"Hayop! Hayop ka Eliazar! Napakasama mo, paano mo nagawa ito! Traydor ka napaka-ayos ng usapan na kapag natalo ang tauhan mo ibibigay mo sa amin ang premyo at pauuwiin kami pero ano itong ginawa mo? Hindi ka ba marunong tumanggap ng pagkatalo?! Kaya kahit na nanalo si Nognog nagawa mo pang patayin siya napaka hayop mo talaga! Wala kang kasing sama, masunog sana sa impyerno ang kaluluwa mo demonyo ka!" Galit na galit na sigaw niya sa halimaw na si Don Eliazar parang ikinakatuwa pa nito ang ginawa. Akala nila lalaki itong kausap ngunit hindi nila akalain na traydor din pala ang hayop na lalaki.
Akmang susugod naman si Doydoy pero pinigilan nila ito dahil ang lahat ng baril na hawak ng mga tauhan ni Don Eliazar ay nakaumang sa kanila.
"Huminahon ka wala tayong laban sa mga hayop na iyan. Mabuti pa umuwi na lamang tayo at dalhin na natin ang premyo pati na ang bangkay ni Nognog, kapag lumaban naman tayo at maghimagsik ay wala na rin tayong magagawa baka pati tayo ay patayin ng mga hayop na iyan. Kaya mas mainam na bumalik na lamang tayo sa ating nayon." wika ng mga kagawad ng kasama nila kay Doydoy dahil parang gustong maghiganti rito sa pagtatraydor na ginawa ni Eliazar sa kanila lalo na kay Nognog na ngayon ay wala nang buhay.
"Tama si Kagawad Doydoy, umuwi na lang tayo sa atin at na mabigyan natin ng maayos na libing si Nognog," pagsang-ayon na Manila sa kagawad.
"Demonyo ang hayop na iyan Kapitan kapag nagkaroon ako ng pagkakataon Tatadtarin ko ng pinong-pino ang hayop na iyan! Napakasama niya hindi siya marunong tumupad sa usapan napakahayop niya! Ligtas sana si Nognog pero pinatay niya ito. Wala syang kasing sama Kapitan hayop siya, hayop!" Galit na galit na muling wika ni Doydoy.
"Hawakan mo siya Kagawad dahil baka mapahamak lamang siya nang dahil sa galit niya kailangan nating makaalis dito. Kailangan pa tayo ng ating mga kasamahan pati na ang pagkain ipinangako ng hayop na iyan, pero sana lang ibigay niyang talaga," wika ni Kapitan Rab sa Kagawad.
"Ngayong tapos na ang paglalaban Don Eliazar. Amin na ho ang pangako ninyong bigas at mga gamot kapalit ng pakikipaglaban ni Nognog sa tauhan mo k-kapalit ng buhay niya. Ibigay niyo na ho sa amin at ng makaalis na kami dito sa lugar ninyo," nanginginig ang boses niya dahil sa matinding galit pero pinipigilan niya dahil kailangan nila ng pagkain na maiuuwi nila sa kanilang mga kasamahan sa nayon.
"Papaano ba yan Kapitan wala akong maibibigay ng sampung sako ng bigas at pati na mga gamot at kung ano pang kailangan ninyo at hindi rin ako magbibigay kahit na limang sako sa inyo. Sa katunayan wala naman talaga akong imbak na pagkain dito sa aking mansyon kaya papaano ba yan? Ngayon din ay maaari na kayong umalis kung ayaw niyong pati kayo ay matulad diyan kay boy tapang! Bwahahaha!" Pauyam na wika ni Don Eliazar sabay halakhak pa na tila sa isang demonyo.
"Wag naman pong gano'n Don Eliazar, maawa naman po kayo sa amin. Nalagasan na kami ng kasamahan, sinunod namin ang nais ninyo. At kayo ang sumira sa pinagkasunduan ninyo ni Nognog kaya dapat lamang na tuparin mo ang pangako mo sa kanya. Kahit na iyong limang sakong bigas na lamang hindi na kami hihingi ng kung ano pa kahit iyon na lang," pakiusap niya sa hayop na Don.
Wala talagang kapantay ang kasamaan nito. Nagawa na nitong paglaruan sila pinatay na nito si Nognog. Pati ba naman ang pangako nitong pagbibigay ng pagkain ay mukhang malabo pa nitong ibigay hindi siya makakapayag. Sobra-sobra na ang kasamaan nito sa kanila. Pero kung kinakailangang mag lumuhod siya ngayon sa harapan nito para lamang ibigay ang pagkain na ipinangako nito kanina bago magsimula ang laban ay gagawin niya alang-alang sa kanyang nasasakupan.
"Madali lang naman akong kausap, Oo bibigyan kita kapalit ng buhay ng walang kwenta mong bata na si Boy tapang wala namang binatbat sakin. Dalawang kaban ng bigas at gamot para sa inyo pati na syempre masarap na ulam at gamot, kapalit ng buhay ng walang kwenta mong tauhan na iyan!" nakangising wika nito sa kanya.
"Oi! Labas niyo ang iyong dalawang kaban ng bigas diyan! Pati na nakahanda ang mga gamot at maglabas din kayo ng limang kilong fresh na karneng manok para naman magkaroon ng lakas ang mga tauhan nito ni Kapitan! Napakalampa kasi ng mga tauhan mo, sa susunod na wag ng makikipaglaban kung lalampa-lampa naman, pwe!" muling wika nito na ang inuutusan ay isa sa mga tauhan nito.
Gusto nitong murahin o kung maaari patayin niya ang hayop na Don ay gagawin niya dahil sa kasamaan nito ng sobra. Sobra-sobra na ang pang-aabuso ng hayop na na ito sa kanila, pero okey na rin siguro iyong ibibigay nito kesa naman wala. Hanggang ngayon eh walang laman ang kanilang mga sikmura at isa pa nagbuwis na ng buhay Si Nognog. Kahit hindi nasunod ang nais na dami ng pagkain at least kahit papaano may maipangtatawid sila ng gutom. At ilang araw din ang itatagal ng dalawang kaban ng bigas na iyon.
Katulad ng ginawa nila noong nakaraan sa unang beses lang sila kumain ng tama ng matinong kanin pero ang mga susunod na ay ginagawa na lamang nila ng dugo para dumami at tumagal sa na lang bago maubos ang pagkain ay dumating na ang tulong ng gobyerno.
"Ganito ka talaga kahayop Eleazar! Wala ka pang bayag, papano ko nasabing wala kang bayag dahil usapan ng lalaki sa lalaki pero hindi mo kayang tuparin ah. Sabagay ang mga katulad mo naman talaga ay hindi dapat pagkatiwalaan. Iyon ay isa sa pinakamalaki namin pagkakamali ang naniwala sa kunwari ipinangako mo. Bahala na ang Diyos ang magparusa pati na ang mga kaluluwa ng namatay na may matinding galit na sayo!" galit na wika naman dito ni Kagawad.
Tsaka kumilos na ito pati na si Doydoy at binuhat ang wala nang buhay na katawan ni Nognog na naliligo sa sariling dugo. Tiyak na magluluksa ang lahat kapag nalaman kung paano namatay ang kaawa-awang lalaki. Pero ipinapangako niya na magbabayad ang hayop na Don sa lahat ng mga kasamaan nitong pinaparanas sa kanila lalo na ang pagpatay na ito kay Nognog.
Maya-maya ay lumabas na ang dalawang lalaki, buhat ang dalawang sako ng bigas pati na ang sinabing manok at maging ang mga gamot. Ang mga ito na mismo ang nagsakay sa likod ng kanyang owner. Matapos iyon Tumalikod na siya at sumakay na ng sasakyan hindi niya kailanman gagawin ang magpasalamat hayop na Eleazar na ito. Papano siya magpapasalamat na kung ang kapalit ng dalawang kaban ng bigas na iyon ay ang buhay ng kanilang kasamahan.
Pagkuwa'y pinaandar na niya ang kanyang sasakyan Bago yun Narinig pa niya na sumigaw si Don Eleazar.
"Sa susunod Kapitan kailangan ko naman ng babae! Hihintayin ko ang pagbabalik mo bwahahaha!" wika pa nito at humalakhak pa na tila sa isang demonyo.
"TANG*N*MO!" malakas na sigaw niya.
Pero humalakhak lang ang hayop.
ITUTULOY