Jack
Hindi pa rin siya nagbabago. Matigas pa rin ang ulo niya. She is still the same bratty girl I knew since we were little. She really hates being controlled. Kaya siguradong mag-aaway lang kami kapag pinilit ko pa siya. That's why I decided to just follow her.
I followed Myton using my new big bike. But I made sure to keep my distance. Knowing her, mahahalata niya kapag may sumusunod sa kaniya.
Pagkatapos ng mga nangyari noon, ay mas nag-training pa ito. Kaya mas lumakas ang pakiramdam nito. But, we can't take the risk. Hindi kami pwedeng maging kampante. After knowing, na posibleng may natitira pa na heir ang mga Mafia maliban kay Tracy. We still don't know about her or his identity. Kaya kailangan naming mag-ingat.
That's why I have no choice but to do this.
Mas safe sana at wala kaming problema sa security ni Myton. Kung nagfo-focus na lang siya sa company nila. Instead of doing that modelling thing. Mas secure siya sa loob ng opisina. Kesa sa pagmomodelo niya.
She is so exposed and out in the open. Madali siyang mata-target at atakihin ng mga kalaban kung sakali. Pero dahil nga matigas ang ulo niya hindi siya makikinig.
I still keep my distance, nang marating na ni Myton ang location ng photoshoot niya. Pinag-aralan ko kaagad ang paligid. Pero wala naman akong nakitang kahina-hinala. Kaya kahit papaano ay nakampante ako.
At aaminin ko, nalibang ako sa panonood sa ginagawa ni Myton. She seems so focused and serious, sa ginagawa niya. Nang siya na ang nakasalang sa platform, na-amazed ako. The way she projects and poses in front of the camera. Para siyang ibang tao. Parang hindi siya ang bratinella na kababata namin ni Luisa.
Natulala ako ng makita kong ngumiti siya sa isa sa mga pose niya. And for a while, it feels as if my world has come to a halt. I can feel my heart beating faster. Nawala ako bigla sa focus.
Pero bigla akong bumalik sa realidad nang may mahagip ang mga mata kong kumislap sa tagiliran ng isang lalaki na dumaan. At mukhang ang kinaroroonan ni Myton ang tinutumbok niya. Kaya mabilis akong kumilos. Hinila ko ang lalaki palayo sa lugar na iyon. Para maiwasan na ring makagawa ng eksena. But I lost my grip on him. Kaya nakawala siya. At bago ko pa siya maatake ay naitarak niya na ang patalim sa tagiliran ko.
Napapikit ako sa naramdamang kirot. Pero hindi ko hinayaang makalayo siya. Kahit nahihirapan pinilit kong labanan siya. Pero dahil sa tama ko sa tagiliran bumagal ang kilos ko. Tinamaan ako ulit ng patalim sa balikat. At hindi ko napaghandaan ang isa pang pagsugod mula sa kaniya. Itinarak niya sa bandang dibdib ko ang patalim. Nandidilim na ang paningin ko pero nagawa ko pa rin siyang hawakan.
Hindi siya pwedeng makalapit kay Myton. Hindi pwede!
Pero dahil sa mga natamo kong saksak ay unti-unting bumigay ang katawan ko. Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay narinig ko ang mga taong palapit na humihingi ng tulong sa mga pulis na malapit lang sa lugar. Kaya kahit papaano panatag na ako na hindi na magagawa pa ng lalaki ang pakay niya.
I guess that I failed, because I lose my focus.
*****
Myton
"What happened?!?" tanong ko agad ng makita sina Lolo at Daddy na nauna pang nakarating sa akin sa ospital.
"Someone attacked, Jack. Nakita siya ng mga tao na mayroon ng saksak sa katawan. At nakatakbo ang taong may gawa nito sa kaniya," Dad explained.
"Sino 'yung umatake sa kaniya? At ano'ng ginagawa niya sa lugar na 'yon," I asked, pero napasinghap ako at natuptop ko ang bibig ko ng may ma-realized. "Jack is there because of me?" Tanong ko kahit alam ko na kung ano ang sagot.
"Oo, hija," sagot ni Lolo Alfred na nakaupo sa benches na nasa labas ng ER. "At tama ang hinala namin. Hindi pa sila nauubos. And they are just waiting to attack us. That's what happened. Kaya sugatan ngayon si Jack." Lolo seems strong, pero halata ang pag-aalala niya.
Jack is very precious to him. Dahil nang mawala ang nag-iisang anak nito. Si Jack na ang itinuring nitong anak. Gusto ko tuloy sisihin ang sarili ko sa nangyari.
"This is my fault..." Guilty na sabi ko. Napayuko ako dahil hindi ko kayang tumingin sa kanila.
"No. Wala kang kasalanan, Anak," Dad says to comfort me. Nilapitan niya ako at niyakap. "Walang may gusto na mangyari ito. It's just that maybe naunahan niya lang si Jack. Maybe he just lost his focus."
"Tama ang daddy mo, hija. Maybe something happened. Don't blame yourself. Jack will be okay." Nakangiting assure ni Lolo Alfred sa akin.
Pero sinasabi lang nila 'yon, to console me. "No. Kasalanan ko po. Ang tigas kasi ng ulo ko. Ayaw kong makinig sa kaniya. Jack is there, para bantayan ako ng palihim. I didn't notice na may kalaban na sa paligid dahil inilayo niya sa akin ang kalaban. Ayaw niyang magkagulo sa photoshoot ko kanina." Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. "Kung nasa malapit lang sana siya... If only he were just in my sight. Natulungan ko sana siya." Dad wiped my tears.
Nasa ganoon kaming eksena nang dumating sina Luisa at Tracy.
"Lolo! Tito Ben! How's Jack?" Nag-aalalang tanong ni Luisa nang makalapit sa amin.
"Ano po ang nangyari? Sino po ang may gawa nito sa kaniya?" tanong naman ni Tracy.
"We still have to wait. Wala pang lumalabas na doktor mula sa loob," Dad replied to Luisa.
"Hindi pa kami sigurado kung may kinalaman nga talaga sa Mafia ang may gawa nito," Lolo Alfred said.
"Sila lang ang posibleng gumawa nito, Lolo," I said.
"Ibig pong sabihin may natitira pa sa organisasyon nila Daddy?" Tracy asked.
"Oo, hija. Kaya kailangan mo rin na mag-ingat. Kahit hindi pa tayo nakakasigurado," Lolo Alfred said to Tracy.
"Or perhaps you have an idea about it. Pero hindi mo sinasabi sa amin," I said glaring at Tracy. Dahil sa nangyari bumalik ang pagdududa ko sa kaniya.
"Myton, stop it." Warning ni Luisa sa akin. "Tracy sacrificed enough. Hindi mo na siya dapat pinagdududahan. Wala na tayong magagawa kundi magdasal na lang na malagpasan ito ni Jack. And after what happened, siguro naman makikinig ka na." She seems serious and no emotion. Pero alam kung nag-aalala siya ng sobra para kay Jack. Kaya, I decided to shut up. Kung may kinatatakutan ako, Si Luisa 'yon. Hindi mo gugustuhing makita siyang magalit.
"I'm sorry, Lui. I didn't listen to him. Pinairal ko na naman ang katigasan ng ulo ko." Guilty pa rin na sabi ko.
"Nangyari na ito. Wala namang magandang maidudulot kung magsisisihan tayo. I already told others about what happened. Para makapag-ingat na rin sila. We have to scheduled a meeting. Para makapagplano sa mga gagawin natin." Poker face na sabi ni Luisa.
"I will send a message sa mga miyembro ng organisasyon." Volunteer ko. I feel so guilty kaya dapat may gawin ako.
"No. Tracy will help me do that," Luisa said, na ikina-nganga ko. Nagtatanong ang mga matang pinaglipat-lipat ko ang tingin ko sa kanila ni Tracy pati kina Lolo at Dad.
"Okay! I'm willing to help." Nakangiti na saad ni Tracy.
"Thank you, hija. I will also assign a bodyguard for your safety," Lolo Alfred said to Tracy, smiling.
"Anak, kami na ang bahalang kumilos. All you have to do is to be with Jack," Dad said na ikinatingin ko sa kaniya.
"Make him feel na nasa tabi ka lang niya, hija. Mag-a-assign din kami ng tao na magbabantay dito sa ospital." Bilin ni Lolo Alfred.
Papalag pa sana ako sa mga pinagsasabi nila ng bumukas ang pintuan ng ER at lumabas mula dito ang dalawang doktor.
"Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?" tanong ng isa sa mga ito.
"Yes, doc," sagot ni Lui.
We are all anticipating, sa sasabihin ng mga ito.
"The patient is out of danger," panimula nito kaya nakahinga na kami ng maluwag. "Walang organs na tinamaan. Pero medyo malalim ang natamo niyang sugat mula sa mga saksak. Madaming nawalang dugo sa kaniya. Kaya kailangan niyang masalinan ng dugo." Patuloy na paliwanag ng doktor.
"We are willing to go on a test, para malaman po natin kung may compatible na donor sa amin," wika ni Lolo Alfred.
"I will ask the others too," saad naman ni Dad.
"We have to do this as soon as posible. Kaya papuntahin niyo na po rito ang iba pang posibleng maging donor. For now, kayong nandito muna ang ite-test namin," paliwanag at bilin ng doktor.
"Yes, doc. We will do that," Luisa replied.
"Nurse, paki-assist sila for the test." Utos ng doktor sa isang nurse.
"Yes, doc. Sumunod po sa akin 'yung mga magpapa-test sa inyo," nakangiting sabi ng Nurse.
"Okay. Magpapa-test din ako," Tracy said, kaya napatingin ako sa kaniya.
"Me too!" Itinaas ko pa ang kamay ko.
"Hindi compatible ang blood type niyo ni Jack, remember?" Luisa said to me. Pinigilan ko ang sarili kong simangutan siya. "Just stay here with Lolo."
"Fine." I said, feeling defeated. Napahinga na lang ako ng malalim at naupo sa mga benches.
"I'm sure your presence is enough. Kahit hindi ka makapag-donate ng dugo, hija." Sabi sa akin ni Lolo Alfred naupo siya sa tabi ko. Habang nakasunod naman ang tingin ko kina Luisa na kasunod ng nurse. Bumalik naman sa loob ng ER ang mga doktor.
"No, Lolo. Dapat may magawa ako. Para man lang sana mabawasan ang guilt ko sa nangyari kay Jack." Bagsak ang balikat na sabi ko.
"Keep yourself safe. 'Yun ang pwede mong gawin, hija. Dahil 'yon ang gusto ni Jack." Makahulugang sabi ni Lolo Alfred.
Napahinga na lang ako ng malalim. Hindi ako mapakali. Dapat may gawin ako. At isa pa napapaisip ako. Kung bakit posibleng nawala sa focus si Jack. Kaya nangyari sa kaniya ito.