Chapter 5

2583 Words
Past "Anong nangyayari dito?" Sabay-sabay na napatingin ang tatlo sa taong kakapasok lang ng kwarto at naka-kunot ang noo. Hindi alam ni Father kung ano ang dapat na maging reaksiyon niya ng makita niya ang alaga nila na masigla at parang hindi man lang kagagaling lang sa sakit. "Father,"sabay-sabay na saad ng tatlo at yumuko. Lumapit naman ang padre kay Kori at hinawakan ang noo nito. Halos mamangha ito nang hindi na ito kasing init kanina. "Totoo nga na nagkaroon ka ng healing magic,"saad ng padre at ngumiti, hinawakan naman nito sa magkabilang balikat si Kori at tinignan sa mata, "Ano ngayon ang plano mo?" Ngumiti lang si Kori at tinignan ang kaniyang kaibigan na naka-yuko lang sa sahig, malungkot ang kaniyang nararamdaman sapagkat alam nito na mawawalan na ng oras silang dalawa. "Gusto ko po mag-ensayo kung paano gamitin ang kapangyarihan ko,"tugon ni Kori, "Upang matulungan ko po ang mga taong may sakit sa bayan natin." Sabay-sabay na napatingin ang mga tao na nasa loob ng kwarto kay Kori na ngayon ay naka-ngiti lang na nakatingin sa mga mata ni Father, habang si Father naman ay napanatag ang loob nito sa kadahilanan na hindi mapupunta sa kasamaan ang kapangyarihan na binigay ng kanilang panginoon. "Kung gayon ay matutulungan ka ni Sister Mayeth,"ani ng padre at bahagyang umatras upang mag-bigay ng distansiya sa pagitan nilang dalawa. Hindi naman nagtagal ay pumasok si Sister Mayeth sa kwarto ni Kori, isa 'tong madre na biniyayaan din ng kapangyarihan ng tubig noong bago pa lang ito sa simbahan. Si Sister Mayeth ay isang malamya at mahiyaing madre. Kung kaya ay nang pumasok ito sa kwarto, hindi na nakaka-gulat na muntikan itong madapa. Inalalayan naman ito ni Sister Jai, na agad naman nag-pasalamat ang madre. "Ngayon ko lang siya nakita,"bulong ni Tine habang nakatingin lang sa madre. "Mabait 'yan si Sister,"tugon ni Kori, "Masiyado nga lang malamya." "Alam ko na magka-kilala na kayo ni Sister Mayeth, Kori,"ani ng Pari, "Ngunit hindi mo pa alam na mayroong kapangyarihan itong si Sister, hindi ba?" Tumango naman si Kori at tinignan si Sister, ngunit ang madre ay ayaw nitong salubungina ng paningin ng dalaga at nanatili lang itong naka-yuko. "Turuan niyo po ako ng mabuti Sister,"saad ni Kori at yumuko sa madre, agad naman nitong iwinagayway ang kamay sa harap nito. "H-huwag, hindi mo na kailangan gumanyan,"nau-utal na sabi ni Sister Mayeth. Namumula ang mga pisngi nito at nahihirapan na panatilihin ang paningin kay Kori. Napalingon naman si Kori sa Father na nagtataka, ngunit ngumiti lang ito at tumango. Hinawakan ni Father ang balikat ni Sister Mayeth at sinenyasan na pwede na itong umalis. Naiwan na naman silang lima sa loob ng kwarto ni Kori. "Paano niya po ako matuturuan kung ganoon po siya lagi?" Nagtatakang tanong Kori at umupo sa kaniyang kama. "Hayaan mo na at ganoon talaga iyon, ngunit sa oras na masanay iyon sa'yo ay magiging komportable na rin ang pag-uusap niyo." Paliwanag ng pari. Tumango lamang si Kori at napa-buntong hininga. Namayani ang mahabang katahimikan sa pagitan nilang lahat. Seryoso lamang na nakatingin si Father kay Kori sapagkat hindi pa rin mawala sa pala-isipan ng pari kung paano nagkaroon ng kapangyarihan si Kori. Alam naman nito na bukod sa biniyayaan ito ng kapangyarihan ay maaring dahil ito sa kaniyang pamilya, ngunit paano naman masasagot ang kanilang katanungan kung hindi naman nila alam kung saan galing si Kori at kung sino ang mga magulang nito. Ilang taon na silang naghahanap ng possibleng pamilya na nawalan ng anak ngunit wala pa rin silang balita.  "Father,"sambit ni Kori at napatingin sa bintana. "Bakit Anak?" Tanong ng Pari. "Paano po ba ako nagkaroon ng kapangyarihan?"  Natahimik naman ang pari saglit sapagkat hindi rin nito alam kung ano ang dapat niyang isagot sa tanong ng kanilang alaga. Kahit sila ay hindi nila alam kung dahil biyaya lang ba talaga ito o nasa dugo na ni Kori. "Iyan ay hindi ko pa masasagot anak,"tugon ng pari at kumuha ng upuan at umupo. Lumapit naman si Tine sa madre at sinenyasan itong lumabas, tumango lang si Sister Kara at nagpa-alam na sa pari.  Nang tuluyan ng makalabas ang dalawa ay nanatili pa ring tahimik si Father atsaka si Kori. Hinihintay kung sino man ang may balak magsalita, "Bakit naman ganoon father?" Tanong ni Kori, "Hindi ko na nga po alam kung sino ang totoong magulang ko tapos ito pa po ang mangyayari? Isa ako sa mga huling pinanganak?" "Isang biyaya iyan anak,"saad ng pari, "Oo nga at hindi pa natin alam kung sino ang tunay mong mga magulang ngunit kung hindi dahil doon ay hindi mo naman kami makikilala. Lahat ng dumarating ay may rason, lahat ng mga nangyayari ay may patutunguhan, at naaayon ang lahat ng ito sa plano ng maykapal para sa atin. Hindi ko man masagot kung dahil ba biyaya itong binigay ng panginoon natin dahil napaka-bait mo, o dahil nasa dugo mo na talaga ang maging isang healer." "Ngunit ayaw ko po magkaroon ng kapangyariha,"saad ni Kori, "Oo nga po at makakatulong ako sa kapwa ngunit kailangan ko pong tumanggap ng trabaho sa Guild sa bayan upang kumita ng pera, upang magka-pera sila." Natahimik naman ang pari dahil naiintindihan na nito ang nararamdaman ng kaniyang alaga. Hindi sa ayaw nitong magkaroon ng kapangyariha, sadyang ayaw lang niyang gamitin ito para sa benepsiyo ng guild ng bayan.  Tumayo ang pari sa kaniyang upuan at tumabi kay Kori. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo anak, ngunit hindi mo naman kailangan mag-rehistro sa guild dahil lang may kapangyarihan ka." Paliwanag ng Pari, napatingin naman itong si Kori sa kaniya na nagtataka. "Ano po ba ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Kori. "Nasa kamay ka ng simbahan, tignan mo nga si Sister Mayeth. Hindi ba at hindi siya nagta-trabaho sa guild? Dahil may kapangyarihan din ang simbahan na magdesisyon para sa isang tao." Paliwanag ng Pari. "Ibig mo po bang sabihin ay hindi ko na kailangan magtrabaho sa kanila at depende na lang sa akin kung ano ang gagawin ko sa aking kapangyarihan?" Tanong ni Kori, tumango naman ang pari at ngumiti. "Isa pa, marami ang saksi sa pagtulong mo sa anak ni Sarya kung kaya ay napaka-impossible na papayag ang mga 'yon na mag-rehistro ka sa guild na 'yon,"saad ng Pari. "Tulong po? Ano ang ibig mo pong sabihin?" Tanong ni Kori. "Wala ka bang naalala?" Tanong ng pari na halatang gulat ito sa kaniyang nalaman. "Wala po eh, nagtataka nga ako kung paano ako nagkaroon ng sakit."  "Wala ka bang naalala noong pumunta ka sa palengke?"  "Mayro'n pero pagkatapos no'n ay wala na,"tugon ni Kori. "Ganoon ba." Kunot pa rin ang noo ng pari sapagkat ngayon lang ito nangyari, "Normal lang po 'yan Father."  Sabay-sabay na napalingon naman si Kori at Father sa taong pumasok sa kwarto ni Kori at nakangiti. Unti-unti nitong sinarado ang pinto at lumapit sa kanila pagkatapos. "Ano ang ibig mong sabihin Sister Mayeth?" Tanong ni Father. Ngumiti naman ang madre at hinila ang upuan. Dinala niya ito sa harap ng dalawa at umayos ng pagkaka-upo. "Normal lang ang mawalan ng memorya bago na gising ang kaniyang kapangyarihan." "Paano mo naman na sabi? Hindi ba at hindi naman ito nangyari sa iyo?" Tanong ng pari, umiling lamang si Sister Mayeth at hinawakan ang kamay ni Kori. "Huwag kang mag-alala, tuturuan kita sa mga nalalaman ko. Hindi ko nga lang masisigurado na lahat talaga patungkol sa kapangyarihan mo ay matuturo ko sapagkat magka-iba naman tayo, ngunit pinapangako ko na hindi tayo titigil hangga't hindi mo makukuha ang basics. Lahat ng mahika ay magsisimula sa pinaka-una, kung hindi mo iyon alam ay maaring bumalik ang epekto nito sa katawan mo." Paliwanag ng Madre. "Babalik po sa katawan ko?" Tanong ni Kori. "Oo, kapag hindi mo alam ang pangunahing gagawin sa mahika at dumeritso ka sa pinaka-mahirap ay possibleng magkaroon ka ng komplikasyon sa pag-kontrol nito at maaring malagay sa alanganin ang katawan mo. May kakilala na akong pinilit na gamitin ang pinaka-mahirap ng teknik at ang naging resulta ay hindi na ito nakakalakad. Hindi na rin siya pwedeng gumamit ng mahika sapagkat maaring ikamatay na niya ito." Halos nakaramdam naman ng takot si Kori sa kaniyang narinig. Nagdadalawang isip na rin siya kung ipagpapatuloy pa niya ang pag-eensayo sa kaniyang kapangyarihan o hindi. "Ngunit huwag kang mag-alala, nandito naman ako upang gabayan ka. Bukas na lang tayo magsimula sa pag-eensayo at sisiguraduhin ko na walang basics ang hindi mo malalaman." Saad nito at ngumiti sa kaniya. "Salamat po Sister Mayeth,"sambit ni Kori at ngumiti. Kahit labis ang takot na kaniyang nararamdaman ngunit gumaan naman ito dahil sa mga sinabi ni Sister Mayeth. Nakangiti lang na nakikinig si Father at hinintay kung kailan sila matatapos upang mabigyan ng eksplinasyon si Kori sa nangyari bago siya nawalan ng malay at bago ito magkaroon ng mahika. "Ngunit bago po iyon ay paano po talaga ako nagkaroon ng kapangyarihan? At ano po ba ang nakalimutan ko at sino ba 'yong sinasabi ni Father na natulungan ko?" Tanong ni Kori rito, ngumiti lamang si Sister Mayeth kay Kori at tinignan si Father. "Hayaan natin na si Father ang magpaliwanag, dahil kahit ako hindi ko alam kung ano ang nangyari,"saad ni Sister Mayeth at binitawan na ang kamay ni Kori. Tumikhim naman si Father at umayos ng upo, "Hindi ba at naalala mo na pumunta ka ng palengke?" Tanong ni Father, tumango naman si Kori sa kaniya. "Sa araw na pumunta ka roon ay nagkaroon ng sunog sa bahay nila Sarya. Isa sa mga taong namumuhay sa bayan. Hindi sa maipaliwanag na dahilan ay bigla na lang may sumabog sa bahay nila na naging dahilan ng sunog, sakto naman na naroroon ka. Nakalabas na ang lahat sa kanila bukod na lang sa isang anak ni Sarya. Nakita mo itong nahihirapan lumabas ng bahaya dahil sunog na ang balat nito, sa tuwing hahawakan mo ang kaniyang braso ay dadaing ito sa tindi ng sakit na kaniyang nararamdaman. Ngunit ayon sa mga nakakakita, bigla mo na lang raw pinikit ang mga mata mo at hinaplos ang balat nitong nasusunog. Ilang sandali pa ay unti-unti ng nawala ang sugat ng batang iyon at kasabay nito ang pagkahimatay mo." Paliwanag ng Pari at tumingin sa kaniya, "Gulat ang mga tao dahil ngayon lang sila nakakita ng taong may kapangyarihan na katulad mo. Isang kapangyarihan na makakapag-pagaling ng sakit ng kahit sino."  "Masama po ba?" Tanong ni Kori. "Anong ibig mong sabihin na masama Kori?" Tanong ni Sister Mayeth. "Hindi ba at ngayon lang po nagkaroon ng ganitong kapangyarihan na katulad ko sa bayan? Masama po ba?"  "Hindi naman, sa katunayan nga ay lubos ang kasiyahan namin na malaman na may kapangyarihan ka na makapagpagaling ng mga tao, ngunit nasa iyo na 'yan kung ano ang plano mo sa kapangyarihan mo." Sabi ni Father at ngumiti sa nag-aalalang Kori. "Gusto ko po tumulong sa mga taong may sakit,"sabi ni Kori at tinignan si Father at Sister Mayeth. "Gusto ko po na mag-ensayo at makatulong sa mga taong nangangailangan. Alam ko po kung ilang tao na ang namatay sa bayan natin dahil sa hindi sila nabibigyan ng gamot o naagapan, gusto ko po maging katulad ni Doktora Jing." Paliwanag ni Kori. "Doktora Jing?" Nagtatakang tanong nang pari. "Opo, ginagamot niya po ang mga tao sa ating bayan na libre. Gusto lang niya makatulong sa lahat ng tao kaya niya ito ginagawa. Hindi ba at napaka-gaan sa loob kapag may natulungan kang kapwa?" Tanong ni Kori, tumango naman si Father at si Sister Mayeth. "Kung kaya po ay napagdesisyunan ko na tumulong sa mga tao dito sa bayan, gusto ko pong magtayo ng maliit ng klinika dito sa gilid ng ating simbahan at doon gaganapin ang paggagamot ko kapag marunong na po ako gumamit ng kapangyarihan ko. Kapag nahasa ko na po kung paano ito gamitin sa tamang paraan, at pagkatapos, kapag naging dalawapu't isang taong gulang na ako ay gusto ko maglakbay patungo sa iba pang bayan upang bigyan lunas ang mga taong nangangailangan katulad ni Doktor Jing." Paliwanag ni Kori at ngumiti sa kanilang dalawa. Napangiti naman ang mga ito sa kaniya at tumango. "Kung iyan ang gusto mo ay susuportahan kita." Ani ni Father. "Sa ngayon ay magpahinga ka muna at bukas na bukas din, magsisimula ka ng mag-ensayo." Tuluyan ng tumayo si Father at si Sister Mayeth, hinatid niya muna ito hanggang sa pinto ng kwarto niya at yumuko. "Salamat po sa oras niyo, aasahan niyo po na gagamitin ko sa tama ang kapangyarihan na binigay sa akin." Saad ni Kori at ngumiti. "Alam ko iyon, sigurado ako na gagamitin mo iyan sa tama. Sapagkat napakabait mong bata ka at alam ko na wala kang gagawin na makakasama sa iyong kapwa." Tugon ng pari at ngumiti, "Oh siya at magpahinga ka na, ngunit kung gusto mo pang makipag-usap sa iyong kaibigan ay huwag lang kayo masiyadong magpa-gabi." Umalis na si Father kasama si Sister Mayeth, kung kaya ay bumalik na si Kori sa kaniyang higaan. Pumasok naman ang kaniyang kaibigan na si Tine na kanina pa naghihintay sa labas. "Ano pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Tine sa kaniya at tumabi sa kaniyang kama. "Mukhang sobrang seryoso ninyo ah? Napaka-tagal niyo ba naman matapos." "Wala lang naman, patungkol lang sa nakalimutan kong memorya." Saad ni Kori at tinignan ang kaniyang kaibigan na ngayon ay nakatingin na rin sa kaniya. "Anong nakalimutan na memorya? Kilala mo pa ba ako?" Gulat na tanong ni Tine at hinawakan ang pisngi ni Kori, tinulak naman ni Kori ang noo nito at inirapan. "Umayos ka nga, alam mo naman kung ano ang tinutukoy ko. Rinig mo naman ang usapan namin dito sa loob ng kwarto,"tugon ni Kori. "Kahit na gusto ko lang malaman kung ano talaga pinag-uusapan niyo." Napa-buntong hiniga naman si Kori at tumingin sa kisame ng kaniyang kwarto. "Kinausap lang nila ako tungkol sa kapangyarihan ko. Gusto lang nila malaman kung saan ko ito gagamitin at kung ano ang plano ko." "Ano nga ba ang plano mo? Hindi ba at sinabi mo na tutulungan mo ang mga tao sa bayan? Iyon lang ba talaga lahat?" Umiling naman si Kori at humarap sa kaniyang kaibigan. "Gusto ko mag-ensayo upang mahasa ko ang paggamit ng kapangyarihan ko, pagkatapos ay magtatayo ako ng isang klinika dito sa gilid ng simbahan upang doon gawin ang pagpapagamot, pagkatapos ay kapag tumungtong na ako ng dalawapu't isang taon ay gusto ko maglakbay sa ibang bayan. Gusto ko rin tulungan ang mga tao roon." Paliwanag ni Kori. Bigla naman nakaramdam ng lungkot ang kaniyang kaibigan. Sapagkat ay iiwan na naman siya nito ni Kori at maiiwan na na lang siya na mag-isa. Namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Tahimik lamang si Kori na ibinalik ang paningin sa kisame at nag-iisip sa posibleng gawin nila ni Tine. "Gusto mo ba sumama Tine?" Tanong ni Kori. "Sumama saan?" Tanong ni Tine. "Saan pa ba? Siyempre sa paglalakbay ko,"paliwanag nito. Nakaramdam naman ng saya at galak si Tine dahil sa imbitasyon ni Kori ngunit naalala nito na kung sasama siya sa kaniyang kaibigan ay walang mag-aalaga sa kaniyang ina. "Gusto ko sana,"saad ni Tine. "Ngunit ayaw mong iwan si Nanay, hindi ba?" Dugtong ni Kori rito. Nanay na ang tawag ni Kori sa ina ni Tine sapagkat simula bata pa lamang ay magkasama na ang dalawa at parang tunay na magkapatid na ang mga ito. "Oo." "Okay lang 'yan, babalik din naman ako dito." Pagkatapos no'n ay hindi na muling nagsalita ang dalawa hanggang sa magkatabi na itong nakatulog sa kama ni Kori.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD