Nasa loob pa lang kami ng Hotel, marami na akong nakikitang mayayaman na dumadalo sa isang event.
Kadalasan mga VIP ang nandito. Hindi ko lubos maisip na may ganito pala. Isa daw itong black market na pili lang ang pinapasok sa loob.
Ang sabi sa akin ni Anna, isa daw itong Auction event, itong pinuntahan namin, hindi ko naman alam iyon, kaya pinaliwanag niya sa akin na ang auction event ay isang 'bidding' kung saan mag-bi-bid kayo ng isang bagay na iilan lang sa tao ang meroon.
Medyo humanga ako sa pagkat may mga pumupunta pala sa ganito. Isa daw itong cars bidding, mga limited edition na sasakyan. Kaya malamang mamahalin ito.
Lahat ng tao napatingin na kung ano'ng klaseng mga sasakyan ang ibi-bid mamaya. Naka display lang kasi ito sa isang glass.
Nakasunod lang kami kay boss na marami pa lang kakilala sa loob dahil masiyado siyang busy sa pag-entertain sa mga nakakilala sa kanya.
Medyo naaliw ako sa daming tao na kanya-kanyang pakikipag-usap, ang lalim pa ng kanilang mga sinasabi, mostly about sa business lang.
Ngayon pa lang ako nakaka-engkwentro ng ganitong pangyayari, ito pala ang kadalasang gawain ng mga business man.
"Glad to see you here, Mr.Ramirez," bati noong isang matanda na halatang ang yaman nito sa suot niya pa lang na relo nagkakahalaga na ito ng ilang libo. Baka katumbas ng pagpapa-opera ni Mama ang presyo nito. May mga alahas pa sa mga kamay at leeg.
"Nice seeing you again Mr.Sanciangko. I didn't know na mahilig ka sa mga sasakyan."
"Welll... My son's wants a limiteds edition car, so I made a decision to look all the bidding cars here. Gawin kong regalo sa kanya sa pagdating ng kanyang birthday."
Magaling din pa lang makipag-sosyalan itong si boss, and by the way apelyido niya pala ay Ramirez. I wonder kung ano'ng klaseng pamilya na meroon ang boss ni Anna, halatang hindi basta-basta, mukhang maraming galamay sa paligid..marami ding kakilala.
Siguro mayaman din itong si Mr.Ramirez or should I say si 'boss' dahil na rin sa pagpapalakad niya ng mga sindikato na tanging alam gawin ay mangguyo ng tao.
"That's good. I am also here to find a car for my collection."
"That's great, iho. Send my regards to your father."
"I will sir Sanciangko."
Naagaw ang pansin noong matandang kausap ni boss sa akin, tiningnan niya ako mula ulo hangang paa.
"New girlfriend mo ba, iho?" tanong nito.
Napatingin ang boss sa akin sabay ngisi, bigla niyang binalikos ang kamay nito sa bewang ko at hinarap doon sa matanda.
"She's my client, naghahanap din siya ng panibagong sasakyan na gagamitin niya since she migrated here in the Philippines 1 month ago... By the way she's the daughter of Alejandra Empire."
Nakita ko ang pamimilog ng mata noong matanda. Umawang ang bibig niya.
"The riches name on the Spain... Glad you visited here, iha. I hope we will meet again and talk about business."
Wala akong masabi dahil hindi ko alam ang sinasabi niya. Naramdaman yata ni boss na hindi ako komportable kaya nagpaalam na siya doon sa matanda na gusto pang hingin ang number ko.
Hindi pumayag si boss dahil nilayo na niya ako sa matanda.
"Don't be conscious, just act normal. May ipapagawa ako sa'yo mamaya. Huwag mong ipahalata na hindi ka sanay na umaktong mayaman."
Pumunta kami sa may sulok, kumuha pa siya ng wine glass bago siya umaktong nagtingin-tingin sa mga sasakyan na naka-display.
Nakasunod lang sa amin si Anna at hindi naka-imik.
"Have you found our target?" tanong niya kay Anna.
"Hindi pa siya dumating boss, hintayin na lang natin."
Kaya pala marami pang kinakausap si Mr.Ramirez dahil hinahanap pala nito si Rohan. Ilang sandali pa, nakita na namin itong pumasok sa may entrance.
Naglakad siyang mag-isa sa may red carpet, nakasuot siya ng blue coat, at isang blue slocks, may suot siyang maraming alahas, umiilaw rin ang suot nitong diamond earrings sa tenga.
Iba ang postura niya ngayon, kundi lang sinabi ni Anna na siya si Rohan hindi ko ito makilala. Napapansin kong hindi mapakali ang mga taong kumukuha sa kanya ng litrato, agaw atensyon din siya sa mga tao. Kapag malalagpasan niya ang mga babaeng nandito napasinghap sa anyo niya.
We'll I won't deny that he is attracting people on his looks. Pansin kong mahilig talaga siya sa mga alahas, no wonder pinag-iinteresan siya ni boss at gustong makuha ang yaman nito.
Ngayon ko lang na pansin na guwapo din pala ang lalaking ito, agaw atensyon ang green niyang mata.
Agad siyang nakipag-usap sa mga mayayaman ding lalaki na nandito. Nakamasid lang kami sa kanya. Hindi na rin mawala ang tingin ko sa kanya, parang naka magnet ito sa kanyang anyu.
Sobrang seryoso ng mukha nito at hindi ko man lang nakitaan ng pagngisi sa mga kausap niya. Pagkatapos niyang makipag-usap sa mga mayayamang matanda sinamahan siya nito para tingnan ang mga naka-display na sasakyan para i-bid mamaya.
"He is your target, Nathalia... Dapat mong kuhanin ang atensyon niya. Hindi pa nagsisimula ang bidding kaya may pag-asa ka pang magpapansin sa kanya," sabi ni boss.
Nakaupo kami ngayon sa isang round table at kaming tatlo nakatingin lang sa pigura ni Rohan.
Biglang umurong ang katawan kong makaharap siya, lumakas ang t***k ng puso ko at gusto ko na lang umatras. Sino ba ang hindi kabahan kung sa ekspresyon niya pa lang halatang delikadong lalaki na.
Ngayon ko lang din natitigan ang postura niya sa malayuan, dahil noong nakita ko siya sa concert hindi ko na maalala ang itsura at porma niya nun dahil madilim, basta alam kong napakadelikado niyang tao.
May mga babaeng pumapansin sa kanya pero hindi niya ito binabalingan ng tingin. Kinakausap lang sandali pero agad ring tinalikuran, kahit puro naman magaganda ang mga ito. Pinakita niyang hindi talaga siya interesado. Bigla tuloy akong na challenge.
"Napaka-choosy," bulong ko na narinig pala ni Anna.
"Sinabi mo pa... Mukhang mahirapan ka talaga sa kanya. Ano kaya mo bang kausapin siya dahil kung hindi ako na lang ang gagawa sa traba—"
"Kaya ko naman. Hintayin niyo lang ako dito," putol ko na ikataw ni boss.
"Siguro alam mo na ang gagawin? Make him impress at you. Binasa mo naman siguro ang papel na binigay ko sa'yo?" Si boss.
Tinanguan ko lang siya, bukod sa agreement na pinapirmahan niya sa akin may binigay rin siyang detalye tungkol sa pagkatao ng isang Rohan, maski ang mga sasakyan na nandito pinabasa niya sa akin ang bawat pangalan nito nang sa ganoon hindi ako ma-ignoranti.
"Yeah... Naalala ko lahat ang binasa ko. I will start my mission right now."
"Good...Will Wait you here."
Mabilis na akong tumayo sa kinauupuan upang lapitan si Rohan, saktong siya lang ang mag-isang nakatingin sa pinakahuling sasakyan na ibi-bidding mamaya.
Sa pagkakaalam ko sa nabasa kong papel ito ang pinakamahal na sasakyan kaya wala masiyadong gumagawi rito.
Nang makarating ako sa likuran niya naamoy ko agad ang mabango niyang pabango. Muntik na akong ma-distract. I didn't know na mataas pala ang height niya, kahit may 6 inches high heels na akong suot hindi ko pa rin mapantayan ang tangkad niya.
Huminga ako ng malalim para mag-ready na sa pakikipag-usap sa kanya.
"You want that?" Tumikhim ako.
Kahit hindi naman ako kagalingan sa pag-english para akong sinaniban ng pagka-british accent.
Nakuha ko ang atensyon niya. Tumabi ako sa kanya at pareho naming tiningnan ang sasakyan na may magandang desinyo. It was red color just like my dress, may magandang specs din itong nakalagay and his worth.
"Not really," simple niyang sagot. Wala man lang ka emo-emosyon.
Hindi man lang niya ako binalingan ng tingin, akala ko may sasabihin pa siya pero agad na niya akong iniwan doon at pumunta pa siya sa ibang mga naka-display na sasakyan.
Pumikit ako nang mariin, bigla akong nahiya sa approach ko, wala namang masama na magtanong ng ganoon pero bakit feeling ko rejected niya ako.
Napatingin ako sa lamesa ni boss, naabutan ko silang dalawa ni Anna na napa-iling. May senenyas pa ang pinsan ko sa akin na kaya ko ito, kailangan ko lang magtiwala.
Tumango ako saka ulit sinundan si Rohan kung saan siya pupunta. Nakapamulsa siyang naglakad sa isang ferrari car na kalalabas pa lang ng unit na ito.
Pumunta naman agad ako sa tabi niya, medyo may kaba ako ngayon sa pagkat baka makilala niya ako na ako ang hinalikan niya nun sa concert ng kanyang kapatid.
But I am confident enough na hindi niya ako makilala dahil sa kapal ng make-up ko.
"This one is good too. LaFerrari supercars...Ferrari is one of the world’s most expensive car brands," I said.
Hindi niya pa rin ako tiningnan, maski umimik man lang, mas nakuha pa ang atensyon niya ng sasakyan kay sa akin na halata namang nagpapansin ako sa kanya.
Nagpatuloy ako sa pagsasalita base na rin sa na basa ko doon sa papel tungkol sa kotse.
"LaFerrari is the fourth most expensive car on JamesEdition in 2021, after two Koenigseggs and one Pagani brands that play in a slightly different league. That said, a LaFerrari still is more expensive than Lamborghini’s Centauro and the Bugatti Veyron, both known for their impressive price."
Salamat na lang ako memorize ko agad ang binasa kong papel kanina kaya hindi na ako nahihirapan.
"I see..." Nagkibit balikat ito. Not even looking at me once.
Ngumuso ako. Why he is like this? Bakla ba siya? Hindi namamansin ng babae!
"Siguro ito ang bibilhin ko mamaya," sabi ko pa.
Hindi pa rin niya ako pinansin, lumipat naman siya sa isa pang kotse, this time isa na namang ferrari car at kulay gold ito na ang ganda ng pagkakagawa.
"This one is rare 458 Speciale Aperta is up for sale in Japan. Among other features, the car boasts a light-beige interior with special stitching; 20” forged gold, diamond rims; and gold brake calipers. The model was unveiled at the 2014 Paris Motor Show and led the list of fastest, street-legal, convertible Ferraris until LaFerrari Aperta took over," dire-diretso kong sabi.
This time nakuha ko ang attention niya, napatingin siya sa akin. Medyo nagulat pa ako pagkakita ko sa green niyang mata sa malapitan. Ang ganda pala nito kapag tinitigan mo.
"Are you the endorser of these cars? Why you know a lot of their specs and the history?" kunot noong tanong nito.
Napalunok ako, biglang natameme sa taglay niyang kaguwapohan. Damn! Bakit ba ang mga Moonzarte ang guwapo! Pati doon kay Jeho patay na patay ako doon.
Pero bakit mas iba ang feuture niya, matigas at napaka-charming ng dating kahit wala pa siyang ginagawa agad ka ng humahanga sa kanya.
"Mahilig kasi ako sa sasakyan, sinasabi ko lang sa'yo—"
"Then I love cars too, I have a lot collections of cars and I know their specs. So stop telling me their history. It's annoying... Kung iyan ang paraan mo para magpapansin sa akin. Will you stop? I'm not interested into girls...." Tiningnan niya ako mula ulo hangang paa. "You were fine... But you're just average woman for me. You're not pass on my standard."
Nakapamulsa niya akong tinalikuran. Para akong na bato sa kinatatayuan ko, bakit na sampal yata ako bigla sa katotohanan na wala man lang akong ka class-class?
Grabe? Napakasakit naman niyang magsalita, akala mo naman talaga kung sino'ng guwapo. Edi siya na ang magaling, kundi lang sa trabahong ito hindi ako magpapansin sa'yo.
Oo guwapo ka! Charming! pero ang sama ng ugali mo! Mukha ka pang bakla, dahil hindi namamansin ng babae.
Hindi porket mayaman siya ganitohin na niya ako. Gosh, ano'ng klaseng lalaki siya para tratuhin ang babae ng ganito.
Mas lalo tuloy umusbong ang galit ko, mas lalo tuloy akong nagkaroon ng lakas para pahirapan siya. Baka hindi niya alam na biktima ko siya ngayon kaya hindi ako magpapa-apekto kung iinsultuhin niya ako.
Totoo nga ang sabi ni Anna at boss hindi mahilig si Rohan sa babae, iniiisip lang nito ang magkaroon siya ng material na bagay. Ang nasa isipan niya ang makabili ng mga alahas na babagay sa kanya.
Damn! Moonzarte nga naman! Sakit sa ulo kapag nakilala mo na.