Always You (Valencia Series #1)
by larajeszz
Chapter 1
“Finally! Akala namin ay kami na ang bahala sa vocals para mamaya,” biro ni Carlo, ang lead guitarist ng banda.
“Sorry, guys. Biglaan kasi kaya natagalan ako sa paghahanap ng masusuot,” sambit ko at umikot pa sa harapan nila para ipakita ang suot kong bestida. Half-truth naman ang sinabi ko. Totoo namang natagalan ako dahil sa paghahanap ng masusuot ko para ngayong gabi, pero hindi lang ‘yon ang tanging dahilan…
Nadako ang tingin ko kay RJ na abala sa pagtotono ng gitara niya, siya naman ang rhythm guitarist ng banda. “Sayang at wala si Renz. For sure matutuwa ‘yon na mapanuod ka!”
Dahil sa sinabi niya ay nabuhay ang kantsawan sa buong waiting area. Napailing na lang ako. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may pagtingin daw sa akin ang main vocalist nila.
“Kung nandidito naman si Renz ay hindi naman ako ang kakanta ngayong gabi dahil trabaho niya ‘yon.”
“Sigurado naman akong walang kaso sa batang ‘yon kung parehas kayong maging vocalist ng banda namin. ‘Di ba, guys?” ani Ate Nina na agad namang sinang-ayunan ng mga kabanda niya. “Bakit ba hindi ka na lang sumama sa ‘min sa mga gig?”
Hindi ito ang unang beses na inalok nila ako ng posisyon na ‘yon. Sa totoo lang ay gustong-gusto kong tanggapin ang offer nila. Sino ba naman ang tatanggi kapag ang bagay na pinapangarap mo ay nasa harapan mo na, ‘di ba? Ang tanging pumipigil sa akin sa pagtanggap niyon ay sina Aling Rosita. Sa ilang taon kong pamamalagi rito sa isla ay sila ang kumupkop sa akin at utang na loob ko sa kanila ang buhay ko. Hindi ko yata kakayaning iwanan sila rito para lang sa pangarap ko.
Pilit akong ngumiti sa kanilang lahat. “Alam niyo na naman kung anong isasagot ko, eh.”
Lumapit si Bob sa akin at umakbay. “Pero i-try mo pa ring magsabi. Malay mo naman ay susuportahan ka nila sa kung ano’ng gusto mong gawin sa buhay mo.”
“Alam ko naman na susuportahan talaga nila ako sa kung ano man ang maging desisyon ko. Pero sa akin ‘to, eh. Ako ang may ayaw na iwanan sila.”
Hindi na nila pinahaba pa ang diskusyon at nagsimula na kami sa rehearsal. Lumabas na kami ng waiting room at umakyat sa stage. Para akong nalula nang makita kung gaano kadaming bakanteng upuan ang nakalatag ngayon sa harapan ko.
“Nervous?” rinig kong tanong ni Ate nina mula sa likuran ko hanggang sa napunta na siya sa tabi ko.
Dahan-dahan akong tumango at napahigpit din ang hawak ko sa mikropono. “Paano kung magkamali ako, Ate?”
Bahagya niyang ginulo ang buhok ko na parang bata. “Huwag mong isipin ‘yan. Maganda ang boses mo, Kyrese. Hinding-hindi kami nakaramdam ng kaba no’ng ibinalita sa amin ni Boss Vince na ikaw muna ang magiging temporary vocalist namin.”
Kahit papaano ay kumalma ang puso ko dahil sa sinabi niya. Laking pasasalamat ko sa tiwalang ibinibigay sa akin ng mga tao sa paligid ko. Kahit pa gaano kalaki ang pagdududa ko sa sarili ko ay humuhupa ‘yon sa t’wing naririnig ko mula sa kanila na kaya kong malagpasan ang mga bagay na akala ko ay hindi ko magagawa.
“Salamat, Ate.”
“Okay. Start tayo,” anunsiyo ni JD, ang drummer ng band na bihira ko lang marinig na magsalita. Tahimik siya, pero pagdating sa pagtugtog ay makikita mo talaga kung gaano siya ka-passionate.
Mild lang ang naging run namin ng ilan sa mga kanta dahil first time nila akong makakasama mag-perform, at saka para na rin hindi marinig ng mga dumadaan ang mga pinractice namin dahil ayaw namin silang bigyan ng spoilers.
“Okay, nice. Balik muna tayo sa waiting,” ani Bob at pumalakpak after ng rehearsal. “Kyrese, parang praktisadong-praktisado ka, ah?”
Nahihiya naman akong napatungo. “Huwag mo na nga akong bolahin.”
Narinig ko ang pagtawa ni RJ. “No, seriously, Ky. Sa performance na ipinakita mo, hindi mamamalayan ng manunuod na ngayon ka lang namin nakatrabaho.”
Dahil sa narinig ay napakamot ako ng ulo. “Baka iba ang maging performance ko mamaya kapag may mga nanunuod na...”
“Ayan ka na naman, eh!”
Ilang ulit pa akong pinagsabihan ni Ate Nina na ‘wag kong pagdudahan ang kakahayan ko dahil baka raw ma-jinx at ‘yon talaga ang mangyari mamaya.
“Boss Tim!”
Napatahimik kami ni Ate Nina sa pag-uusap nang sabihin ‘yon ni Bob. Tumalon siya pababa ng stage at nilapitan ang taong kadarating lang. Nilingon ko ang taong pinuntahan ni Bob at laking gulat ko nang makitang seryoso itong nakatingin sa akin!
“Katatapos lang ng rehearsal namin. Mabuti na lang dahil baka hindi ka na ma-excite mamaya kung narinig mo,” nakangiting sambit ni Bob sa kausap.
Saka lamang inalis ni Timothy ang tingin sa akin nang sumagot siya kay Bob. “Sa tingin ko naman ay hindi mawawala ang thrill sa akin kahit pa napanuod ko ang rehearsal niyo.” Pagkasabi niya no’n ay muling dumako ang tingin niya sa akin.
Mukhang napansin ‘yon nina Ate Nina ay RJ dahil sabay silang napalingon sa akin.
“Magkakilala ba kayo ni Timothy?” mahinang tanong sa akin ni RJ.
Napahawak ako sa batok ko. “Uh, hindi… uhm, balik na lang muna ako sa waiting.”
Hindi ko na hinintay ang kung ano pang sasabihin nila dahil nagmadali na ako papaalis do’n. Pagkapasok ko sa waiting room ay agad akong napasandal sa pinto pagkasara ko.
Dahan-dahan akong napadausdos pababa at naramdaman ko rin ang mga nagbabadyang luha na gustong kumawala sa mga mata ko.
“Kyrese, you’re okay. You’re okay, Kyrese… Y-You’re okay.” Paulit-ulit ko ‘yong sinasabi para piliting pakalmahin ang sarili ko. F*ck, I can’t stay like this. I have to perform!
Agad kong pinunasan ang mga luha ko nang marinig ko ang pagkatok ng band members. Inayos ko ang sarili ko bago ko sila pinagbuksan ng pinto.
Si Timothy kaagad ang una kong nakita nang tuluyan kong nabuksan ang pintuan.
“Pasok ka, Tim,” ani Bob. Gumilid siya para makapasok nang tuluyan si Tim.
Ako naman na kaninang nag-iisa lamang sa loob ay nakatungo sa isang sulok. Being with him in the same room?! It is suffocating.
Nang makapasok silang lahat ay nagpaalam ako sa kanila nang hindi nag-aangat ng tingin. “Uuwi muna ako saglit. Babalik na lang ako mamaya kapag malapit nang mag-start.” Pagkasabi ko no’n nang dire-diretso ay nagtungo na ako sa pintuan at agad na lumabas.
Habang nasa daan ako ay may ilan akong nakakasalubong na kagaya ko ay doon din nagtatrabaho. Binabati nila ako ng “magandang araw” pero tanging ngiti lang ang naisasagot ko dahil bukod sa nagmamadali ako ay hindi maganda ang araw ko!
Ngayon lang ako nainis na patuloy na lumulubog ang mga paa ko sa buhangin dahil hindi ko magawang makapagmadali! Pilit kong hindi na ‘yon pinansin at ang tanging inisip ko na lamang ay gusto ko nang makauwi.
Napatigil ako sa agresibo kong paglalakad nang may naramdaman akong magaspang na kamay na humawak sa braso ko.
“Kyrese.” Awtomatiko akong napapikit nang marinig ko ang boses niya.
“P’wede bang bitawan mo ako? May kailangan pa akong asikasuhin,” madiin kong sabi nang hindi tumutingin sa kaniya.
“Let’s talk.”
Inis ko siyang nilingon. “Para saan pa?”
Bumitaw siya sa braso ko at nagsalubong ang kilay niya. “Seriously? Para saan?”
Bahagya kong inilapit ang mukha ko sa kaniya. “Ayaw na kitang makita.”
Muli ko siyang tinalikuran pero hindi pa man ako nakakalayo sa kaniya ay muli ko nang naramdaman ang hawak niya sa braso ko. This time, mas mahigpit na ang hawak niya. Pakiramdam ko ay kahit pa magpumiglas ako ay hindi ako makakawala agad. Hinila niya ang papunta sa lugar kung saan wala masiyadong tao.
“Timothy, ano ba?! Nasasaktan ako!”
Binitawan niya na ako pero nanatili siyang nakatalikod. Pinanuod ko ang pagtaas-baba ng matipuno niyang likuran.
“Bakit mo ba ako dinala rito?!”
Galit ang una kong nakita sa mga mata niya nang harapin niya ako. Galit na hindi ko alam kung para saan. Kung galit siya na nakita niya ako ay bakit niya pa ako dinala rito?
Makalipas ang ilang segundo na nakatingin siya sa mga mata ko ay lumamlam na rin ang sa kaniya. “Tumuloy ka?” mahinang tanong niya.
“Ano?” naguguluhang tanong ko. “P’wede bang diretsahin mo na ako dahil kailangan ko nang umali-”
“Paano nangyari sa ‘yo ‘yan?” Muli niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa, at bumalik ulit sa mga mata ko ang tingin niya. Tumango siya na para bang nakuha na niya ang sagot. “Tumuloy ka.”
Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya. “Timothy, walang kwenta ‘tong pag-uusap natin na ‘to.”
“Kyrese, sa loob ng tatlong taon ay wala akong balita sa ‘yo! Wala kang paramdam. Naglaho ka na parang bula. Akala ko…” He lowered his head and bit his lip, pinipigilan niya ang sarili niya na umiyak. “I thought you were… dead.”
Pakiramdam ko’y may bumara sa lalamunan ko. “Bakit hindi mo ako hinanap?”
Inangat niyang muli ang tingin sa akin at nakita ko sa mga mata niya ang nagbabadyang mga luha. “Because the Kyrese I know would never leave. The Kyrese before wouldn’t have a reason to hide for me to look for her.” Malungkot siyang ngumiti. “I just figured out na baka may mabigat ka talagang dahilan kaya iniwan mo ako at hindi na nagpakita pa.”
Naging sunod-sunod ang paghikbi ko. “Tim… I had my reasons. Hindi ko ginustong umalis.”
Huminga siya ng malalim at idinako ang tingin sa dagat. “Kahit pa naman marinig ko ang mga rason mo… huli na ang lahat.”
Nanatili ang tingin ko sa kaniya dahil sa huli niyang sinabi.
Ibinalik niya ang tingin sa akin, he showed me his sad smile. “Ikakasal na ako.”
-----
-larajeszz