Chapter 03

1745 Words
Matapos kumain ay agad ng bumalik si Churie sa taas upang magpalit ng kanyang gayak. Suot ang luma niyang whole dress, na bahagyang lumaki sa katawan niya dahil siya ay mas pumayat pa. Ngunit kahit na gano’n ay ’di naman nababawasan ang taglay niyang natatanging ganda. Her beauty is breathtaking dahil hindi ito kumon sa kanilang lugar. Noon pa man ay marami ng nagkakagusto sa kanya. But Churie only fancied one man. At iyon ay ang asawa na niya ngayon. “Medyo luma na. Pero ayos pa naman.” Mapait siyang ngumiti. There are times na naisip niyang worth it ba ang mga sugal na kanyang ginawa para kay Zader. But whenever she remembers how her husband hold and rummage her whole body, laging nawawala ang lahat ng mga agamagam niya. It was like she's being captivated in the world created by Zader. In the world where her man wants her wantonly. “Ma’am Churie, pinalalabas ka na ni Ma'am Silvia! Bilisan mo na riyan!” Rinig niyang boses iyon ni Judy kaya ay mapakla siyang napangiti. Kahit noon pa man ay wala na itong respeto at galang sa kanya. Kaya sa ngayon ay nakasanayan na rin niya ito. In fact, konti lang ang totoong may respeto sa kanya sa mansyon ng mga Valiad. For she might be the young mistress, ngunit mas trabahador at tagalabas pa ang turing sa kanya sa buong ranch. Ang masaklap lang ay wala siyang sweldo ni singkong duling. Ang pera na ginagamit niya ay mula sa card ng asawa niya, na malimit naman niyang gamitin. She doesn't want her husband to think na isa siyang materyalistik na p********e. Kaya hangga't maaari ay ’di siya namimili ng mga personal stuffs niya. And that includes clothes and jewelry. Hindi naman siya maarte, lalo’t most of her time ay nasa ranch lang siya. “Okay, let's go,” aniya nang kanyang buksan ang pinto ng silid at bumungad ang isang babaeng nakabusangot. Although pang-helper ang suot nito ay mas mapula pa ang labi nito kung ikukumpara sa labi niya. May fake lashes din ito at makapal na kilay na halatang iginuhit lang. Sa unang kita niya sa paraan ni Judy ng pag-aayos sa mukha, Churie could say that she was startled. Ngunit sa tagal na rin ng panahong kasama ito ay nakasanayan na rin niya maging itsura ng alagad ng kanyang mother-in-law. Everything was hard at first, iyon ang isa sa mga motto niya sa buhay. Kaya hangga't kaya niya ay ’di siya sumasalungat sa agos ng panahon. “At saan ka naman tutungo?” tanong nito dahilan upang mapatingin siya rito. Her body was shaking ngunit mas nanatili pa rin ang mataas niyang pasensya. “Kina Mama.” Malapad siyang ngumiti kahit na gusto na niya itong sungalngalin at burahin ang makapal na kilay. “Heh! At alam mo ba kung nasaan sila?” Nakapamewang ito at tila ba ay naghahanap ng gulo. Maganda naman ang tingin niya kay Judy. Sadyang makapal lang ang dalawang labi nito. At mas naging annoying tingnan para sa kanya dahil sa lipstick nitong pulang-pula na para bang may linamutak na atsuete. “Judy . . . Nasaan nga ba sina mama? Please . . .” mahinahon niyang tanong dito. Kita naman niyang umismid ito at nag-smirk pa. Halatang na-satisfied sa pagiging magalang niya rito. Sa tingin niya ay sa galing niyang mambola, maari na siyang makatanggap ng parangal. “Sa kwadra ng mga kabayo. Dito lang gaganapin ang shoot ni Mistress Erish. Kaya bilisan mo na,” proud nitong sabi na tumaas pa ang kilay. ‘Haha! Parang unti-unti na yatang binabawi ni Erish ang pangalan na sa kanya sana. But whatever happens, I will never hand it to her without a bloody fight! Mistress . . . I am the only young mistress of the Valiad mansion!’ Nauna na siyang naglakad dahil naiirita siya sa tunog ng heels ni Judy. Kahit sa Ospital lang ang punta nila ay nakatakong pa ito. Nang tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng horse sanctuary ay kita na niya agad ang asawa niyang nakaalalay sa isang babae. Manipis ang suot nitong puting gown dahilan upang bahagyang nakikita ang suot na panloob. Maging ang kapit ng dalawa sa isa’t isa ay kulang na lang mag-ungulan kung sakaling ang mga ito lang ang tao sa paligid. Churie could feel the lump on her throat. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon na lang niya ulit nasilayan ang asawa during weekdays. And it's all because of the thing that Erish is here. “Taming the stallion . . .” ulit niyang sabi nang marinig ang mga katagang iyon mula sa bibig ng assistant ni Erish. ‘Lord, ’wag naman sana si Zader jr ang maisipan nilang gamitin.’ Bahagya siyang nakapikit at tila ba ayaw tingnan ang kabayong hila-hila ng isa sa mga trabahador sa kwadra. Si Zader jr ay ang pangalan ng kanyang kabayo. Isa itong puting kabayo na nasa pangangalaga na niya simula ng nagkasakit ito noong dalawang taong gulang pa lang. At sa mga kamay niya ay nag-bloom ito at naging mas pinakamatikas na stallion sa ranch ng mga Valiad. But of course, hindi opisyal na kanya ang kabayo. For it was only promised to her by the old lady. Ngunit ngayon na comatose pa rin ito matapos natumba sa banyo ay nawalan na rin siya ng kakayahang ipagtanggol ang mga bigay nito. That moment the old lady of Valiad sleeps, natanggal din lahat ng previlage niya sa lugar. “Zader jr . . .” bulong niya habang pinipigilan ang kanyang mga luha. She knows that it's childish. Ngunit nang makita niyang hinihimas ni Erish ang buhok ng kabayo niya ay labis siyang naninibugho. ‘Pati ba naman ang kabayo ko? First Zader, and now, ang jr ko naman . . .’ Ngunit nang napansin niya ang mga kilos ng kabayo ay agad siyang naalarma, maging ang mga naroon sa set. “Negh! Negh!” Tumayo ito sabay mabilis na galaw ng mga paa. “Ahhh!” Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Malakas ang sigaw ni Erish sabay pagkalaglag nito sa kinauupuan na may puting takip. “Ijah!” Sa lahat ng naroon ay ang mother-in-law niya ang unang nag-react. “’Wag!” Samo’t saring mga sigaw ang pumailanlang sa loob ng horse sanctuary. Ngunit ang boses ni Churie ang mas nangibabaw. Dahil sa sigaw ni Erish ay nagkagulo ang mga staffs nito at mas lalong na-stress ang kabayo. “You don't have to whip the stallion, Kuya Jun! Bata pa ang kabayong ito. At ito ay pinakamagandang breed dito. Ikaw ang nag-aalaga kay Zoom. Alam mo dapat basi sa mga reaksyon niya kung gusto niya itong ginagawa ninyo o hindi!” mahaba niyang litanya habang yakap-yakap ang mukha ng kanyang kabayo. Dahil sa flash ng camera at ingay sa paligid ay nag-panic ito at akmang aatake sa mga nakapaligid. “Huhu . . . I'm so scared, sweety. Huhu . . .” maarteng iyak ni Erish habang nakayapos sa malapad na dibdib ng asawa niya. ‘Huhu! I'm so scared your face!’ Kunot ang kanyang noo at halos ’di siya maitsura habang pinagmamasdan ang mahabang daliri ni Zader na humihimas sa likod ni Erish. ‘Sana nga talaga ay nasipa ka na lang ni Zader jr!’ “Stay away from the horse, Churie. Let Mang Jun handle him,” anas ng asawa niya. Immediately, her heart started to pound hard. Para siyang sira na nangingiti na lang bigla. “Aw . . . Sweety, ma-masakit ang siko ko.” Agad naman siyang nawala sa mood nang sirain ng babae ang senaryo nilang dalawa ng asawa niya. “What are you doing, Churie? Umalis ka riyan! Jun, ipasok mo sa kwadra ang kabayong ito at turuan mo ng leksyon!” Muntik na siyang bumagsak sa lupa nang hilahin siya nang malakas ni Silvia. Para itong maysa-Herculis sa sobrang lakas. Hercules na naka-red shoes. Napailing na lamang siya at nag-aalalang napatingin sa kabayo niya. “Pe-pero, ma . . . Wa—” “Gusto mo bang pati ikaw ay parusahan ko rin?” Agad na naging tikom ang kanyang bibig sa sinabi nito. Of course, alam niyang ’di ito nagbibiro. Panakaw naman siyang tumitingin sa asawa niya. She was hoping that Zader would care for her, and defend her even just for today. But what she got is only a pure disappointment. Sapagkat paalis na ito ngayon sa horse sanctuary habang karga si Erish in a bridal position. Napaka kisig ng likod nito. Churie’s imagination wanders. Iniisip niya ang pakiramdam na kargahin sa ganoong posisyon. Kinakarga naman siya ng asawa niya. Kaya lang ang posisyon ay nakasalikop ang dalawa niyang paa sa bewang nito, habang mabilis siyang tinataas baba. She loves that position. Ngunit alam niyang hindi masama na pangarapin niyang maging sweet si Zader sa kanya. “Ikaw, babae. I already told you na ’wag kang umasta na para bang isa ka sa may-ari ng Valiad ranch! Ako lamang ang tanging nasusunod dito. Kaya sa oras na tuligsain mo ulit ang mga sinasabi ko, may kalalagyan ka sa ’kin!” deklara nito sabay hila sa mahaba niyang buhok. Ngayon na wala na si Zader ay lumabas na ang tunay nitong trato sa kanya. “O-opo, mam—” “Ano’ng sinasabi?” “Ibig ko pong sabihin ay opo, Madam Silvia,” sagot niya rito habang inaalalayan ang buhok niyang hawak pa rin nito. Humihilab ang kanyang anit ngunit wala siyang magawa. Sino nga ba ang pagsasabihan niya sa pananakit nito sa kanya? “Good! Now. Gusto kong sa pag-uwi mo from the hospital ay bumili ka ng mga sariwang prutas at gulay. Make sure na hindi magkaka-alergy si Erish sa mga bibilhin mo. You only have four hours, so you better get going!” Sa paningin ni Churie ay demonyo ang biyanan niya na nagbabalat kayo bilang tao. At labis nitong nalason ang utak ng ama ng asawa niya. Ayaw niyang isipin na maging si Zader ay naloko nito. Ngunit parang ganoon na rin. “Opo, Madam. A-aalis na po ako ngayon.” Agad na siyang nag-bow sa harap nito at patakbong lumabas mula sa sanctuary. Kahit nais niyang umiyak ay pinigil pa rin niya. ‘Grandma . . . Pupuntahan na kita ngayon diyan sa Ospital.’ Sa tuwing nakikita niya ang matanda, napapanatag siya. Kahit paano ay itinuring niya itong totoong pamilya, at ramdam niyang ganoon naman ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD