Kabanata 24

1327 Words
Kabanata 24 Agad na nagsilapitan sa mga ito ang kanilang mga kasamahan kaya naman naiwan si Kagawad na lupaypay at duguan napahandusay na lamang ito sa lupa. Nagbubunyi ang kanilang mga kasamahan dahil ligtas na nakabalik si Kapitan Tiyago kasama ang mga kasamahan nito pati na si Smile na noon ay walang malay. Isa pang ipinagbubunyi nila ay may dala-dala ang mga itong pagkain na tiyak na ilang araw nilang maaaring tipirin para makakain. "Doon niyo na po Kuya Noel ilagay si Smile sa barangay hall para magamot. Napakarami niyang galos kaya siguro ngayon wala pa rin siyang malay tsaka may tama pa ng baril ang balikat niya." wika niya kay Noel na noon ay buhat buhat pa rin si Smile. Kanya-kanya namang kuha ng mga dala-dalang pagkain ang ibang taga nayon. Ilang kalalakihan ang nag-volunteer na katayin ang baboy ramo at ang mga babae naman ay kinuha ang mga prutas na maaaring iluto at iyong hinog naman ay binigyan ang bawat nandoon para makakain ang lahat. Ngunit hindi niya masisisi ang kanilang mga kasamahan ng hindi nito abutan nang makakain ang pamilya ni kagawad. Agad na inasikaso nila si Smile, nilinisan ito ng nanay nito at binihisan. May ilang gasa na para sa sugat ang natira sa stock nila kaya naman ng malinisan ang mga sugat nito, lalo na ang daplis ng baril ay nilagyan nito iyon. "Uhmmm," mahinang daing ni Smile. Sa wakas nagkamalay na rin ito. "Anak ko! Smile!" bulalas ng ginang. Unti-unti namang nagmulat ng mata si Smile at agad na nag-unahan ang luha ng mamulaan nito ang tumatangis na ina. "N-Nanay, T-Tatay?" tila hindi ito makapaniwalang bigkas nito. "B-Buhay po ako?! H-Hindi ba ito panaginip lang?" Naiiyak na wika nito. Hindi na siya nakapagpigil, lumapit siya dito at ginanap ang palad nito. "Ligtas ka na Smile, patawad kung nahuli ako ng dating kanina. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kanina ng makita kitang tumalon sa bangin, ngunit sobra akong nagpapasalamat dahil ligtas ka na, takot na takot ako kanina, akala ko napahamak ka na. Salamat sa Diyos nahanap ka nina Kapitan Tiago." madamdaming pahayag niya dito. Maluha-luha pa nga siya habang sinasabi iyon. Doon lamang nito napagtanto na ligtas na nga ito kaya naman nagyakap ang mag-anak habang nag-iiyakan, lumabas muna siya ng silid para magkasarilinan ang pamilya. "Kapitan ano ang gagawin natin sa traidor na ito? Ang nais po ng ating mga kasamahan ay sunugin siya ng buhay para mapagbayaran niya ang lahat ng mga kasalanan niya sa atin! Lahat tayo nalagay sa panganib dahil sa hayop na iyan!" galit na wika ng isang taga nayon. "WAGGGG! WAAGGG! MAAWA KAYOOO!!!" pakiusap ng maybahay ni kagawad. Maya-maya ay dumating na rin ang dalawa pang anak ni kagawad. "Kapitan Rab, w-wag nyo pong patayin si tatay. Nagawa lamang naman po niya ang magtraydor sa ating nayon dahil po sa amin, ayaw po niyang mamatay kami sa gutom. Kapitan Rab, ayoko pong mamatay ang aming tatay ng dahil sa amin. Ayoko pong mamuhay sa pagkakonsensya dahil namatay ang aming ama dahil sa aming magkapatid. Alam nyo naman po na sakitin ako at kung hindi ako makakainom ng gamot at makakakain ng tama tiyak na mamamatay po ako. Kapitan, please po parusahan nyo na lamang po siya, wag lang po ang patawan ng kamatayan." umiiyak na pakiusap ng bunsong anak nito. Napabuntunghininga siya pero nagkaingay na ang mga taga nayon. Karamihan nais na patawan ng kamatayan si kagawad. Ngunit batid niya na hindi kamatayan ang solusyon para magsisi ito sa ginawa. "Hayaan nating magsisi siya sa kasalanan niya sa ating lahat! Hindi sagot ang kamatayan para sa mga pagkakamali niya sa atin. Dapat siyang ikulong at kailanman ay hindi na palabasin! Tingnan natin kung makaka-survived ang kanyang pamilya kapag nakakulong na siya. Mas magiging torture sa kanya kapag nakikita niyang naghihirap ang sariling pamilya habang siya ay walang magawa dahil nasa loob siya ng kulungan! Kung kamatayan ang hatol sa kanya, mas magaan pa iyon kesa sa makita niya na naghihirap ang kanyang pamilya at wala siyang magawa lalo na sa kanyang bunsong anak na sinasabing dahilan para traydurin niya tayong lahat. Simula sa araw na ito, sa lahat ng makukuha nating pagkain, wag bibigyan ang pamilya ni Kagawad! Nagpasasa na sila ng walang kahirap-hirap sa pagkain habang tayo ay nagkakanda-ubos na sa sakit at sa matinding gutom! Sumasang-ayon ba ang lahat?!" mahabang pahayag ni Ex-kapitan Tiago na noon ay lumabas na pala sa barangay hall. Karamihan ay sumang-ayon naman at ang ilan ay hindi, nais talaga ng mga itong patawan ng kamatayan ang traidor. "K-Kapitan Tiago wag po, maawa po kayo. Ako na lang po, wag lang po ang anak ko! Pangako, magbabago na ako. Kahit magpanggap ako na kakampi ni Don Eliazar, pangako tutulungan ko kayo! K-Kung nais ninyo gawin ninyong hostage ang pamilya ko. Basta pangako ninyo lamang na hindi mapapahamak ang aking pamilya Kapitan! Patawad kung naging sakim ako sa lahat ng bagay! Pangako, magbabago na ako..." umiiyak na pakiusap naman ni kagawad habang gumagapang na papalapit ito sa kanila ni Kapitan Tiago. "Hayop ka! Humihingi ka ng pangalawang pagkakataon ha?! Maibabalik mo ba ang buhay ng asawa ko?! P*tangina mo! Mamatay ka na! Hayoopppp!" galit na galit na sigaw ng isa sa namatayan ng asawa dahil sa kagagawan ni kagawad. Sinugod din nito muli ang lalaki at walang awang pinagsisipa kahit na duguan na ito. Napapaigik na lamang ang lalaki dahil sa bawat malakas na pagsipa sa tiyan nito ng ginang. "Tama na iyan manang, hindi kamatayan ang sagot ng katrayduran niya sa atin. Wag po tayong gumaya sa kanya na walang puso. Tama po si Kapitan Tiago, dapat lamang na ikulong na lamang natin siya at ang suhestyon niya na magpapanggap, pag-uusapan pa po natin kaya huminahon na po kayo. Ang totoong kalaban po natin dito ay ang virus na unti-unting pumapatay sa atin at ang hay*p na si Don Eliazar kaya dapat lamang na sa kanya tayo maghiganti. Wag na po nating gayahin ang ginawa ni kagawad, tayo po ay mabuting tao hindi katulad niya kaya please po huminahon na po kayo," pakiusap niya sa ginang, tsaka inalalayan itong magtungo sa loob ng barangay hall para huminahon na ito. "Kapitan, mas mainam na ikulong na lamang natin si kagawad at ang pamilya naman niya ay ikulong sa kanilang bahay. Halos katabi lamang naman ng barangay hall ang bahay nila, magtalaga na lamang tayo ng bantay para matiyak natin na hindi makakapuslit ang asawa at mga anak niya. Ayokong magtiwala sa kanya, o isa man sa myembro ng kanyang pamilya,dapat tayong mag-ingat at nais kung sa batas siya managot." wika ni Kapitan Tiago sa kanya, nakabalik na siya noon sa pag-alalay sa maybahay ni kagawad. "Ako din po kapitan, iyan din ang aking naiisip," sang-ayon niya dito. Kaya naman inanunsyo niya ang kanyang pasya. Nagmakaawa pa si kagawad ngunit mas tamang nakakulong lamang ito para ligtas silang lahat. Sa ngayon mag-iisip sila ng bagong plano para makapunta ng bayan, hindi maaaring sumuko na agad sila. Kaya naman matapos na matiyak nila na nakakulong na si kagawad pati na ang pamilya nito, nag-usap sila sa barangay hall. Kasama ang limang kalalakihang isinama ni kapitan tiyago para hanapin si Smile. Habang ang mga taga nayon naman ay nagtutulong-tulong sa pagluluto ng kanilang hapunan. Napagpasyahan ng grupo na gumawa ng balsa. Hindi sa mismong dalampasigan na daungan ng bangka nila balak maglayag kundi sa mismong ilog na bibihirang may magawing tao doon lalo na ngayon na ang lahat ay nangangnib. Tiyak nilang hindi ligtas ang balsa lang pero wala na silang ibang pagpipilian dahil ang mga bangkang nasa dalampasigan ay halos hindi na mapakinabangan dahil sa hindi nila alam na dahilan, ang natatanging tatlong bangkang panglaot ng baryo ay nagkabutas-butas kaya hindi na maaari pang gamitin pero ngayon batid na nila ang dahilan. Iyon ay tiyak na kagagawan din ni Don Eliazar, isa pa baka may mga tauhan din ito doon kaya mabuti pang sa ilog na lamang sila makipagsapalaran. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD