Prologue

2565 Words
"Ito ang bagong-bago boss. Ni-recruit ito ni Selena." Hinila ako ng isang binata na nakamaskara. Tiningnan ko siya nang masama. Tinawanan niya lang ako. "Ang sama mong makatingin, ah! Ikaw ang may kagustuhan nito! Ano! Aatras ka o mamatay ka?" May nakatutok na baril sa tagiliran ko. Agad na tinubuan ako ng kaba dahil sa nakikitang bagay na nasa bewang. Huminga ako nang malalim para pigilan ang sariling hindi maiyak. Kagustuhan kong pumasok dito. Kasalanan ko ito, kaya bakit ako aatras? Gusto ko lang ng pera. Pagkatapos ko rito malaya na ulit ako. Kailangan ko lang makaahon sa isang gabi na paghihirap. Iyon lang, at makakauwi na ako. Ito ang kasunduan namin sa nagdala sa akin rito. "Dalhin mo 'yan rito. Mukhang mabango pa ang babaeng 'yan!" tumawa nang nakakamatay ang kanilang tinatawag na big boss. Hindi siya nakamaskara kaya klarong-klaro sa paningin ko ang mala-demonyo niyang mukha. Pilit akong kumuwala sa pagkakahawak ng lalaki pero mas lalo niya lang akong diniin. Nang makarating ako sa harapan ng matabang lalaki. Mas lalo siyang ngumisi. Pinapaluhod ako ng lalaking naka maskara sa mismong harapan niya. "Ikaw ba ang pilit na tumakas kanina?" tanong niya saka hinaplos ang pisngi ko. Hindi lang 'yan inamoy niya pa ang buhok ko na parang ginawang droga. Agad kong nilayo ang sarili ko sa kanya. Nakaramdam ako ng nerybiyos at takot sa matabang lalaki. "Huwag kang magulo. Tinatanong kita!" sindak niya sabay hila sa braso ko. Agad namang tumalima ang kanyang mga tauhan sa likuran at tinutukan ako ng armas sa ulo. Ngayon pa lang gusto ko ng umatras sa trabahong ito. Mukhang hindi na nila ako papakawalan. Ang dami nilang armas, hindi ito ang naging kasunduan namin. "H-hindi ko kaya ang trabahong ipapagawa niyo. Hindi na ako tutuloy. P-pabayaan niyo na ako, please lang." Nangingibabaw ang takot ko sa mga oras na ito. Gustong tumulo ng luha ko at mas nagmakaawa pa na pakawalan ako ng mga sindikatong kaharap ko ngayon. I felt dangerous towards them. I smell something, parang may mali sa pagsama ko sa babaeng iyon. "Binenta ka ng pinagkakatiwalaan mong tao. Wala ka nang magagawa kundi hawak na namin ang buhay mo. Magmula ngayon... You'll be our prostitute woman in this illegal gambling." Napapikit na lang ako. Hindi ko lubos maisip na dadating ako sa sitwasyong ito, ang makapasok sa gulong ito. Hindi ko alam na may pinagkakasunduan pala ang kaibigan ko at ang matabang lalaking ito. Hindi ito ang pinagkakasunduan namin. Pumayag akong maging prostitute pero hindi ibig sabihin hahawakan nila ang buhay ko. Pero sa kasamaang palad, ang pinagkakatiwalaan kong tao na makakatulong sa akin sa lahat ng bagay ay siyang sisira ng buhay ko. Wala akong alam na pinabili niya ako sa malakig halaga. Para maging prosti na sa kanila. "P-parang awa niyo na po. Ibabalik ko ang lahat ng binayad niyo. Just let me get out of here. I don't like this job," pagmamakaawa ko. Tumulo ang luha ko sa sobrang takot. "Pasensiya na,ija. Once you come in, you can't go out. Unless, kung may bibili sa'yo saka ka pa makakatakas sa impyernong na pasukan mo." Laylay ang balikat ko. Hindi ko maiwasang magalit sa taong nagdala sa akin dito. Gusto ko siyang sumbatan sa kasamaan niya. How could her to do this to me. Hindi ito ang napag-usapan naming dalawa. Akal ko isang gabi lang ako rito, pero ano itong pinagsasabi ng matabang lalaki ngayon. Mabilis akong tumayo para makatakas kaso nahila niya ulit ang braso ko. Tumalima ang mga tauhan niya at pinabalik ako sa puwesto. "P-parang awa niyo na," pag-iyak ko pa. "Alam mo ba ang ayaw ko sa lahat, ija? Ang takasan ako. Iyon ang pinaka-ayaw ko sa lahat." Namanhid ang pisngi ko nang sinampal ako ng mataba. Dumugo pa ang labi ko sa lakas ng pagkasampal niya sa akin. Wala akong laban. Wala akong kawala at mas lalong hindi ako makakatakas dahil maraming baril ang nakatutok sa akin. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ang umiyak at magmakaawa na palayain niya. "Sayang ka. Ako sana, ang unang makagagalaw sa'yo pero may bumili na sa pagkatao mo... Special ka, ija. Kadarating mk lang. May bumili agad sa'yong hindi basta-bastang tao." Binalingan niya ang mga armadong lalaki. "Sige na! Dalhin niyo ang babae na ito doon sa VIP's room. Naghihintay na ang VIP costumer natin kanina pa," utos nito. Hinila ako patayo ng tatlong armadong lalaki na nakamaskara. Tiningnan ko ang mga babaeng kasama ko sa loob. Parang wala lang sa kanila itong kahinatnan ng buhay nila ngayon. Tumatawa lang sila at napa-iling sa naranasan ko. Sinundan nila ako ng tingin sa paglabas. Habang hila-hila ako ng mga naka maskara na lalaki patungo sa isang kwarto. Napuno ng negatibong pag-iisip ang isipan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa gabing iyon. Nag-iisip ako kung paano ako makakatakas sa loob ng crew ship na ito. Natatakot ako sa haharapin kong tao. Sa pagkakaalam ko. Ang pagdadalhan nila sa akin ay isang kuwarto. Ang lugar kung saan gawin kaming parausan ng mga lalaking magiging costumer namin ngayong gabi, pagkatapos nun babayaran kami sa malaking halaga. Oo nangangailangan ako ng pera para may pambayad sa operasyon ni Nanay at kailangan kong matulungan ang kapatid kong nagkasakit kaya napapayag ako sa trabahong ito. I don't have a choice dahil ito lang ang paraan para kumita ako ng malaki. Ang sabi sa akin, isang gabi lang daw. Kikita ako nang malaki pero nang malaman ko na hindi na ako makatakas rito. Doon ako nagsimulang matakot para sa sarili ko. Nalaman kong binenta ako ng pinagkakatiwalaan kong tao para magiging regular na trabahante ako. Hindi ko tanggap iyon, dahil, any moment puwede niya akong patayin. Hawak niya ang buhay ko at iyon ang kinatatakutan kong mangyari. Hindi na rin ako makakalabas sa lungga na ito unless kong may bibili sa akin na costumer saka pa makakatakas gaya ng sabi ng matabang lalaking nakakausap ko. Huminto kami sa pulang pintuan. Gusto kong tumakbo at tumalon sa malaking barko na ito para lang makatakas, pero dahil mahigpit nila akong binantayan hindi ko na maigalaw ang paa ko para makatakas. "Pumasok ka sa loob. Nandiyan ang kliyente. Umayos ka! Hindi basta-bastang tao 'yang costumer natin. Ayaw naming mapalyado sa utos ni bossing. Goodluck, Miss. Mukhang huling araw mo na ito ngayon. Ibang tao ang bumili sa'yo. Makapangyarihan, at hindi basta-basta." May halong pagbabanta ang sinabi ng tatlong lalaki sa akin. Mas lalo lang tuloy akong kinabahan. Pinagbuksan nila ako ng pinto pagkatapos tinulak nila ako sa loob. Nanginginig ang binti ko pagkasarado ng pinto. Madilim ang paligid pero kahit na ganoon nakikita ko ang itim na pigura ng taong naka-upo sa malaking sofa. Nakadekwatro siya roon. Nakasuot ng sumbrero na itim, para bang suot ng mga mafia. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil madilim. Sabayan pa na natatakpan ng maitim na sumbrero ang anggulo ng kanyang mukha. "Please huwag mo akong saktan." Lumuhod agad ako kahit nasa pintuan pa lang. Alam kong napakadelikadong tao ang makakaharap ko ngayong gabi. Base na rin sa sinasabi ng tatlong lalaking iyon. Sa pananamit at postura niya pa lang alam kong mamatay tao na agad. Panay tulo na ang luha ko sa sobrang takot. Nanginginig ang mga binti ko. "Gagawin ko ang lahat nang ipapagawa mo huwag mo lang akong patayin. Maawa ka, Mister!" pinagtiklop ko ang dalawang kamay. Habang lumuluhod, ginamit ko ang tuhod upang lumapit sa kanya. Umayos lang siya sa kanyang pagkaka-upo. Sinandal niya ang likod sa upuan. Napakunot noo na lamang ako dahil kahit anong aninag ko sa mukha niya hindi ko talaga nakikita ito. "P-parang awa mo na. Huwag mo akong saktan. H-hindi ko kayang iwan ang mga kapatid at inay ko. Gusto kong malayo rito. Tulungan niyo po ako," hirap na hirap ako sa pagsabi nun sa kanya. Ang puso ko parang sinasaksak ng libo-libong punyal sa tuwing naisip kong may mangyayari sa aking masama ngayon. Base sa kanyang aura ngayon, he is dangerous client. "Mister... Tulungan niyo akong makaalis rito," patuloy kong paghikbi. "H-hindi ko ito ginusto. Dinala lang ako rito..." Tumayo siya sa sofa. Napaatras agad ako nang makita kong may nakatutok na baril sa ulo ko. Nanlaki ang mata ko. Parang sa mga oras na iyon tumigil ang mundo ko pagkakita ko sa baril niyang hawak. Ito na ba? Ito na ba ang kahinatnan ng buhay ko? Dito na ba magtatapos ang lahat? "H-Huwag po! Maawa kayo! Huwag niyo akong patayin. Ibibigay ko lahat nang gusto niyo. Kunin niyo ang p********e ko. Galawin niyo ako. Di ba ito ang trabahong pinasok ko? kahit ano. Basta hayaan niyo lang akong mabuhay." Niyakap ko ang kanyang tuhod para pigilan siya sa pagpatay sa akin. Narinig ko ang pagtunog ng baril hudyat na ready niya akong barilin ngayon. "Please...Mister...Maawa kay----" "You deserve to die, Felicity, or should I say... Nathalia Felicity Reyes." Natigilan ako pagkarinig ko sa familiar na boses ng lalaki. Mas lalo ko lang naramdaman ang kaakibat na kaba sa paraan nang pagbanggit niya pa lang sa totoo kong pangalan. Namuo ang mga luha sa mata ko habang tinitingala siya. Tinanggal niya ang suot niyang sumbrero kasabay nang pag-ilaw ng kwarto. Mas klaro sa paningin ko ngayon ang nakakatakot niyang mukha. His green eyes can break my soul any moment. Puno ng galit ang kanyang mga mata. Ang baril ay nakatutok pa rin sa akin. Lumunok ako ng laway para pigilan ang luhang gustong tumulo. Igting ang panga niya at ramdam ko sa sarili, kung gaano niya ako ka gustong patayin ngayon. "A-anong ginagawa mo rito?" nangingimi ko pang tanong. Galing sa pagkakaluhod napa-upo ako sa sahig. I wasn't expecting this. Paanong nangyari, siya ang naging costumer ko? It's been months mula noong nilayasan ko siya. Iniwan ko siya agad nang malaman niya ang totoong baho na iniingatan kong hindi niya malalaman. Hinanap niya ba ako? Kaya siya nandito ngayon? Pinapasundan niya ba ako? Gusto kong matawa sa sariling tanong. Lahat naman talaga magagawa ng mga Moonzarte...Lalo na kung kaaway niya ang gusto niyang paghigantihan. Walang rason para magtanong pa ako sa kanya, gayong marami siyang galamay na tauhan niya. "I should be the one who's asking you that, Nathalia. What the hell are you doing in this disgusting fvcking place?" Napaatras ako nang mas diniin niya ang baril sa ulo ko. Ibang-iba na siya... Isang buwan lang akong nakawala sa mga kamay niya nahanap na naman niya ako. Isang buwan pa lang ang nakalipas magmula nang makilala niya ang totoong pagkatao ko. Nahanap niya agad ako. Isang babaeng sumira sa pagkatao niya. Ako na walang nagawang tama para sa kanya. Isang Nathalia na mapagpanggap para lang mabuhay ang pamilyang iniingatan ko. "N-Nagtatrabaho ako rit----" "You are working in this disgusting job, huh? Selling your body and your soul to those men who wants to fvck you!? That's right? Am I fvcking right?" "I'm sorry," tanging sambit ko. Naalala ko ang lahat ng nakaraan. I saw his eyes full of pain right now. Puno rin iyon ng paghihiganti. "Ito ba ang sinasabi mong may trabaho ka? This kind of job that you are talking when you left me with nothing, Natalia?"he wickedly said. "I'm s-sorry...I'm sorry, Mr.Moonzarte!" nangangatal kong wika. He is very dangerous right now. He can kill me right away in one wrong move. Iyon ang kinatatakutan ko. "Is that all that you wanted to say to me? After you stole from everything I have!? Hihingi ka lang ng tawad basta-basta? Pagkatapos mong sirain ang buong buhay ko?" Napaiyak na lamang ako sabay yuko ng ulo. Hindi niya lang alam kung gaano ko pinagsisihan ang ginawa ko sa kanya noon. Walang araw na hindi ko naiisip ang kasalanan ko sa kanya. Nagsisi na ako kung bakit nagawa ko siyang traydorin. Sana hindi ko na lang pinasok ang gulong ako mismo ang dehado mula noong una. Nagpanggap ako bilang isang mayaman na heridera pero ang totoo. Plano lang iyon, at may nag-utos lang sa akin na magpanggap upang makuha ang lahat ng meron siya, at nang mailabas ko ang totoong baho ng mga Moonzarte...Lalo na siya. Sa lalaking pinagsisihan kong makilala. Kaya tinakasan ko siya nang malaman niya ang totoong pakay ko sa pamilya niya. And right now. After a month of not seeing him. He becomes cruelty to me. He is far from the man that I've known. "I'm so...sorry... R-Rohan..." "Stop saying sorry....It won't work on me!" Nanginginig ang kamay niyang tinutok pa lalo sa akin ang baril. Gigil na niya itong kadlitin. "So you've been fvcking here all the time... Kung hindi kita hinanap hindi ko malalaman na dito mo na rin sinunog ang buhay mo? Sa putanginang lugar na ito. Pagkatapos mo akong biktimahin, gagawa ka na naman ng panibagong sisiraing tao. Are you not tired of your job? Scamming people that who loves you?" Mas lalo lang siyang nakakatakot ngayon. Habang patagal na patagal ko siyang nakakaharap ngayon mas lalong hindi ko nakilala ang taong minahal ko nang lubusan. Isang pagpapanggap lang ang nagawa ko pero lahat nang iyon napariwara nang malaman niya ang totoong pagkatao ko. Mukhang baon niya hanggang kamatayan ang kasalanan ko sa kanya. "Kapapasok ko lan----" "Stop bullshitting me! I can't believe you! After what you've done to me. I can't trust you when in the first place you leave me with no trace. Tapos makikita kita rito? This is bullshits!" Nilayo niya ang baril sa ulo ko. Nag-squat siya sa harapan ko mismo para mapantayan niya ako. Pigil na pigil ako sa paghikbi para hindi niya makita ang takot sa mga tingin ko sa kanya. Inangat niya ang panga ko gamit ang baril. Hindi ako makatingin sa kanya. Nakakatakot ang mga mata niya. "I'm sorry...hindi ko sinadya ang pagsisinungaling ko sa'yo. Hindi ko sinadyang saktan ka. H-Hindi ko sinadyang masira ang buhay mo," hikbi ko. "I tried to stay away from you, perp hindi ko kaya. Mas pinili kong manatili sa kasinungalingan para makasama lang kita." He groans in anger. "You ruin me, Nathalia. It's time for you to payback of what you did to me... Akala no makakatakas ka na? Kahit sa impyerno ka pa pupulutin susundan kita. Magmula ngayon. Dito ka na sa akin. You need to pay of what you ruin." "R-Rohan..." kinakabang kong tawag. Hindi alam ang sasabihin. Dahil ang tanging alam ko sa mga oras na ito, nanganganib ang buhay ko kung babalik ako sa kanya. "Puwede kitang hulugan sa lahat ng nasira ko sa'yo... Lahat ng alahas...kotse...Even the money na nawala sa'yo, ibabalik ko. Give me some time please." He only smirked at me. "Hindi pera ang gusto kong ibayad mo..." aniya sabay palandas ng baril na hawak niya sa pisngi ko pababa sa leeg. Diniin niya ito sa panga ko. "A-Anong gusto mong ibabayad ko sa'yo, kung ganoon?" dobleng kaba kong tanong. Nag-aalab sa galit ang mga mata niya. Ang hirap tingnan dahil nakakapaso ito. "Your life...I want your life... Buhay mo mismo ang kabayaran ng kasalanang nagawa mo sa akin. From now on, taste my cruelty." And that's it...Matatali na naman ako sa isang sitwasyon na ang hirap makatakas. Kung noon akala ko natakasan ko na siya...Ngayon mukhang malabo ng mangyari. He told me one month ago before he knows my true identity. He said, that he started to love me... And now...His cruelty can bring me to hell. He owns me again, and I will be going to suffer... HIS CRUELTY LOVE.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD