Chapter 5: Mission

3003 Words
Kaba at takot ang naramdaman ko sa mga sandaling iyon. Hindi ko lubos akalain na mapapasubo ako sa pagsama kay Anna para lang magkapera ako. Habang sakay ng elevator hindi ako mapakali. Halos magkaroon na ng dugo ang ibabang labi ko kakagat ko nito. Ganito talaga ako kapag tensyonado, minsan nanginginig na lang ang labi ko at hindi na kayang magsalita. Hindi ko na nga ramdam ang mga paa ko sa sobrang kaba ko ngayon. "Relax ka lang, Nathalia. Hindi mangangagat si boss." Ngumisi si Anna sa akin. Tumango-tango lang ako. Pinakita ko sa kanyang determinado ako ngayong sumama sa kanya kahit ang totoo hindi na magkanda-ugaga ang sarili ko para lang kumalma. Hindi nga mangangagat ang boss niya pero pumapatay naman. Naisip ko pa lang na nagsusunog ako ng kilay para lang magkapera hindi ko na talaga kinaya pa. Pero sabi nga nila, kapit sa patalim kung nangangailangan ka na talaga. Hindi mo na kayang mag-isip ng tama, basta ka na lang susugal sa sarili mong kapahamakan lalo na't pamilya mo na ang pag-uusapan. Pagkadating namin sa harapan ng hotel room. Agad niya itong binuksan, as usual malakas na ingay ng music ang bumungad sa amin, maraming usok dahil maraming nagva-vape. Tumitingin rin ang mga tao sa loob sa akin, nakangiti at mukhang may binabalak na masama. Hindi ko sila kayang tingnan. Nakakatakot ang tingin nila, parang mga sabog sa droga. Nagtatago lang ako sa likod ni Anna dahil siya lang itong may lakas ng loob kumausap sa mga taong nasasagupa namin. Dumiretso na kami sa kuwartong pinasukan namin noong unang dating namin dito kaninang umaga. As usual may babae na namang kasama iyong boss. Tatlong babae na naman ang kumakandong sa kanya at walang suot na pang-itaas, in short halatang pokpok. Ngumisi ang boss nang makitang nakasunod ako kay Anna. Pinaalis niya muna ang tatlo babe pagkatapos nagsindi ng sigarilyo. Sumandal ito sa sofa at diretso na ang tingin sa amin. "Akala ko hindi na kayo babalik." "Kailangan ni Nathalia ng pera ngayon boss. Baka puwedeng pautangin mo muna?" si Anna na ang nagsalita. "Magtatrabaho naman siya rito. May emergency lang na nangyari sa mama niya." Kinagat ko ang labi nang mapatingin sa akin ang boss. Seryoso ang mga mata nito. Pinatay niya muna ang sigarilyo sa ashtray bago siya tumayo para lapitan ako. Napaatras ako ng inabot niya ang buhok ko saka ito inaamoy. Hindi pa siya nakuntento at hinawakan pa ang puwetan ko, medyo na gulat ako sa bilis ng kamay niya. Muntik ko pa siyang matulak ang kaso nahawakan ni Anna ang kamay ko. "Mukhang mabango naman, magaling sa diskarte... Siguro hindi naman ako lugi sa kanya," baling niya kay Anna. Lumayo na siya sa akin saka ito nag cross-arm. "Magkano ba ang kailangan nito?" Hinawakan ko ang suot kong dress sa pagkat hindi ko naman alam ano ang gagawin. Nanginginig talaga ako, feeling ko binababoy niya ang pagka-babae ko sa pagkahawak niya lang sa puwet ko kanina. Kung normal na tao lang itong kaharap ko baka na sampal ko na sa kabastusan. Kahit naiiyak na ako ngayon, naging tapang-tapangan pa rin ako at nagtaas ng noo. "Kailangan niya ng 500 thousand boss, pampa-opera ng kanyang ina na nasa hospital." Tumango-tango naman ito. "Malaki pala ang kailangan... Kailangan niyang ayusin ang trabaho niya at dapat malaki ang maibalik niya sa akin kung ganoon." "Ibabalik ko po agad sir. Kailangan—" tinaas niya ang kamay para patigilin ako sa pagsasalita. Nangingilid ang luha ko, kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi saka umatras, desperada na talaga ako ngayong magkapera. "Bago ko ibigay sa'yo ang pera, kailangan mo munang pagtrabahuan ngayong gabi. Sumama kayo sa akin... Kailangan niyo ng kumilos. Bago iyan kailangan niyong maayusan dalawa." May pinindot siya sa lamesa at sa ilang sandali lang may pumasok na babae na nakasuot pa ng malaking earrings at makapal na make-up. Nakangisi siya sa akin. "Siya na ba ang aayusan boss?" tanong nito. "Kailangan magmukha siyang elegante at mayamang babae sa paningin ko. Kailangan ito sa misyon niya." Seryoso ang mukha ng boss habang binabanggit iyon. "Ako na ang bahala sa babaeng ito boss." Pinatunog pa nito ang bubble gum sa bibig niya bago niya hinawakan ang braso ko. "Marideth ingatan mo 'yang pinsan ko, huwag kang pumalya diyan," sabi ni Anna. "Ako pa ba? Sa dami kong babaeng inaayusan, sa kanya pa ba ako papalya? No... Way?" Dahil wala naman akong kamalay-malay kung saan kami pupunta, nagpati-anod na lang ako sa mag-aayos sa akin na nagngangalang Merideth. Lumabas kami sa mausok na lugar na iyon at pumasok kami sa katabing room nito, pagkapasok namin nakita kong may limang babaeng nag-aayos sa kanilang sarili sa isang salamin. Halata ang kanilang frustration. Natigil sila nang makapasok ako. Hindi ako makangiti sa kanila para batiin, hindi rin naman nila ako pinapansin. Nagtaas lang sila ng kilay. "Bagong recruit ni bossing. Naku! Ayusin niyo kasi ng hindi na maghanap ng panibago si boss," pag-iling ni Merideth. "Paano ba naman? Ang hina kasi ng costumer ko hindi ko pa rin madali, tatlong buwan ko ng pinagtyagaan ang matandang iyon," reklamo ng isang babae. Blonde ang kanyang buhok at maypagka kulot. "Gusto ko na talagang lumipat ng costumer, mukhang nakakatunog na sa akin ang matanda na pineperahan ko lang siya." "Ako rin, naiinis na ako sa costumer ko. Alam mo iyon? Napakakuripot, hindi man lang ako binigyan ng pera," reklamo din naman ng isa. "Ginawa ko naman lahat para lumigaya siya sa kama, hindi pa rin sapat." Nakatingin lang ako sa kanila na may kunot noo, wala talaga akong idea sa kanilang trabaho pero ang tanging nasa isip ko ngayon pareho lang kami ng raket. Kung ganoon? Nagpapagalaw din sila para lang makuha ang misyon nila? "Baka hindi niyo naman ginalingan , baka mabagot pa ang biktima niyo. Dehado kayo diyan." Pag-iling ni Merideth. "O siya... Ayusan ko muna itong si..." Tumingin siya sa akin. Nabasa ko agad ang tingin niya. "A-ako si Nathalia." "Si Nathalia pala... Ayusin ko lang siya, mukhang magaling 'to dumiskarte. I am sure magugustuhan ito ni boss." Hinila na ako ni Merideth papasok sa isa pang pintuan. Naiwan namin ang limang babae na halatang naawa sa akin. Ewan ko kung para saan ang awa nila, siguro dahil alam nilang nagtatrabaho ako sa ganitong gawain. Wala along choice e! Nandito na ako sa lugar ng mga sindikato. Pagkapasok namin sa isang kuwarto, pinaupo ako ni Merideth sa malaking kama at pumunta siya sa closet na may iba't-ibang mga damit. Namili siya doon, habang hindi naman ako mapakali. "Ano ba ang trabahong papasukan ko?" hindi ko na mapigilang magtanong. Natigil siya sa ginagawang paghahanap ng isusuot sa akin pagkatapos natatawa niya pa akong tiningnan. "Hindi mo alam?" Ngumisi siya ng malaki. "Sinabi lang sa akin ni Anna na maghuhut raw kami ng pera sa mga costumer namin. Wala akong alam kung paano?" Tiningnan niya muna ako nang ilang sandali bago siya naghanap ng masusuot ko. Nakakita naman agad siya ng red velvet dress, nilapag niya ito sa kama pagkatapos kumuha rin siya ng mataas na heels. Napapansin kong kompleto ang kagamitan sa closet, may mga alahas rin, pati pagpapaganda. "Malalaman mo rin ang trabaho mo, Nathalia, ito lang ang mapapayo ko sa'yo, kailangan mong mag-ingat sa bawat galaw mo. Maraming tauhan si boss at puwede kang mamatay sa isang pagkakamali mo lang." Mas lalo tuloy akong kinabahan. Kung ganoon dapat talaga akong sumunod sa lahat ng utos ng boss nila para hindi ako mapapahamak? Ngayon pa lang nanindig na ang balahibo ko, ang hirap huminga habang pinapagandahan ako ni Merideth. Ang dami niyang nilagay na foundation sa mukha ko, pati make-up, naglagay rin siya ng eyelash extensions. Ang huli niyang nilagay sa akin ay ang blush on. Pagkatingin ko sa salamin halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Nag-iba ang mukha ko dahil sa make-up, lumiit ang panga ko, naghugis bigas na dapat sana round face ito, may contour ang pisnge ko kaya mas lalong na depina, tumaas rin ang ilong ko dahil rin sa make-up. Makapal ang eye shadow na nilagay niya sa akin pero bumagay naman ito sa malapusa kong mata. Hindi na ako maka-imik lalo na't pinasuoot niya sa akin ang red velvet dress, pati ang heels na mukhang 6 inches ang haba, kailangan ko pang practisin ito sa pagdadala subalit hindi ako marunong. "Ang ganda mo na, sobrang layo mo sa Nathalia kanina na ang dungis-dungis. Ang ganda mo pala kapag naayusan, mukhang mabango at yayamanin. Ayusin mo sa pagtatrabaho mamaya." Nilagay niya sa tenga ko ang round earings, pagkatapos pati leeg ko may kwentas na kulay gold, may bracelet rin akong suot na gold din, pinasuot niya rin sa akin ang diamond ring. "Teka, bakit ang sosyal ko yata?" Napalunok ako sa pagkat ngayon lang ako nakasuot ng ganito, at ngayon lang din ako naayusan na parang anak ako ng isang pinakamayaman sa bansa. "Of course, because that's your role, ang maging mayamang heredera na tagapagmana ng Alejandra Empire." Hindi ko alam ang mga pinagsasabi niya kaya kinunutan ko lang siya ng noo. "Hindi ko maintaindihan." Natawa siya sa saad ko sabay iling. "What I mean... Ngayong gabi magmumukha kang mayamang babae. Kami na ang bahala sa'yo, basta gampanan mo lang ang role mo bilang mayaman at maarteng anak ng isang mayamang pamilya. Good luck girl. Pagbutihin mo ang trabaho mo para malaki ang komisyon mo." Napapatanga na lang ako. Bakit ba ang hirap nilang intindihin? Wala talaga akong makuha sa trabaho na ito. Noong una akala ko maglilinis lang ako sa Hotel, tapos magiging scammer girl daw ako, tapos ngayong dapat umakto naman akong mayaman? Ano ba talaga? Konti na lang talaga masisiraan na ako ng bait, kahit papaano may konti na akong idea sa trabaho pero kulang pa rin ng impormasyon. Gusto ko pa maliwanagan. Agaran akong pinuri ni Anna nang makita niya akong nagbago ng anyo. Halos hindi siya makapaniwala kung ako ba raw ang Nathalia na pinsan niya. Nginitian ko na lang siya. Hindi naman umimik ang boss nila pero kita ko ang paghanga niya sa akin pagkatapos sabi niya sumunod raw kami sa kanya sa parking lot. Sumakay kami ng isang sports car, kasama ko ang boss at si Anna sa loob, nasa front seat iyong boss tapos katabi ko naman si Anna sa likod. May driver kami na naka-uniporme pa. Nangangati na talaga ang dila kong magtanong kung ano ang gagawin ko at saan kami pupunta. Hawak ko ang kamay ni Anna para bigyan niya ako ng lakas. Bihis na bihis rin ang pinsan ko ngayon, nagmumukha siyang doña sa suot niyang amerikana coat. Huminto ang kotse sa isang matayog na Hotel. Sa ibabaw pa lang nito alam ko ng isa ito sa pinakamamahaling Hotel sa Pilipinas. "Ano ba ang gagawin ko?" palihim kong tanong kay Anna. Ngumisi lang siya. "Si boss na ang mag-explain sa'yo. Chill ka lang diyan, I am sure mag-enjoy ka sa trabaho mo." Huminto ang kotse sa isang madilim na parking lot. Pinagbuksan ng pintuan si Anna at lumabas na ito, susunod na rin sana ako pero agad akong pinigilan ni boss. "Stay, Nathalia. May ipaliwanag ako sa'yo sa trabaho mo ngayong gabi." Senenyasan niya ang driver na mauna na sila ni Anna sa loob ng Hotel, kinabahan naman ako dahil kami na lang dalawa sa sasakyan. Tumingin siya sa akin sa harapang salamin pagkatapos may inabot siya sa aking papel. Nagtataka ko naman itong kinuha. "That's our agreement. Basahin mo 'yan nang paulit-ulit at tandaan mo ang kasunduan na nakasaad. Please sign on it." Binasa ko ang papel na nagsasaad nga ng agreement namin sa trabaho ko. "Nakasaad diyan na dapat magpapanggap kang mayamang anak sa Spain. Ikaw ang tagapagmana ng Alejandra Empire at ng iba pang mga hotels all over the world. You are the only daughter of Alejandra emperor, and your daddy's name is Marco Polo Alejandra and your Mommy's name is Anjanet Alejandra... And your name... Ikaw na ang bahala kung ano ang ipapangalan mo sa sarili mo. Don't use your real name, kung ayaw mong madungisan ang pagkatao mo. Just remember that your surename is Alejandra." "Teka? Kung ganoon manloloko ako ng isang tao? Magpanggap akong mayaman? Para saan?" Kinunutan ko siya ng noo. "As you can read in there, ang tanging misyon mo ang magpanggap lang na mayaman ka. Kailangan mo lang makuha ang loob ng biktima mo, kailangan mong makuha ang tiwala niya, kung maari pa-ibigin mo siya sa'yo, gawin mo ang lahat ng makakaya mo para mas mapadali ang plano. Ikaw na ang bahala kung paano mo sulusyunan ang lahat." Nakatitig lang siya sa akin sa salamin. Napatanga na lamang ako dahil sa trabahong papasukin ko. Ang sabi ni Anna mag-enjoy raw ako rito pero ano'ng nakakatuwa sa pagiging manloloko? "Pagkatapos kong makuha ang tiwala at pagmamahal niya. Ano na ang gagawin ko?" Mukhang madali lang naman ang trabahong iyon, at kikita na ako. Hindi naman ako ang tipo ng taong susulong ng hindi handa. Magaling ako sa diskarte at magaling mambola ng tao. Dapat ko na lang talaga sakyan ang trabahong ito baka dito pa kami matulungan. "Your biggest target on your mission is to get his all belongings, his cars, his wealth, his all properties and money's. All of it, get them all. Magagawa mo lang iyon kapag nagawa mo ang naunang misyon, iyon ang pa-ibigin mo siya at kunin ang lahat ng tiwala niya. Kami na ang bahala sa'yo, we are on your back." Nalaglag ang panga ko sa kanyang eksplenasyon. Ito ba iyong sinasabi ni Anna sa akin na manghuthut kami ng pera sa mga customer? I couldn't believe na may ganitong trabaho. "Kapag nagawa mo na ang mission mo, nasa sa'yo na lang kung iiwan mo siya o magpapatuloy ka pa, pero may limitation ang trabaho mo... Una sa lahat, huwag na huwag kang magkagusto sa biktima mo. Kalaban natin sila... Baka sila pa ang sisira sa atin kung mamahalin mo ang biktima mo. Huwag mo rin subukang mag-back-out once na simulan mo na ang trabaho mo, dahil alam mo na ang mangyayari sa'yo. Bibigyan lang kita ng limang buwan para gawin ang misyon mo. Kapag hindi mo nagawa... Lahat sa pamilya mo... Even your cousin Anna will be dead." Nilabas niya ang baril na ikalunok ko sa takot. Tama nga ang hinala ko isa ngang sindikato itong pinapasukan ko. Oo nga pala... Halata naman e! Kanina ko pa kompirmado na kakaiba talaga ang boss ni Anna, nakakatakot. Gagamit sila ng tao para may maloko sila. Gagamit sila ng tao para magkapera lang. Ang galing naman ng modus nila...In short... "Scammer girl? Hindi ba't iyan ang maituturing sa trabahong ito?" mahina kong tanong na ikatango niya. "Exactly... Scammer girl is the best definition in your work. But... Don't worry, you will be safe as long as you follow all the rules." Napatanga na lamang ako. Kanina pa ako napalunok ng laway, mukhang mauubusan yata ako ng dugo sa trabahong ito. Akala ko madali lang pero mukhang mas mahihirapan na ako nito lalo na't hindi ako sanay na may niloloko akong tao. Aminado ako sa pagtitinda malakas along dumiskarte sa presyo, scam din ang pinapalabas kong mga tinda pero hindi umabot sa puntong ganito. "Sino ba ang bibiktimahin ko kung ganoon? Or should I say... Sino ba ang costumer ko?" "You have only one target, Nathalia. Siya ang pinakamatinik na tao at mahilig sa mga mamahaling kagamitan, including cars, marami din siyang alahas, may pagmamay-ari din siyang dalawang hotel, at malaking Casino dito sa Pilipinas. Isa ang pamilya niya sa mayaman sa bansa... Pero ang lalaking iyon ang isa sa pinakabatang business man na successful at the age of twenty seven. Isa siya sa multi-millionaire direktor sa labas at loob ng bansa...No other than one of the Moonzarte brothers." Sa pagbanggit niya pa lang sa apelyido nito agad na akong natuod. Teka? Moonzarte? Isa sa kanila ang bibiktimahin ko at lolokohin ko? "Sino naman?" Tumikhim ako sa pagkat kinakabahan na ako ngayon. Nakita ko ang madilim niyang ngisi. "He is, Rovino Hanrey Moonzarte... His your target. The man who had only green eyes on their family." Mas nanlamig lang ako nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking tinutukoy niya. Wala naman akong ibang kilala na may green ang mga mata kundi... "Si Rohan? Siya ang target ko?" Nanlaki ang mata ko. Tumango siya. Sumilay ang ngiti niya nang mapansin ang pagpalit ko ng emosyon, galing sa gulat naging galit ito. Nagtagis ang bagang na nakatitig sa kanya sa harapang salamin. Mata lang ang nakikita ko sa kanya pero ramdam kong natutuwa siya sa akin dahil umabot sa mata ang ngisi nito. "That's right... I guess you know him already?" Wala akong masagot. Napakuyom lang ang kamao ko nang maalala ang ginawa ng Rohan na iyon sa akin. Gusto kong maghiganti sa kanya, gusto ko siyang ipahiya, I guess, panahon na ang lumalapit sa aming dalawa. "Kailan ko siya makikita?" confident kong tanong. "So that I can do my job.' Hindi na pala ako dapat makonsensiya kung siya rin naman ang linlangin at lolokohin ko dahil may atraso ang Rohan na iyon sa akin. Kailangan niya rin pagbayaran ang pagpapahiya niya sa akin doon sa concert ng kapatid niya. Sa tingin niya talaga makakatakas siya... No way! Siguradohin kong pagsisihan niya kung bakit ako pa ang binangga niya. "Actually... You will see him tonight. Do your job well, as I research on his background, he is dangerous man and not even interested in any girls...Mukhang mahihirapan ka sa kanya. He only wants material things, that's why isa siya sa tinutukan kong tao. Kapag nakuha mo ang loob niya sobra pa sa 500 thousand ang makukuha mo sa akin." And that's our deal... Making Rohan fall on my trap. Siguradohin kong walang matitira maski kusing sa kayaman na meroon siya. This is my biggest revenge on kissing me without my consent, mas grabe pa pala ang maibabalik ko sa'yong paghihiganti. I can't wait anymore to see him and seduce him. Lastly...leaving him with no explanation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD