Bitbit ang mga pinamiling gulay, prutas at karne ay hirap na hirap na tinatahak ngayon ni Churie ang daan tungo sa main door ng Valiad mansion. Dahil kahit na maraming mga tauhan at katulong sa paligid ay walang kahit na sinong nangangahas na umalalay at tumulong sa kaniya. Alam niyang utos iyon ng biyenan niya—at nakasanayan na rin niya. “Bakit ba naman kasi ang bigat nitong maletang pinadala sa ’kin ni Nala . . .” she whispered kasabay ng paika-ikang hakbang upang alalayan ng paa niya ang bigat ng dala-dala. Maging ang mga pinamili rin niyang nasa loob ng eco bag ay may kabigatan din dahil sa karne. Hindi naman iyon inutos ngunit nahalina siya dahil sa sobrang fresh niyon.
“Good afternoon, Sir Zader . . . Miss Erish!” sabay-sabay na bulalas ng mga tauhan sa mansyon na nasa pasukan. Dahil sa narinig ay nilalakihan niya ang bawat hakbang. It was obvious na ayaw niyang makita ang kinaiinisang babae nang kaniyang narinig ang ngalan nito.
“Churie! What are you doing carrying all these things?” Natigil ang kaniyang tahimik na paglalakad sabay harap sa asawa. She doesn't want to face him right away dahil kasama nito si Erish, but she doesn't have a choice either. Ayaw naman niyang maging bastos dito lalo pa’t alam na alam niya ang dominanting ugali nito. Although most of the time ay Mama nila ang nasusunod, but when it comes to her husband —wala ng ibang boses ang mas makapangyarihan pa rito—kahit sarili pa nitong Ama.
“Ah, Za-Zader . . . Bu-busy kasi ang mga katulong. Anyway . . . Kaya ko naman. Saka magaan lang,” sabi niya ngunit ramdam naman ng mga daliri niyang bibigay na anytime dahil sa labis na pamamanhid. At alam niya kung ano ang kaniyang dala-dala. Mas prefer niyang siya lang ang hahawak sa maleta. ‘What if masira ang bag at magkalat ang mga laman sa sahig . . . Oh gosh. Nakakahiya.’ Like what she'd been thinking, she's going to do a desperate move.
“Is the management not paying you all enough?” Umalingawngaw ang galit na boses ni Zader. At that moment, natigil din ang kilos at ginagawa ng mga tauhan sa paligid nila. Agad na naalarma si Churie. ‘Mahal naman . . . Ako ang malalagot nito kay Mama!’ himutok niya at tuluyan ng tumigil sa paglalakad. Marahan siyang huminga at malapad na ngumiti. Thinking that she could still cool her husband's mood. Gusto man niyang kiligin ay ’di rin niya magawa sa kadahilanang ayaw niya munang mag-assume.
“Za-Zader, ayos lang talaga ako. Kaya ko na—”
“Give me that,” anitong inagaw ang lahat ng mga dala-dala niya. Napatulala naman siyang napatitig sa asawa niya. She was speechless since Zader took the initiative to approach her. At that moment, Churie was again reminded kung gaano ka kisig at kagwapo ang asawa niya—kasama sa mga dahilan kung bakit siya baliw dito.
“Sweety . . . Thank you naman at tinulungan mo si Churie. Baka ma-sprain pa iyang mga kamay niya. It's really hard moving around with a messy arm . . .” ani Erish sa sobrang lambing na boses. Bahagya namang tumaas ang kilay niya dahil naka splint at mayroon na itong suot na elbow and neck support. ‘Ganoon ba siya kalala? Dinaig pa niyang nasipa ng kabayo ah. Tsk! Sarap sipain talaga!’ Ngunit mas lalo lamang nangunot ang noo niya dahil sa suot nitong hapit na hapit sa katawan. ‘I wonder kung paano mo ’yan naisuot gayong mukhang grabi ang lagay mo. Kulang na lang magpa-wheel chair ka!’ Gusto niyang ihambalos sa mukha ni Erish ang mga salitang iniisip niya.
“Churie, help Erish walk.” Saglit namang nanigas si Churie sa utos ng asawa niya. Hindi rin nakaligtas sa matalas niyang paningin ang hambog na mga ngiti ni Erish. She could feel na gusto nitong mawala sa balanse ang poised niya. ‘Ano ’tong babaeng ’to, kindergarten at need pang e-guide?’ Nagpalingo-lingo siya at akmang hahawakan ang kamay ng babae kahit na ayaw pa niya. Iniisip pa lang niya ay nandidiri na siya.
“Sir, ako na po ang magdadala ng mga ’yan sa kusina,” presenta ng head ng mga katulong.
“Where’s Judy by the way? She did come with you right?” tanong ni Zader na ngayon ay marahang iniaabot sa helper ang mga dala-dala. Nabitin naman sa tabi ni Erish ang kamay niya. Wala sa sariling lumingon siya kung saan matatagpuan ang parking space ng Valiad mansion.
“Ah, hi-hindi na kami sabay na pumasok rito. Nakatanggap kasi siya ng tawag mula kay Mama,” paliwanag niya kahit na ang totoo ay kanina pa siya hinahayaan ni Judy na magbitbit mag-isa. Simula pa lang sa pamilihan ay naririnig pa niya sa kaniyang tenga ang reklamo nito. Even ang driver nila ay pinagbawalan din na tulungan siya.
“Ah, Sir, ako na lang po ang magdadala niyang maleta.” Agad namang nag-panic si Churie nang nag-presenta ang driver nila na bitbitin ang bag. ‘Ano na ’to? Kung kanina feeling ko isa akong virus at lumalayo sila, ngayon naman ay nagkakagulo sila para sa mga dala-dala ko.’ Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. ‘Kung pwede ko lang hablutin ang maleta at itakbo sa silid ko ay malamang ginawa ko na!’
“Ah, eh, haha. ’Wag na ho, Manong Dan. A-ako na lang ang magbibitbit niyan. Zader a-ako na ang bahala. ’Di ba at magaan lang naman. Haha! Kayang-kaya ng muscles ko.” Nang tumingin sa kaniya ang asawa ay nakatitiyak na siyang mayroon ng namumuong ediya sa utak nito. And she was certain na hindi niya ito mapapaikot nang basta-basta. Or feeling niya, siya lang itong ’di marunong umakting sa harap nito.
“Ano ba kasi ’yang nasa loob niyan, Churie? Might as well ibigay mo na lang ’yan kay Manong. He just wanted to help.” Napayuko siya sabay hila ulit sa malita paalis sa kamay ng asawa niya. Mas lalo lang din siyang naiinis sa ginagawang pagsabat ni Erish. ‘Buong araw ba silang magkasama ng asawa ko?’ Napabusangot siya tapos ay ngumiti tulad ng bagong haha react ng update sa f.b líte.
“Wa-wala mga kagamitan ko lang ’to. Binili ko kanina . . .” bulong niya na parang batang pilit na hinihila ang maleta—while Zader is unfazed. “Saka mas need ni Erish na e-guide pa siya, Zader. Magluluto pa rin ako kaya mas kailangan kong magmadali,” dagdag pa niya. But she honestly looks like a complete idiot sa kilos niya—and she was no longer aware about it.
“Manang Carleta, please guide Erish to her room. Make sure that she's comfortable and give her what she wants,” mando ni Zader sa isa sa mga may katandaan ng katulong na nakatingin lamang sa kanila. Maging ang ibang mga tauhan ay nanonood sa kanila na para bang nasa sinehan lang ang mga ito at nanonood ng telenovela.
“Bu-but, sweety . . . Saan ka pa ba pupunta? I’m tired na rin kasi . . .” Kita niya kung paano nito yakapin ang braso ni Zader while staring at her. Gusto man niya itong liparan at sabunutan ay hanggang imagination lang muna siya. ‘Kahit isang kamay lang ang gamit ay grabe pa rin kung makakapit.’
“Kaya mas need mong mag-rest na Erish. Don't worry. Susunod din ako later. Ipaaayos ko na rin ang mga pagkain. Wait for me in your room, okay?” Halos mapangiwi naman siya matapos na parang batang tumatango si Erish matapos itong gawaran ng halik ni Zader sa noo.
“Okay. I will patiently wait for you.” Muli ay tiningnan siya nito. It was a look that she was aware of. That kind of look indicates a warning for her.
‘Heh! Siya pa ang may ganang mag-death glare sa ’kin. Sarap kalbuhin!’
“Take care, Churie.” Feeling ni Churie ay nag-cringe pati kaluluwa niya sa sobrang lambing at sincere ng boses nito.
“Ah, hehe . . . I-ikaw din, Erish . . .” Muli ay yumakap ito kay Zader bago muling dinampot ang maliit na handbag na hawak kanina ni Zader at naglakad na para bang binayo ng makailang ulit gayong sa kamay ito may injury kung tutuusin. Kita rin niyang nagkandaugaga sa paghawak dito ang katulong.
“Let’s go, Churie.”
“Hu-huh? Saan?” blanko ang mukhang tanong niya.
“To our room. You need to show me something, right?” Sa sobrang seryoso ng boses nito at pakiwari niya nababasa nito kung ano ang plinano nila ni Nala. ‘Mukhang tama ka nga, babe. Hindi ko na kailangan pang magmakaawa kay Zader para buntisin ako. Mukhang ito na ’yon. Kung papalarin.’
“Si-sige . . .” Agad na siyang naglakad kasunod dito. She wanted to hold her husband's arm like what Erish did earlier, but she doesn't have the audacity to do it. ‘Kung hindi lang nagustuhan ni Zader ang katawan ko, malamang ni paglingon ay ’di nito gagawin sa ’kin . . .’ Bagsak ang balikat niyang tiningala ang asawa. Ramdam niya ang katagang so near yet so far.
“Watch your steps, Churie.”
“Oh, huh?” Napatingin siyang muli sa maleta. Agad naman siyang napaatras nang lumapit sa tenga niya ng mukha ni Zader.
“Let’s check kung ano ang mga pinamili mo.” Nanlaki agad ang kaniyang mga mata. Bahagya pa siyang napatalon nang hilahin siya nito papasok ng mansion dahil natulala na siya.