Chapter Two
"Insan bilisan mo! Baka mahuli na tayo sa concert!" sigaw ko kay Anna sa itaas. We are preparing now sa concert na pupuntahan.
Kagabi pa ako excited na pumunta. Hindi na nga ako makatulog. Ang gaganaping concert ay nasa news. Nasa internet rin. The Supreme band is now all over my feeds while scrolling my phone. Hindi pa ako nakuntento, nanood pa ako ng balita sa t.v habang inaayos ang buhok ko.
"Oo na! Malapit na akong matapos dito!" sigaw niya pabalik.
Napa-iling na lang ako ng ulo. Mas excited pa ako sa kanya. Kahit kailan talaga, napakupad niyang kumilos palagi na lang nahuhuli sa tuwing may lakad.
"Bilisan mo!" I shouted back.
Hindi na siya sumagot kaya umupo na lang ako sa sofa at mas pinapanpood pa ang balita tungkol sa gaganaping concert ng Supreme band ngayong gabi. Pinakita roon ang mga fans sa labas ng Arena kung gaano kadami ang gustong manood sa concert. Nagsiksikan na sa pila.
May interview pa habang dala-dala ang picture ni Herondale. And speaking of him, may pinakilala siyang girlfriend niya noong nakaraan sa mall. Hinalikan niya pa ito. Nagkalat ang usap-usapan sa issue na iyon.
Sa pagkakaalam ko, babaeng kapatid iyon ni Jehovah. Well, bagay naman sila pero, iyon nga lang, puno ng bash ang babae kesyo ang bata pa raw. At mukhang hindi siya ang rumored girlfriend ni Heron.
Well, ang layo naman kasi sa mga kuhang public girl na kasama ni Heron na kuha ng mga paparazzi. Kahit na ganoon, marami mang nadismaya sa pagkakaroon ng girlfriend ni Heron. Marami pa ring sumupporta sa kanya bilang vocalist ng banda. Hindi mabubuo ang Supreme band kung wala siya.
The Moonzarte's family is really mysterious. Kahit si Jeho lang ang makuha ko sa kanila, buong-buo na ako nun. Ano kaya ang pakiramdam na maging girlfriend niya? Naiiisip ko pa lang ang maamo pero maypagka mysteryoso niyang mukha nababaliw na ako sa tuwa. He is really handsome. Otsong magkapatid raw sila, hindi ko naman kilala ang iba niya pang kapatid lalo na't masiyadong mysteryoso ang pamilya nila. They are the riches family in this country. Lalo na't sikat ang iba sa kanila.
May nasagap nga akong balita, na isa sa kanila ay artista, meron din direktor. May model rin. May business man, katulad noong Harris, ang kanilang nakakatandang kapatid. Gosh! Pero ni isa sa kanila si Jeho lang ang kinababaliwan ko.
Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang magpakita ang apat na member ng banda sa t.v na in-enterview ng isang sikat na reporter. Wala si Heron sa kanilang pag-interview. Iyon ang ipinagtataka ko.
'Nandito po tayo sa loob ng back stage kung saan makakausap natin ang banda na pinagkakaguluhan ng mga tao. The very famous band in Asia, ay ready na ready na sa kanilang Concert mamaya. Halatang excited na ang mga fans nila dahil gusto nang pumasok sa loob ng Arena, at dalawang oras na lang magsisimula na ang Concert ng Supreme band, kaya bago sila magsisimulang mag-concert e-enterview-hin muna natin si Jehovah ang Guitarist ng Rasta Supreme band... Ano po ang masasabi niyo sa dami ng taong dumalo sa concert ngayong gabi? At bakit wala ang vocalist niyo ngayon?"
Halos maglupasay ako sa upuan nang biglang napunta kay Jehovah ang atensyon ng camera kaya nagsisigaw ako sa kilig at niyakap ko ang Tv dahil sa sobrang saya. Call me, a die hard fan of him, pero kinikilig talaga ako ngayon habang nanonood lang ako sa kanya sa screen ng tv namin. Ang guwapo niya talaga.
"Jeho! magkikita rin tayo! Wait for me!" tili ko habang yakap yakap ang tv namin.
"Anak ano'ng nangyare sa'yo? Bakit bigla ka na lang sumisigaw riyan? Nagising mo ang kapatid mo."
Biglang lumabas si Nanay galing sa kusina at dala-dala niya ang sandok kaya napatawa na lang ako dahil sa itsura niyang gulat na gulat at halata ang pagkakataranta.
"Wala,Nay! Ang boyfriend ko kasi nakita ko sa tv. Tingnan mo, oh! Ang guwpo niya sa screen. Paano na lang kaya sa personal!"
"Si Jehovah? Aba'y kay guwapo bata nga talaga, pero huwag mo naman sirain ang telebisyon natin anak. Hindi pa 'yan bayad sa pinag-uutungan mo."
Natawa na lang ako, saka lumayo sa t.v para bumalik sa pag-upo sa sofa. Si nanay kasi sanay na yan sa kin na parati kong tinatawag na boyfriend si Jeho kahit malabong mangyari.
Tinignan ko ulit ang t.v. Pagtingin ko, mukha na ni Manny Pakyaw ang nasa screen. Tapos na ang interview nina Jeho. Pambihira hindi ko man lang narinig ang sagot niya sa tanong ng reporter.
Sabay kaming napa 'Nge' ni mama pagkakita namin sa mukha ni Manny Pacquiao na in-enterview ng isang reporter
"Malapit na ang laban niyo ni----"
In-off ko ang tv at hindi ko na pinakiggan pa ang news tungkol sa laban ni Manny Pacquio. Bahala sila sa buhay nila basta ako gusto ko si Jeho lang ang makikita ko.
********
Pagrating namin ni insan sa Arena halos hindi na kami makakapasok sa loob dahil sa dami ng tao.
Tinapak-tapakan na nga ako dahil sa sobrang dami at tinulak-tulak dahil sumisid talaga ako para maka punta sa harapan. Mas maganda sa puwesto na ito. Klarong-klaro ko ang mukha nila Jeho.
"Insan dito tayo!"
Hinila ako ni Trisha sa may 'di kalayuan ng Stage kaya nagpahila na rin ako. Sobrang lupaypay na kasi ng katawan ko dahil sa pagtulak ko sa mga tao para makarating kami sa may stage. May VIP tickets naman kami pero ang dami talagang tao. Wala na sa ayos ang mga upuan. Kanya-kanya na silang tayo kahit hindi pa nagsisimula.
Sa pinaghilaan ni insan sa akin kitang-kita ko na ang stage pero mas gusto ko na nandoon ako sa harapan para matitigan ko ng mas malinaw ang mukha ni Jeho. Ngunit masiyado na kasing masikip at wala ng daan para makapunta doon sa pinaka harap kaya tiisin ko muna rito sa puwesto.
Tiningala ko ang stage. Dahil biglang nag-on ang lahat ng ilaw, hudyat na magsisimula na ang concert. Umiingay na ang lahat ng tao. Nagsisigawan na ng kanya-kanyang pangalan. Lumakas naman ang t***k ng dibidb ko pagkarinig ko lang sa tugtog ng Dj at ang boses nito sa loob ng Arena.
"Here we go again! Are you all ready!" Naghiyawan and lahat, pati na rin ako palundag-lundag na kami ni Anna. "The concert will start in ten minutes. Excited na ba kayong makita ang limang Supreme boys natin. Louder your voice people!"
Naghiyawan na naman ang mga tao dahil sa sinabi nung DJ nakisali na rin ako. Walang humpay ang saya na dulot ngayon dahil for the first time naka-attend ako sa ganitong concert. Ang daming tao pero hindi ko ininda iyon.
"Oo! Excited na kami!"
"Start niyo na! Gusto ko ng makita si Jeho at Herondale Castillejos!"
"Gusto ko na makita si Julian!"
"Si Jeremy! Go baby Jeremy!"
Sa tabi namin may nakita akong mga grupo ng babae na may dala pang mga banner. Sobrang dami nila. Nagsisigawan. Sa unahan may babaeng naka-ponytail ang buhok, mukhang leader sa kanilang fans club. I heard someone shouted her name, Briesha.
Grabe ang ingay ng mga tao. Siksikan sa loob, at punong-puno ang upuan. Pati ako ang ingay ko rin mas grabe itong pinsan ko , bunganga ba naman nito mukhang naka lunok ng mega phone sa sobrang lakas. Panigurado, wala na siyang boses kapag natapos itong concert.
Biglang pinatay ang ilaw ng stage pagkatapos pinatay rin ang ilaw sa buong crowd.. Isang spot light lang ang nagdadala ng liwanag kaya naging madilim na ang buong paligid. Mas lalong umingay ang mga tao. Sabayan pa sa intense music sa loob ng Arena.
Nang ten secods na lang para magsimula na ang concert nagbilang ang DJ na sinabayan pa ng lahat ng tao sa loob. Habang pababa ang numero sa malaking screen halos hindi na ako mapakali sa pagsisigaw.
"LET'S WELCOME THE RASTA SUPREME BOYS!"
Biglang nagliwanag ang boung stage at may mga usok ang naka palibot doon. May parang fireworks na nagsilabasan sa buong stage, kasabay ang pagtunog ng kantang sobrang familiar sa akin.
Isang hit songs ng banda nila ang pambungad sa unang concert. I was expecting na boses ni Herondale Castilejos ang maririnig ko pero hindi. Isang boses na kay lamig sa tenga. Ang sarap pakinggan. Boses ni Heron ang inaasahan ng lahat pero hindi iyon ang narinig namin, kundi isang boses na familiar sa akin ang kumanta nun.
Tumahimik ang mga tao. Mukhang pati sila hindi familiar sa kumakanta. Sa pagtaas lalo nung stage galing sa ilalim. Nakita naming lahat kung sino ang kumanta ng malumanay. Mas lalo lang tumahimik ang lahat, nagtatanong kung bakit hindi boses ni Heron ang narinig namin. Maraming nagtanong kung saan ang vocalist. We never heard his voice kapag nasa concert kaya nagulat kami nang bumungad sa amin si Jehovah na kumakanta sa gita ng stage. Nasa likod naman ang tatlo niya pang kasama na sinasabayan ang pagkanta niya gamit ang instrumento.
Nakapikit pa siya. Dinaramdam ang hit song na gawa mismo ni Heron.
Oh!! Gosh!! Totoo ba itong nakikita ko. Si Jehovah. nakikita kong kumakanta sa stage, para akong nananaginip, para akong naiiyak sa saya pagkakita ko sa kanya na kumakanta ngayon.
Nang makarating sa kalagitnaan ang pagkanta niya. Huminto siya para ngitian kaming lahat. Doon na nagwawala ang mga tao sa paligid. Lalo na ako, natulala. Itinapat niya nang mas maigi ang micropono sa bibig para magsalita.
"Nagulat ko ba kayo dahil ako ang nakikita niyong kumakanta ngayon?" Napuno ng hiyawan ang lahat dahil sa tawa ni Jehovah na pampamatay sa aming mga fans niya. "Ngayong gabi, ako muna ang makakaharap niyo dahil ang vocalist natin na hinihintay niyong magpakita ngayon ay mahuhuli muna sa pagkanta...And let's our night begin by singing our hit rock songs. Para sa inyong lahat ito."
Kinuha niya micropono sa stand mic. Saka siya sumigaw kasabay nun ang pagtalon niya dahil nagsimula nang tumugtog ng malakas na kanta nila na kinababaliwan ng lahat. Kahit saan ka magpunta naririnig mo ang kantang gawa nila.
Kahit pa hindi si Heron ang nakikita naming kumakanta ngayon. Halos magwala na kaming lahat dahil sa ganda ng boses ni Jehovah. He is really handsome. Nagwawala na ang puso ko. Kung nasaan man si Heron ngayon. Siguro sisipot iyon.
Sinabayan ko ang kanta niya at itinaas taas ko pa ang dalawa kong kamay. Nagkagulo na ang lahat ng tao dahil sa biglang pag-entrance ng kantang 'Somebody that I used you' It's a rock song na kinanta ngayon ni Jeho. Para na kaming mababaliw sa pagkanta niya.
Dahil sa pag talon-talon ko at pagsabay sa pag kanta ni Jeho 'di ko namalayang nasa harapan na ako ng stage at naka tingin siya sakin habang patuloy paring kumakanta.
Bigla niya akong kinindatan kaya halos huminto ang mundo ko at ang mga tao sa paligid namin para bang kami lang dalawa ni Jeho ang nasa paligid.
Tinaggal niya ang tingin niya sakin at ngumiti siya doon sa buong crowd. Winagayway niya ang kamay sabay kanta nung choros.
Totoo ba ang nakikita ko? Oh my! Napansin ako sa aking iniidolo at ang mas grabe sa lahat kinindatan niya ako.
Nang matapos ang pagkanta nila. Namatay lahat ng ilaw. May introduction number pang sasalo sa concert nila habang nag-prepare sila sa back stage. Kaya naman nagpaalam muna ako kay insan na maiwan ko muna siya VIP sit para maghanap ng comfort room. Gusto kong umihi muna. Masiyado pa akong kinilig kay Jeho kanina. Pakiramdam ko tuloy, today is my lucky day. Ang sarap pala sa feeling na kinindatan ng iniidolo mong tao. Naiihi tuloy ako sa kilig.
Naghanap ako ng comfort room. Nahanap ko naman agad pero sa dami ng taong nakapila roon. Mukhang aabutin pa ako ng siyam-siyam sa paghihintay sa trono ko.
Lumihis ako ng daan. Lumiko ako sa isang pasilyo. Hindi ko alam kung anong lagusan ito. Basta kapag makakahanap lang ako ng isang room na puwede akong umihi roon papasok talaga ako. Narinig ko pa naman sa Dj na in five minutes magsisimula na ulit ang concert.
May nakita akong isang pintuan. Isang VIP guest ang nabasa ko sa labas ng pintuan. Agad akong pumasok sa loob. Madilim pero naaninag ko ang loob. Isang kwarto iyon. May nakita akong pintuan kaya agad ko iyong nilapitan.
"Comfort room yata ito."
Hindi nga ako nagkamali dahil pagpasok ko pa lang nakita ko agad ang inidoro. Agad akong naglabas ng likido na kanina ko pa pinigilan. Pagkatapos ko sa ginagawa. Agad kong binuksan ang pintuan. Nang may narinig akong papasok ng kwarto. Sinirado ko pabalik ang pinto. Natatakot na mahuli. Nilagyan ko lang ng siwang para makita kung sino ang taong nagmadaling pumasok.
"Kuya...How can we resolve this? We need to stop this concert as soon as possible."
"Damn it! I am thinking what can I do to stop this."
"Paano? In just five minutes magisismula na. Alam kong hahanapin nila si Herondale. I can't stand singing alone in this whole Arena. Nakita mo ang disappointment ng mga tao noong ako ang kumanta sa stage? They keep on changing Herondale's name. Hindi puwede ako ang kakanta roon ng mag-isa."
"Hindi ba talaga siya makakapunta ngayon? Darn it! This is your fault. Pinapaalis mo pa kasi!"
"Hindi siya makakapunta. Magkasama sila ni Roshana ngayon. Hinatid ko sila sa terminal kanina. That's fvcking far. Imposibleng makakapunta pa iyon sa concert niya."
"Tangina! This is your plan asshole. Bakit ako ang dinadamay mo sa concert niyo."
"Because I know you can help me out of here."
Napatakip na lang ako sa bibig dahil si Jeho itong may kausap na lalaki. Nakatalikod ang lalaking kausap niya kaya hindi ko makita, pero sa pagkakaalam ko. Base sa pag-uusap ng dalawa mukhang kapatid niya ito. Tinatawag niyang kuya at mukhang galit na galit siya kay Jehovah.
And what I have heard? Hindi makakapunta si Herondale sa concert? Umaalis ito? Bakit saan ba siya? Di ba Roshana ang pangalan ng kapatid nilang babae? Don't tell me, nagtanan ang dalawa?
Nanlaki ang mata ko. What happened now? Mukhang hinahanap pa naman ng mga tao si Herondale. Kahit pa sabihin nating kumanta si Jeho doon sa stage pero ang hinihintay ng lahat si Heron na vocalist nila.
"I don't know, Jehovah! You give me an headache. Hindi ko alam kung paano kita matutulungan sa problema mong ito. Bakit mo pa kasi pinaalis ang taong iyon? Alam mo namang kailangan si Herondale sa concert na ito. Sa mismong araw pa talaga ng concert mo siya pinapaalis," problemadong sabi nung kuya niya. Tanging itim na jacket lang ang nakikita ko at ang likod niya. I want to see his face pero mukhang malabo. Sa nasilip ko sa kanya, puno siya ng mga alahas sa kamay at palapulsuhan. Mamahalin ang relong suot at nagkislapan ang singsing niya. May nakita rin akong suot niyang diamond earrings. Puno siya ng mga alahas.
"Ano pa ba ang magagawa ko? Ngayon din ang alis ng bunsong kapatid natin papuntang Hawaii. This is her request."
"Damn shut up! Don't give me an explanation. Sige na...Lumabas ka na. Sing another song on that stage, then I will make scene to stop this concert," sabi nung lalaki.
"Paano kuya Rohan?" tanong ni Jeho.
Rohan? Si Rohan? Ang kapatid niyang puno ng alahas at adik sa mga kagamitan. 'Di ba siya iyong pang-apat na panganay nila kung hindi ako nagkakamali? He is a top model in Asia. Maraming nagsabi na kaliwa-kaliwa ang naging babae niya at isang bad boy. Hindi ko akalaing masaksihan kong magkausap silang dalawa ngayon. I want to see his face. But how? Palagi lang siyang nakatalikod sa puwesto ko.
"I'll take care everything. Pag-iiisipan ko muna. For now...you need to go out. Face those people in the crowd."
"Okay kuya Rohan. Ito na ang huling pabor na hihingin ko sa'yo."
Sinunod ni Jeho ang utos ng kuya niya. Lumabas na ito at naiwan iyong Rohan sa silid. Gusto ko ng lumabas ng room na iyon dahil narinig ko na ang tugtog sa labas, hudyat na nagsisimula ng kumanta si Jeho sa stage.
Naghintay akong lumabas si Rohan sa silid pero paano ko magagawa iyon kung naka-upo lang siya sa kama. Ginugulo ang buhok. Ilang sandali pa tumunog ang cellphone niya. Lumabas siya ng kwarto para doon sa labas sagutin ang tawag.
Kabang-kaba naman ako habang palabas ng palikuran. Pagkapunta ko sa pinto, pinakinggan ko kung may tao ba sa labas, pero wala na akong narinig. Tanging boses ni Jeho na kumakanta ang umaalingawngaw roon.
"Naku naman! Nahuhuli na ako sa concert. Nag-start na! Hindi pa ako nakahingi ng autograph kay Jeho dahil nasa loob ang kuya niya. Isa pa, natatakot rin akong mahuli nila ako sa loob," bulong-bulong ko.
Pagkabukas ko sa pintuan. May bumungad sa aking lalaki na kausap ni Jeho kanina. Mukhang inaabangan niya ang paglabas ko ng kwarto. Seryoso ang kanyang mukhang nakatingin sa akin.
Nanlambot ang tuhod ko sa takot, lalo na't magtitigan kami sa green niyang mata.
"What are you doing in this VIP room, Miss?" madilim niyang wika.
Agad akong nakaramdam ng pagkabalisa dahil nahuli ako ng kapatid ni Jeho. Hindi ko akalain na nakakatakot pala siya sa personal. Sa mga magazines ko lang siya nakikita pero ngayong nasa harapan ko na siya nakatayo at mas klaro sa akin ang mukha niya. Halos malusaw ako sa pagtitig niya lang sa akin mula ulo hanggang paa.
"H-hello...Umihi lang ako," natataranta kong sabi. "P-padaan po...Nagsisimula na ang concert
Yumuko ako para makadaan ako. Hinayaan niya naman akong malagpasan siya ngunit sa isang hakbang ko pa lang. Mabilis na niyang hinawakan ang kamay ko.
"What do you think you are doing? You are trespasser here. Do you think, ibabalewala ko lang ang pagpasok mo rito? This is my guest room, Miss."
Nanginginig na talaga ang binti ko. Gusto ko ng sumigaw sa takot sa kanya. Binalingan ko siya at tinitigan sa mata. Nakakapaso ang kulay berde niyang mata. Ang hirap makipagpantayan ng titig gayong dobleng kaba na ang naramdaman ko.
"Naiihi na kasi ako...Naghahanap ako ng comf----"
"Do you hear it all?" sa puntong ito nagtagis ang kanyang bagang. Humigpit rin ang kapit niya sa braso ko. Agad akong napangiwi. Why it looks like, he is a very dangerous man for me. Ang sabi nila, mabait siyang tao pero bakit nakakatakot ang aura niya ngayon.
"P-po? Ang alin ang narinig ko?"nagugulahan kong tanong.
"Don't be so stupid, Miss. I know you heard what we've been talking in that damn room."
"Iyong hindi pagsipot ni Heron sa concert ba? Oo narinig ko. Ano naman ngayon?" kunot noong tanong ko. "Let me go, Mister. Kahit kapatid ka pa ni Jeho. Hindi ako natatakot sa'yo. Saka hindi ko naman sinasadyang makinig. Lalabas na sana ako roon pero pumasok kayo. Alangan naman lalabas ako agad. Baka mahuli niyo pa ako."
Nilihis niya ang ulo sa kabila para mas lalo akong matingnan nang mariin. Nakita ko ang nakakatakot niyang ngisi na ngayon lang ako kinalibutan.
"Whatever your reason is...You must pay for it. Ang ayaw ko sa lahat iyong mga taong nakikinig sa may usapan ng iba. Do me a favor. And I will let you go."
"A-Anong pinagsasabi mo. Bitawan mo nga ako!" pilit kong inagaw ang braso ko kaso mas humigpit lang ang kapit niya lalo, napadaing na nga ako sa sakit.
"Not! Unless...If you pay... Come with me, let's stop this fvcking concert."
Kinaladkad niya ako sa isang pasilyo na walang tao. Habang hila-hila niya ako, mas lalo kaming lumalapit sa stage kung saan naririnig ko ang boses ni Jeho na kumakanta.
May nilapitan siyang isang breaker at itinaas niya iyon. Kasabay ng pagdilim ng paligid. Nakaramdam na ako ng takot, lalo na't wala akong makita. Nawala rin ang boses ni Jeho. Biglang tumahimik ang paligid.
"H-Hoy! S-Saan tayo?" takot kong tanong.
Hindi ko siya narinig magsalita. Galing sa braso kong hawak niya dumadaosdos ito sa kamay ko at naglakad pa kami. I felt my heart skip a bit nang mahawakan niya ang kamay ko.
Pilit kong inagaw pero hindi niya hinayaan. Ang dilim talaga at nagkagulo na ang mga tao sa gawas at loob. Nagsisigawan kung bakit nawala ang tugtog.
Ilang sandali kaming naglalakad. Nangangapa naman ako sa daraanan. Bago kami huminto sa hindi ko alam kung saan. May nakita akong mga flashlights ng tao sa paligid namin.
"Saan tay----"
"Shh...Just wait."
Nilagay niya ang daliri sa labi ko. Kasabay nun ang pagbalik ng ilaw sa paligid. Inikot ko ang tingin sa loob ng Arena. Halos manlaki ang mata ko nang nasa stage na kaming dalawa at nakatingin sa amin ang lahat ng tao.
Hindi ako makapagsalita. Lalo na't si Rohan nakatitig sa akin nang mariin. Kaming dalawa lang ang nasa spot light.
Ilang sandali niya akong tinitigan bago niya kinabig ang batok ko para mahalikan. And there, because of this scene. It all started from everything. Dito na pala susubukin ang buhay ko sa isang halik niya lang sa akin sa harapan mismo ng maraming tao.