Chapter 02

1609 Words
Napabalikwas ng bangon si Churie mula sa king size bed nang tumama ang sinag ng araw sa kanyang mukha. Agad niyang inilapat sa sahig ang kanyang mga paa upang tumayo. “A-ray ko,” mahina niyang daing at deretsyong natumba sa malamig na sahig. Pilit ang kanyang mga ngiti habang pinagmasdan ang mga pasa at kiss marks niya sa hita. At alam niyang hitik din niyon maging ang kanyang likod, balikat at dibdib kahit ’di pa niya nasusuri. Talagang hayop sa kama ang kanyang asawa. Ngunit kahit anong hayok nito sa tuwing inaangkin siya ay ’di pa rin siya mabuntis-buntis. Kaya ay ’di niya mapigilang mangamba. “Parang naging sumpa yata ang sinabi ko na isa akong barren. It was supposed to be a white lie . . .” bulong niya matapos tansyahin ang sarili at tuluyang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Dahan-dahan siyang umupo sa kama at tulalang napatitig sa wedding photo nilang dalawa ni Zader. Maaliwalas ang mga ngiti niya sa picture. Habang ang asawa naman niya ay expressionless ang mukha. She finds it intimidating yet alluring. ‘I don't want to have a child with that woman! And whatever you do, my decision is unwavering!’ Bumagsak ang kanyang mga luha, ngunit nanatili pa ring nakangiti ang kanyang mga labi. Dito nagsimula ang pagpapanggap niya bilang isang baog. Ginawa niya ang lahat upang makakuha ng resulta na baog siya nang ipina-check up siya ng step mom ng asawa niya. Ngunit ang ’di niya maintindihan ay bakit hanggang ngayon ’di niya magawang mabuntis. “How cruel, mahal . . . All I want is to have a happy ever after with you. Ganoon ka ba kagalit sa ’kin at maging ang maging ina ay ipinagkakait mo?” Marahan siyang tumayo at paunti-unting humakbang upang magtungo sa banyo. Dahil hubo’t hubad ay agad na tumambad sa salamin ang mga markang iniwan sa kanya ni Zader kagabi. Hinimas niya ang kanyang tiyan habang titig na titig doon sa salamin. Maging ang pilat niya apat na taon na ang lumipas ay malinaw din niyang nakikita. “I need to see a doctor as soon as possible. I know na hindi ako baog. It has been months since itinigil ko ang pag-inom ng pills. So how come ’di pa rin ako nabubuntis?” Her face was determined, kaya ay nagsimula na siyang pumasok sa tub nang mapuno iyon ng maligamgam na tubig. Pikit-mata siyang nahiga sa tubig sabay pigil sa kanyang paghinga. She was frustrated. At ito ang isa sa ginagawa niya upang gisingin ang nabobobo niyang diwa. Kahit alam niyang sasabunin na naman siya ng kanyang biyenan dahil late na ang kanyang gising, ay mas pinili pa rin niyang magbabad muna sa bathtub. As the young madam of the Valiad mansion, Churie’s responsibilities are unrivalled. Mula sa gawaing bahay, pagkain, maging ang mga tauhan sa labas ng mansion ay siya ang namamahala. At sa tuwing may pumalpak ay sa kanya isinisisi lahat ng biyenan niya ang mga maling nangyayari. At wala siyang magawa roon dahil isang iyak at drama lang nito sa harap ng kanyang father-in-law na patay na patay dito, ay nasisira palagi ang pangalan niya. “Oh, God! Ang sakit ng buong katawan ko . . .” Umahon na siya sa tub at isinuot ang nakahandang robe. Sa harap ng maraming tao, maging sa pamilya ng asawa niya, churie acts timid. Ngunit ang totoo ay isa siyang matalinong babae na alam kung ano ang hindi at dapat niyang gawin. Tanging ang kahinaan lamang niya, at nawawala siya sa sarili pagdating sa asawa niya. Nang nakalabas ay tinuyo niya ang kanyang curly, waist length brown hair, at muling sinipat sa salamin ang mukha. “Surely. Zader knows how to cover his tracks.” Hinimas niya ang kanyang balikat. Alam niyang walang kiss marks or pasa sa parte ng katawan niya na hindi natatakpan ng damit. Kaya kung titingnan siya sa labas ay parang walang nangyari sa katawan niya. “Ang haba na pala talaga ng aking buhok. Kailan kaya ako makakapagpa-salon ulit?” She was looking forward on trimming her hair dahil napapahaba ang oras niya sa pagtuyo niyon. Nang masigurado na niyang tuyo na ito ay agad na siyang naglagay ng lip balm at nagbihis. Dahil natural na ang mala-doll niyang itsura ay ’di na siya gaanong naglalagay ng koloriti sa mukha. Suot ang usual niyang gayak na fitted black jeans, white polo shirt at high boots ay bumaba na rin siya sa mahabang hagdan ng mansyon. Dahil nasa second floor ang silid nila ni Zader ay palaging ganito ang ginagawa niya. May mga panahon pa na akyat panaog siya sa hagdanan sa loob ng buong araw. Isang hakbang na lang at nasa sahig na siya nang biglang nangunot ang kanyang noo. “Haha! Tita Silvia. It has been years. Long years. But still, your beauty never fades.” “Mabulaklakin ka pa ring magsalita, Eris honey.” “Come on, ma, Erish, let's eat. The food will get cold if you two keep on talking.” Churie’s steps halted nang marinig ang isang pangalan. The name that she could say, "One of her nightmares." “E-Erish? What is she doing here? Akala ko ay nasa NewYork pa siya?” bulong niya at mas humigpit pa ang hawak sa railings ng hagdan. “Why now? Ngayon pa na gusto ko ng ipaalam kay Zader na kaya ko siyang bigyan ng anak . . .” Her palm started sweating. Alam niya kung gaano kalalim ang relasyon nina Zader at Erish. Erish was the main reason kung bakit ayaw sa kanya ni Zader, kahit noon pa man. Kung ’di lang ito nagtungo sa ibang bansa upang e-pursue ang pagmomodelo, ay nakatitiyak siyang kahit shotgun wedding pa ay ’di papayag si Zader. She clenched her fist tightly at dahan-dahang ikinalma ang naghuhuromintado niyang puso. Even slightly biting her lip upang mas lalo pang magising. Dala ang naipon niyang lakas ng loob ay nagsimula na siyang maglakad tungo sa komidor ng mansyon. Her steps were stiff, lalo na nang makita niyang nakapulupot ang mga kamay ni Erish sa braso ng asawa niya. Jealousy began soaring in her heart. “Good morning, mama, mahal, at Erish,” panimula niya nang ’di siya napansin ng mga ito na pumasok sa loob. “Oh, Chu-Churie? Is that you? How come? You look older,” komento ni Erish, dahilan upang mas lalo lamang sumama ang kanyang timpla. ‘You? Ano nga bang nagbago sa ’yo? Maliban sa mas naging mala-linta ka sa asawa ko. Mas naging b***h din ang iyong pananamit!’ Gusto niya iyong isigaw sa mukha ni Erish at kaladkarin ito palayo sa asawa niya. But when she saw her husband’s unbothered face. At ’di man lang siya nito tinapunan ng tingin ay bahagyang bumaba ang confidence niya sa sarili. “Hello, Erish. How have you been? Mas lalo kang gumanda,” aniya sabay hila sa upuan kung saan ay nakalagay sa dulo ng tatlong metrong haba ng dining table. Gawa ang mesa sa rare na uri ng kahoy, ngunit naisip niyang ’di iyon bagay sa mga plastic na taong gumagamit nito. “Yeah, I know that. But thanks for the compliment anyway. Those words coming from you . . . I kinda find it unsencere though,” walang prino nitong sabi dahilan upang mabitin ang hawak niyang serving spoon sa ere. “I am sencere. Why would I not?” aniya sabay hiwa sa kakalapag lamang niyang smoked salmon sa kanyang plato. “Uhm! Anyway. Churie, be kind to our guest. Late ka na sa trabaho mo. But since my favorite child is home, I will definitely let you off this time. But no more next time.” Matigas ang boses nito at alam na niya ang ibig niyong sabihin. “Yes, mama. I understand. This will not happen again,” sagot niya habang ’di pa rin nag-aangat ng tingin. She was acting coy again, yet being cautious to whatever she say. “Sweety . . . Can you accompany me to my first photo shoot?” tanong ni Erish at alam niya kung sino ang tinutukoy nitong sweety. Because it has been Erish and her husband's endearment even before she came sa buhay ng mga ito. Wala siyang ibang kakampi sa mundo ng mga Valiad kundi ang matandang Valiad na pumili sa kanya. “Mama, mahal, I want to visit grandma sa Ospital. It has been months since I last visited her. I heard that she was still sleeping.” Iyon ang unang pagkakataon na hinarap niya ang mga ito, na ngayon ay nakatingin naman sa gawi niya. “Okay,” maikling sagot ng asawa niya. “Bring Judy with you. And be here at four pm. Dito maghahapunan si Erish. I want you to personally handle the supervision in every dinner preparation. I don't want any mistakes. You know what I mean, right?” “ Yes, mama. I will handle it flawlessly.” Her face was smiling, but deep inside, she was struggling to even properly breath. She have to hold her pace dahil isa sa target niya ’pag nasa Ospital na siya ay ang magpakonsulta sa kaibigan niyang OB. Ngunit alam niyang mahihirapan siya lalo’t kailangan niyang isama si Judy, ang number one sumbungera nilang kasam-bahay. At alam niyang ere-report nito ang bawat galaw niya. ‘How troublesome . . .’ Uminom siya ng tubig. Ngunit mas lalo lamang iyong nawalan ng lasa nang makita niya ang harapan ni Erish na bahagyang kumikiskis sa braso ng asawa niya. Nais na niya itong sugurin. But as of the moment, Churie knows that her hands at feer were tightly tied.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD