Chapter 1: Fan

1779 Words
Nathalia Felicity Reyes POV "Iyan,Miss! Bagay na bagay sa'yo," naka ngiting sabi ko habang pinapakita sa kanya ang isang damit na tinitinda ko. Isa iyong whole dress na uso ngayon sa mga nagdadalaga. May petals na desinyo at may cleavage sa bandang dibdib. Isang fitted dress na maypagka-tube-type ang datingan. "Talaga? Patingin nga! Baka binobola mo lang ako. Kilala kita Nathalia! Isang scammer ka sa campus na ito," Kinuha niya ang damit at tinignan. Pinantay niya ito sa suot niyang uniform. Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Sus! Kailan pa ako naging scammer, aber?" tawa ko pa. "Kukunin ko 'to masusuoot ko ito sa Club." Lumaki ang ngisi ko sa narinig. "How much is this! " tanong niya. "Two thousand five-hundrend, lang 'yan basta ikaw." "Ok... I will get this dress. Keep the change," Binigyan niya ako ng pera kaya tinaggap ko ito, at agad na ipinasok sa bulsa. Hindi na ako nagpumilit na ibigay sa kanya ang sukli dahil yayamanin naman ang mga studyante rito. "Ito, Nathalia, magkano itong necklace?" tanong pa nung isang costumer ko. "Dahil suki kita palagi sa mga alahas, ibibigay ko sa'yo iyan ng five thousand," naka ngisi kong sabi ko. "Kapag nabili mo 'yan. Sigurado akong magagandahan ang crush mong si Oliveros." Agad bumilog ang kanyang mata. Isa rin itong uto-uto kong costumer. "Oh! Really thanks... Here's my cash. Bibilhin ko na ito." Binigyan niya agad ako nang 5000 at umalis na siya dala-dala ang necklace. Napa-iling na lang ako ng ulo...Hindi niya alam na fake necklace lang iyon. Nabili ko lang sa halagang 500 sa skinita sa palengke. "Gusto ko ang bra na ito magkano ba ito?" tanong din nu'ng isa ko pang costumer na studyante. "One-thousand lang 'yan. Nine-hundred pesos ito, nung binili ko 'yan pero dahil nagustuhan mo ang bra, ibibigay ko sa'yo ng tig-one-thousand pesos para may puhunan naman ako ng one-hundred." Hawak niya ngayon ang isang Class-A na bra na sa palengke ko lang rin binili. Tig-100 lang 'yan pero dahil maganda at galing ukay-ukay mukha pa siyang bagong-bago. Lalo na't nilabhan ko pa ito kaya malinis na tingnan. "Okey... I will buy this one, ito yong bayad ko," binigyan din niya ako ng full cash na 1,000 pesos kaya ipinasok ko na naman ang pera sa bulsa ko. Lahat ng pinamili nila sa palengke ko lang binibili. Pagkatapos, ako na ang dumiskarte kung paano maging bago pa rin at mukhang 'di galing ukay-ukay ang mga paninda ko. Mabuti na lang branded ang mga damit roon, kaya nabubula ko silang bumili sa mga paninda ko. Mahirap ng mabuking...Puro pa naman mayayaman ang bumibili sa akin. Marami pa akong in-entertain na costumer na gustong bumili ng paninda. Hanggang sa maubos ang ibat-ibang klaseng kagamitan na paninda kong damit, alahas, bra, perfume at kong ano-ano pa. Kung tinatanong niyo kung saan ako ngayon. Nandito lang naman ako sa Brent University. Naninda ako ngayon... akala niyo, nasa divisoria ako? Nah! Nagkakamali kayo dahil nasa school ako ngayon ng mga Elite student. When you say Elite mayayaman ang mga tao, puro artistahin. Ako lang yata pipitsugin ang naka pasok sa school na ito e. Scholar kasi ako kaya naka pasok ako rito, mga limang scholar lang yata kami ang naka pasok dito sa Brent University at isa na ako doon. Mabuti na lang may utak rin ako kaya naging scholar. Itong pagpatitinda ko rito sa school na ito. Isa itong illegal, walang nakalaalam sa ginagawa ko. Eccept sa mga customer ko na, dinadala ko sa likod ng building para bumili sa mga paninda ko. Secret lang namin itong racket ko, kaya kapag bibili sila ng paninda kong dala sa school. Magkikita agad kaming lahat sa likod ng second year college building at dito ako nagdi-display, para walang makakakita sa akin. Kaya lang naman ako nagpursigeng maninda para sa mga gamot ni Nanay. Meron kasi siyang sakit na Pneumonia kaya kailangan niya ng gamot at sa isa pang dahilan ang inspirasyon ko sa buhay si... "Hoy! Gaga! Kanina pa kita hinahanap! May sasabihin ako!" Narinig ko ang bunganga ng pinsan ko na papalapit sa pwesto ko. Parang mega-phone sa lakas ng boses niya. "Oh! Bakit na naman insan?" tanong ko pagkalapit niya sa akin. Mukha siyang excited sa ibabalita niya ngayon. "Kung tungkol 'yan sa pera ang sasabihin mo. Papasukin ko kahit anong raket pa 'yan." Naka-upo kasi ako rito mag-isa sa bench na parang park sa loob ng Campus, pagkatapos ko kasing maninda sa likod ng 2nd year college building pumunta agad ako rito para magmuni-muni at makapag-isip-isip kung saan kikita ng pera. I need a big cash. Lalo na't wala na kami halos makain sa bahay sa laki ng gagastusin sa pagpapagamot ko kay Nanay at sa bunsong kapatid kong may sakit rin. He is a special child. Kailangan e maintain ang gamot. "Alam mo ba insan...Matutuwa ka sa sasabihin ko! I'm so very excited!" pagtitili niya. "Manahimik ka nga!" Hinila ko ang pinsan ko na kasama ko sa iisang skwelahan. Ang lakas sumigaw at pinagtitinginan na kami ng mga studyante dahil sa lakas ng boses niya. Siya nga pala si Annalie Perez. 2nd year college na siya at pareho kami ng kursong kinuha. Education. Gaya-gaya kasi siya sa akin. Si insan naka tira 'yan sa amin, ulila na kasi ang isang 'yan. Namatay ang mga magulang niya kasabay ng papa ko nung nasagasaan sila ng isang ten wheeler track, imagine ang laki ng nakasagasa sa kanila, kaya nagpasyahan ni Nanay na kopkopin siya. Kaya itto sabay kaming lumaki, sabay na kumain, pumasok sa school. Para na kaming magkapatid...sabay rin gumawa ng kalokohan. Kung sa mga school ng mayayaman. Maraming bully, kami naman ni insan ang hindi kayang labanan ng mga studyante rito. Bukod na palaban kaming dalawa. Tagapagtanggol rin ng mga nang-aapi sa skwelahang ito. "Hindi ko pa alam insan ano ba ang sasabihin mo? " tanong ko. Isa rin sa nakakainis sa ugali ng pinsan ko. Maypagka-jologs. "Super excited na ako sa concert---- Aray naman insan!" nag-pout siya nang bigla ko siyang sinapak sa likod. "Huwag ka ngang sumigaw. Nakakahiya ka e!" inis na pagsita ko. Pinandilatan ko siya ng mata. Mas hinabaan niya pa ang nguso niya kaya sinamaan ko siya lalo ng tingin. Isip bata rin kasi iyang si Annalie, minsan nakakainis na. "Ano ba ang sasabihin mo? Huwag kang sumigaw. Naririnig kita, Anna!" pagbabanta ko nang akmang lalakasan na naman niya ang boses. Hinawakan niya ang balikat ko pagkatapos nakipagtitigan sa mata ko. Ilang sandali pa. Niyugyog niya nang malakas ang balikat ko. "Bukas na ang Concert ng Rasta Supreme Band, excited na akong makita si Julian at Jeremy!" Nanlaki ang mata ko. Napatakip rin ako sa bibig. Sabay kaming nangisay sa kilig. Kaya rin ako panay doble sa pagkayod dahil sa concert ng bandang hinahangaan ko. Gusto kong pumunta pero wala akong perang pambili ng ticket. "Ano?! Pupunta ba tayo! Gusto ko makita si Jeho! Ang guwapo ng baby ko!" sigaw ko pa. Nagtatalon kami sa tuwa at nagyakapan. Okay! Kunwari lang namin na pupunta kami dahil napapahiya na kaming dalawa dahil tinitingnan na kami ng mga studyante ngayon. Nahahawa ako sa pinsan ko. "Ako rin... Gusto ko makita ang baby boy Jeremy ko!"sigaw naman ni Anna. "Nakakatawa talaga ang dalawang magpinsan na 'yan" "Oo nga parang naka yukyuk ng shabu. Ang high masiyado at ang ingay!" 'Yan ang mga bulungan sa paligid namin pero wala akong pakialam dahil ang saya ko dahil makikita ko na si Jehovah Moonzarte, ang nag-iisang sikat na guitarist, sa banda nila. Kaya nga rin ako nag pursigeng maninda ng kong ano-ano dahil pinag-iipunan ko ang tickeit para sa concert nila kaso nga lang.... Hindi ko maiwasang malungkot. Nawala ang saya ko at malambot na napa-upo pabalik sa bench. "Bakit ang lungkot ng mukha mo? Anong nanyare sa'yo insan?" nag-alalang tanong niya nang makita niyang nawala ang sigla ko. Yumuko ako at nilaro-laro ko ang dalawang daliri. Agad niyang sinundot ang pisngi ko sa pagbiglaang iba ng mood ko. "Oy! Insan anong problema? Para kang nalugi riyan." Nagkamot ako ng ulo. "Eh kasi insan kulang ng five hundred ang pera ko para sa ticket. Saka isa pa hindi ko mabibili ang ticket kahit pa may pambili ako. Nasasayangan ako sa pera. Alam mo namang may sakit si nanay at si bunso, pagkatapos ubos na ang gamot nilang dalawa, kailangan ko pang bumili ng gamo------" "Hay! Naku Insan. Huwag kang mag-alala papahiramin kita ng pera. Iyan lang pala ang problema mo... Gusto ko nangunguna tayong dalawa sa pila ng concert ng ating mga future husband kaya akong bahala sa'yo." Nanlaki ang mata ko nang pinakita niya sa akin ang isang VIP tickets ng concert. "Nakabili na ako ng ticket nating dalawa, baka maubusan pa tayo." "Teka! Saan galing ang perang binili mo? Mahal ang VIP tickets!" hindi makapaniwalang tanong ko. Kinindatan niya lang ako. "That's a secret... Sasabihin ko rin sa'yo. Alam mo na, may raket akong trabaho. Mas malaki ang kikitain mo rito. Sabihin mo lang kung interesado kang malaman. Papasukin kita sa trabaho..." Hindi ko alam kung anong isasagot niya. Tumango na lang ako. Hindi ako makapaniwalang nabili niya ang VIP tickets na nagkakahalaga ng 50,000. "Sabihin mo sa akin ang raket mo, ah! Para magkapera ako ng malaki, " sabi ko pa. "Oo ba...Hindi ka mapapagod sa trabaho. Kikita ka pa ng malaki." Dahil sa tuwa ko niyakap ko si Insan. Kung anong trabaho man iyon, sana hindi makapagpahamak sa akin. Malaki ang tiwala ko sa kanya. "Salamat sa ticket na ito. Finally! Makikita ko na si Jehovah sa personal!" Niyakap ko pa siya nang mahigpit. Akala ko 'di na ako makakapunta sa concert ni Jehovah. Malaki talaga ang pasasalamat kay Annalie. Gustong gusto ko talagang makita si Jeho, dahil super fan niya talaga ako. Kahit brand ng boxer niya alam ko ito. Kapag may basher siya inaaway ko agad. Lahat ng concert nila, pinanood ko talaga sa tv o 'di kaya sa youtube at lahat ng ni revibe niyang kanta meron ako sa Music list ko. Syempre adik na kasi ako sa kanya kaya ganoon. Halos perfect na nga siya sa paningin ko. Sayang nga bakit hindi siya ang naging vocalist...Maganda naman ang boses niya. May single song nga siyang ni-release. Iyon ang paulit-ulit kong pinakinggan kapag natutulog. "Ano ka ba insan. Ok lang basta babayaran mo ako" nakangiting sabi niya dahil ang mahal kasi talaga ng tickets at nabili niya lang agad. "Oo babayaran kita, Anna, pangako 'yan," sabi ko pa sabay taas ng kanang kamay. I can't wait na makapunta sa concert. Hindi na ako makapaghintay na sa unang pagkakataon masisilayan ko ang isang Jehovah Moonzarte na nasa entablado. At harap-harapan ko pang makikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD