Chapter 5 - Wrong Room
"Anak, gising" I woke up with the voice of my Mom. They have a spare key so nakapasok sila.
I sat up on the bed and looked at them with sleepy eyes.
"Good morning, here are your car keys, I forgot to give you last night. Sa C-1 area of the parking lot dineliver yung sasakyan mo." Dad handed me the key.
"Thanks Dad, but I do not need it you know? I can just commute" I just already got my license last month, pero kaya ko naman kasing mag-commute papuntang school o sa mall.
"Just take it hija, you can use it especially if may emergency"
"We have to go now, kaya mo na dito?" tanong ni Mommy.
"Yes mom."
"If you need anything, call us, or you can call your Ninang, alright?" ani ni Mommy
"Opo. wag po kayong mag-alala, kaya ko na po. Sige na po baka matagalan kayo sa biyahe at ma-traffic"
They hugged me before leaving. I lay back on my bed and slept more coz it is still 5:30 in the morning and got nothing to do.
My phone alarmed signaling that it is already 10 in the morning. I got out of bed and went straight to the kitchen. I reheated the adobo and made a sandwich, I did not bother cooking rice anymore yung sandwich at adobo nalang kakainin ko.
Nagbasa lang ako ng libro buong maghapon at nanood ng movies sa laptop. Di rin naman ako makagala kasi di ko rin naman alam kung saan ako pupunta o tinatamad lang talaga akong lumabas. Lagi naman.
The next day, Sunday at ganon lang din, di ako lumabas since wala rin naman akong gagawin sa labas, inayyos ko nalang yung mga gamit ko sa school, yung uniform namin wala pa kasi ang sabi e magpapalit daw ata sila ng design at next month daw mare-release ang uniforms, and we first year students are the only ones allowed for now to enter the Uni (university) nang hindi naka uniporme.
Monday came and I just wore a simple white tee shirt attight dark jeans at isang pares ng puting sneakers habang hinayaan ko nalang muna nakalugay ang aking buhok dahil medyo basa pa ito at hindi pa natuyo ng maayos kahit na gumamit na ako kanina ng hair dryer. Kinuha ko ang aking bag at tinignan ulit ang mga gamit kong nasa loob nito, to double check kung nakuha ko ba lahat ng kailangan sa first day at wala akong nakalimutan. Nakakahiya naman ata kasing humingi ng papel sa unang araw ng klase diba. Kapag medyo tumagal tagal na, siguro pwede na pag ganon. Tho hindi na pala ata siguro ginagawa yun sa kolehiyo, ngunit hindi naman natin maiiwasan minsan na mawalan tayo ng papel, at marami namang mababait diyan na handang magbigay. Lol.
I am now outside of the condominium building nahihintay ng tricycle o jeep na dumaan. Mabigat ang daloy ng trapiko ngayon dahil sa pagsasabay sabay ng mga sasakyan sa pagpasok sa trabaho o pag pick up ng mga pasahero ng mga pampublikong sasakyan. Mausok, hindi gaya sa pinanggalingan kong probinsiya, although ganito rin naman ang sitwasyon sa lungsod doon, pero ako kasi hindi ako masyadong namamasyal sa lungsod, kundi mas pinipili kong manatili sa natural na lugar, kung saan mas malinis ang hangin at mas peaceful anf paligid.
Mahirap makakuha ng sasakyan, lalo na ng jeep dahil punuan ang mga ito, at halos lahat ng mga pasahero ay mga estudyante o mga nagtatrabaho sa mga opisina at hospital.
Naghintay pa ako ng ilang minuto, sinusubukang makipag unahan sa iba pang estudyante sa pagkuha ng tricycle, ngunit sadyang bago lang talga ata ako dito dahil nauunahan parin ako ng ilang mga estudayante at mga ale na nagmamadali rin kung saan man sila papunta.
Pumara ako ng isang tricycle at sinabi ko ang Uni. 8am ang first class ko buti nalang at hindi sobrang aga, ang hirap ko pa namang magising. Pero siguro sa susunod mas aagahan ko pa para mas madaling makakuha ng masasakyan, lalo na at isapa ay mabigat ang trapiko, na kahit naman na may nakuha na akong masakyan papuntang Uni., ang trapiko naman ngayon ang kalaban. I sa pa sa mga nagpapabagal sa daloy ng mga sasayan sa kalsada ay yung mga nag ja-jaywalking, may pedestrian lane na nga sa malapit lang na bahagi ng kalssada hindi pa pumunta roon, tapos kung nasagasaan sila, magrereklamo.
Pagkarating ko sa eskwelahan ay may ilang minutopa ako bago magsimula ang klase, dito sa entrance ay medyo mahaba rin ang pila ng mga estudyante dahil chinecheck pa isa isa ng guard ang mga bags ng mga estudyante pati narin ang enrolment slip at school identification card kung meron man dahil since first day palang naman, may mga mangilan ngilan pa na walang identification card dahil hindi pa naiissue ng school.
Nang turn ko na ay ipinakita ko sa kanila ang aking enrolment slip at pinapasok naman na nila ako matapos i-check ang loob ng aking bag.
Pagtungtong ko sa loob ng campus, saka ko lang na realize na hindi pa pala ako pamilyar sa lugar at sa mga building rito dahil hindi talga ako nakapag libot noon,
15 minutes before my first class starts and I can't find where the room N-302 is. Dapat pala hinanap ko na mga rooms ko after kong nakuha yung sched. D--mn I'm bad at directions. 5 minutes more. Nagtanong ako sa estudyanteng nakasalubong ko at itinuro niya ang building sa west.
"Doon po, unang room sa pangalawang floor po... ata" sabi ng babae
'ata' so she is not sure? Nagpasalamat ako at tinungo ang direksyon na tinuro niya, puntahan ko nalang baka tama yung sinabi. When I entered the first floor I saw a sign bearing words Nursing Building.
So tama nga. Ayos!
I looked at my watch, 3 minutes. Umakyat na ako sa second floor at pumasok sa unang room, ayokong ma-late sa unang araw ko. I opened the door and stepped inside, I roamed my eyes around the room to find a vacant seat, and everyone is wearing a white uniform
And everyone was staring at me