The Soldier & I
Ai_Tenshi
"Sa isang linggo na ang dating ng taong inatasan ko upang bantayan ka. Para rin ito sa ikabubuti mo kaya't sundin mo na lamang ang aking kagustuhan. Matigas ang ulo at may mga oras na padalos-dalos ka ng desisyon kaya't lumiliit ang tiwala ko sa kakayahan mong protektahan ang iyong sarili" mariing salita ni papa habang abala sa babasa ng impormasyon tungkol sa mga sindikato at ang mga lihim na operasyon nito sa bansa.
"Binata na ako papa! Kayang kaya ko nang ipag tanggol ang aking sarili kaya't hindi ko na kailangan ng taga bantay. Ilang beses na tayong nakaka tanggap ng death threat galing sa iba't ibang tao pero ni isa ay wala namang na tutupad dito." ang pag mamaktol habang kinakausap ang aking ama sa loob ng kanyang opisina.
"Mga simpleng pag babanta lamang ang natatanggap natin dati, kaya't bale wala lamang ito. Iba na ngayon dahil magulo na ang sitwasyon, hindi bale sana kung may kinalaman sa pag susundalo ang kinukuha mong kurso sa kolehiyo ay mas magiging panatag ako na maipag tatanggol mo ang sarili mo. Kaso ay hindi naman, kaya't heto hindi ko maiwasan ang mag alala." katwiran ni papa
"Pero pa, kahit naman hindi ako sundalo ay kaya ko pa ring ipag tanggol ang sarili ko. Hindi ko na kailangan ng bantay." pag mamatigas ko naman habang nakataas noong nag sasalita na ang ibig sabihin ay kaya kong panindigan ang aking sinasabi.
"No, My decisions are final. Maaari ka nang umuwi sa bahay ngayon din." ang matigas ding wika ni papa na animo haring hindi nababalian ng ipinag uutos. "Sarge, paki hatid na lamang si Alandel sa bahay. Huwag niyo siyang hahayaang makalabas ng walang kasama." utos pa nito.
"Masusunod po commander" ang sagot naman ng mga kasamahan niya at doon ay inilibas ako ng kanilang opisina.
Limang sundalo ang aking kasama habang tinatahak ang daan palabas ng kanilang kampo, noong mga sandaling iyon ay hindi ko naman maiwasang mainis dahil hanggang ngayon ay mahina pa rin ang tingin sa akin ni papa. Sa madaling salita ay wala siyang bilib sa akin dahil hindi ko sinundan ang yapak niya bilang isang militar at iyon ang kanyang labis na kinatatampo. Ang totoo nun, tutol si mama sa kanyang kagustuhang maging kagaya ako ni papa dahil takot na itong mawalan ng taong minamahal. Tatlo kasi sa aming pamilya ang namatay dahil sa engkwentro nila sa mga terorista, kabilang na rito ang aking nakatatandang kapatid at dalawang tito na sabay sabay binawiang buhay dahil sa pag ulan ng bala mula kung saan. Dahil dito ay natakot na si mama na baka sapitin ko rin ang kanilang naging kapalaran kung susundan ko ang yapak ng aking ama.
Malayo layo rin ang aming nilakad patungo sa mga naka paradang sasakyan sa labas ng tarangkahan ng kanilang kampo. Kasabay ko pa rin sa pag lalakad ang limang sundalong inatasan ni papa upang ihatid ako sa aming tahanan, at habang nasa ganoong pa lalakad kami ay bigla umusok ang isa sa kanilang truck at walang ano ano'y sumabog ito dahilan para yumanig ang paligid at ang lahat ay magulantang.
Malakas ang impact ng pag sabog dahilan para tanggayin palayo ang aming katawan. Ramdam na ramdam ko ang matinding init na lumukob sa aking katawan habang ang aking paligid ay napuno ng makapal na usok at kasabay nito ang mga putok ng baril sa aking paligid na labis kong kinatakot, paki wari ko ay nasa tabi ko lamang ang mga nag babarilan kaya naman agad akong gumapang palayo hanggang sa maramdaman ko ang kung anong mainit na bagay na tumagos sa akin likuran at kasabay noon ang pag kawala ng aking malay.
Wala na akong natandaan pa..
PART 1 : Sergeant Turalba Jr.
Ako si Alandel Dela Rosa, 20 taong gulang. May taas na 5'7 at kasalukuyang nasa 3rd year college sa kursong BSBA. Hindi ko alam kung paano ko ba ilalarawan ang aking sarili kaya naman mag stick na lamang tayo sa sinasabing artistang may pag kakahawig daw sa akin yung sikat na thai actor na si "Jirayu Laongmanee", iyon ang sabi ng aking mga kaklase at ibang mga nakakasalubong sa daan. Galing ako sa isang mayaman at sikat na pamilya. Ang aking ama ay may mataas na ranggo ng militar sa buong bansa na nag pasalin salin lamang ito sa pag lipas ng henerasyon. Ang ibig kong sabihin ay nasa lahi na namin ang humawak ng mga armas noon pa at dahil dito ay kinilala ang pamilya namin bilang isa sa pinaka makapangyarihang pamilya sa kasalukuyan.
Maayos ang takbo ng aming pamumuhay noon, ngunit sa isang iglap ay biglang nabalot ito ng takot at pangamba mag buhat noong maupong kapitan ang aking ama. Marami ang nag tatangka sa kanyang buhay at madalas itong sinusundan ng kung ano anong engkwentro sa iba't ibang lugar hanggang sa pag lipas ng panahon ay buong angkan na namin ang nakakatanggap ng kung ano anong banta galing sa iba't ibang rebeldeng sangay. At kamakailan nga lang ay nag nakatanggap si papa ng hint mula sa isang matapat sa source na ang target ng mga rebelde ay ako dahil halos kalahati ng kayaman nina mama at papa ay nakapangalan sa akin. Ako rin ang nakaka alam ng mga code number ng kanilang mga volt kaya't ako na nga ang bet ng mga ito. At iyon ang dahilan kaya't kumuha si papa ng isang taong mag poprotekta sa akin mula sa tiyak na kapahamakan.
"Nasaan ako?" ang tanong ko habang marahang iniikot ang aking paningin. "Anak nandito ka sa ospital. Kumusta ang pakiramdam mo?" ang tanong ni mama na halos hindi maitago ang pag aalala.
"Ayos lang ako ma, medyo makirot lamang ang gawing balikat ko. Hindi ko na matandaan ang mga pang yayari, basta ang alam ko lang ay sumabog ang truck ng mga sundalo at iyon na, nakarinig na ako ng mga putok ng baril.." paliwanag ko naman habang marahang iginagalaw ang aking katawan.
"Iyan na nga ba ang kinatatakutan kong mangyari, sa susunod ay iwasan mo na ang pag dikit dikit diyan sa papa mong abnormal para hindi ka napapahamak. Hindi ko na kakayanin kaya nawala ka pa sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka recover sa pag kawala ng kuya mo. Masakit pa rin sa akin kapag sumasagi ito sa aking isipan." pag iyak naman ni mama habang inaayos ang aking kumot.
"Ma, huwag kana nga umiyak. Halos mag lilimang taon nang namatay si Kuya, pag pahingahin na natin ang kaluluwa niya. Ang mahalaga naman ay buhay ako at nakaligtas mula sa engkwentro."
"Iyon na nga lang ang pinag papasalamat ko. Kung may nangyari masama sa iyo ay baka isumpa ko ang ama mo. Kaya nga tinutulan ko ang kagustuhan nyang ipasok ka sa arm forces dahil walang maidudulot itong maganda. Oo, bayani ka nga kung patay ka naman edi wala rin."
Tahimik..
"Nga pala ma, tungkol sa taga bantay na inatasan ni papa na tumingin sa akin, alam mo ba ang tungkol dito?" muli kong tanong.
"Taga bantay? Ngayon ko lamang narinig ang tungkol dyan ngunit sa tingin ko ay makabubuti ito para saiyo. Mukhang sa unang pag kakataon ay nakagawa ng magandang bagay ang ama mo."
"Ma naman... hindi ko kailangan ng taga bantay. Binata na ako at kaya ko na ang aking sarili. Paki sabi kay papa na ikansela na lamang ang kanyang binabalak." pag mamaktol ko naman.
"Adel, huwag nang matigas ang ulo mo. Basta sundin mo nalang ang kagustuhan namin ng papa mo! Kaya ka napapahamak eh, ang tigas kasi ang ulo mong bata kaaa." ang sumbat ni mama at nag iiyak nanaman ito na parang inapi. At hindi lang iyon dahil nagawa pa niya akong tawagin sa aking palayaw na "Adel" habang patuloy sa pag atungal na parang bata.
"Maaaaa, tama na nga.. baka ang isipin pa ng mga nurse ay namatay na ako dito. Huwag ka naman umiyak ng ganyan kalakas, paki hinaan naman ang volume please." pag pigil ko kay mama habang patuloy sa pag iyak ito.
At dahil nga si mama narin ang may kagustuhan, wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa nais nila. Iyan kasi ang hirap sa aking mga magulang, masyadong intense ang emosyon nila kaya't wala akong nagagawa kundi ang sumunod sa mga bagay na naisin nila bagamat alam kong makabubuti naman ito para sa akin. Iyon nga lang, ano nalang ang iisipin ng aking mga kaibigan at kaklase kapag nag kataong makita nila na may bantay pa ako na parang isang batang sanggol, paniguradong isiipin nila na mamas boy ako at umiihi pa sa higaan. "Frend makinig ka nalang sa kagustuhan ng mama at papa mo. Alam mo naman na delikado ang panahon ngayon, paano kung bigla ka nalang dukutin dito ng mga terorista o ng mga goons, edi nadamay pa ako. Hindi bale sana kung gagahasin nila ako ay okay lang. Eh kung pugot ulo agad? Edi waley? Tapos ang ligaya." pag mamaktol ni Ed habang papasok kami sa aming classroom
Si Ed ang aking pinaka loyal na kaibigan dito sa campus, simula first year college ay siya na ang ka tandem ko sa kahit na anong bagay sa aking buhay kolehiyo, mapa activity man o kalokohan. Madali naming nasasakyan ang ugali ng bawat isa kaya naman naging partners in crime kami sa lahat ng pag kakataon. Kapatid ang turing ko sa kanya at syempre ay ganoon din siya sa akin kaya naman kapag nag pupunta ito sa bahay ay palagi siyang sinasalubong ng aking mga magulang. Emilio Diego Bonifacio ang kanyang tunay na pangalan (Ed for short). Mga pinag halo halong pangalan ng mga magigiting at matatapang na bayani ang naka kabit sa kanya kaya naman nag eexpect ang lahat na astig at tigasin ito. Iyon nga lang ay tila naging kabaligtaran ang lahat dahil ang pagiging astig nya ay napunta sa pag rampa ala shamcey supsup at ang pagiging tigasin niya ay naging si Blossom ng power puff girls. Ngunit gayon pa man, isa si Ed sa pinaka magilas pag dating sa academic at sports dito sa campus kaya naman ang lahat ay humahanga sa kanya. Ang palagi nyang sinasabi sa akin ay isa "daw" siyang babae na naka kulong lamang sa katawang iyon at ang pag katao niya ay maituturing na isang maitim na sumpa.
"Okay class ngayon ay kasama ko ang inyong bagong magiging kaklase. Galing pa siya sa bansang Cambodia kaya't sana ay tulungan ninyo siyang makapag adjust. Maging mabuti kayong kaklase at kaibigan sa kanya." ang wika ng aming adviser at tumalikod ito para isulat ang pangalan ng new comer sa white board.
MR. BRYAN ANGELES TURALBA JR.
Tumayo ng matuwid ang lalaki, ang kanyang kamay ay nasa mag kabilang tagiliran. Chest out and stomach in ang peg ng lolo nyo pag katapos ay nag salita ito sa aming harapan ng ubod ng lakas. "AKO SI BRYAN TURALBA JR. 22 TAONG GULANG. MULA AKO SA BANSANG CAMBODIA AT NANDITO AKO PARA SA ISANG MAHALAGANG MISYON! IKINAGAGALAK KO KAYONG MAKILALA!" ang buong lakas na pag papakilala nito dahilan para mag tawanan ang aking mga kaklase.
"Ano ba yan frend parang sasabak naman sa gera iyang si Turalba. Pero infairnes, gwapo ang lolo mo. Matangkad, maganda ang katawan, medyo tisoy, makinis ang balat, mapula ang labi, singkit at bilugan ang mata at kahawig niya yung sikat na chinese swimmer na si "Ning Zetao". Tingnan mo yung mga kaklase nating babae, kulang nalang ay maihi dahil sa matinding pag ka kilig. Im sure nag wewet na yang mga iyan sa silya nila." ang bulong sa akin ni Ed habang hawak ang kanyang cellphone at kinukuhanan ng larawan ang bagong dating naming classmate. Samantalang ako naman ay pinag mamasdan lamang lalaki at palihim na tinatawanan nito dahil sa nakakatuwang kilos at pag sasalita niya.
"Mayroon ba kayong mga tanong kay Mr. Turalba? Mag taas lamang kayo ng kamay kung mayroon kayong nais na malaman tungkol sa kanya." dagdag pa ng aming adviser kaya naman agad na nag taas ng kamay ang aking mga babaeng kaklase.
Classmate1: "Mahilig ka ba sa mga stuffed toy?"
Turalba: Hindi ako nag lalaro ng mga laruan, kadalasan kasi ay ang lalaman ito ng mga atomic particles na maaring sumabog at maging sanhi ng pag kasira ng isang lugar. Ang mga atomic bomb na ito ay likha ng makabagong teknolohiya na hindi na makikita ng ating mga mata kaya nag kakaroon ng mga biglaang pag sabog sa iba't ibang lugar na hindi na naagapan. Dati sa ay ginagamit ang mga stuffed toy sa terorismo kaya ipinag babawal iyan sa Cambodia."
(shock ang lahat)
Classmate 2: Nag babasa kaba ng mga libro? Kung oo, tungkol saan ang mga ito.
Turalba: Oo naman mahilig akong mag basa ng mga libro. Mga non-fiction war books ang madalas kong basahin kagaya ng "Ghost Soldier, World War II, The Gun of August, The Flag of our Father at ang pinaka paborito ko sa lahat ang Hiroshima. Ang lahat ng ito ay tungkol sa pag papalakas ng ating pwersa laban sa mga terorista. Pag bangon at pagiging handa sa oras ng mga digmaan at pag babagong dulot nito.
Classmate 3: Eh, pelikula? Ano anong paborito mong pelikula?
Turalba: syempre madami akong mga napapanood na pelikula doon sa kampo namin, katulad ng Pearl Habor, War of the worlds, Platoon, Saving Private Ryan, Apocalypes Now at World War Series. Lahat ng ito ay nag bibigay lakas at inspirasyon sa akin upang maging isang mahusay na alagad ng batas at kabutihan.
Classmate 4: Girlfriend meron ka na ba? Anong Ideal mo sa isang babae?
Turalba: Wala akong kasintahan, ang tanging karelasyon ko lamang ay ang aking baril. Lagi ko itong kasama kahit saan ako mag punta. Kaming mga sundalo ay hinubog para sa mga mahahalagang misyon. Wala kaming panahon sa mga babae dahil panira lamang sila ng career.
natahimik ang lahat...
ang ilan pa sa mga estudyante ay napanganga..
ang ilan sa mga babae ay napataas ang kilay ngunit halatang kinikilig pa rin ang mga ito.
Classmate 5: Masaya ba ang maging sundalo?
Turalba: Oo naman lalo na kapag natuto kang humawak ng mga armas at pampasabog. Masarap sa pakiramdam kapag mayroon kang buhay na naililigtas sa mga digmaan, sakuna o sa mga simpleng araw ng iyong pag duduty.
"Ano ba yan frend, puro giyera naman yata ang alam ng lalaking ito. Biruin mo yung mga aklat na binabasa niya ay tungkol sa mga uri ng armas pandigma at yung mga paboritong pelikula naman niya ay gerahan. Ibang klase ang isang ito." ang muling bulong ni Ed habang tinatakpan nito ang kanyang bibig upang pigilin ang pag tawa. "Natural kasi ay sundalo sya at walang alam kundi ang makipag gerahan. Wag kang maingay dahil baka pati tayo ay pasabugin niyan." pananakot ko naman dahilan para takpan ni Ed ang kanyang sariling bibig.
"Mr. Turalba, doon kana muna maupo sa kabilang gilid, doon sa tabi ni Mr. Dela Rosa." ang wika ng aming guro kaya naman lumakad si Turalba patungo sa akin ng muli itong tawagin aming adviser. "Ah Mr. Turalba, bawal ang nag dadala ng laruan dito sa classroom." sabay turo sa kanyang bulsa na nasa gawing likuran.
Napahinto naman nito si Turalba at dinukot ang bagay na nasa kanyang likuran. "Ito ba? Hindi po ito laruan mam, isa po itong tunay na SIG P238 pistol." ang wika naman ni Turalba habang ikinakasa ang naturang baril.
"Hay naku, wag mo nga akong lokohin bata ka, akin na rito iyan. Kompiskado ang laruan na iyan." ang sabi ng aming adviser sabay kuha ng baril sa kamay ni Turalba. "Infairness ang bigat nya ha. Parang totoo talaga."
"Teka, totoo po talaga iyan." ang tugon naman ng binata ngunit natawa lamang ang aming adviser at sinakyan lamang ang bagong dating na estudyante. "oh siya, totoo na kung totoo, please take your seat Mr.Bryan Turalba Jr."
"Teka mam, mag ingat po kayo sa pag hawak ng baril na iyan dahil kaunting pwersa lamang ay sumasabog iyan." paalala ng binata dahilan para mapakunot ang noo ng aming guro at nag taas na ito ng boses. "I said take your seat Mr. Turalba!" ang sigaw nito sabay takip sa kanyang bibig. "Oppps! Sorry." bawi niya at muling kumilos na parang si Maria Clara pabalik ng kanya mesa.
"YES MAAM!!" ang sigaw naman ni Turalba sabay saludo dito.
Tulala ang lahat..
Nag simula ang aming klase, ang lahat ay seryosong nakikinig sa aming guro, maliban kay Turalba na nakatingin ng seryoso sa aking kinalalagyan. Halos buong period itong hindi mabakbak sa pag titig sa akin na tila isa akong nakawalang kriminal sa bilangguan. Hanggang sa oras ng break ay nakasunod ito na parang isang anino bagamat hindi nya pinapahalatang naka spy siya sa akin ay obvious naman dahil daig pa nito ang gwardiya sibil noong panahon ni Rizal. "Oy frend, tingin ko ay binabatayan ka ng isang iyan. Tapatin mo nga ako, kilala mo ba ang newcommer na iyan?" pang uusisa ni Ed habang pasimpleng sinusulyapan ito. "Hindi no, ngayon ko lamang nakita ang mokong na iyan. Ayokong isipin na ako nga ang minamatyagan niya. Baka naman nag kataon lamang." tugon ko bagamat pati ako ay nag tataka na rin.
Halos buong mag hapong naka masid sa akin si Turalba, at pakiwari ko ay hindi ako nababakbak sa paningin nito. Kahit saan ako mag punta, sa CR, sa library, sa laboratory at kahit sa ilalim ng lamesa ay naka sunod ito. Nakakairita at nakaka praning ang kanyang seryosong mukha. Para itong isang robot na prinogram upang sundan ako at huwag maalis sa kanyang harapan kaya naman ibayong pag kainis ang lumukob sa aking pag katao noong matapos ang oras klase.
Agad akong nag tatakbo palabas ng gate upang iligaw ito na parang isang kuting habang siya naman ay pasimple lumalakad ng mabilis para masundan ako. Takbong walang humpay ang aking ginawa patungo sa umaandar na jeep at doon ay nag mamadali akong sumabit sa likuran nito. Muling lumakad ang jeep at naiwan itong humahabol sa akin. "Blehh!!" ang sabi ko sabay dila sa kanya. "Akala mo maiisahan mo ko?! Belat mo!" ang sigaw ko pa habang papalayo ang jeep sa kanyang lugar.
Tahimik.
Nanatili itong nakatingin sa aking mukha, seryoso at walang ekspresyon. Pinag mamasdan nya ang aking pag layo sakay ng jeep hanggang sa maya maya ay unti unting gumalaw ang kamay nito at dinukot ang isang baril sa kanyang bag sabay itinutok sa taxi na paraan sa kanyang harapan. "BABA! EMERGENCY!!" ang sigaw nito sabay hila sa driver palabas sa naturang sasakyan at doon ay mabilis siyang pumasok sa loob nito.
Pinatakbo niya ang mabilis ang inagaw na taxi hanggang sa maabutan niya ang jeep kung saan ako naroon at nag paputok ito ng baril sabay sigaw ng "TIGIL!"
Isa pang putok..
BANG!!
"TIGIL!!"
Nag preno ng malakas ang jeep at na subsob ang lahat..
"Ano bang problema? Bakit may baril?" ang takot na tanong mga pasaherong kasakay ko habang si Turalba naman ay lumakad patungo sa pinto ng naturang jeep at malakas itong nag salita.
"AKO SI SERGEANT BRYAN TURALBA JR NA NAG MULA SA BANSANG CAMBODIA. NANDITO AKO PARA SA MAHALAGANG MISYON. INUUTOS KO NA KAYO AY BUMABA NG JEEP NA ITO DAHIL MAY BOMBA DITO AT MAAARING SUMABOG ANO MANG ORAS!" ang sigaw nito habang nakatayo ng matuwid.
Tahimik.
Nag katinginan ang mga tao sa loob ng jeep at sila ay nag uuna unahan sa pag labas na tila na stampeed sa edsa. Maya maya ay naubos na ang pasahero dito at natira na lamang ako sa loob habang ito naman ay naka ngisi at naka titig sa akin. "Ako si Sergeant Bryan Turalba Jr. Ang inatasang mag bantay at mag protekta sa anak ni Commander Dela Rosa!" ang malakas na salita nito sabay tutok ng baril sa aking kinalalagyan. "BABA!!" utos pa nya kaya naman napakunot na lamang ang aking noo dahil pakiwari ko ay isa akong kriminal na inuutasan ng sira ulong ito.
Nanatili akong nakatingin sa kanyang kinalalagyan habang nakatutok ang baril sa aking mukha. "Ano bang gusto mo Turalba?" tanong ko. "Uuwi na tayo sa inyo. Ang utos ng iyong ama ay hindi ka maaaring mag tungo kung saan pag katapos ng iyong klase. Sa makatuwid ay hindi ka pwedeng basta basta na lamang maka alis sa aking paningin. Delikado kung mag isa ka lalo't ikaw ang target ng mga sindikato."
"Wala akong paki sa mga sinasabi mo." ang salita ko naman sabay baba ng jeep at mabilis na tumakbo palayo sa kanyang kinalalagyan. "Kung gusto mo ay doon ka nalang sa ama ko mag bantay, siguradong mag kakasundo kayong dalawa." saad ko pa sabay tawid sa kalsada.
"Sandali, bakit dyan ka tatawid, nakita mo namang hindi ito ang tamang tawiran, baka maaksidente ka." pag habol ni Turalba at nasa ganoong pag tawid ako ng biglang may sumulpot na rumaragasang sasakyan sa aking harapan. "Umiwas kaaaa!!" ang sigaw nito at mabilis na niyakap ang aking katawan upang makaligtas sa nag babadyang panganib.
Itutuloy..