Part 2: Unang Halik

2529 Words
The Soldier & I Ai_Tenshi Part 2: Unang Halik "Pinag samantalahan niya ang kahinaan ko, nasira ang pangarap ko dahil sa kanya!!!" galit ko sigaw habang pagulong gulong sa sofa. "Ano ka ba naman frend, para halik lang ay nag panic kana agad?" wika ni Ed habang kausap ko ito sa video call. "Halik lang.. Unang halik ko iyon at kay Turalba pa na hindi nag sisipilyo!! Pinangarap ko na babae ang unang mahahalikan ko at hindi sundalong amoy araw!" pag mamaktol ko naman habang kunwari ay umiiyak. "Ano kaba, ang gwapo ni Turalba, matangkad, matipuno ang katawan, maamo ang mukha, at lalaking lalaki ang tindig. Nakita mo naman kung paano mag wet ang mga babaeng kaklase natin pag nakikita sya. Huwag ka na ngang umarte dyan!" ang salita ni Ed na tila naiingit at nag tatampo pa. "Hindi mo ko naiintindihan e, mahalaga sa akin ang first kiss ko. Sinira lahat ni Turalba ang pangarap ko at pati na rin ang kinabukasan ko!" pag mamaktol ko pa. "Kinabukasan? Ano ka r**e victim? Tigilan mo nga ako sa pag iinarte mo. Tekaa paano ba kasi nangyari ang lahat ng ito? Ang sabi mo kanina muntik kana masagasaan? Bakit buhay ka pa ngayon?" ang pang uusisa ni Ed. "Kasi nga ganito ang nangyari, role VTR!!" tugon ko naman at doom ay nag flash back ang pangyayari kanina sa kalsada. FLASH BACK "Wala akong paki sa mga sinasabi mo." ang salita ko naman sabay baba ng jeep at mabilis na tumakbo palayo sa kanyang kinalalagyan. "Kung gusto mo ay doon ka nalang sa ama ko mag bantay, siguradong mag kakasundo kayong dalawa." saad ko pa sabay tawid sa kalsada. "Sandali, bakit dyan ka tatawid, nakita mo namang hindi ito ang tamang tawiran, baka maaksidente ka." pag habol ni Turalba at nasa ganoong pag tawid ako ng biglang may sumulpot na rumaragasang sasakyan sa aking harapan. "Umiwas kaaaa!!" ang sigaw nito at mabilis na niyakap ang aking katawan upang makaligtas sa nag babadyang panganib. Niyakap ako ng mahigpit ni Turalba at doon ay kapwa tumilapon ang katawan namin sa gilid ng kalsada. Mag kayakap kami habang pagulong gulong sa aming kinalalagyan at doon ay hindi ko sinasadyang mag kadikit ng husto ang aming mukha at pati na rin ang aming mga labi. Nakapatong ito sa akin habang ako naman ay nasa ilalim niya. Halos nag tama ang aming paningin habang mag kasugpong ang aming mga nguso. Pakiwari ko ba ay huminto ang mundo para sa aming dalawa. Damang dama ko ang hangin na nag mumula sa kanyang ilong habang ako naman ay hindi na nakagalaw pa dahil sa matinding pag kabigla. Ito ang una kong halik.. Ang halik na inilaan ko para sa babaeng mamahalin ko.. Nasayang lamang sa isang taong ko kilala.. Halos ilang sandali rin kami sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyang bumalik ang aking ulirat at kusang gumalaw ang aking kamay para itulak ito. Nag kahiyaan kami at tila nabusalan ang aming mga bibig.. Tahimik.. "Umuwi na tayo." ang tanging nasabi ko sabay sakay sa taxi at iniwan ko itong nakapako sa kanyang kinatatayuan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari, para akong dinamuan ng malas mag buhat noong dumating sa buhay ko iyang si Turalba. End Of Flashback "Ang OA mo naman frend, FYI isang araw palang siya sa buhay mo. Kung makapag salita ka naman ay parang live in na kayo. Tigilan mo nga ako sa kaartehan mo." pag mamaktol ni Ed habang naka haba ng nguso na parang nag seselos pa rin. "Teka, ano ang nangyari doon sa jeep na may bomba? Sumabog ba? Yung taxi na ninakaw ni Pogi? At yung naaksidente? Hay ang dami kong tanong, alam mo naman ang kasabihan na ang "batang matanong ay matalino" dagdag na tanong ni Ed sabay tawa ng malakas "Pwes hindi kana bata dahil thurder bird at gurangers kana. At tungkol naman sa tanong mo, edi ayon dinakip ng pulis si Turalba dahil na kalokohan niya kaya nag punta si papa doon para isalba ang kanyang paboritong mandirigma. Tama ba namang mang agaw ng taxi at manakot ng mga pasahero sa jeep. At hindi lang iyon dahil nag dadala pa siya ng totoong baril sa skul, paano na lang kung may mapahamak sa kanyang kalokohan? Sana ay makulong na lamang siya at huwag nang palabasin doon..ever!" galit kong sagot. "Ang sama mo naman frend, masyadong gwapo si Sarge para maging preso no. Im sure sa kagwapuhan noon pati ang mga pulis ay bibigay. Saka mas gugustuhin ko pang maging preso doon sa bayan kung sya naman ang aking makakasama. Aba e napaka gwapo, lalaking lalaki at matikas na matikas kung tumayo. Hanggang ngayon nga ay starstruck pa rin ako." "Edi sige tatawagan ko na yung tito ko doon sa presinto at sasabihin kong ikulong kana ngayon din." ang pag aasar ko habang kunwari ay tumatawag sa land line. "Ang sama mo naman, frend ba talaga tayo? Bakit ang hard mo sa akin? Mas hard ka pa sa abs ni Turalba.." patuloy na pag mamaktol nito habang nakapako ang tingin sa aking likuran. "Anong problema?" tanong ko "Si Turalba!" ang wika nito "Wala na si Turalba, im sure naka kulong na iyong ngayon at binubugbog ng driver ng jeep at taxi na pinerwisyo nya! Mainam nang nandoon sya para di ko na maamoy ang mabahong hininga nya. Ewwww alam mo bang naka tatlong bote ako ng bactidol at mouth wash matapos nya akong pag samantalahan ng halik. Mabuti nalang hindi ako nalason, iniisip ko nalang na kinagat ako ng aso.!" malakas kong sigaw na halos kulang nalang ay kainin ko ang aking cellphone sa matinding pag kainis. "Mabango ang hinihinga ko dahil palagi ako may baong mouth wash. Sino ba sa atin ang kumain ng empanadang puno ng bawang noong miryenda? Hanggang ngayon ay nalalasan ko pa rin ang tinustang bawang sa aking mga labi." ang boses ni Turalba sa aking likuran na labis kong kinagulat. "Ayy oo nga pala frend, speaking of empanada, nasa aking pa yung garlic empanada na pina take out mo kanina sa canteen. Dadalhin ko na lang ito mamaya dyan sa inyo." naka ngising salita ni Ed habang pinapakita nito ang isang plastic ng tinapay na binili ko sa canteen noong oras ng miryenda. Natahimik ako at tila hinataw ng tubo sa aking ulo. Ano bang nagawa kong masama sa mundo upang parusahan ako ng ganito. "Lupa... bumukas kana at kainin mo ako... Isama mo na rin ang kaibigan kong loro na si Ed.. unahin mo na siyang ibaon sa impyerno bago siya ilibing ng buhay." ang bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa videocall ni Ed na parang napoposses. "Narinig ko iyon frend no, ibabaon mo ako sa ilalim ng lupa. Hindi mo ko maiisahan dahil may psychic power ako. Anong akala mo sakin? Halimaw sa banga? No no no" pag mamaktol nito habang naka haba ang nguso. "Ikaw talaga ang ibabaon ko sa lupa kapag hindi ka tumigil! Gusto mo bang maunang mag journey to the center of the earth?" nanlalaking mata kong tanong. "Ayy gagawa pala ako ng report para bukas frend. Call you later nalang." tugon nito na parang biglang nag bago ang ihip ng hangin sabay patay ng video call. Tahimik.. Nakatayo pa rin sa likod ko si Turalba, paano ko ba siya haharapin, nakakahiya dahil narinig niya ang lahat ng sinasabi ko laban sa kanya. Bahala na.. Huminga ako ng malalim at ngumiti sabay harap sa kanya. "Sergeant Turalba, nandyan ka pala?" ang inosente kong habang nakangiti bagamat nagulat ako sa kanyang hubad na katawan. Matipuno ang dibdib at bakat na bakat ang maliliit na pandesal sa kanyang tiyan. "Kanina pa ako dito, nais ko lamang kamustahin ang iyong kalagayan at sa tingin ko ay mukhang maayos ka naman at hindi na kailangan ng kahit na anong medikasyon." wika nito sabay talikod sa akin. "Aba.. suplado ang mokong." bulong ko naman sa aking isipan at habang nasa ganoong posisyon kami ay siya naman pag dating ni mama mula sa trabaho. "Good evening Sarge, kamusta ang unang araw mo sa trabaho? Nabalitaan ko ang nangyari kanina sa bayan. Pag pasensya mo na ang anak ko dahil matigas talaga ang ulo nyan at medyo pasaway. Im sure naging sakit sya ng ulo sa iyo buong mag hapon pero dont worry dahil masasanay ka rin." natatawang entrada ni mama. "Magandang gabi din po maam, hindi naman po pasaway ang inyong anak. Ang totoo nun ay para itong isang ligaw na kuting, tahimik at naka siksik lamang sa isang sulok." wika naman ni Turalba habang nakatayo ito ng matuwid at naka saludo kay mama. "Abat ginawa pa akong kuting nito!!" naiinis kong bulong sa aking sarili habang ginagaya ko ang pag sasalita nito na animo isang monggoloid "Adel ano ba iyan? Mas sakit ka ba? Bakit naka ngiwi ka? Ayos ka lang ba anak?" pag puna naman ni mama noong mahuli ako nitong ginagaya si Turalba. "Ang mabuti pa Sarge ay dito kana mag dinner, mag papahanda ako ng isang espeyal na hapunan para sa iyo. Nga pala Adel, tulungan mo itong si Sarge na mag ayos ng kanyang silid doon sa itaas. Sa tabi ng kwarto mo, hindi naman na iyon gagamitin ng papa mo kaya't ibinigay na lamang iyon kay Sarge." dagdag ni mama "What? Doon mag kkwarto si Turalba?" gulat kong tanong. "Aba e bakit ganyan ang reaksyon mo? Dito na muna titira si Sarge. Hindi na nya kailangan umupa ng apartment dahil ibinigay na ng papa mo ang kanyang silid doon sa itaas upang mabantayan ka ng mas maigi. At saka ano pa bang iniinarte mo? Alam mo ba na ang taong ito ay nakahandang ibuwis ang kanyang buhay para lamang sayo? Matuto kang pakisamahan siya okay?" seryosong sermon ni mama. "Hay naku sarge pag pasensyahan mo na talaga yang si Adel, inispoiled ko kasi iyan kaya't medyo reklamador. Halika doon na lamang tayo mag usap sa kusina at ipapakilala na rin kita sa aming mga kasamabahay." pag yaya niya sabay akay kay Turalba palayo sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong kontrabida sa kwentong ito. Wala akong nagawa kundi ang lumabas na lamang sa terrace at doon ay maupo habang pinag mamasdan ang makukulay na Christmas light sa aming bakuran. Nakaka relax ang tanawin at isama mo pa ang malamig na haging aminahan na dumadampi sa aking balat. Ilang minuto rin ako sa ganoong pag tunganga hanggang sa biglang bumukas ang gate at doon ay nakita kong pumasok ang aking kaibigang si Ed, kilala naman siya ng security kaya't madali itong nakaka pasok sa aming bakuran. "Ed, napasugod ka?" ang tanong ko habang sinasalubong ito dala ang isang kahong cake at supot empanadang binili ko sa canteen kanina. "Ano pa edi dadalhin ko itong empanada mo at bumili na rin ako ng cake pang dessert dahil nag txt si mama mo, iinvite nya ako sa dinner ngayong gabi." masayang wika nito nang biglang sumulpot si Turalba sa aking likuran at mabilis nitong nilapitan si Ed. Laking gulat ko nang bigla nitong hawakan ang aking kaibigan sa kamay at mabilis na kinapkapan ang katawan nito mula sa t shirt, bag, pantalon at pati sapatos na kanya namang ikinagulat. "Eyy ano bang ginagawa mo?!"gulat kong tanong kay Turalba habang abala ito sa pag kakapkap sa katawan ni Ed. "Kailangan kong makasigurado na walang itinatagong patalim, bomba o mapanganib na sandata ang bisita mo upang maka siguradong ligtas ka." ang seryosong salita nito. "Patalim? Bomba? Mukha ba akong terorista?!" ang pag mamaktol ni Ed habang inaayos ang sarili. Maya maya ay huminto si Turalba sa kanyang ginawa at mabilis itong tumayo ng matuwid sabay saludo sa aming harap. "ALL CLEAR!!" sigaw nito at muling bumalik sa loob ng bahay na animo robot na iprinogram. "Pasensya kana Ed, medyo oa talaga iyang si Turalba.. Ang akala yata nito, ang lahat ng tao sa paligid niya ay terorista." "Okay lang frend, gwapo naman siya at nag enjoy ako habang hinahaplos nya ang katawan ko. My God napaka swerte mo talaga.. Nakakainis kaaa!" pag mamaktol nito. "Teka, so hindi ka galit sa ginawa niya? Hindi ka nainsulto o kaya na pahiya?" ang pang gagatong ko na ang intensyon ay magalit din sya kay Turalba. "Napahiya? Nainsulto? Hindi ahhh.. Nag enjoy nga ako habang nakayakap siya sa akin at niyayapos nya ang aking katawan. Alam ko na, dadalasan ko ang pag dalaw dito para mas madalas nya akong yapusin!" kinikilig na salita nito. "Yapusin? Ano ka pusa? Hello hindi ka niyapos at hindi ka niyakap, ginawa kang terorista diba? Sabi mo pa nga kanina iyon. Dapat ay magalit ka dyan Turalba, halika isumbong natin kay mama yang ginawa sayo." muli kong pang gagatong. "Terorista?May sinabi ba akong ganon? Hay naku frend, walang ginawang masama sakin si Turalba. Huwag na natin siyang isumbong sa mama mo. Ikaw talaga napag hahalata kang hate mo siya. Kung sa bagay the more you hate, the more you love. Tulak ng bibig kabig ng dibdib diba?" "Pwes mali ka doon dahil sumobra ang hate ko. Tara na nga doon sa kusina, baka nag hihintay na sila mama." ang pagyaya ko at mabilis ko itong dinala sa hapag kainan. Oras ng hapunan, habang masayang nag kkwentuhan sina Ed at mama, si Turalba naman ay walang kibo at nakatitig lamang sa akin kaya naman mas lalo ko pa ito iniinis. Nandyan yung dinidilaan ko sya o kaya ay nag duduling dulingan ako para maasar sya sa pag mumukha ko pero bigo ako dahil parang may kaharap ako manequin, hindi ito gumagalaw at natitinag sa kanyang diretsong pag upo habang naka titig sa aking mukha. "At para naman sa ating desert, nag bake ako ng strawberry cake na favorite ni Best Adel! Tadaaaa!" ang proud na salita ni Ed habang binubuksan ang kahon ng cake na punong puno ng icing at strawberry. "Huwaw!Favorite ko nga yan!" ang parang batang sigaw ko naman sabay kuha ng kutsara para tikman ito ng biglang hawakan ni Turalba ang aking kamay para pigilan. "Sandali muna." wika nito sabay kuha ng kutsara sa aking kamay at ginamit niya ito upang tikman ang cake ang ginawa ni Ed. Tahimik ang lahat.. "Mahirap na dahil baka may lason ito, kailangan makasiguradong ligtas ang bawat pagkain na isusubo mo." ang salita nito habang ninanamnam ang cake sa bibig. "ALL CLEAR!! Kumain na kayo." ang wika nito at muling naupo sa kanyang silya. "Nakita mo yon mama? Iniinsulto nya ang cake na ginawa ni Ed. Nakak offend hindi ba?" galit kong tanong habang sina mama at Ed naman ay tahimik at nakakatitig lang kay Turalba.. Tahimik ulit.. Maya maya ay nag simula ng umiyak ang mga ito sa hindi malamang dahilan. "Maaaa bakit kayo umiiyak?Ano bang problema?" nag tataka kong tanong. "Wala anak.. Na touched lang kami sa ginawa ni Sarge.. Biruin mo handa nyang ibuwis ang kanyang sariling buhay para lamang makasiguradong magiging ligtas tayo. huhuhu. Ngayon lamang ako naka kilala ng ganyang tao. "Good job Sarge, makakarating ito sa aking asawang heneral." ang patuloy na pag hagulgol ni mama. "Huhu oo nga frend, tama ang mama mo, napaka buting tao niyang si Sarge.. Hindi ko kayaaaaa!" ang malakas na pag iyak ni Ed kaya naman wala akong magawa kundi ang mapailing na lamang at mapatingin sa mukha ni Turalba na noon ay nakatitig pa rin sa aking mga mata kaya't mas lalo pa akong nailang. Ewan, ngunit tama nga si Ed, ibang klase ang kagwapuhan ang isang ito.. Hindi nakaka sawang pag masdan ang kanyang mukha. itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD