Part 3: Sumpa

1874 Words
The Soldier & I Ai_Tenshi Part 3: Sumpa "Mr. Dela Rosa!! Bakit ka natutulog sa oras ng klase ko? Gusto mo bang makarating ito sa papa mo? Stand up at tumayo ka doon sa sulok! Now!" ang galit na utos ng aking prof noong bigla akong nakatulog sa oras ng history class. Edi ayun nga halos dalawang oras akong nakatayo sa gilid ng classroom, ang lahat ay natatawa habang pinag mamasdan ako lalo na si Turalba na naka ngising aso habang apura ang pasikat dahil tungkol sa gera ng hapon at amerikano ang topic. Wala akong magawa kundi pandilatan ito ng mata at irapan dahil kasalanan naman niya lahat kung bakit ako napuyat kagabi. "Para iyon lang ay hindi kana natulog? Baka naman naiinis ka lang sa kanya kaya ka nag kakaganyan frend?" pang uusig ni Ed. "Hindi no, sino ba naman ang makakatulog kung panay kalabog at kaluskos ang maririnig mo sa paligid mo. Kasalanan to ni papa eh, bakit kasi doon pa nya pinalipat itong si Turalba sa katabi ng aking silid. Akalain mo iyon, pati yata kanyon ay hinihila niya papunta sa kwarto, tapos hindi lang iyon dahil nag papa tugtog pa siya malakas. Sa tingin mo ay sino ang makakatulog non. Buhat ng dumating iyang si Turalba dito ay nag kanda leche leche na yung buhay ko. Sumpang malupet talaga!!!" galing kong sagot. "Sumpa talaga? Agad agad? Oh edi sana ay nag earplug ka o kaya ay nag salaksak ka ng sleeping pills sa bibig mo no. Oh baka naman love mo na yang si Turalba kaya sumobra iyang inis mo at naging sumpa na. Naku frend. Malenterds ka ha." wika ni Ed kaya naman itinulak ko ito dahil sa matinding inis. "Arayyy.. Makatulak naman to. Kumain na nga lang tayo doon sa canteen, kasama si Turalba!!! Tadaaaaaa!!!" ang pag mamalaki ni Ed sabay hatak sa braso ni uto na nooy naka abang sa hallway ng aming department. "Oh bakit naman nandyan iyan?" bulong ko kay Ed. "Kawawa naman siya frend, wala siyang kasama doon sa hallway. Hindi ka ba naawa sa kanya. Saka dapat proud ka dahil may kasama tayong hunk, gwapo at nakapag yumming nilalang." sagot ni Ed. "Oh edi sya na! Basta hindi ko siya kikibuin dahil baka malasin nanaman ako." pag mamatigas ko. "Edi sige. Hay naku im sure crush mo siya at nag gagalit galitan ka lang para di ka mahalata. Sa gwapo ni Sarge kahit yung matandang cook doon sa canteen ay mag wewet sa kanya" kinikilig na salita ni Ed habang si Turalba naman ay naka ngiti lang. "At im sure, sa kadaldalan mo ay malapit ko nang lagyan ng tape ang iyong bibig" masungit ko sagot sabay tulak sa kanya palabas sa hallway At iyon nga ang set up, nag tungo kami sa canteen kasama itong si Turalba. Syempre ang lahat ng mga kababaihan ay naka tingin nanaman sa kanya na parang kinikilig at inaatake ng epelepsi ang mga ito. Samantalang si Turalba naman ay wala paki alam at naka titig pa rin sa aking kinalalagyan. Panay irap naman at masamang tingin ang isinusukli ko sa kanya dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin ang ulo ko sa kanyang kagagawan. "Bakit ba kasi pati kanyon ay ipinapasok mo doon sa kwarto mo. Napuyat tuloy ako dahil sa ingay mo." asar kong tanong dahil hindi na ako nakatiis. "Hindi kanyon iyon. Isang malaking kahon iyon na nag lalaman ng aking mga gamit mula sa bansang Cambodia. Dapat kasi ay tinulungan mo ako. Para saan pa iyang laki ng braso mo kung hindi mo naman gagamitin." sagot ni Turalba dahilan para matahimik ako. "Saka bakit ba galit na galit ka sa akin e, wala naman akong ginagawang masama saiyo. Siguro ay crush mo ko no? Sa bansang Cambodia pati ang mga lalaki doon ay nag kakagusto rin sa akin." pang aasar pa nito habang naka ngising aso. "Eh kung itigil mo na kaya ang pag singhot ng katol para mahinto na rin iyang pagiging delusyunal mo." sagot ko na hindi maitago ang pag kapikon. Nag ka titigan kami.. Seryoso.. "Ano nanaman iyan? Mabuti pa ay kumain na tayo bago pa kayo mag gerahan. Ikaw naman kasi frend e, ang sungit sungit mo kay Sarge ang gusto lang naman niya ay protektahan at siguraduhing ligtas ka. Naiiyak nga ako kapag naiisip kong ang katulad nyang napaka gwapo, hunk, lalaking lalaki at matikas ang tindig ay ibubuwis lamang ang buhay para sayo. Napaka swerte mong nilalang frend." sabad ni Ed habang inaayos ang aming mga pag kain, paulit ulit lamang ang sinasabi nito tungkol sa kagwapuhan ni Turalba. "Eh sinabi ko naman kay papa na hindi ko kailangan ng taga bantay. Lalo na yung mga malalakas ang hangin at walang kapantay ang kayabangan." hirit ko. "Hindi ako mayabang at lalong hindi ako mahangin. Ginagawa ko lamang ang aking tungkulin na siguraduhing maayos ang iyong kalagayan. Alam mo bang napaka swerte mo dahil mahal na mahal ka iyong mga magulang. Wala silang inisip kundi ang mailayo ka sa tiyak na kapahamakan. Dapat ay matuwa ka pa dahil may mga taong nag mamalasakit sa iyo." seryosong tugon ni Turalba at sa ikalawang pag kakataon ay tila binusalan ako sa bibig kaya't hindi ako naka imik. Tahimik.. "2 points.." ang bulong ni Ed na tila nang aasar pa dahil dalawang beses akong nasupalpal. Ipinag patuloy namin ang pag kain at katulad dati ay sinigurado nanaman ng sundalo na maayos ang kakainin ko. Pinag bawalan pa niya akong kumain ng taba ng baboy dahil mamantika daw ito ay hindi maganda sa kalusugan. Hinayaan ko na lamang siya at pinilit na sanayin ang aking sarili dahil pakiwari ko ay ito na simula ng isang sumpa na hinding hindi ko maaaring takasan. PWERA NALANG KUNG may isang bagay na hindi kanais nais kay Turalba na maaaring maging sanhi ng pag fired sa kanya ni papa. Baka naman may sikreto ito sa kanyang silid katulad ng droga, o pagiging s*x maniac o kaya ay baka miyembro rin siyang ng mga spy ng mga terorista. "PWES!! Humanda siya dahil hindi pa tapos ang laban Bryan Turalba Jr." ang naka ngising demonyo kong sigaw sa aking sarili. "Evil smile lang frend? Huwag mo namang ipahalata sa amin na may binabalak kang masama no. Obvious eh." pang aasar ni Ed habang pinag mamasdan ang aking mukha. Alas 2 ng madaling araw noong naisipan kong isigawa ang aking makasaysayang plano. Marahan akong bumangon sa aking higaan at agad na nag tungo sa katabing silid kung saan natutulog si Turalba. Kailangan kong malaman ang itinatagong baho ng sundalong itong. "Pwes kung bayani siya sa Combodia o kahit saan pa mang planeta. Sa akin ay hindi!!" sigaw ko sa aking sarili sabay pihit sa doorknob ng kanyang pintuan. Tahimik.. "click" ang mahinang tunog sa pag kakalis ng lock.. Buong ingat akong pumasok sa pinto ng biglang may tumamang bola ng basketball sa aking mukha. "Arekuppp.. shiit!! Na deform yata ang mukha ko." bulong ko sa aking sarili habang hinihimas ang aking ilong. Matalino talaga tong si Turalba dahil nag set up siya ng bitag dito sa pintuan. Ngunit kung inaakala niyang susuko ako ay nag kakamali siya. Ipinag patuloy ko pa rin ang aking mapangahas na gawain. Marahan akong gumapang patungo sa loob ng kanyang kama. Medyo madilim ang buong paligid bagamat kitang kita kong mahimbing na natutulog ang bayani ng taon na tila isang mantika. Maingat at walang kaluskos ang aking ginawang pag gapang patungo sa baul ng kanyang kagamitan ng biglang may umipit sa bagay sa aking kamay. "Putaaaa araayyyy!!!!" ang mangiyak ngiyak kong daing habang inaalis ang mouse trap na nakaipit sa aking daliri. "Hayupp ka Turalba!!" ang galit kong sigaw sa aking sarili. Tuloy lang ako sa aking ginagawang pag gapang ngunit tila yata naging mapait sa akin ang kapalaran dahil samut saring patibong ang nakalagay sa sahig ni Turalba. Nandyan yung nadikit ako sa super glue, naipit sa katakot takot na mouse trap at kung ano ano pa. Ngunit hindi ito naging dahilan ng aking pag suko. Buo ang aking determinasyon na patalsikin ang sundalong ito sa kanyang serbisyo kaya naman buong lakas kong binuksan ang baul ng kamayanan ni Turalba. "Lagot ka ngayon" ang bulong ko sa aking sarili habang humahanap ng bagay na ikasisira nito. Inisa isa ko ang mga gamit sa loob nito habang sa makita ko ang isang larawang naka ipit isang note book. Dalawang lalaki itong mag kahalikan at tiyak akong si Turalba ang isang iyon. Hala sabi na nga ba ay may tinatagong baho itong mokong na ito. "Paktay ka sa aking ngayon, tiyak na isang malaking kahihiyan kung malaman ni papa na beklush ang kanyang pinaka mamahal na sundalo." wika ko sa aking sarili sabay bulsa ng naturang larawan. Marahan kong isinara ang baul at agad akong gumapang palabas ng kanyang silid. Galak na galak ako sa aking ginawa bagamat pakiramdam ko ay bugbog sarado ang aking katawan dahil sa katakot takot na bitag na kanyang ipinain sa sahig at sa pintuan. Ngunit okay lang iyon, atleast ay sulit naman ang aking makasaysayang misyon. "Huwag kang mag alala Adel, malapit ka nang makawala sa sumpang dulot ng tadhana." bulong ko sa aking sarili habang patuloy na gumagapang palabas ng pintuan ng biglang may kung anong bagay ang nakaharang sa aking ginagapangan. "Ano naman to?" ang bulong ko sa aking sarili habang kinakapa ko ang bagay sa aking harapan. "Tuod ba to? Manikin?" ang dagdag ko pang tanong at patuloy kong hinihimas ito paitaas. "Uyy malambot, na medyo matigas." ang bulong ko pa at doon ay dinakot ko ang bagay na aking nakapa. Tahimik.. Patuloy ako sa aking ginagawa pag dakot hanggang sa biglang bumukas ang ilaw sa silid. Doon ay tila suspended animation ang eksena noong matagpuan ko si Turalba na nakatayo sa aking harapan. Wala itong damit maliban sa puting brief, iyon nga lang ay halos sumabog ako gulat noong makita ko ang aking kamay naka dakot sa kanyang pag kalalaki. "Dakot na dakot at tila bola ang baseball akong nakahawak dito." "s**t!!" sigaw ko sa aking sarili na tila hihimatayin sa labis na kahihiyan. "Ano bang ginawa mo dito sa loob ng kwarto ko?" nakapamewang na tanong nito sabay tingin sa kanyang pag kalalaki na dakot dakot ko pa rin. "Baka mabaog ako sa higpit ng pag kakadakot mo. Maaari mo na iyang binatawan kung iyong gugustuhin." kaswal niyang salita kaya naman agad akong bumitiw sa pag kakahawak sa kanya at nag isip ng dahilan kung bakit ako nandito. "Ahh eh hihiram sana ako ng libro sa history, yung lesson kanina. May quiz daw kasi bukas eh." wika ko habang pinag papawisan ng malamig. "Ganoon ba, sana ay kanina mo pa hiniram para naka pag review ka ng mas maaga." wika nito sabay kuha ng kanyang note book at inabot sa akin. "Salamat.. ahehe. aalis na ko. Sige tulog kana ulit." nahihiya kong tugon sabay labas sa kanyang silid. "Jusko ito na yata ang pinaka nakakahiyang bagay na ginawa ko sa aking buhay. Sana ay kinain na lamang ako ng lupa noong mga oras na iyon." wika ko sa aking isip sabay higa sa aking kama at doon ay halos takpan ko ang aking mukha dahil sa matinding pag kahiya sa aking sarili. Okay na sana eh, hindi lang magandang eksena ang pag dakot ko sa kanyang ari. Para tuloy akong m******s at r****t noong mga sandaling iyon. "Kainis!!!!" sigaw ko sa aking sarili sabay takip ng kumot sa aking mukha.. itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD