The Soldier & I
Ai_Tenshi
Part 4: Makasalanang Larawan
"Ayyy frend, bakit ganyan ang itsura mo. Ang mata mo ay may pasa at parang may bakat ng bola sa mukha mo. Tapos ang kamay mo ay nangingitim na parang naipit na maraming beses sa mouse trap at nalagyan ng super glue. Ano bang nangyari sayo? Jusko frend dadalhin kita sa ospital. huhu" ang nag aalalang tanong ni Ed noong makita ako nitong naka upo sa balkunahe ng aming tahanan.
"Huwag ka ngang OA diyan. Ito ang sinasabi ko sayong sumpa na dala ni Bryan Turalba. Nakita mo na, halos mawasak ang aking katawan sa dami ng bitag na inilagay niya sa kanyang silid kagabi." pag mamaktol ko.
" Hala.. Ang bad mo frend. Dont tell me pumasok ka sa kwarto ni Sarge?" tanong nito. "Oo pumasok ako upang hanapin ang ipinag kakatago tagong baho niya." proud na proud kong tugon. "So ano may nakita ka naman ba?" taas kilay na tanong nito. "Natural. Magaling ako hano. At nasa akin ang alas! At tinitiyak kong malaking bomba ito. Expose! Basag na basag!!!" pag mamalaki ko.
"Ayy bongga! Winner kana talaga frend! Teka ano nga iyong pasabog mo?" tanong nito habang naka ngiti.
"SECRET" ang sagot ko sabay pasok sa loob ng bahay. "Napaka daya mo talaga frend.. Nakaka inis ka." pag mamaktol nito habang sinusundan ako.
Tawa naman ako yung pang kontrabida..
Kinagabihan, pag dating ni papa agad ko siyang kinompronta tungkol sa maitim na pag katao ni Turalba. Maitim pa sa kilikili ni Ed kung tutuusin. (Nasamid si Ed habang kumakain ng hapunan). Eh totoo naman, may dark secret siya at kitang kita sa larawan na mag kasugpong ang labi nila nung kano na iyon. Makikipag halikan lang ay dapat pang picturan, kundangan ba namang makasalanan talaga sila. "Tingnan mo iyan pa, dyan mo ba balak ipag katiwala ang buhay ko. Sa isang lalaking nakikipag halikan sa kapwa niya lalaki. May maitim na sekreto iyang si Turalba at hindi siya naging honest sa iyo at sa kasarian niya. Dapat sa kanya ay pina-fired sa trabaho. Hindi magandang halimbawa ang ipinapakita nya sa akin at sa bansang ito." reklamo ko habang pinapakita kay papa ang larawan ni Turalba na may kahalikang lalaki. "Alam kong shock na shock ka papa. Alam kong hindi ka makapaniwalang may maitim na sekreto ang paborito mong sundalo. Iyan ang patunay! Iyan ang makasalanang larawan niya!" pag mamalaki ko pa habang naka taas noo.
"Nak, ano nanaman ba iyan? Saka anong masama sa larawang ito? Kuha ito noong nakaraang taon sa Cambodia, hindi ba't doon ako nag diwang ng aking kaarawan. Ito ay parte lamang ng aking birthday party celebration doon na ang segment ay tinatawag na truth or dare. Natalo si Turalba ang at kanong iyan kaya't napag kaisahan ang dalawa na mag kiss. Walang katotoohanan ang iniisip mo sa kanya kaya't isauli mo ang larawang ito kung saan mo man ito nakuha. At para maniwala ka na hindi ko pinag tatakpan ang alaga ko ay narito ang isa pang larawan. Itago mo rin ito at baka makita pa ng mama mo." wika ni papa sabay abot ng isang larawan kung saan siya ay may kahalikang isang negrong kano rin. "Truth or Dare din iyan anak. Huwag kang green minded okay. Sige na bumalik kana doon sa kwarto mo at mag aral." ang dagdag pa ni papa sabay tawa ng malakas.
"Saka anak, ano bang pinag iinarte mo e, balita ko ay nag halikan kayo ni Turalba doon sa tabi ng kalsada. Nireport iyon sa akin pati ang pag gapang mo sa kwarto niya kagabi." dagdag pa ni papa habang lumalakad ako palabas ng pinto. "Gapang? Agad agad?" sigaw ko sa aking sarili sabay walkout. Edi ayun nga, failed ang plano ko at hindi lang iyon dahil ako pa ang lumabas na kontrabida sa kwentong ito bagamat ang gusto ko lamang ay mawala ang sumpa sa buhay ko. Sa huli ay naging bayani nanaman si Turalba at ako nanaman ang pambasang kaaway.
"Oh bakit nandito ka? Gabi na ah. Baka maya maya ay makidnap ka dito sa labas ng gate." bati ni Turalba habang pababa ito ng kanyang motor. "Hinihintay talaga kita dahil gusto kong isauli itong makasalanang larawan mo. Kung sino sinong tao ang hinahalikan mo kaya pala pati ako ay biniktima mo." tugon ko sabay hampas ng larawan sa kanyang matipunong dibdib.
"Ito ba? Katuwaan lamang ito at walang katotoohanan ang mga iniisip mo tungkol sa akin. Huwag mo sana akong pag isipan ng masama dahil noong dinakot mo ang aking pag kalalaki ay hindi naman kita pinag isipan ng ganoon." sagot nito sabay bitiw ng ngiting aso. Hindi naman ako nakasagot at pakiwari ko ba ay hinataw ng kung anong matigas na bakal ang aking ulo. Eh animin ko man o sa hindi ay wala akong laban kapag "dakutan sa bukol" na ang pinag uusapan dahil nakakahiya talaga ang pang yayaring iyon. Wala tuloy akong nagawa kundi ang mag walkout at iwan ito sa kanyang kinatatayuan. "Eyy saan ka pupunta? Huwag kana mag selos doon sa lalaki sa larawan. Ikaw pa rin ang pinaka masarap na halik na natikman ko." sigaw nito habang naka ngisi pa rin.
Kinabukasan..
"Ikaw naman kasi frend, kung ano anong eksena ang pinag gagagawa mo eh. Pwede naman tayong mag join forces para itumba yang si Turalba eh, tingnan mo nga mukha kang racoon at parang itik yang kamay mo, maga na kakaipit sa mouse trap ay dikit dikit pa ang daliri mo. Makasarili ka kasi. Che. Mag dusa ka." ang maarteng salita nito sabay talikod dahilan para hilahin ko ang kanyang buhok. "Huwag ka na nang maarte diyan. Pinag sisisihan ko ang pag gapang ko doon sa silid ni Turalba, kung alam ko nga lang na maraming patibong doon ay sana ikaw na lang ang pinagapang ko, sana ay ikaw nalang ang naging itik at hindi ako." pag mamaktol ko. "Grabe ka naman frend, kapag p*****n at painan lagi ako. I hate you na talaga." pag mamaktol din nito. "Tigilan mo na kasi iyang ginagawa mo, bakit hindi mo na lang hayaan ang pag kakataon na siyang mag turo ng tamang daan para sa inyo. Alam ko namang gusto mo siya at ginagawa mo lamang defense mechanism ang pag kaasar mo upang hindi ito mahalata at pilit mong idenideny ang lahat sa pag aakalang matatakpan ng inis mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman. Pwes mali ka doon frend. Kung sabagay sa gwapong iyon ni Sarge kahit ang lamok sa payatas ay mag kakagusto sa kanya." dagdag pa ni Ed dahilan para mas lalo akong matahimik, hindi dahil sa supalpal ako kundi dahil hindi ko lamang alam ang dapat kong isagot.
"Mukhang seryoso ang usapan nyo ah." bati ni Turalba na noo'y lumalakad patungo sa amin habang naka ngiti sukbit ang kanyang itim na knapsack.
"Ah wala naman, ito kasing Prinsipe mo ay nag iinarte, masama raw ang pakiramdam niya at masakit ang kanyang katawan. Tingnan mo nga ang kanyang mukha, may bakat ng bola ng basketball, ang kanyang kamay ay naipit ng mouse trap at ang kanyang daliri ay nadikit ng glue. Kaawa awa talaga ang sinapit ng bestfrend ko. Mabuti pa ay iuwi na natin siya dahil baka lumala pa ang kalagayan niya." madaldal na wika ni Ed na tila awang awa sa aking kalagayan.
"Oo nga no, teka bakit ba naging ganyan ang itsura mo? Mukhang nabigtag ka ah." painosenteng tanong ni Turalba habang naka titig sa akin bagamat alam naman naming dalawa na may kinalaman siya dito.
"Mainam pa iuwi mo na siya dahil baka akalain pa ng mga tao dito ay minaltrato natin siya." mungkahi ni Ed. "Oh sige na pasanin mo na yang prinsipe mo." ang dagdag pa nito kaya naman inialis ni Turalba ang nakasukbit na knapsack sa kanyang balikat at iniabot ito kay Ed. "Halika na mahal na prinsipe, pumasan kana sa likod ko" natatawang salita ni Turalba sabay talikod.
"Ayy ang bigat naman ng bag mo Sarge, ano bang laman nito? Isa lang naman ang subject natin ngayon ah, bakit ang dami mo yatang dala? Saan ka ba sasabak ng gera?" tanong ni Ed habang iniaangat ang gamit ni Turalba. "Ah iyan ba? Kaunti lang naman ang laman niyan, apat na tear gas, tatlong pistol, dalawang granada at isang malaking air gun. Dahan dahan ka sa pag buhat tol, baka bigla itong sumabog." ang saad pa ng sundalo sabay hatak sa aking katawan upang kanyang ipasa.
"Ay! Grabe ka naman, paano pag sumabog ito? Paano ang kinabukasan ko? Saka bakit nag dadala ka ng ganito sa skul. Bawal ito ah." tanong ni Ed.
"May training ako mamayang hapon kaya't dala ko iyan. Kung sakaling sumabog iyan ay tiyak na patay tayong lahat. At sa lakas ng granadang iyan na galing sa Cambodia ay baka abo nalang ang matira sa ating tatlo" seryosong babala ni Turalba kaya naman binatukan ko ito "Alam mo naman palang delikado ang bag mo ay dinala mo pa dito. Saka kung mag papakamatay ka ay huwag mo na kaming idamay." galit kong sigaw habang kumakawala sa kanyang likuran. "Arekup, huwag mo nga akong batukan, baka malaglag ka." pag pigil nito.
Edi ayun nga ang set up, sa halip na iuwi ako ni Turalba ay dinala ako nito sa kanilang kampo kung saan nag ttraining ang mga sundalong alagad ni papa. Halos hindi maipinta ang aking mukha sa sobrang pag kairita kaibahan kay Ed na tuwang tuwa at halos atakihin sa puso dahil sa sobrang excitement. "Kung ganito ng ganito ang set up edi happy tayong lahat. Naku dapat ay madalas na mabitag ang mukha ni Adel para madalas din tayo dito." ang kinikilig na salita ni Ed.
"Umpp dun ka nga!" tugon ko sabay batok dito. "Arekuppp biro lang naman iyon frend. Saka gwapo ka pa rin naman kahit nag mukhang basketball court ang mukha mo." ang biro nito.
"Ewan ko sayo, parang ikaw lang naman ang nag eenjoy. Tekaa bakit ba dito mo ako dito ha Turalba? Ang usapan ay iuuwi mo ako." tanong ko. "Mas ligtas ka rito. Saka wala akong tiwala sa mga security guard doon sa bahay niyo. Mga lula ang mga iyon at hindi ginagawa ng maayos ang trabaho nila. Dito ka nalang at manood sa training namin. Tiyak na mababantayan pa kita rito." naka ngising wika nito habang pumapasok kami sa kanilang kampo.
Kilala naman ako ng mga sundalong kasamahan ni papa dahil madalas akong pumupunta rito kapag kukuha ako ng allowance o kaya ay may party. Iyon nga lang ay hindi naman ako itinuturing na lalaki dito dahil ang tingin nila sa akin ay lampa at walang alam sa buhay kundi ang mga pasarap at gastahin ang pera ng aking ama. Ngunit, gayon pa man ay labis pa rin ang pag galang nila sa akin at sa iba pang sibilyan na dumadalaw dito. "Aba ayan na pala yung shota ni Turalba. Bagay na bagay ah." biro ng mga sundalong kaibigan nito. "Huwag mong pansinin ang mga iyan dahil nag bibiro lang sila. Ngiti ka naman kasi." ang wika ni Turalba sabay hila sa aking bibig para ngumiti ako.
"At ito naman si Ed. Ang kaibigan niyang bakla." ang pag papakilala ni Turalba.
Tawanan lahat..
Nag simula ang training nina Turalba sa field. Lahat sila nakatayo ng matuwid habang naka hilera ng maayos. Maya maya nag simula na sila sa pag takbo patungo sa mga obstacle course na animo mga kalahok ng American Ninja Warriors. Lahat sila ay tumatalon, kumakapit sa baras, sa lubid o kahit sa nakabitin na kawayan para lamang mapatunayan ang kanilang lakas. Syempre hindi naman nag papahuli dito si Turalba na pinaka masigla at mabilis sa lahat. Halos parang maning mani lang sa kanya ang mga dinaraanan kaya't kahit papaano ay napapahanga ako nito. Kaya naman siya ang pinaka paboritong sundalo ni papa dahil sa taglay na husay nito. "Oh diba frend ang galing ni Sarge ilang level ang pag papakitang gilas niya." wika ni Ed habang pinag mamasdan ang mga naturang sundalo. "Oo nga e, pakitang gilas ang loko." natatawang sagot ko naman.
"Talaga namang iba ang nagagawa ng pag ibig no? Nag bibigay ito ng lakas at inspirasyon. AYYYYYY!!! naaksidente si Sarge!!!!!!" ang biglang sigaw ni Ed dahilan para mataranta rin ako at doon nga ay hinanap ko si Turalba kanina lang ay naka kapit sa lupid sa itaas ng puno. Sa isang iglap ay naka dapa na ito sa lupa at tila nawalan ng malay.
Nag kagulo ang mga sundalo..
"Jusko patay na si Turalbaaaaa!!!! Patay na siya frend!!!" sigaw pa ni Ed na tila takot na takot kaya naman pati kami ay nag tatakbo na rin sa kanilang kinalaglagyan. "Huminahon ka nga Ed, kung maka react ka naman ay parang kang legal wife." pag pigil ko sa nag hihisterical kong kaibigan.
Noong marating namin ang kinalalagyan ni Turalba, halos mabigla rin ako noong makita ko itong walang malay habang dumudugo ang ulo dahil tumama ito sa malaking bato. Ang nakakainis lamang ay wala ni isa sa mga duwag na sundalo ang kumikilos upang tulungan ito. "Ano pang hinihintay nyo!!! Tulungan niyo siya!! Bakit nakatayo lang kayo dyan?!!!" ang galit kong sigaw habang hinihila ang katawan nito.
Maya maya ay may isang kasamahan nya ang lumapit at maiging pinulsuhan ito.
Tahimik..
"Boss, huminto na ang pulso ni Sergeant Turalba.. Wala na siya!! Wala na si Sarge!!!!" ang sigaw nito na siyang gumimbal sa aming lahat..
itutuloy..