Chapter 4: Money

2126 Words
"Hindi ako babalik doon, Anna!" sigaw ko sa kanya nang makalabas kami ng Hotel na iyon. Mukhang katapusan na yata ng buhay ko kung doon ako magtatrabaho. Nakakatakot ang mga nandoon. "Ayaw mo nun? May pera ka. Malaki ang kikitain mo." Ngumisi siya. Nanlaki na lang ang mata ko sabay iling ng aking ulo. "Akala ko paglilinis ang pagpunta natin doon? Akala ko marangal na trabaho? Bakit may mga baril sila? Bakit parang sindikato ang pinagdadalhan mo sa akin?" hindi makapaniwala kong sabi. Kanina ko pa siya tinatalakan tungkol doon sa mga armadong lalaki na nakakausap namin sa Hotel. Nanginginig pa rin ang kalamnan ko sa tuwing naiisip ko iyon. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa akin. No'ng maisip kong napakadelikado ng mga taong iyon kung sa kanila ako magtatrabaho nakakatindig na ng balahibo. "Marangal naman talaga ang trabaho mo kung kay bossing ka. Hindi ka mapapahamak. Alam mo ba ang pasahod nila?" Nagtaas siya ng kilay. Kalmado pa rin talaga siya kahit ako nagpa-panic na. "Wala akong balak alamin kung magkano iyan. Kunin mo nga itong pera na binigay niya sa akin. Baka may tsugi ako kapag ginastos ko iyan." Nilagay ko ang sobre sa kanyang maliit na bag. Bago kasi kami umalis may pera pang binigay sa amin, nakasilid pa ito sa isang white envelope. Hindi ko kayang buksan sa pagkat natatakot ako. Wala pa nga kaming ginagawa may pera na agad. Baka tama nga si Mama, tungkol yata sa droga ang ipapagawa sa amin, siguro siya ang nagtitinda ng droga tapos kami pa ang gawing pusher. Naku! Bahala na lang magtitinda ako ng bra't panty saka alahas sa skwelahan, bahala na lang mangguyo ako sa presyo huwag lang akong magtinda ng mga ganoon. Baka sa kulungan pa ang bagsak ko. Pero itong si Anna wala man lang kinatatakutan, akala ko talaga inosenting babae siya pero may kilala pala siyang ganito? Hindi kaya myembro na rin siya ng sindikato? "Ano ka ba, Nathalia. Akala ko ba gusto mo ng pera? Nangangailangan ang ina mo ng gamot. Tanggapin mo na ito. Pinabibigay ni boss sa'yo ito dahil bago kang recruit." "Teka? Ano'ng recruit pinagsasabi mo? Hindi na ako babalik do'n. Mag-isa ka sa trabahong papasukin mo." Napasapo ako sa noo. Hindi ko alam kung ano itong mga pinagsasabi ni Anna sa akin, ang layo niya sa kilala kong insan na mabunganga at magiliw. Ngayon, napakaseryoso niya. Hindi mo na makilala pa. Siya pa yata ang maglagay sa akin sa kapahamakan. "Bahala ka na nga. Sabihan ko na lang si boss na hindi ka na tutuloy sa trabaho." Sumuko na rin siya sa gusto niyang ipatrabaho. Kahit wala akong alam sa trabahong ipapasok niya sa akin, kinakabahan pa rin ako baka may mangyari pang masama sa akin lalo na rin sa kanya. "Tigilan mo na kaya ang pagtatrabaho, Anna? Kaya pala pumapayat ka. Baka nag-adik ka na, ah?" Pinanlakihan ko siya ng mata. Tinawanan niya lang ako. "Naku, wala akong ganoon. Hindi pagdo-droga ang trabaho." Hindi ko na rin tinanong kung ano ang trabaho niya doon sa mga sindikato, dahil na bahala ako sa kalagayan niya. "Mag-ingat ka insan... Mukhang mamatay tao iyong boss mo," babala ko. Wala akong alam na may ganito siyang raket kaya natatakot ako para sa kanya. Akala ko magagalit siya pero tinawanan niya lang ako. "Mabait si boss kapag sinunod mo lang ang utos niya. Isa pa, hindi naman mabibigat na trabaho ang pinapagawa niya sa akin. Ang gagawin mo lang? Mang-aakit ng mayayaman na tao pagkatapos huthutan ng pera, easy as that? Easy money, insan." Kumindat lang siya sa akin. Umawang ang labi ko, mukha talaga siyang tuwang-tuwa sa ginagawa niya. Grabe, kung ganoon manloloko sila ng tao para magkapera lang? Aminado naman akong scammer pagdating sa pagtitinda sa school dahil niloloko ko sila sa presyo pero hindi umabot sa puntong pati tao kukunin ko na ang kayamanan nito at manloko pa para lang magkapera. Ang dumi naman ng trabaho ni insan kung ganoon? Tapos mayayaman pa ang target nila, ibang klase rin. Lahat ng dumadaan kong pera pinaghirapan ko naman iyon bago makuha. Nakakaba kung manloko lang tapos manghuthut ng pera ng hindi sa'yo, in short scammer girl ka kung yaman lang ang habol mo sa isang tao, kapag nakuha mo na lahat saka mo naman iiwanan. Ang sakit siguro sa part ng tao kapag ganoon. Siya na nga ang niloko, siya pa ang na scam. Pagkauwi namin ng bahay hindi pa rin ako mapalagay kaiisip na may mga ganoon pala talagang tao, mudos yata ang ganoon. Nasa pintuan pa lang kami ng bahay nang makita namin si Mama na nakahandusay sa sahig. Bumubula ang bibig at mukhang nahihirapan sa paghinga. Nanginginig rin ang kanyang katawan. Nagkatinginan kami ni insan at mabilis namin itong dinaluhan. "Dalhin natin si Mama sa hospital!" sigaw ko habang hindi mapigilan ang maiyak. Natataranta na ako, ilang beses akong huminga ng malalim. Nataranta namang nagtawag ng makakatulong sa amin si insan. Umiiyak lang ako habang pilit na pinapakalma si Mama sa pagkakaroon niya ng convulsion. "Mama... Huwag mo kaming iwan!" Pilit ko itong pinapaypayan dahil hindi ko naman alam ang gagawin kapag may ganitong scenario. Natataranta na ako sa kaba. Pagkabalik ni insan may dala na siyang mga kapitbahay upang tumulong sa amin. Binuhat nila si Mama, susunod sana ako pero naalala kong may kapatid pa pala akong naiwan sa bahay. "Dalhin niyo sa Hospital si Mama, susunod ako, kukunin ko lang ang kapatid ko. Isasama ko." Abot ang luha at sipon ko sa mga oras na iyon. Natataranta na ako sa ano ang tamang gawin. Naguguluhan ako kung ano ang uunahin. Tinanguan naman ako ni Anna kaya nagdire-diretso na sila palabas ng bahay. Pinuntahan ko ang kapatid ko sa kuwarto naabutan ko itong nakatulala sa kawalan. Ganito naman talaga siya dahil sa pagiging special child niya. "N-Noel... Sumama ka sa akin. Puntahan natin si Mama sa Hospital." Nakatingin pa rin siya sa bubong, hindi ito nagsaslita. Lumuhod ako sa kanyang harapan, tinakpan ko ang bibig upang hindi kumuwala ang hikbi. "Huwag kang mag-alala. Nandito lang si Ate, magiging okay lang ang lahat. Hindi ko hahayaang mawala sa atin si Mama." Napayuko na lang ako dahil sa luhang tumulo sa mga mata ko. Ang sakit sa puso na ito ang inabot ng pamilya namin. Bakit sa dami namang tao sa mundo bakit ako pa ang binigyan ng malaking problema. Alam ko namang naintindihan ni Noel ang sinasabi ko pero hindi lang siya nagsasalita, kaya tumango-tango lang ang ulo nito habang nasa bubong pa rin ang mata. Nakita kong tumulo ang luha niya sa mga mata. Hindi ko na mapigilan ang maiyak. "Maghahanap ng pera si ate, ako na ang bahala. Huwag ka ng malungkot, mabubuhay si Mama. Tara na puntahan na natin siya sa Hospital." Tinulak ko na ang wheel chair niyang papasira na dahil sa tagal nito. Mga 5 years na yata niya itong ginagamit, kahit papaano mapapakinabangan pa rin naman kaya hindi ko muna pinalitan, isa pa hindi rin ako makabili dahil kapos sa pera. Sumakay lang kami ng taxi upang mas maging madali ang pagpunta namin sa Hospital. May na ipon pa naman akong pera sa alkansiya, kinuha ko iyon lahat. Para sana sa tuition ko iyon sa paparating na second semester mukhang hindi ko na mabayaran sa pagkat mas uunahin ko ang pagka-hospital ni mama. Siya ang mas uunahin ko kay sa ibang bagay, buhay nila ang gusto kong maisalba, at sana hindi nila ako iiwan dahil hindi ko pa kayang mag-isa. Durog na durog na itong puso ko habang nasa Hospital kami ni Anna. Naghihintay kami sa resulta ng doctor sa pagkat nasa emergency room pa si Mama. Pareho kaming tahimik ni Anna dahil pinakiramdaman namin ang kaba. Ang sakit lang isipin na wala akong magawa, iyak lang ako nang iyak sa balikat ng pinsan ko. "Magiging okay din ang lahat. Magtiwala ka lang," sabi niya pa sa akin habang haplos ang buhok ko. "Sana nga," napapaos kong saad. Kaya naman pagkalabas ng doctor agad nitong sinabi ang problema ni Mama. "She has severe convulsion, nagkaroon siya ng lagnat sa loob ng kanyang katawan, hindi lumabas ito kaya nabinat siya dahil na rin ang katawan niya ay pagod sa gawain. Also her leukemia is taking stages to severe. Dapat maagapan agad siya ng gamot. Also we've notice na may sakit sa puso ang ina niyo, Ma'am. We need to undergo surgery as soon as possible. And we also need donor for her heart transplant." Nanlumo ako sa narinig. Kung ganoon ang daming sakit ni mama? Hindi niya lang sinasabi sa akin? "M-magkano po ang heart transplant?" sa pagtanong ko nun napalunok ako ng wala sa oras. Kabang-kaba ako sa mga oras na iyon, any moment puwedeng mawala si mama sa amin kung magpapabaya ako. "I think it cost 500 thousand. If you want me to do the operation, please go to the front desk sign a waiver. And pay the bill after. Maybe we can find the donor so that your mom will be save." Nanlambot ang mga tuhod ko, kulang na lang matumba ako. "T-thank you doc," si insan na lang ang nagsabi nun. Wala ng boses na lumabas sa akin, masiyado na akong nadadala sa emosyon ko. Pinaupo niya ako sa upuan dahil hindi ko naman alam saan ako kukuha ng ganoon kalaking pera pampa-opera kay Mama. "Paano ma-operahan si mama kung wala naman akong pera, insan? 10 thousand lang itong na ipon ko. Kung magtitinda ako hindi pa rin aabutin." Grabe pinanghihinaan na ako ng loob sa oras na iyon. Gulong-gulo na ang isip ko kung saan ako kukuha ng pera. "Meroon naman akong na ipon, insan kaso 100 thousand lang 'yun, kabago ko lang kasi nakapasok sa pinagtatrabahuan ko kaya konti pa lang." Nanlaki ang matang napatingin ako sa pinsan ko. "Malaki na iyon, insan. Ako na ang bahala sa 400 thousand. Maghahanap ako ng paraan." "Paano iyan? Saan ka kukuha ng pera?" "Try ko manghiram sa mga kakilala kong mga kaklase na mayayaman." "Sige, ikaw bahala." Nagkibit balikat siya. Mukhang hindi kumbinsido na makukuha ko ba talaga iyong 500 thousand. "Saan ka pala nakakuha ng ganoon kalaking pera?" kuryuso kong tanong. Hindi ko alam na may ganoon siyang pera samantalang itong 10 thousand ko ilang buwan ko itong inipon. "Sa trabaho ko ngayon... Kay bossing." Walang emosyon ko na lang siyang tiningnan. Nakuha ko na kung bakit madali lang siyang magkapera. Sa mga sindikato na naman. "Kaso ayaw mo naman e, sayang baka makuha mo pa ang 500 thousand sa loob lang ng isang linggo." Natigilan ako sandali. Malalim akong napaisip pero sa bandang huli umiling ako. "Mahal ko pa buhay ko, ayaw kong mapahamak. Try ko umutang sa mga kaklase ko." "Ikaw bahala insan." Kahit hindi rin ako sure kung pahihiramin nila ako kaya kinapalan ko na talaga ang mukha ko na tawagan ang mga kaibigan ko sa social media. "Hindi ako binibigyan ni Daddy ng ganoon kalaking pera. I'm sorry, Nathalia." Namatay ang tawag na nakatulala lang ako sa kawalan, pang-limang kaklase ko na ito na tinawagan ko pero laging respond nila sa akin, hindi nila ako kayang pahiramin ng pera dahil pinapaaral lang sila ng magulang nila. Pinanghihinaan na talaga ako ng loob sa mga oras na iyon pero pinilit ko pa ring ngumiti. Nasa tabi ko lang si insan, nakatingin sa ginagawa ko. "Hindi nagpapahiram si daddy ng malaking pera lalo na kung hindi gawing business ito." "Okay... Salamat na lang," ngumiti ako ng mapait. Kulang na lang tutulo na ang luha ko at lumuhod sa kanila para pahiramin ako ng pera. "Sorry talaga." Nilagay ko ang cellphone sa tabi ko, nawawalan na naman ako ng pag-asa. Saan ako maghahanap ng pera ngayon? Saan ako uutang gayong hindi naman nagpapahiram ang mga kakilala ko. Sana naman maawa sila sa kalagayan ko, pero hindi e. Tinuring pa naman silang mga Elite student pero ang ending hindi naman pala marunong maawa sa kapwa nangangailangan. "Wala talagang ibang tutulong sa'yo, insan kundi ako lang." Napatitig ako sa pinsan ko. Namamaga na siguro ang mga mata ko ngayon, sunod kong tiningnan ang kapatid ko na natahimik lang sa tabi. Siguro kung nakapagsalita lang siya sinabihan na niya akong walang kuwentang kapatid. Pinahid ko ang luha. "Sure ka ba talagang makuha ko agad ang 500 thousand kapag papasok ako sa trabaho mo?" Nakita ko ang masayang mukha ni insan. Tumango-tango siya. "Sure ako insan, tiba-tiba ka sa pera kapag maging isa ka sa amin." "Kung ganoon tutuloy tayo ngayong gabi. Papasok na lang ako sa trabahong sinasabi mo." Niyakap niya ako nang mahigpit. Tuwang-tuwa siya habang hindi naman ako makangiti. Kailangan ko itong gawin para sa ikabubuti ng ina ko. Kung puwedeng magbabalat ako ng buto gagawin ko. I need money right now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD