"Oh, Kapitan Rab naligaw ka yata? Anong atin?" nakangising tanong sa kanya ni Don Eleazar.
Matalim ang paningin nakatitig lamang siya dito pati na ang kanilang kagawad. Ang dalawa naman na tanod na kanilang kasama na nag-volunteer para makakuha ng makakain kay Don Eliazar ay kababakasan ng galit sa mga mata pero determinado na ituloy ang kanilang balak.
"Bwahahaha! Huwag mong sabihin na pumapayag ka na sa nais ko? Nasaan ba kapitan, sino ba sa kanila?" Tila nakakalokong tanong nito habang tumatawa pa.
Akala mo ay buhay lamang ng isang manok ang pinag-uusapan nila, na tila ikinatutuwa pa nito na malamang dumating na ang gagawin nitong panabong na manok.
"Uy nandito pala si Kagawad, kumusta Kagawad mabuti naman buhay ka pa ngayon. Aba huwag mong sabihin na ikaw ang lalaban para sa bigas at mga gamot o pagkain para sa pamilya mo. Hahaha nakakatawa kung ikaw nga dahil sa itsura mo na iyan, mukhang isang suntok lamang sa iyo tumba ka na!" muling turan nito na lalo pang nang-aasar.
"Hayop ka talaga Eliazar! Kampon ka ni Satanas! Dyablo ka! Dyabloooo!" Galit na galit na sigaw ng Kagawad dito.
"Sorry na kagawad, huwag ka nang magalit bwahahaha!" pang aasar pang lalo nito sa kagawad.
Gusto ng pumalag ni Kagawad Ronnie pero pinigilan niya ito. Kapag kasi hinayaan niya ito siguradong hindi na ito makakabalik ng buhay lalo pa at nakapalibot sa kanila mga armadong tauhan ni Don Eliazar.
"Don Eliazar nandito po kami para sundin ang nais ninyo. Ayaw kong gawin ito pero dahil sa pagpupumilit ng aking mga nasasakupan ay gagawin ko ito kahit labag sa aking kalooban. Kahit sa huling sandali po sana naman po ay maawa kayo sa amin, wag niyo po sana na ituloy ang inyong nais, papayag po ako kahit na ano basta wag lang sanang umaabot sa puntong kikitil ka ng buhay ng aking nasasakupan," pakiusap niya dito ginawa niya ang pagtitimpi at talagang pagpapakumbaba para makumbinsi niya ito.
"Aba bumabait ka na yata ngayon kapitan. Teka anong nakain mo mukhang nagpapakumbaba ka na ngayon sa akin ah. So ayaw mong malagasan ang iyong mga minamahal na nasasakupan? Alam mo ba ang nangyari sa inyo, halos maubos na kayo dahil napakaraming namamatay sa nasasakupan mo dahil sa sakit at sa gutom. At lahat ng iyan ay dahil din sa kapabayaan mo! Simple lang naman ang ang nais ko, isang buhay kapalit ng maraming buhay na maaaring makakain. At maaaring makainom ng gamot pero kahit yan lang hindi mo pa maisakripisyo? Anong klaseng pinuno ka, mas gusto mo pa na mamatay sa gutom at sa sakit ang mga nasasakupan mo kaysa magsakripisyo ka ng isang buhay! Kung ako ang pinuno ng nasasakupan mo isasakripisyo ko ang kahit isa sa inyo at kung talagang mahalaga sayo ang nasasakupan mo isasakripisyo mo ang buhay mo para sa kanila, hindi ba?" tila nang-iinsulto pa na wika ng walanghiyang don.
"Hayop ka talaga Eliazar, huwag mong idamay dito ang aming mahal na kapitan. Kung nais mong buhay kapalit ng pangako mong bigas at gamot. Nandito ako handa kong isakripisyo ang buhay ko para lamang sa aming nasasakupan. Huwag mong idamay ang aming mahal na kapitan dahil kailangan pa siya ng aming mga kanayon!" galit na wika ng isa sa kanyang tanod na nag-volunteer para lumaban.
"Uyyy, matapang! Tingnan natin ang tapang mo!" galit na wika nito sa tanod na nagsalita.
"Kapitan kung talagang nais niyo na makakuha ng supply ngayon din dito sa harapan ko. Nais kong panoorin ang mayabang na tanod mo na iyan at ang iyong kasama! Matira matibay, tingnan natin kung sino ang magaling makipag laban sa mga bata mo! Pero tinitiyak ko sa inyo na ibibigay ko ang pangangailangan ninyo. Pero dapat matiyak muna natin na wala nang hininga ang isa sa inyo!" saad naman ito sa kanya.
"Don Eliazar, m-maawa na po kayo wag lang po sanang umabot sa ganito. H-Hayaan niyo po na maging maayos ang lahat, pagkain lang po iyan sana naman hindi iyong ganito, iyong umabot pa sa punto na magbubuwis ng buhay ang isa sa kanila para lamang makakuha ng makakain! Wala man lang ba kayong awa, bakit ninyo magagawa ang bagay na ito?! Matakot naman kayo sa Diyos!" wika niya pero may diin ang bawat salitang binitawan niya kahit na gumagaralgal ang kanyang boses.
"Hoy demonyong Eliazar! Kung gusto mo talaga ng totoong laban iharap mo sa akin ang isa sa mga tauhan mo. Huwag yong mahinang katulad ko rin ang itatapat mo sa akin gusto ko iyong mas malakas sa akin para naman mas masayahan ka sa laban, tingnan natin kung kakayanin ng tauhan mo wag kang puro yabang lang! Iharap mo ang pinakamatibay at pinakamatindi mo sa aking tauhan mo!" tila naghahamong wika ng kanyang tanod.
"Kuya Nognog, huminahon ka baka naman madaan pa natin sa pakiusap. Hindi ako makakapayag na may magsakripisyo ng buhay kahit isa sa atin para lamang sa pagkain, napakababaw na dahilan iyon. Kapalit ng buhay, bigas at gamot isasakripisyo mo ang buhay mo. Hindi ako makakapayag!" wika niya sa tanod na nag-volunteer.
"Kapitan mas lalong hindi ako makakapayag na mamatay sa gutom ang lima kong anak handa akong magbuwis ng buhay ko para lamang sa kanila. Hindi ba at napag-usapan na natin ito kanina, kaya please hayaan niyo na po ako. Kaya ko ang sarili ko, ang kailangan lang naman ay manalo kung ayaw kong mamatay diba? Pero kung mamalasin, kayo na lamang sana ang bahalang gumabay sa mga anak ko pati na sa asawa ko. Huwag na po kayong tumutol pa Kapitan, napakaraming niya na sakripisyo na ang ginawa mo sa amin na kahit hindi mo naman dapat kami obligasyon eh ginagawa mo ang lahat para mapaglingkuran kami. Kaya hayaan niyo na ako Kapitan, kaya ko ang sarili ko," punong-puno ng determinasyon na wika nito. Pero pagdating sa mga anak nito ay gumaralgal na ang boses.
Masakit sa kanya na makita na ganito ang kinahihinatnan ng kanyang mga nasasakupan pero wala naman siyang magagawa kung iyon ang nais nito.
"Pero Nognog, bakit ang nais mong kalaban ay isa sa mga tauhan niya? Paano kung mapahamak ka, tayong dalawa na lang kung mamatay man ako sa kamay mo naman at kung mamatay ka sa kamay ko naman. Para sa akin mas mainam na yun kaysa makipaglaban ka sa mga hayop na yan. Sanay sa pakikipaglaban ang mga tao na yan tingnan mo na lamang sa mga katawan nila. mukhang ang iba sa kanila ay dating mga sundalo, makikita mo naman sa pangangatawan nila," sabi naman ng isa pang tanod kanina na nagbo-volunteer din na si Doydoy.
"Doy, hayaan mo na ako kung hindi man ako palarin Okay lang basta mailigtas ko ang aking mga anak at ikaw. Alam kong malaki pa ang maitutulong mo sa ating kapitan kaya hayaan mo ako. Hayaan mo na ako at kung hindi ako palarin, ikaw na lamang sana ang bahala sa mga anak ko," wika mo rin ito.
"Masyado talagang mayabang tong bata mo kapitan ah. Sige subukan natin ang lakas niya, pagbibigyan ko ang kapritso niya!" nakangising Wika ni Don Eliazar.
"Pero bago yan, kailangan mangako ka at bilang isang lalaki tutuparin mo ang pangakong ito!" tiim ang bagang na wika ni Nognog.
"Sabihin mo lang boy tapang gagawin ko!" nakangisi pa rin wika ni Don Eliazar.
"Kapag nanalo ako sampung sako ng bigas at gamot, na sa sapat ng ilang linggo pati na iba pa naming pangangailangan ang iyong ipagkaloob sa akin bilang premyo ko sa pagkakapanalo. Pero kapag natalo naman ako lahat ng premyong makukuha ko ay ibigay mo sa kanila. Pati na ang katawan kong wala nang buhay para kahit papaano magkaroon ako ng maayos na libing!" tiim-bagang na wika nito sa Don.
"Wow daming request ni Boy tapang pero sige, tiyak ko namang dika mananalo kaya pumapayag ako. Kaya simulan nyo na!" wika muli ng Don. "Hoy, bato ikaw ang lumaban sa gunggong na to!" tawag nito sa isa nitong tauhan.
Akala nila ay iyong lalaking nasa may unahan na may may hawak na baril, ngunit iyon palang lalaking nasa may bandang likuran na matangkad at sobrang laki ng pangangatawan. Animo katawan ng isang wrestler kahit saang anggulo tingnan ay dehado talaga si Nognog.
ITUTULOY