadaling tumakbo ako palabas ng kwarto ni Jack para tawagin ang doktor niya.
Finally, he's awake!
At natigilan ako nang may ma-realize ako.
It means...narinig niya 'yung mga sinabi ko?!?