Isang linggo ang matuling lumipas katulad ng napagpasyahan gumawa nga ang grupo ng balsa para magamit nila sa paglalayag sa ilog patungo sa bayan. Mamayang gabi ang nakatakdang panahon para maglayag si Kapitan Tiago kasama ang dalawang pa na sina Noel at Onyok. Itinaon talaga nila na kalmado ang dagat para hindi mahirapan sa paglalayag ang tatlo. Sa ilog lamang sila magmumula pero ang pinakang dadaanan din nila ay sa dagat, medyo delikado dahil balsa lamang ang gagamitin ng mga ito pero wala naman silang ibang choice kundi makipagsapalaran kahit pa buhay ang kapalit, kung matyempuhan na malakas ang dagat o magkaroon ng masamang panahon.
Tuluyan na rin gumaling ang sugat ni Smile. Ipinapangako niya na hindi na niya ito hahayaang maranasan nito ang mga nangyari sa kanilang dalawa kaya naman mas nais niya na manatili na lamang ito sa kanilang nayon kahit na nagpupumilit ito na sumama sana sa tatay nito. Maging si Kapitan Tiago ay hindi rin naman pumayag mas maganda sanang kasama ito dahil siguradong paniniwalaan ito sa munisipyo dahil criminology students pala ito. Kaya kapag magpatulong ito sa mga kakilala nito na kapulisan ay malaki ang tsansa na pakinggan sila ng mga opisyal ng munisipyo sa bayan.
Ngunit isa pang pinuproblema nila ei wala na naman silang supply ng pagkain halos dalawang araw ng hindi sila kumakain at puro tubig na lang ang laman ng tiyan nila. Nauubos na kasi ang mga pagkaing natagpuan ng grupo ni Kapitan Tiago sa may bangin. Kinabukasan kasi binalikan ng grupo kasama ang iba pang kalalakihan mula sa kanilang nayon ang lugar at inubos ang produktong maaari nilang pakinabangan doon.
Ang kainaman lamang ay hindi nakatunog ang mga tauhan nito na nagtungo ang mga taga nayon doon dahil na rin sa natuklasan na nila kung sino ang traydor sa kanilang nayon, na walang iba kundi si kagawad. Nananatiling nakakulong ang lalaki sa kulungan nila sa nayon, maging asawa at mga anak nito ay nananatili pa ring nakakulong sa loob ng bahay.
Katulad din ng mapagkasunduan hindi nila binigyan ng kahit na anong pagkain si Kagawad. Sa loob ng isang linggo ay hinang-hina na ito halos magmakaawa na sa kanya na bigyan ito ng pagkain. Ngunit ang pamilya nito ay halos dalawang araw lamang nila natiis dahil naawa din sila sa bunsong anak ng Kagawad na may karamdaman. Maging si Kapitan Tiago ay hindi naman talaga matigas ang loob kaya ito na mismo ang nakiusap sa kanilang mga kanayon na huwag na lamang idamay ang pamilya ni kagawad.
Halos buong linggo ng nagmamakaawa si Kagawad sa kanila at humihingi ng kapatawaran dahil na rin sa nakikita nito ang paghihirap ng sarili nitong pamilya lalo na ang pinakamamahal nitong bunsong anak. Kaya naman nang matuklasan nito na hindi rin natiis nila na hindi pakainin ang mga anak nito ay sising-sisi ito sa nagawa halos maglumuhod na ito sa kakapasalamat sa kanila ni Kapitan Tiago at paulit-ulit na nangangako na hindi na gagawa pa ulit ng ganong bagay pero nanindigan pa rin si Kapitan Tiyago na ikulong lamang ito. Pero noong huling supply ng pagkain nila ay binigyan niya ito ng dalawang pirasong nilagang saging dahil hindi na ito makakatagal kung hindi pa ito makakakain ngunit palihim lamang iyon. Hindi niya sinabi kay Kapitan Tiago dahil matigas ang puso nito pagdating sa mga traidor at ang nais nito ay mamatay sa gutom si kagawad.
Ngunit kahit kailan ay hindi niya mapahihintulutan iyon dahil kahit papaano naman bago magkaroon ng pandemic sa kanilang lugar ay naging mabuti naman ito sa lahat. Iyon nga lang mukhang nasilaw ito sa katungkulan dahil hinagad nito na makuha ang pwesto niya sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan nito kay Don Eliazar. Isa pang dahilan siguro ay para hindi nga naman magu-gutom ang pamilya nito at masu-supplyan ng gamot ang bunsong anak nito.
Halos dalawang araw na sila ng walang kain puro tubig lamang ang iniinom nila. Awang-awa na siya sa mga bata at matatandang naninirahan sa nayon. Dumadaing pa mga ito sa kanya Wala naman siyang magawa kaya nag-iisang pag-asa na lamang nila ay magtagumpay sina Kapitan Tiyago patungo sa bayan gamit ang balsa. Kapag may dumating na tulong siguradong makakakain na sila at magkakaroon ng sapat na supply para sa pagkain nila habang sumasailalim sila sa quarantine na tiyak na ipapatupad ng gobyerno.
Pero bago sana iyon ay mahuli ang walang pusong si Don Eliazar. At mabunyag ang pananamantala nito sa sitwasyon nila dito sa nayon kailangan maibunyag din na ito ang nagpapatay sa mga naunang inutusan niya na magtungo sa bayan. Pati na ang lahat ng kasamaan nito ay dapat mabunyag din.
Maya-maya ay natanawan niya si Jackie na papalapit sa kanya. Humahangos ito at tila balisa.
"Kapitan! Kapitan! Tulungan nyo po kami! Ang nanay ko po ay nanghihina na dahil sa gutom. Kagabi pa din po siya may lagnat, natatakot po akong baka nahawa na siya sa may mga sakit. Baka po may naitatabi pa po kayong gamot para sa lagnat at kahit na kaunting pagkain kapitan, maawa na po kayo sa nanay ko." maluha-luhang pakiusap nito sa kanya.
"P-Pero Jackie, wala na tayong pagkain. Kahit na halughugin pa namin ang bangin na nakitaan ng mga pagkaing kinain natin sa loob ng tatlong araw ay wala na talga kaming makitng maaari pa nating pakinabangan. Maging ang gamot ay wala na rin Jackie. Pasensya na pero wala na akong magagawa kundi ilipat ang iyong inay diyan sa bahay na pawang may mga sakit ang namamalagi. At alam mo naman na siguro ang k-karamihang kinahihinatnan ng mga dinadala natin diyan. Dapat nakahanda ka na dahil suntok sa buwan kung maka-survive pa siya sa sakit. Alam mo naman ang lagnat na aabot sa 24 hours ay maikokonsidera ng sintomas ng virus." Mahabang pahayag niya dito.
"P-Pero kapitan, ayoko pa pong mamatay ang nanay ko! Bakit napakadali nyo lamang sabihin ang mga katagang iyan? Parang sinasabi mo na hayaan ko na lamang na mamatay ang aking nanay! Palibhasa, wala kang kahit isang pamilya dito kaya ganyan kang magsalita! Pwes, nanay ko yan at bilang anak ng nanay ko gagawin ko ang lahat para maligtas sya kahit pa isanla ko ang buhay ko sa diablo! Kaya kung wala ka talagang magagawa, hayaan mo akong magmakaawa sa hay*p na Eiazar na iyon! Baboyin na nya ako kung baboyin o kahit patayin niya ako, basta makakain lamang ang aking nanay at tatay at makainom ng gamot ang nanay ko! Kaya pumayag ka na kapitan! Wala na akong pakialam sa buhay ko, kaya hayaan mo na akong magtungo sa mansyon ni Eliazar!" umiiyak na pakiusap nito, sinumbatan din siya nito. Parang mga patalim na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso ang mga katagang iyon.
Wala nga naman siyang pamilyang inaala na baka maguton at magkasakit. Pero pamilya ang turing niya sa mga taga Sitio kaya nasasaktan siya ng husto kapag walang nagawa o walang maitulong, pakiramdam niya ay napaka-inutil niya. Pinapamukha pa sa kanya ni Jackie kung gaano siya kawalang silbi.
HIndi rin naman niya mapipigil si Jackie kaya sumang-ayon na siya sa nais nito. Wala rin siyang pagpipilian dahil nasa bingit ng alanganin ang nanay nito. Naiintindihan niya ang pakiramdam nito.
"Sige, kung iyan ang pasya mo. Hahayaan kita sa nais mo, pero sasama ako. Hindi kita hahayaang matulad kay Nognog," sang-ayon niya dito tsaka nagpatiuna nang mgtungo sa owner type jeep niya. Walang imik nama na sumunod ito sa kaniya.
Narinig naman ni Smile ang usapan ng dalawa, agad itong tumakbo patungo sa may owner. May mga trapal sa likuran niyon, kaya agad siyang sumuot doon. Sa driver seat at passenger seat naman sasakay ang dalawa kaya hindi siya mahahalata ng mga ito. Ilang araw na rin niyang pinag-iisipan kung papano makakapasok sa mansyon at makakapuslit doon. Natitiyak niyang may komunikasyon ang walang hiyang Eliazar na iyon sa labas. Kaya maaari siyang pumuslit habang kausap ng dalawa si Don Eliazar, alam niyang mapanganib ang kanyang gagawin pero susubukan pa rin niya para makahingi siya ng tulong.
Pagka-ayos niya ng higa, dumating na rin ang dalawa at pinaarangkada na ni Kapitan Rab ang sasakyan nito. Ngunit tahimik lamang ang mga ito habang nagbibiyahe.
ITUTULOY