Past "Hayaan na muna natin si Treyni,"bulong ni Nola atsaka hinila ako. Hindi ko na pansin na matagal na pala akong nakatitig kay Treyni. Hindi pa rin ito tumatahan at patuloy lamang siya sa pag-iyak. Gusto ko sana itong kausapin ngunit alam ko naman na hindi pa ito ang tamang oras. Kung alam ko lang sana na ganito ang kaniyang magiging reaksiyon ay hindi ko na sana ito hinayaan pa na malaman niya ang tungkol sa mga ginawa kagabi. Akala ko pa naman ay hindi na ito iiyak o magpapakita nang emosyon, iyon ay akala ko lang pala. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala at nahihirapan pa rin itong kalimutan siya. "Ano ang nangyari sa dalawa?" Nagtatakang tanong ni Draco habang karga-karga nito ang kaniyang anak na babae. "Wala lang 'yon,"sabi ko at umupo na sa isang bakanteng upuan, "Hindi ko ka