Nagmukmuk lang ako sa kuwarto ko, hindi ko kayang lumabas lalo na't alam kong hindi kami okay ni Rohan o baka ako lang ang hindi okay? Mukhang wala naman siyang pakealam sa nararamdam ko. Maski tanongin ako kung okay lang ba ako o maski mag-sorry sa nagawa niyang pagsita sa akin kanina sa harapan nina Aling Cynthia, hindi niya ginawa. Ilang oras na yata akong nagmukmuk sa kuwarto, iniisip kong ano ba ang mali ko? Bakit ganito na lang kalakas itong sarili kong magtampo sa nangyari. Hindi ko kasi matanggap na para akong batang paslit kung ituring ni Rohan kanina. Naka-ilang buntong hininga na yata ako habang nakatanaw sa maaliwalas na karagatan sa bintana. Gusto kong mag-relax ngunit halata naman sa akin ang pag-overthink. Nang wala naman akong mapala sa pagtingin ko sa karagatan.