Chapter 4

3000 Words
Past Iminulat ni Kori ang kaniyang mga mata ng matamaan ito ng sinag ng araw mula sa bintana ng kaniyang kwarto. Masiyadong masakit ang katawan niya sa hindi niya malaman na dahilan, tila ba na hulog siya mula sa isang puno. "Aray." Daing ni Kori ng pilit nitong tumayo sa kaniyang pagkaka-higa. Hawak-hawak nito ang kaniyang ulo gamit ang isa nitong kamay habang ang isa naman ay naka-tukod sa kaniyang malambot na kama. Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok ang madre ng simbahan na nag-aalaga kay Kori simula pa noong bata pa siya. "Gising ka na pala,"saad nito at inilagay ang dala-dala niyang mga pagkain sa gilid ng higaan ni Kori. Nag-aalalang kinuha nito ang isang bimpo sa gilid at piniga upang ilagay ito sa noo ng kaniyang alaga. "Huwag ka muna tumayo,"sabi ng madre, "Magpahinga ka muna riyan, masiyadong mataas ang lagnat mo." Kunot-noong hinayaan lang nito ang madre sa pag-gabay sa kaniya pabalik sa pagkakahiga. Hindi pa rin nito kayang tuluyang ibuka ang kaniyang mga mata dahil sa sakit ng kaniyang ulo. "Ano po ba ang nangyari?" Tanong ni Kori at mina-masahe na ngayon ang kaniyang ulo. "Mamaya ko na sasabihin sa iyo ang buong pangyayari. Sa ngayon ay magpahinga ka na muna." Tugon ng kaniyang kasama. Hindi na lang umimik si Kori at pilit na matulog muli, ngunit kahit anong gawin nito ay sobrang sakit talaga ng kaniyang ulo at tila ba may gustong lumabas sa kaniyang katawan na hindi niya malaman na dahilan. "Ah!" Sigaw ni Kori ng nararamdaman niya ang init na nagmumula sa kaniyang katawan, "Ang init!" Sigaw nito. Nagta-takang na patingin naman ang sister sa kaniya at gulat ng makita nito na lumiliwanag si Kori. Buong katawan nito ay mayroong liwanag na kulay berde. "Diyos ko,"bulong ng madre at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Tinakbo nito mula sa kwarto ni Kori papunta sa loob ng simbahan at hinanap ang pari ngunit wala man lang ito dito. Nagtungo na rin ito sa likod ng simbahan ngunit kahit doon ay wala rin ang pari. "Nasaan na po ba kayo,"sabi ng Sister, "Oh God of the sun, help us." Ilang sandali pa ay nakita ni Sister si Sister Jai, ang kanilang pinuno o taga pamahala sa mga madre ng simbahan. "Sister Jai!" Sigaw nito at lumapit sa kaniya. "Hindi ba at pinagbabawal ko ang pagtakbo sa mga pasilyo, Sister Kara?" Mahinahong sabi ni Sister Jai at umayos sa pagkakatayo. Napa-yuko naman si Sister Kara at ibinaba ang kaniyang kamay. "Pasensya na po Sister Jai, hinahanap ko po kasi si Father,"tugon nito. Ibinaling naman ni Sister Jai ang kaniyang atensiyon kay Sister Kara at hinawakan ang kaniyang balikat. "Ano naman ang kailangan mo sa kaniya?" Tanong nito. "Si Kori po kasi,"saad nito. "Gising na ba si Kori? Mabuti naman kung ganoon, akala ko ay kung ano na ang nangyari sa batang 'yon,"tugon nito. Napa-kagat naman sa kaniyang labi si Sister Kara at tinignan si Sister Jai sa kaniyang mga mata. "Iyon na nga po, Sister." Saad ni Sister Kara. "Napaka-taas ng lagnat ni Kori." Kumunot naman ang noo ni Sister Jai, "Kung gayon ay dalhin na natin siya sa manggagamot." "Iyon na nga po Sister, habang ginagamot ko po ito ay bigla na lang po siya umilaw." Paliwanag ni Sister Kara sa kaniya. "Ilaw? Ano ang ibig mong sabihin?" Kinakabahan na tanong nito at itinago ang kaniyang kamay sa ilalim ng kaniyang balabal. "Naalala ko po na nangyari na ito noong panahon ni Sister Mayeth,"paliwanag ni Sister Kara, "Iyong araw na kung saan nagkaroon ito ng kapangyarihan at nalaman natin na isa siya mga taong pinagpala ng maykapal na sola." "Ibig mong sabihin ay nasa hakbang si Kori na kung saan lalabas na ang kaniyang kapangyarihan?" Gulat na tanong nito. "Sa tingin ko ay opo,"tugon nito, "Kung kaya ay hinahanap ko si Father upang matulungan natin si Kori sa pamamagitan ng dasal." Gulat at hindi makapaniwala si Sister Jai sa kaniyang nalaman patungkol sa kanilang alaga. Akala ng mga ito ay simple lamang ang bata na iyon at walang kakayahan si Kori sa mga bagay na katulad na lang ng mga kapangyarihan, sapagkat kung magkakaroon man ito ng bagay na iyon ay dapat noong labing anim na taong gulang pa ito ay tuluyan ng na itong lumabas sa kaniya. "Ito ba ang tinatawag nila na huling pinanganak?" Tanong ni Sister Jai. "Huling pinanganak? Ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong pabalik ni Sister Kara, ngunit hindi lang siya nito pinansin at tuluyan itong naglakad papunta sa kwarto ni Kori. Seryoso lamang ang mukha nito at kinakabahan sa posibleng malaman niya patungkol sa kanilang alaga. Kung totoong isa ito sa mga taong binigyan ng kakayahan ng panginoon ay dapat nila itong bigyan ng halaga. Dapat nilang gabayan ang bata upang hindi ito mapunta sa masamang mga kamay. Habang papunta si Sister Jai sa kwarto ng dalaga na si Kori ay naka-sunod lamang si Sister Kara sa kaniya, may mga nadadaanan pa silang ibang mga madre at sabay-sabay na nagbi-bigay galang ang mga ito kay Sister Jai, ngunit hindi man lang nito sila binigyan ng pansin. Masiyadong okupado ang isip ng madre sa posibleng nangyayari sa kaniyang alaga. Ang tanging gusto lamang nitong maabutan ay ang pagbukas ng mga mata nito upang malaman kung anong klaseng kapangyarihan ang mayroon si Kori. "Puntahan mo si Father, sabihin mo ay kailangan natin siya rito sa kwarto ni Kori. Nandoon siya sa hardin,"utos ni Sister Jai atsaka tinulak ang pinto ng kwarto ni Kori. Habang si Sister Kara naman ay walang pagda-dalawang isip na tumakbo patungo sa kanilang Father. Naabutan ni Sister Jai ang nahihirapan na Kori. Wala na itong malay ngunit labis ang pawis na dumadaloy sa kaniyang naka-kunot na noo. Umiiliaw pa rin ang buong katawan ni Kori at tila ba wala itong balak mawala. "Isa lang naman ang alam ko na ganito ang paraan ng awakening nila." Bulong ni Sister Jai sa kaniyang sarili at lumapit sa kaniyang alaga na si Kori.  "Ibang-iba ito noong mga panahon na nagkaroon ng ganito si Sister Mayeth. Ano kaya ang kapangyarihan ng batang ito." Dugtong niya at hahawakan na sana ng bigla itong sumigaw ng pagkalakas-lakas. "Ayaw ko na!" Halos mapa-atras si Sister Jai ng biglang lumakas ang hangin sa loob ng kwarto at kasabay nito ay ang pag-unti-unting pagwala ng ilaw mula sa katawan ni Kori at ang pag-upo nito sa kaniya higaan. "Healing Magic." Gulat na sabi ni Sister Jai. Kulay berde ang mga mata ni Kori ngayon habang may mga kumikintab na abo na lumulutang sa paligid nila. Ilang sandali pa ay bigla na lang na tumba si Kori at kasabay nito ang pagkawala ng mga abo at ang pagbukas ng pinto. "Ano na ang nangyari kay Kori?" Tanong ng Pari at lumapit sa kanila. "Huling pinanganak,"tugon ni Sister Jai at inayos sa pagkakahiga si Kori. "Huling pinanganak? Paano mo na sabi?" Tanong ulit ni Father at umupo sa tabi ni Kori. Hinawakan nito ang noo ng dalaga at ipinikit ang kaniyang mga mata. "Healing."  "Yes, Father." Saad ni Sister Jai at bahagyang umatras rito habang naka-yuko ang ulo. "Hindi ko inaasahan na magkakaroon tayo ng healer sa ating simbahan,"sambit nito at tumayo, "Ngayon lang ako nakakilala ng huling pinanganak at talagang Healer pa." "Ganoon po 'yon ka hindi common?" Tanong ni Sister Kara at nag-aalalang tumingin sa kaniyang alaga. "Walang healer sa ating bayan kung kaya ay pahirapan ang pagbibigay lunas sa mga may sakit dito. Ngayon na nandito na si Kori, siguro ay matutulungan na niya ang buong bayan. Matutulungan na niya ang mga taong nangangailangan ng paggamot." Sabi ni Father at tumayo na. "Ngunit, sigurado po ba kayo na okay lang kay Kori na gamutin ang mga tao sa bayan?" Tanong ni Sister Jai. Napabuntong hininga naman si Father at tinignan ang madre. "Nasa kaniya na ang desisyon. Ang dapat niyo lang gawin ay gabayan ang bata upang magamit niya ito sa mabuti. Tawagin mo si Mayeth at pagsabihan na gusto ko siyang maka-usap sa opisina ko." Utos ni Father at lumabas na ng kwarto. Naiwan na nakatulala lamang si Sister Jai at hindi alam kung ano ang kaniyang gagawin. Gulat na itong malaman niya na nagtataglay ng isa sa mga rare na magic ang alaga niya at ang isa pang dahilan ay maaring pilitin itong mag-rehistro sa guild ng bayan. Tinignan niya lang ang kaniyang alaga bago napag-pasiyahan na tuluyan ng lumabas sa kwarto ni Kori. "Sister Jai." Napatingin naman ang madre sa taong tumawag sa kaniya at nakita ang kaibigan ni Kori na si Tine, may dala-dala itong prutas at ilang kakanin. "Iha, anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Sister Jai sa kaniya at tuluyan ng sinarado ang pinto. "Gusto ko lang po sana bisitahin si Kori, andiyan po ba siya?" Tanong ni Tine, "May dala po akong mga prutas at ilang kakanin na ni luto ng aking ina, narinig ko po na nagkasakit daw po ang kaibigan ko." "Ganoon ba? Naku! Salamat Iha, naroroon lamang si Kori sa loob at nagpapahinga, masiyadong mataas ang lagnat niyo kung kaya ay hindi ako sigurado kung magigising siya ngayon." Paliwanag nito. Lumapit naman si Tine sa kaniya at nagmano. "Sola may bless you,"saad nito. "Narinig ko po kasi kanina si Kori na sumigaw kaya nag-alala po talaga ako." Paliwanag ni Tine at ibinaba ang basket ng prutas. "Nagkaroon lang siya ng awakening,"paliwanag ni Sister Jai. "Ah ganoon po ba,"sabi ni Tine sapagkat hindi pa rin nito nag-iintindihan ang sinabi ng madre, "Teka, Awakening!" Sigaw ni Tine at halos mabitawan nito ang dala niyang kakanin at buti na lang at nahawakan ito ni Sister Jai. "Mahulog,"saad nito, "Ngunit, oo iha. Kaya nagkaroon ng lagnat si Kori ay dahil sa awakening nito. Isa siya sa mga pinagpala ng Panginoon natin na si Sola." Sabay naman ang yumuko ang dalawa habang pinagtagpo ang dalawa nitong palad. "Hindi ko po inaakala na magkakaroon siya ng kapangyarihan, ngunit paano po nangyari 'yon? Dapat noong labing siyam na taon pa po kami ay lumabas na sana ang kapangyarihan niya,"paliwanag ni Tine. "Iyon ang tinatawag na huling pinanganak,"saad ni Sister Jai sabay kuha ng basket na nasa sahig at binuksan ang pinto ng kwarto ni Kori. "Ano po 'yon?" Tanong ni Tine sa kaniya, "Ang ibig sabihin no'n ay late awakening, o huling binigyan ng kapangyarihan ng ating panginoon." Paliwanag ng madre. "Posible po ba 'yon?" Tanong ni Tine at inilagay sa gilid ng kama ang dala-dala nitong kakanin. "Wala pa akong nakilala na gano'n, ngunit ayon sa libro ay posible ang bagay na 'yan. At isa na roon ang kaibigan mo na si Kori,"paliwanag ni Sister Jai. Tumango lamang si Tine sa kaniya at umupo sa tabi nito. Seryosong tinignan lang niya ang kaniyang kaibigan na mahimbing na natutulog. "Maiwan ko na muna kayo,"saad ni Sister Jai, "Ikaw na muna ang bahala sa kaniya." "Opo." Tugon ni Tine, at tumayo sabay yuko ng kaniyang ulo bago bumalik sa kaniyang pwesto. Inayos muna ni Tine ang mga prutas na dinala niya at ilang kakanin bago lumapit sa kaniyang kaibigan at kinuha ang bimpo sa kaniyang noo at ibinabad ito sa malamig na tubig bago piniga. Pinunasan nito ang mukha ng kaniyang kaibigan pati na rin ang braso nito. Nang matapos si Tine ay ibinalik niya sa pagkaka-babad ang bimpo at piniga na naman ulit ito bago inilagay sa noo ni Kori. "Hindi ko aakalain na magkaka-sakit ka pala,"saad ni Tine, "Hindi ko rin inaasahan na malalaman ko na lang na magkakaroon ka ng kapangyarihan. Akala ko ay katulad ka lang sa akin na isang normal na dalaga. Ngunit napaka-saya lang isipin na ngayon ay may kaibigan na akong napa-bilang sa mga malalakas na tao dito sa bayan, hindi ko man alam kung ano ang kapangyarihan mo ngunit alam ko naman sa sarili ko na gagamitin mo ito sa tama." Napa-iyak na ng tuluyan si Tine sapagkat natatakot siya sa posibleng mangyari kay Kori. Alam nito na kailangan niya magpa-rehistro sa guild ng bayan at tumanggap ng ilang trabaho mula rito, at may posibilidad na hindi na niya ito makaka-usap muli sapagkat napaka-busy na nito sa kaniyang mga gawain. "Kung ako lang sana ay ayaw ko na magkaroon ka ng kapangyarihan. Ayaw ko lumayo ka sa akin ngunit alam ko naman na hindi pwede 'yon, dapat huwag ako magpaka-sarili sapagkat may kaniya-kaniya naman tayong buhay." Saad ni Tine at pinunasan ang kaniyang luha. Hindi nito na pansin ang pagdilat ng mga mata ng kaniyang kaibigan na si Kori at tahimik lang na nakikinig sa kaniyang kaibigan. Noong una ay nagtataka pa ito kung bakit nagda-drama ang kaibigan niya. Balak sana niyang gulatin ito ngunit nang marinig nito ang salitang kapangyarihan ay tila ba bigla na lang siyang nanigas sa kaniyang higaan. May ilang mga tanong ang nagsisi-sulputan sa kaniyang isipan. Hindi rin mapaliwanag ni Kori ang kaniyang nararamdaman sapagkat mismo siya ay nagulat kaniyang nalaman. Paano nga ba siya nagkaroon ng kapangyarihan? Isa iyon sa tanong niya sa kaniyang sarili. "Ayaw ko naman kasi mawala ka sa tabi ko at maiwan na naman ako mag-isa rito. Wala na nga akong ibang kaibigan bukod sa'yo, tapos ngayon ay malalaman ko na lang na may kapangyarihan ka pa." Dugtong ni Tine at nagpapa-padyak sa kaniyang paa. "Nahihilo ako,"tugon ni Kori. "Pusang kalat sa kalye!" Sigaw ni Tine at napa-tayo mula sa kama ni Kori. "Bakit ka ba nangugulat!" "Bakit ka ba kasi galaw ng galaw? Ang dami mong drama! Ano ba ang mayro'n?" Tanong ni Kori at tumayo sa pagkakahiga. Sa hindi mapaliwanag na dahilan ay bigla na lang naging okay ang katawan ni Kori, bigla na lang nawala ang sakit sa katawan na nararamdaman nito at lalong lalo na ang sakit sa kaniyang ulo. Tila ba kusa na lang itong nawala sa kaniyang katawan, at parang ang lusog-lusog pa ng feeling niya. "Teka, huwag ka muna tumayo!" Sigaw ni Tine at lumapit sa kaniyang kaibigan. "Okay lang ako, 'wag ka mag-alala,"sabi ni Kori at tumayo na mula sa kaniyang kama. "Hoy Bruha! Sabi ni Sister mataas daw lagnat mo,"sabi ni Tine at hinawakan ang noo ni Kori, "Bakit bigla na lang nawala ang lagnat mo?" Nagtataka na napatingin lamang si Kori sa kaniya sabay kibit ng kaniyang balikat. Iniwas lang ni Kori ang paningin nito sa kaniyang kaibigan upang hindi nila mapag-usapan ang tungkol sa kaniyang kapangyarihan. Halos kumislap naman ang mga mata ni Kori ng makita niya ang mga prutas at kakanin sa gilid ng kaniyang higaan. "Bico ba 'yan?" Tanong ni Kori, at kinuha ang isang malapot na kanin na kulay brown na binalot ng dahon ng saging. Napa-iling na lang ang kaniyang kaibigan ng makita nitong masigla lang si Kori, at tila ba hindi ito kagagaling lang sa sakit. "Teka nga,"pigil ni Tine sa kaniya at kinuha ang bico sa kamay nito. "Baka lagnatin ka na naman kapag kumain ka nito, lago ako kay Sister Jai." Sabi ni Tine at ibinalik iyon sa basket. "Okay na nga ako eh, akin na!" Reklamo ni Kori at pilit na inagaw ang basket na iyon. "Prutas na lang kamo ang kainin mo,"saad ni Tine at umiling. "Iyan na lang kasi!" Sigaw ni Kori sa kaniya, "Okay na nga ako!" "Hindi!" "Anong nangyayari?" Tanong ni Sister Kara at gulat na nakatingin sa kaniyang alaga na masiglang nakikipag-agawan ng pagkain sa kaniyang kaibigan. "Si Tine kasi po, ayaw niya ako bigyan ng niluto nilang bico,"sumbong nito at padabog na bumalik sa kaniyang higaan. Inilapag naman ng sister ang tubig na dala nito at hinawakan ang noo ni Kori. "Okay ka na nga,"komento nito. "Sabi ko sa iyo eh!" Sigaw ni Kori at inilahad ang kaniyang kamay, ngunit ayaw pa rin ibigay ni Tine ang pagkain at iniwas lang ito. "Bigyan mo na lang siya,"utos ng madre kung kaya ay wala ng na gawa ang kaniyang kaibigan. "Paano po kapag nagka-sakit siya ulit?" Tanong ni Tine at naka-simangot na ibinigay kay Kori ang kakanin habang ang kaibigan naman nito at nagpatuloy na sa pagkain. "Malabo na 'yan,"saad nito at napa-ngiti. "Bakit po?" Tanong ni Tine. "Kaya nitong pagalingin ang mga taong may sakit,"paliwanag ni Sister Kara, "Kung kaya ay impossible na mismo si Kori ay magkakaroon ng sakit." Gulat na napatingin si Tine sa kaniyang kaibigan na walang ibang ginawa kung hindi ay mag-enjoy sa dala nitong pagkain. Akala niya ay isang normal na kapangyarihan lamang ang mayroon si Kori. Hindi inaasahan ni Tine na magkakaroon ng healing magic si Kori, isa sa mga rare na magic sa kanilang bayan, o mas mainam na sabihin na wala pa talagang nagkakaroon ng healing magic sa kanilang bayan.  "Seryoso ka po ba?" Tanong ni Tine at sinisigurado ang kaniyang narinig. Tumango lamang ang madre at ngumiti kay Tine. "Ngayon ay pinag-uusapan na ni Sister Mayeth at Father ang paraan ng pag-eensayo ni Kori sa kaniyang kapangyarihan,"paliwanag ni Sister Kara. "Kung gayon ay magiging abala na ba si Kori simula ngayon?" Tanong ni Tine at biglang nakaramdam ng malungkot. Hinakawan naman ni Sister Kara si Tine sa kaniyang balikat at ngumiti. "Hindi naman sa gano'n, may mga panahon naman na magkakaroon pa rin kayo ng oras na magsama." Paliwanag nito at ngumiti, tumango lamang si Tine at lumingon sa kaniyang kaibigan. "Ano pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Kori na ngayon ay tapos na sa pagkain, ngunit umiling lamang si Tine sa kaniya at yinakap ito. "Magkasama lang naman tayo ngunit bakit miss mo naman ako agad?" Tanong ni Kori sa kaniya at yinakap ito pabalik. "Mamimiss kita,"saad ni Tine at mas lalong hinigpitan ang pagkaka-yakap. Kahit ganoon man ang sinabi ni Sister Kara ay panigurado magiging abala na ang kaniyang kaibigan sa mga dapat nitong gawin, lalong-lalo na sa pag-eensayo.  "Bakit naman? Aalis ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Kori at kumalas sa yakap sabay kunot noong tinignan ito. "Hindi naman,"tugon ni Tine. "Kung gayon ay huwag ka na malungkot,"sabi ni Kori at ngumiti, "Pwede mo naman akong bisitahin dito sa simabahan kahit kailan mo gusto." "Ngunit paano kapag may ginagawa ka?" "Ako bahala sa'yo,"sabi ni Kori at kumindat sa kaniyang kay Tine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD