"Sigurado ka bang kaya mong labanan siya Nognog? Mukhang dehado ka, bawiin na lang kaya natin ang pasya mo. Hayaan mong tayo na lamang dalawa ang maglaban at least kung manalo ako oh manalo ka mas maraming sako ng bigas ang ating matatanggap bilang premyo. Kapag nangyari iyon baka umabot ng isang buwan o hindi man baka umabot bago dumating ang tulong mula sa gobyerno sa atin," wika naman ni Doydoy kay Nognog.
"Hindi Doydoy tama na ang isa lamang ang magsakripisyo sa ating dalawa," matigas na tanggi ni Nognog dito.
"Kapitan handa na po ako, kung ano po ang mangyari sa akin kayo na lamang po ang bahala sa pamilya ko at hangad ko na sana matapos na ang problema nating ito," wika naman ni Nognog kay Kapitan Rab.
Naluluha naman tinapik ito ni Kapitan Rab sa balikat. Kung mapupwede lang pigilan niya ito pero hindi ei, buo na ang loob nito na ituloy ang balak kahit na sa tingin niya ay madedehado ito.
"M-Makakaasa ka Kuya Nognog, kung anuman ang kahihinatnan nito ipinapangako ko na hindi ko pababayaan ang pamilya mo. Pero Kuya Nognog, please kailangan mong mabuhay. M-Mangako ka na mananalo ka, mangako ka na b-buhay kang uuwi kasama namin sa ating nayon." Naiiyak na wika niya dito habang mahigpit ang pagkakahawak sa balikat nito.
Humawak ito sa kamay niyang nakapatong pa rin sa balikat nito.
" Salamat po kapitan." tipid na tugon nito sa kanya saka nagtungo na sa gitna nang kinatatayuan nila kung saan nandoon na ang lalaking kalaban nito. Nasa malaking bakuran sila ni Don Eliazar, sa malaking bakuran na nasa harapang bahagi ng mansion.
"Bwahahaha, magandang laban to tingnan ko nga ang angas mo boy tigas. Simulan na ang laban!" nakangising sigaw ng hayop na si Don Eliazar. Tila aliw na aliw pa ito sa laban na magaganap.
Humanda na si Nognog. Ikinuyom niya ang mga kamao at humanda sa pagsalakay ng malaking tao kanyang katunggali . Mababakas sa mga mata ni Nognog ang kagustuhang magwagi sa labanang iyon. Marahil na iniisip nito na makakuha sila ng makakaing magtatawid ng gutom ng bawat mamamayang nakatira sa Sitio Uno.
Sumalakay ang lalake pa humanda naman si Nognog sa paglapit nito. Isang malakas na suntok ang pinakawalan nito Nailagan naman ni Nognog, malaki ang lalaki at dahil doon nawalan ito ng balanse. Sumubsob ito sa lupa at tila nahirapan na makatayo agad.
"Tang*na Gatot! Wag mong sabihing mapapatumba ka nang pipitsugin na iyan!" galit na sigaw ni don Eliazar dito.
Sumisingasing na bumangon ang lalaki at dumura pa ito bago humanda muli sa pagsalakay. May dugo na umaagos mula sa bibig nito dahil sa pagkakasubsob nito marahil ay napatama ang bibig. Humanda naman ulit si Nognog sa pagsalakay nito kuyom ang kamao. Animo sanay ito sa pakikipaglaban kahit hindi naman. Malalaki din ang muscles nito sa katawan dahil banat na banat ito sa trabahong bukid kaya siguro may kaliksihan din itong kumilos. Seryoso namang si Nognog habang nakatingin sa lalaking katunggali tila minamanmanan nito o inaaral nito ang kilos ng lalaki sumugod muli ang lalaki at nagpambuno ang dalawa. Suntok dito, Suntok doon, sipa dito, sipa doon dahil may kalakihan ito dehado na agad si Nognog. Isang pagsipa ng lalaki ang naiwasan naman nito at ito naman ang gumanti ng sipa, sapul sa bayag ang lalaki kaya naman agad itong napalugmok sa lupa at hinawakan ang natamaang bahagi ng katawan habang namimilipit sa sakit.
Agad na sinamantala iyon ni Nognog kinubabawan na nito ang lalaki at pinagsusuntok sa mukha ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod nitong ginawa, nahawakan nito sa kamay at dahil di hamak na mas malaki ito agad nitong napilipit ang kamay ni Nognog.
"AhhhHHhhhh!!!" malakas na sigaw ni Nognog dahil sa nabaling kamay.
Siya naman ay napapalapit na dito ngunit pinigilan siya ni Kagawad dahil napansin pala nito na iniumang ng ilang mga tauhan ni Don Eliazar ang baril sa kanila. Tila nais sabihin ng mga tauhan nito na walang makikialam sa dalawa.
Napaluha na ng tuluyan si Kapitan Rab dahil kitang-kita niya sa mukha ni Nognog na nasasaktan ito ng sobra habang hawak hawak ang isang braso na tila tuluyan nang nabali dahil sa kagagawan ng hayop na kalaban nito.
"Bwahahahha! Ano boy tapang! Nasaan na iyong ipinagmamalaki mo kanina na kaya mo! Napakayabang mong maghamon! Ha ha ha mukhang matatapos na agad ang labanang ito aba naman kapitan, nagdala-dala ka naman kasi ng walang kwentang lalaban dito! Lampa naman pala itong manok niyo eh!" tila tuwang tuwa pa ang demonyo habang nakatingin sa kanila humahalakhak pa nga ang hayop.
Tinulak nito ng ubod lakas ang lalaki. At dahil nakabawi pa rin ito sa lalaki ay patihaya itong bumagsak sa lupa. Tsaka tumayo at muling inatake si Nognog, pinagsisipa ito sa tiyan. Sa tagiliran at kahit saang parte ng katawan nito. Hanggang sa nakita nila na bumulwak na ang dugo mula sa bibig ni Nognog.
"Hayop ka! Hayop ka Eliazar! Itigil mo na'to! Tama naaaa... Wala kang pusooo!" halos humagulhol na sigaw niya sa walang awang si Don Eliazar. Humahagulhol siya dahil sa matinding galit, galit na hindi niya mailabas na kahit gustong-gusto na niyang lapitan si Nognog at tulungan ito ay hindi sila makakilos na tatlo dahil nakaumang sa kanila ang mga baril ng tauhan ng hayop na lalaki.
"AahhhhHh!" huling sigaw ni Nognog dahil isang malakas na sipa na naman ang pinakawalan ng katunggali nito sa sikmura nito. Muling bumulwak ang dugo mula sa bibig si Nognog.
"Bwahahaha!!! Ganyan nga Gatot! Tapusin mo na ang lalaking iyan!"
"H'wag! Huwaaggg!" Sigaw niya.
Ang kanyang katabi naman na si Kagawad at maging si Doydoy ay nanginginig na sa takot. Hindi ito makasigaw o kahit man lang makapagsalita. Habang tila awang-awa na nakatingin lamang kay Nognog na walang tigil na binubugbog ng malaking lalaking katunggali nito.
Ngunit natigilan siya ng makita niya si Nognog na tila hirap na hirap na sinusubukang tumayo pero dahil sa hindi nga kaya nito ay gumulong lamang ito sa lupa. Mababakas ang hirap na pinagdadaanan nito lalo na ang dugo na patuloy na umaagos mula sa bibig nito pero wala silang magawa. Muli siyang napahiyaw nang makitang tila susugod nanaman ang lalaki. Bigla nitong dinukwang sa bandang likuran nito si Nognog at nahawakan ito sa damit kaya marahas itong hiniklas ng lalaki dahil duon napa-upo Si Nognog pero dahil nga masakit ang kanan nitong kamay. Ginawa nitong pantukod ang kaliwang kamay.
Ngunit nagulat sila sa sunod na ginawa ni Nognog. Biglang sumigaw na tila nasasaktan ang lalaking katunggali nito habang nakatakip ang mga palad sa mga mata nito habang sumisigaw at napaluhod ito. Ni hindi nila napansin na dumampot pala ng buhangin Si Nognog at mabilis nitong isinaboy iyon sa mukha ng lalaki.
Agad na napaluhod sa sakit ng mata ang lalaking katunggali nito at sinamantala naman iyon ni Nognog, mabilis itong tumayo, iniangat nito ang siko nito at malakas na pinuntirya ang sentro ng ulo ng lalaki. Sapul ito malapit sa bumbunan ng lalaki at isang malakas na suntok pa muli ang pinakawalan ni Nognog gamit ang kaliwa nitong kamao, sapul sa may sintido ang lalaki. Bumagsak ito sa lupa na tila wala ng malay tao, hindi nila tiyak kung buhay pa ito o hindi na.
"Kuya Nognog! Nagawa mo!" masayang sigaw niya habang patuloy na lumuluha ngunit luha iyon ng kagalakan. Sobra sobra siyang nagagalak dahil nanalo ito ibigsabihin may pagkain na sila at kumpleto pa silang makakauwi ng buhay sa kanilang nayon.
Lumapit si Don Eliazar sa nakatimbwang na tauhan nito at tiningnan kung humihinga pa. Galit na napakuyom pa nga ang Don ng kamao at dipa nasiyahan sinuntok pa sa mukha ang wala ng buhay na tauhan nito. Tsaka madilim ang mukhang tumingin sa kanya. Tila hindi nito tanggap ang pagkatalo.
Siya naman ay akma nang tatakbuhin Si Nognog para sana mayakap ito at mapasalamatan ngunit isang putok ng baril ang narinig nila. Kasunod niyon ang pag tumba ng wala nang buhay na si Nognog.
"Hayooopp! Demonyo ka Eliazar!" Galit na galit na sigaw niya at saka mabilis na tinakbo ang natumbang si Nognog.
Ngunit hindi na niya ito nahawakan ng buhay dahil agad-agad ito nalagutan ng hininga sanhi ng bala ng baril na sa ulo nito tumama. At ang may kagagawan ay walang iba kundi ang hayop na si Don Eliazar na hindi matanggap ang pagkatalo.
ITUTULOY