Past "Nola,"tawag ko sa kaniya. "Bakit?" Tanong nito sa akin. Huminga naman muna ako nang malalim bago sumabay sa paglalakad niya. Karga-karga pa rin nito si Treyni na ngayon ay naka-idlip na dahil sa kalasingan. "Hindi ka ba natatakot na baka maulit na naman ang nangyari sa iyo noon?" Tanong ko rito, napatigil naman ito saglit ngunit kalaunan naman ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. "Siguro nga ay may parte sa akin na natatakot na baka maulit iyon,"ani ni Nola habang nakatingin lamang nang diretso, "Pero sa loob nang ilang taon kong kasama ang mga ito ay hindi naman nila ito na gawa sa akin." "Mabuti naman kung gano'n,"sabi ko at sakto naman na nakarating na rin kami sa harap nang bahay ni Treyni, agad ko naman binuksan ang pintuan at sunod na nagtungo sa kwarto ni Treyni. "Dito m