Chapter 04

1538 Words
Hawak ang mumurahin niyang lumang sling bag kung saan ay nakalagay ang old-model na cellphone at black card ng asawa niya, ay mabilis na binabaybay ni Churie ang daan tungo sa private elevator na deretsyong naka konekta sa suite ng matandang Valiad. Her face was gloomy at naroon pa rin ang sting sa kamay at anit niya dulot ng karahasan ni Silvia. “Hoy! Churie! Ano ba! Ang bilis mong maglakad,” anas ni Judy sabay hila sa kanyang braso. “Let go of my arm, Judy,” aniya. Malumanay lamang ang kanyang boses subalit puno iyon ng pagbabanta. Dahilan upang para itong napaso at agad na napabitaw. “Heh! Ang tapang mo ah. Dahil ba wala na rito si Ma'am Silvia? Matapang ka na ngayon! Baka nakakalimutan mong maaari kitang e-report ano mang oras!” asik nito na puno rin ng pagbabanta. “Judy. Mabait ako sa ’yo. Alam mo ’yan. Hindi rin ako nagrereklamo kahit gaano ka pa kabastos sa ’kin. But in this building, ’pag ’di mo itinikom ’yang bibig mo, wala akong magagawa to protect you.” Agad naman itong namutla sa kanyang sinabi. Kaya ay agad na siyang pumasok sa elevator at hindi na ito hinintay na makasunod. ‘Tsk! Pansamantala lang naman. Susunod din iyon agad.’ Pinagmamasdan niya ang pagbabago ng floors sa monitor. Ngunit dahil deretsyo iyon sa fourth floor ay hinintay na lamang niya ang tuluyan nitong pagtigil at pagbubukas. “Mistress Churie.” Malapad siyang napangiti nang makita ang lalaki. “Sir Christian,” aniya sabay bow sa harap ng lalaki na mga nasa-forties na. Sa lugar na kinaroroonan niya ngayon ay siya ang nag-iisang young mistress ng pamilyang Valiad. Ang babaeng mahal na mahal ng matandang Valiad. Ang babaeng naging savior nito. Matapos mag-bow dito ay nag-bow naman siya sa apat pang guards na nasa malapad na pinto. Bantay sarado ang silid na hindi niya maintindihan kung bakit, gayong isa sa pag-aari ng mga Valiad ang Ospital. “Mabuti naman po at narito ka na, Mistress Churie. Alam ko pong matagal ka ng hinihintay ni Madame,” anito sabay bukas sa pinto ng silid. Sa pagbukas niyon ay agad na sumalubong sa kanyang ilong ang amoy ng medisina. Maging ang matandang nakahiga sa hospital bed ay naroon din. “Gra-gram . . .” bulong niya at mabilis na nagtungo sa tabi ng matanda. Hindi niya mawari kung ano ang gagawin gayong naging mas kaawa-awa pa ang itsura ng maganda nitong mukha. “Ba-bakit nakatubo si gram, Sir Christian?” Nagsimulang bumagsak ang kanyang mga luha sabay hawak sa maputlang kamay ng matanda. “Ang akala ko po ay pinaalam na sa ’yo ni Master Zader. Two weeks ago ay inatake sa puso ang madam. Nakaligtas siya ngunit kailangan na niya ang tubo upang huminga.” Mas lalo lamang siyang nanginig nang marinig ang paliwanag nito. “Hi-hindi ko alam. Kung nalaman ko lang agad ay mas napaaga ang punta ko rito.” Ramdam niya ang isang malapad na kamay sa kanyang balikat. And she clearly knows that Christian was trying to calm her. Matapos siya nitong damayan ay lumabas na rin ito sa silid at iniwan siya kasama ang matanda. Alam niyang masyadong strikto si Zader sa seguridad ng lola nito. Ngunit hindi niya alam na maging sa kanya ay wala rin itong tiwala pagdating sa ikabubuti ng matanda. “Gram . . . I— I miss you. Please . . . Gumising ka na. I no longer know what to do. Gusto kong bigyan ka na ng apo. Kaya please, wake up now. Dapat din ay narito ka na. Erish is back. Wala akong kakampi.” Nanginginig ang buo niyang katawan. Para siyang bata na nagsusumbong ng mga hinanakit sa mahal na ina. Inihiga niya ang kanyang ulo at dinama ang bahagyang malamig na kamay ng matanda. Marahan niya iyong pinipisil at maingat na hinahalikan. Dahil maaga siyang naulila at naiwang mag-isa, ang matanda lamang ang nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na ibinibigay sa isang mahal sa buhay. Kaya sa tuwing nakikita niyang mahina ito ay para na ring hinihiwa ang kanyang puso. “Mistress Churie . . . Pasensya na po. Ngunit nariyan na si Doc.” Agad na napatuwid ang kanyang upo ng narinig ang sinabi ni Christian. “Nasa loob na po ng cr ang uniform na iyong isusuot. Ako na ang bahala sa susunod na gagawin, ma'am,” dagdag pa nito. Kaya ay agad na siyang nagtungo sa banyo at isinuot ang nurse uniform na naroon. Sakto lamang ang laki niyon na para bang ginawa para sa kanya. Matapos ayusin ang wig na kalakip sa kanyang isinuot ay inilagay na niya ang mask. Sa kabilang gilid naman ay naroon ang isang wig na tulad ng kulay ng kanyang buhok. Mataman niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. “Ni ako ay ’di nakilala ang aking sarili.” Ngumiti siya sa loob ng mask at inayos ang suot bago tuluyang lumabas sa silid. Sa kanyang paglabas ay agad na tumambad ang dalawang babae na nakatayo sa gilid ng kama ng matanda. At sa tindig pa lang ng mga ito ay agad niyang nakilala. Walang salita ang lumabas sa kanyang mga bibig. Their communications ay basi lahat sa galaw ng kanilang mga mata. Matapos tumabi sa Doktor ay agad namang kumilos ang babaeng kamukhang-kamukha ng kanyang gayak at ito naman ang pumasok sa loob ng banyo. Makalipas ang ilang minuto ay muling lumabas ang babae. At sa pagkakataong ito ay suot na nito ang hinubad niyang damit at dala ay kanyang sling bag. Maging sa ulo nito ay nakasuot na rin ang wig na pinagmasdan niya kanina. “Aalis na po kami, Mistress Churie,” ani ng Doctor at nauna ng naglakad tungo sa pinto. Habang siya naman ay normal ang mga galaw na nakasunod sa likuran nito. Sa kanilang paglabas ay agad na nahagip ng kanyang paningin si Judy, kung saan ay kaharap na nito si Christian. “Sige na naman, Sir. Sisilipin ko lang naman po si Ma'am Churie. Nag-aalala po kasi sa kanya si Madame Silvia. Alam niyo naman pong bawal ma-stress si Madame ’di ba.” Kulang na lang ay gumulong siya sa sahig at mamatay sa katatawa sa sinabi nito. Kuyom ang kanyang kamao at mas itinuon na lang ang pagsunod sa Doctor na nasa kanyang harapan. Sumakay sila sa isang elevator at tumigil sa fifth floor ng building. Mabilis na pumasok ang doctor sa isang opisina, at agad naman siyang sumunod dito. “Hah! Churie! Babe!” bulalas nito sabay mahigpit na yakap sa kanya. “Na-miss din kita, Nala,” wika niya sabay himas sa likod nito. “Huhu . . . Pinag-alala mo ako, babe!” “I’m sorry, babe. Masyado akong tinambakan ng trabaho ng hilaw kong biyenan. Kaya heto. Ngayon na lang ulit nakapunta rito. Ngayon ko lang dun nalaman na lumala ang kondisyon ni gram. And of course. Alam mo kung bakit ako narito.” “I just need to get the information and test. Bukas ay agad kong ibibigay sa ’yo ang results. Ngunit basi sa aking nakikita ay healthy naman ang iyong itsura. Maliban sa pumayat ka ay ayos naman maging ang iyong pulso at heart beat.” “Oo nga. Maging ako ay ayos lang naman ang pakiramdam sa aking sarili. But my menstrual cycle is abnormal.” “What? ’Di ba tumigil ka na sa pag-inom ng birth control pills.” “Oo nga. Kaya nakakapagtaka kung bakit ’di ako mabuntis-buntis. Ngayon pa na nariyan na si Erish.” Napailing na lamang siya nang makita ang nakaawang nitong bibig. “Dapat na tayong magmadali. Parang naaamoy ko na sa hangin ang gagawin ng higad na ’yon. Dapat ay maunahan mo na siya.” “Ang malaking tanong ay kung tatabihan pa ba ako ng asawa ko gayong nariyan na siya?” “Aug, Churie! Akitin mo si Zader! Do everything. I promise you. Bukas na bukas ay malalaman natin kung ano ang problema mo sa iyong katawan. At dapat handa palagi ’yang vivi mo. Kahit saan pa magyaya ang asawa mo ay dapat ready ka!” Itinaas nito ang kamao na para bang nagpapahayag ng matinding determinasyon. “Sana nga ay mabuntis na ako . . .” bulong niya sabay himas sa kanyang tiyan. “Kung ’di man tumabi sa ’yo ang asawa mo ay may iba pa namang paraan.” Agad na tumaas ang kanyang kilay sa sinabi nito. “And what could that be?” “Magnakaw ka ng semilya niya!” “What? Are you even serious?” “Yes! Precautions lang naman, babe. Pero ano pa man. I'm sure, asawa mo mismo ang gagapang sa ’yo. May dinala akong mga night gown riyan. Dalhin mo at iyong pagpilian. Daring at alluring ang desinyo ng mga ’yan. Kaya natitiyak kong mabubugbog ’yang bulaklak mo.” Nakangiting aso ito dahilan upang kilabutan siya. “Kahit ang halay mong mag-isip, babe, pero salamat pa rin sa matinding suporta.” Nag-thumbs up siya sabay hinga nang malalim. ‘Mabubuntis ako! By hook or by crook!’ deklara niya sa kanyang isipan habang nakatingin sa bag kung saan naroon ang mga night gown na gagamitin niya sa kanyang desperate moves.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD