Chapter 3: News

3154 Words
Ilang beses na yata akong hindi mapakali sa higaan. Sumigaw ako sa sobrang inis. Pabaling-baling ako sa higaan. Ilang beses ko ring sinabunutan ang saril dahil sa pangigil. Hindi ako makatulog ngayon kaiisip sa nangyari sa concert, hindi ko lubos akalain na makukuha ng isang lalaki ang first kiss ko. Naiisip ko pa lang ang kahihiyang nagawa ko, napatulala na lamang ako sa kawalan. Hinawakan ko ang labi, feeling ko ramdam ko pa ang labi ng Moonzarte na iyon. Ilang beses ko nga itong kinuskos, pati sa pagsisipilyo naka-ilan ako. Nandidiri ako. Gosh! Sa 22 years kong naninirahan sa mundo, ngayon lang ako naguyo ng isang lalaki. Gusto ko talagang sabunutan sa galit ang lalaking iyon. Panigurado laman ako ng balita nito kinabukasan. Sino ba naman ang hindi ibabalita kung ang daming nakakita sa nangyari. Pagkatapos kasi akong halikan noong Rohan Moonzarte ba iyon, sa stage naputol na ang concert. Tapos iniwan niya lang ako basta-basta doon, nakatanga pa ako. Gulat na gulat, pinagsisigawan na nga ako ng mga tao. Nakakagalit! Ang kapal ng mukha niyang nakawan ako ng halik nang walang pa sabi. Ang presko niya naman, hindi ako makapaniwala na sa isang Rohan Moonzarte pa talaga ang nakakuha ng first kiss ko. Pinangarap ko pa naman na si Jeho ang makakuha sa unang halik ng labi ko, maski pisnge lang nito ang mahalikan ko okay na ako doon. Ngunit ang masamang balita, dahil sa nakakatandang kapatid niya pa talaga naibigay. Hangang ngayon nangalaiti pa rin ako sa galit. Sino ang hindi magagalit kung sa lalaking hindi ko naman lubos kilala ang pagkatao mapupunta ang unang kiss ko. Nangangarap akong maging maganda ang unang halik sa akin, ang dami ko pang pangarap na dapat sa future husband ko ito ibibigay pero sa isang pangyagaring hindi inaasahan ang nakawala sa first kiss ko. Kung alam niyo lang kung ano ang kahihiyan ang nangyari doon sa stage pagkatapos niya akong ilantad sa monitor na hinalikan niya ako, basta-basta na lang akong iniwan tapos sabi ng Dj hangang doon lang ang concert. Hindi na matutuloy. Marami ngang nainis dahil hindi natapos, may emergency raw na nangyari. Sus! Alam ko naman kung bakit hindi natapos ang concert ng Supreme band dahil wala ang vocalist nilang si Heron. Naalala ko pang hinila ako pababa ni insan sa stage dahil nakatulala lang ako doon. Marami ng sumisigaw sa akin dahil raw nahalikan ko ang isang Rohan. Ang suwerte ko raw? Ako pa ngayon ang humalik? E siya naman ang nagkusang humalik sa akin! Saan ang suwerte doon? Ako na nga ang lugi e! Kapag nakita ko talaga iyon sisingilin ko siya ng malaking pera, dahil sa pagnakaw niya ng first kiss ko. Nakakainis ang ugali niya, wala siyang modo, hindi man lang siya nag-eksplenasyon bakit dinala niya ako sa stage tapos hinalikan pa. Wala talaga siyang ginawa, pinahiya pa ako dahil iniwan pa ako basta-basta pagkapatay ng ilaw. Pagkabalik ng ilaw wala na siya sa harapan ko, tanging ako na lang ang nakatayo sa gitna ng stage. Nakatingin sa daming tao sa concert. Namumula pa ako sa kahihiyan. Parang panaginip lang ang lahat ng nangyari sa buhay ko. Isa lang naman akong simpleng babae na nangangarap mapansin ng isang Jehovah, pero mukhang na pansin nga ako sa kahihiyan naman. "Buwesit talaga! Kapag nakita ko ang lalaking iyon! Mapapatay ko talaga siya!" bulong-bulong ko. Hindi tuloy ako makatulog ngayon, ilang beses akong napahinga nang malalim para lang pakalmahin ang sarili ngunit ang hirap talaga magpigil ng galit. "Insan matulog ka na. May pupuntahan pa tayo bukas." Akala ko tulog na ang pinsan kong si Anna pero laking gulat ko sa kanyang pag-imik sa tabi ko. Magkatabi kasi kami ng higaan, share din kami ng kuwarto. Maliit lang naman kasi itong bahay namin. Dalawa lang ang kuwarto, ang isa kina Mama at sa kapatid ko. "Hindi ako makatulog... teka saan ba tayo bukas?" Hinarap ko siya gamit ang pagtataka kong tingin. Nakatakip ang buong katawan niya ng kumot, pilit ko namang tinanggal ito upang makita ko ang mukha niya. Naabutan kong nakapikit ito, halatang pagod sa concert. Habang ako, hindi mapakali kaiisip sa first kiss ko. Hindi ko ramdam ang pagod kundi stress. Ganoon naman talaga lalo na't iniingatan mo hindi ka talaga nakaka-move-on agad kapag nawala sa'yo. "Maghahanap ng pera." Nakapikit pa rin ang mata niya habang sinasagot ako. "Hinahanap na ba ang pera? Kasi sa pagkakaalam ko pagtatrabahuan iyon." Napakamot siya sa ulo. "Basta insan... Matulog na tayo. Hating gabi na, hindi ka pa rin natutulog." Mukhang problemado na siya sa akin. Kanina pa kasi ako gumagalaw sa higaan. "E sino'ng hindi makakatulog? Nakakahiya kaya iyong nangyari sa concert? Hinalikan ako noong kuya ni Jeho!" "Alam ko! Pang sampung beses mo na yata iyang sinasabi sa akin magmula noong makauwi na tayo.... Hay! Ewan ko ba sa'yo. Hindi ka yata inaantok, bahala ka na nga! Kausapin mo ang sarili mo!" Tinalikuran niya ako. Ngumuso naman ako at umaayos na sa pagkakahiga. Tiningnan ko na lang ang bubong namin. Pinilit kong ipikit ang mata sa pagkat galit na ang pinsan ko sa akin. Sa pagpikit ko, mukha noong Rohan ang nakikita ko na hinahalikan pa rin ako. Iniling ko ang ulo saka napabangon. "Ano ba iyan! Buwesit talaga siya!" Pinatid-patid ko ang paa sa sobrang pangigil ko. "Matulog ka na sabi, insan bukas mo na iyan problemahin! Nakakaistorbo ka naman e!" yamot na sabi ni Anna. "Hindi ka naman lugi sa halik, guwapo naman ang kuya ni Jeho, isang Moonzarte ang humalik sa labi mo dapat ka ngang magtatalon sa tuwa. Ang suwerte mo, ang daming nagkandarapa doon." Binalingan ko siya sa tabi ko. Nakatalikod pa rin siya. Ayaw na talaga akong harapin. "Ano'ng masuwerte doon? Siya ang masuwerte sa akin, nakahalik siya ng maganda!" Naghihintay ako kung tutul ba siya dahil kapag ganitong pinupuri ko ang sarili palagi niya akong binabara. Hindi na sumagot si Anna at narinig ko na ang malakas na hilik nito, hudyat na nakatulog na siya. Napa-iling na lang ako ng ulo, hindi niya yata naintindihan ang pinapahiwatig ko. Masakit para sa akin na sa ganoon lang kadali sa nagngangalang Rohan na iyon pa ang makakahalikan ko, maski humingi man lang ng despensa hindi man lang niya ginawa. Ang lakas ng amats niya para iwanan ako doon sa stage. Ngayon, ako tuloy itong na puwersyo sa kawalanghiyaan niya sa buhay. Kapag nakita ko lang talaga ang kutong lupa na lalaking iyon titirisin ko siya ng pinong-pino, ipapahiya ko talaga siya kagaya ng ginawa niya sa aking pagpapahiya. Dahil na rin pinilit ko ang sariling makatulog, pasado alas kuwarto na ako ng umaga nakatulog kaiisip kung paano ako maghiganti kay Rohan. Ang ganda ng pangalan niya, wala namang modo, napaka bastos pa at magnanakaw ng halik. Tanghali na ako nagising kinabuksan, boses agad ni Anna ang narinig ko sa tenga ko. Ang ingay nito, hindi matigil katatawag sa pangalan ko. "Nathalia! Gising ka nga diyan! May bad news!" Tinapik niya ang paanan ko, gumalaw lang ako saglit pero bumalik lang sa pagtulog. Hindi ko talaga kayang gumising ngayon, antok na antok pa ako. Napuyat ako kaiisip doon sa first kiss kong nawala na parang bula. "Huy, insan! Gumising ka sabi!" Ayaw kong gumising, gusto kong ipagpatuloy ang panaginip ko. Nanaginip pa ako na si Jeho daw ang hinalikan ko sa ibabaw ng stage. Nagngingitian pa kaming dalawa sa stage, kinantahan niya rin daw ako. "Jeho... Ang sarap mo naman humalik!" ngiti ko sa nakangiting si Jeho sa panaginip ko. Hindi nagsasalita si Jeho, hinahaplos lang nito ang pisnge ko. Ngunit nagising ako sa realidad pagkasampal ng malakas ni Anna sa akin. "Nanaginip ka na naman! Sabing gumising ka na!" Napatayo ako. Sinamaan ko siya ng tingin nang ramdam ko ang pamamanhid ng aking pisnge. "Bakit mo ba ako sinampal?" Umawang ang aking labi. Gusto ko tuloy siyang sabunutan ngayon. "Ngumuso-nguso ka kasi, tapos maypa sabi-sabi ka pang 'Jeho ang sarap mong humalik' naku! Malala ka na!" Pag-iling ng pinsan ko. Namula naman ako sa kahihiyan, nakita niya pala iyon. "Eh, at least maibsan man lang ang lungkot ko dahil ibang lalaki ang nakakuha ng first kiss ko. At least man lang sa panaginip nahahalikan ko si Jeho." "Sus! Ewan ko sa'yo. Tumayo ka na diyan tingnan mo iyong telebesyon binalita ka." Nanlaki ang mata ko. Napatakip ako sa bibig. Mabilis akong lumabas ng kuwarto para tingnan ang sinasabi niyang balita. Ngunit pagkadating namin sa sala tapos na ang balita. Nakasunod lang sa akin si Anna. "Ano ba ang binalita?" naguguluhan kong tanong. Kinalkal ni Anna ang cellphone niya, umusisa naman ako sa sinisearch niya. Nakita kong nagta-type siya ng 'Rohan kiss someone on the concert' Pagkatapos ang daming lumalabas na article tungkol sa kuha ng mga fans ni Jeho sa concert. Pinabasa niya sa akin ang balita, halos manlumo ako sa mga nababasang comment. 'Sino ba ang babaeng kahalikan ni Rohan sa concert? Siya ang dahilan kaya hindi natapos. Ang mahal pa naman ng ticket' "Hindi ko akalain na may girlfriend na si Rohan!" 'Ang pinaka-crush ko sa buong Moonzarte may hinalikan sa concert. Hindi ko matanggap ito.' Bawat scroll ko sa mga comments puro haters at kuryuso sila kung sino ba daw ako. Bakit hinalikan ako ni Rohan. "Tingnan mo nga ang clip ng video na ito, kapapasok lang na balita. Grabe viral ka na girl!" May pinindot si Anna na video, pinakita roon ang paghalik ni Rohan sa akin, malayo ang kuha kaya hindi klaro ang mukha ko, pero nakakapanlambot ang balita. "Kagabi lamang, ang kapatid na si Rohan Moonzarte ay nakuhanan ng video na may hinahalikang babae sa concert ng Supreme band dahilan para hindi matapos ang concert. Maraming nagsabi na ang babaeng nahalikan niya ay ang rumor girlfriend nito." Iyan ang sinasabi ng lalaki sa balita. Napakagat ako sa ibabang labi. Nakakaiyak sa pagkat napagkamalan pa akong rumor girlfriend ng Rohan na iyon, okay sana kung kay Jeho pero bakit sa kapatid niya pa? Napahilamos ako sa mukha. Dobleng problema na talaga ang ginawa ng Rohan na iyon sa pagkatao ko. 'Ang panget naman ng babae?' 'Papansin naman! Gosh! Puwede naman sa Hotel nila gawin iyan bakit diyan pa talaga sa concert' 'Hindi sila bagay, ang guwapo ni Rohan para magkaroon siya ng rumor girlfriend na sobrang cheap!' Iyan din ang nababasa ko sa comment section, mas lalo tuloy namula ang pisnge ko sa galit. Gusto kong sugurin ang Rohan na iyon, ako na nga itong lugi siya pa itong pinupuri ng mga tao. Binigay ko kay Anna ang cellphone niya na may sama ng loob. "Paano iyan insan? Ang dami mong basher." "Wala akong pakialam. Kapag nakita ko lang ang lalaking magnanakaw ng halik, gagantihan ko talaga siya." Kumuyom ang kamao ko. Hindi ko tanggap na basta-basta niya lang sirain ang pagkatao ko. "Kumusta ang concert niyo kagabi?" Napatingin kami kay Mama na kagagaling lang sa kusina. Nakita ko ang kanyang pamumutla. Napaghalataang may iniindang sakit. "Okay naman po, auntie. Ang saya po ni Nathalia," sagot ng pinsan ko. Masaya? Baka kalbaryo pa ang inabot ko sa concert na iyon. "Talaga ba? E, bakit parang byernes santo ang pagmumukha ng anak ko, aber?" Tumawa si Anna. Sinamaan ko siya ng tingin na ikatahimik niya. Senenyasan ko siyang huwag ipaalam kay mama ang nangyari dahil alam kong mag-alala ito sa akin. "Hindi niya kasi na halikan ang idol niyang si Jeho." Humagikik siya. Tumango-tango si mama. "Kaya pala... Sige na kumain na kayo. Hindi ba't may lakad kayo ngayon?" Napatingin ako kay Anna. Nagtatanong ang mga mata. May lakad ba kami? Wala namang pasok ngayon ah dahil sabado. Senenyasan niya lang ako ng nakakaloko. "Oo nga pala, pagtatrabahuan si Nathalia ng part time job ngayon, auntie." "Ano'ng trabaho naman?" gulantang kong tanong. Kapag ganito hindi ko talaga siya pinagkakatiwalaan alam kong may mangyayari na naman. Noong una, ako ba naman ang pinag-mask coat sa jollibee tapos ako pa ang namimigay ng flyers sa mga tao, hinimatay ako nun dahil ang init ng suot ko, sunod naman pinagmo-model ba naman ako sa mga panty at bra, alam kong makinis ako pero hindi ko kayang magtrabaho ng ganoon, iyong halos makita na ang kaluluwa. Aminado akong naghahanap ako ng pera tuwing weekend para lang may makain kamo pero hindi naman umabot sa puntong katawan ko ang puhunan ko. "Sa hotel ang trabaho mo." "Ano'ng gagawin? Maglilinis ako?" "Parang ganoon na nga. Malaki ang pasahod." Napa-iling ako ng ulo, ang dami kasing raket na nalaman ni insan kaya hindi siya nauubusan ng pera, minsan sa kanya na nga ako humihingi ng gamot at vitamins ni mama at sa kapatid. "Basta Siguraduhin niyo lang na legal na paraan ang pagtatrabaho niyo. Baka malalaman ko na lang nagtitinda na pala kayo ng droga," sabi ni Mama habang kasalukuyan na kaming kumakain. Tinawanan naman siya ni Anna, pinandilatan ko ito ng tingin dahil mukhang nagawa niya ngang magtinda ng droga. Kaya minsan nakakatakot sumama sa kanya. Alam mo ng may kakaiba sa mga pinapasukan niyang trabaho. "Makakaasa kayo auntie, safe ang anak niyo. Marangal po ang trabaho namin." Nagtaas pa ng kamay si insan. Napa-iling na lang ako. Pagkatapos naming kumain, naligo na ako at nagbihis ng simpleng damit. Napatingin naman si Anna sa suot ko. Napatitig rin ako sa kanyang suot ngayon, malayo ito sa pantalon at t-shirt kong porma. Naka-dress siya na hapit sa kanyang katawan, mapula ang labi at pinakulot niya pa ang buhok. "Kahit naman papaano, Thalia. Ayusin mo rin ang sarili mo, hotel ang pupuntahan natin." "Hindi ba't maglilinis lang naman ako doon? Bakit kailangan pang magpaganda?" pagtataka ko. "Ere-refer kita sa big boss ko, kailangan mong umayos man lang. Hindi iyon tumatanggap ng walang ka class-class na babae. Magbihis ka nga." Hinanapan niya ako ng damit sa kabinet, nang makita niyang wala akong maayos na damit, puro t-shirt at pantalon lang na-stress naman siya. "Ano ba naman iyan, bakit kasi ang simple mo lang na babae. Wala ka man lang maayos na damit dito." "Wala naman akong time na bumili ng mga kung ano-ano'ng gamit para sa sarili ko, mas uunahin ko ang gamot ni mama." Hindi na siya nagsalita. Kumuha na lang siya ng damit sa kabinet niya, magkasingpayat lang naman kaming dalawa kaya hindi na siya nahirapang ipasuot ang isang black velvet dress. Medyo naiilang nga akong isuot ito kaya hinubad ko ulit. "Sa Hotel ko na ito susuotin, pati ang heels na ito. Hindi ako sanay na naglalakad sa daan na ganito ang suot." Masiyado kasing revealing ang binigay niya sa akin, kita na halos ang kaluluwa ko. "Ikaw bahala... Basta iyan ang suotin mo." Nagkibit-balikat siya. Napatitig na lang ako sa kanya, may kakaiba akong naramdaman sa lakad namin ngayon. I am sure ako na naman ang gawin niyang susi sa trabaho niya. "Sigurado ka bang malaki ang kikitain natin dito?" hindi mapakali kong tanong. Nandito na kami sa Hotel na sinasabi niya. Naiisip kong maglilinis lang naman ako kaya hindi naman mahirap ang trabaho. "Ako ang bahala sa'yo, tiba-tiba tayo rito." Ngumisi siya ng makahulugan. Kundi lang talaga nangangailangan ng vitamins si Mama hindi ko talaga papasukin ang trabahong sinasabi niya dahil alam kong iba talaga ito. Nasuot ko na ang black velvet dress at ang heels. Medyo hindi ako komportable sa pagkat hindi naman ako sanay sa ganitong susuotin. Pumasok kami sa isang kuwarto na puno ng usok, ang ingay sa loob at kadalasan may mga tattoo. Nakakatakot tuloy dahil feeling ko sa akin sila nakatingin. "Saan si boss?" tanong ni Anna sa nakaksagupa naming lalaki. Napatingin muna sa akin ang kausap niya. May ngisi sa labi niya bago siya sumenyasan sa isang itim na pintuan. Hinawakan ni Anna ang kamay ko pagkatapos naglakad na kami roon. Napatingin ako sa buong lugar. Maraming wild ang nagsasayaw, nagmumukhang bar ang loob, may mga billiard at isang boxing ring sa gitna. Ang ingay pa ng rock music. "Umalis na tayo, Anna. Ano ba itong pinagdadalhan mo sa akin." Namula ako bigla. "Basta sumunod ka na lang. Huwag ka ng maarte, hindi ba't kailangan mo ng pera? Huwag kang mag-alala hindi kita pabayaan." Ngumisi siya. Dahil wala na nga akong magawa, pumasok na kami sa itim na pintuan at dito naabutan kong may mga babaeng nagsasayaw sa lalaking nakaupo sa sofa. May kumandong pa sa kanya na isang babaeng naka panty lang ang suot. Umawang ang labi ko. Natigil sila nang makapasok kami ni Anna. Sumenyas ang lalaking magkasing edad ko lang yata, pero matanda ng konti sa akin. Pinalabas niya ang mga babae. Umayos ito ng upo pagkatapos tiningnan si Anna. "Ano'ng sadya natin?" ngisi nito. Ang dami niyang alahas sa leeg at braso, may singsing rin siya. Natabuan na ako ng takot sa mga panahon na iyon, hindi ko alam ang tamang gawin. "Boss ito nga pala ang pinsan ko. Gusto niyang magtrabaho rito." Napahawak ako sa braso ni Anna. Hinila ko ang suot nito. Ngunit hindi siya nagpatinag. Tiningnan ako mula ulo hangang paa ng lalaki. Nakakatakot ang itsura niya dahil ang dami niyang tattoo sa katawan, may mga piercing pa siya sa labi at tenga. "Ano bang kaya niyan?" seryoso nitong tanong. Napalunok ako pagkakita ko sa baril sa lamesa na kinuha niya pa sa sa ilalim nito. "Lahat boss, masunurin itong pinsan ko. Kailangan niya ng pera, pagtrabahuin niyo naman kahit isang araw lang." Nakita ko ang kakaibang ngisi ng boss ni Anna. Kinilabutan tuloy ako, gusto ko ng umalis sa lugar na iyon pero nababato na ang mga paa ko. Nakatitig lang ako doon sa lalaki. "Isang araw? Puwede bang dalawang araw?" ngiting nakakaloko nito. Nilinis niya ang baril sa lamesa gamit ang isang tela. Nakatingin lang ako sa ginagawa niya. Feeling ko itutuk niya sa akin iyon. Nangangatog na ako pero itong si Anna kalmado lang. "Puwede naman boss," sabi ni Anna. Hinila ko ang braso niya, senenyasan na umalis na kami pero iniling lang nito ang ulo. "Edi siya na muna ang papalit sa puwesto mo, iba ang trabaho mo kung ganoon." Huminga ng malalim si Anna. "Puwede bang samahan ko siya boss? Baka magkamali e, kapag marunong na siya, saka ako magpapalit ng trabaho." Nagtindigan ba ang balahibo ko sa mga oras na iyon. "Okay. Magpanggap kayong hindi kayo magpinsan. May ipapagawa ako sa inyo mamayang gabi. Kailangan niyong bumalik dito mamayang gabi, ayaw ko ng late. Sana mapagkatiwalaan iyang pinsan mo, dahil alam mo na ang mangyayari sa kanya." Tiningnan ako ng makahulugan noong boss. Hindi ako makatingin sa kanya, ramdam ko ang labis na takot. Wala akong masabi dahil hindi ko alam ang pinasok naming gulo ni Anna. Parang nagbago ang pinsan na kilala ko bilang maingay na babae, ngayon para siyang kakaiba. Napaka mysteryoso niya. Nagsisi ako kung bakit sumama pa ako sa kanya. Kung ano man ang trabahong tinutukoy ng kanyang boss, sana hindi kami mapapahamak. Mukhang mamatay tao ang boss niya. At ayaw ko pang mawala sa mundo. Kaya hindi ako tutuloy. Bahala na. Napakadelikado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD