Chapter 47

2500 Words

Past "Ang bilis niyo naman maglakad,"ani ni Lauriel nang makarating ito sa aming tabi. Napalingon naman ako sa kanila na ngayon ay parang hinihingal sa kakamadali. Tumakbo ba ang mga ito papunta rito? Hindi ko naman inaasahan na magmamadali pa talaga silang lahat. Sa tingin ko rin ay hindi na namin kailangan pa magluto dahil may ilang mga katulong na ng hari ang nakita ko na abala sa pagdala ng ilang mga lalagyan ng pagkain. "Kakarating lang din namin,"tugon ko rito, "Nagulat lang ako sa dami nang tao na nandito." "Saan ba kayo dumaan? Bakit hindi namin kayo nakita?" Tanong ni Treyni, tinuro ko naman ang pasilyo sa likod ko at sakto rin na nakita ko ang batang iyon. Natuwa naman ako nang makita ko siyang naka-ngiti habang kasama ang kaniyang ina na may karga-kargang batang babae. "Ate

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD