Kabanata 23

1267 Words
"Kapitan Tyago, dito po!" narinig niyang sigaw ni Noel, pero may pag-iingat na sa boses nito. Medyo malapit na kasi ito sa kanya. Agad siyang lumapit sa kinaroroonan nito. "Nasaan Noel, nakita mo ba ang anak ko?!" Masayang tanong niya dito. "Ayon po sya Kapitan, nasa itaas ng puno!" wika nito sabay turo sa itaas ng malaking puno na nasa harapan nila. Agad na nakaramdam siya ng matinding kaba para sa anak. Nakasalpak ito sa malaking sanga at wala itong kakilos-kilos. Mukhang hindi na humihinga. "Diyos ko, anak ko! S-Smileeee," wika niya at hindi naiwasan ang mapahagulhol dahil sa pagkahabag sa anak. "Aakyat na po ako Kapitan, pero maging mapagmatyag po kayo. Kanina may naramdaman akong pagkilos diyan sa kabila ng mga malalagong tagbak, hindi ko naman po maaninag dahil madilim sa bahaging iyon. Basta ang mahalaga po ay makuha muna natin si Smile, at umalis na po tayo. Balikan na lamang po natin ang mga pagkaing makakatulong sa atin. Sa ngayon po kasi ay delikado pa," wika nito sa kanya. Lubos siyang nagpapasalamat sa kabutihan nito. Malayong-malayo ang ugali nito sa itsura nito kaya talagang isang malaking pagkakamali ang bumase sa panlabas na anyo. "Sige salamat Noel mag-iingat ka," na wika lamang niya dito. Iyon lang at nagsimula na itong umakyat habang siya naman ay nakikiramdam sa paligid. Kita niya na hirap na hirap si Noel habang ibinababa ang kanyang anak mabuti na lamang may tali ito kaya naman isinakay nito sa likuran ang kanyang anak at itinali ang katawan nito sa katawan nito para makababa ito. Agad niyang inalalayan ito para makababa ng maayos habang nasa likuran nito ang kanyang anak. "Wag na po kayong mag-alala Kapitan dahil buhay po ang inyong anak wala lang po siyang malay," wika nito sa kanya. "Oo nga Noel, salamat sa Diyos, mabuti pa ay bumalik na tayo sa Sitio dahil hindi rin natin tiyak kung ligtas tayo sa lugar na ito," wika naman niya rito. "Mabuti pa nga po kapitan, ako na po ang magbubuhat sa inyong anak. Hindi po natin kayang umakyat muli doon sa itaas kaya naman maghahanap na lamang tayo ng shortcut dito pabalik sa itaas," wika nito. "Mabuti pa nga Noel dahil bukas susubukan nating bumalik dito sa lugar para makuha ang mga maaari nating kainin." Turan niya dito. "Sige po Kapitan," Iyon lang at binuhat na nito ang kanyang anak mula sa likuran. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang sila ay napansin nila ang tila paghawi ng mga kugon sa kabilang panig. Kaya naagaw ang atensyon nila doon, ngunit hawak niya ang kanyang gulok at naghahanda sa ano mang panganib na hatid ng kung anong bagay na iyon na pasugod sa kanila. Ngunit pag labas niyon sa kugonan, halos malaglag ang kanilang panga dahil iniluwa niyon ang isang malaki at matabang baboy ramo. Ang hahaba ng pangil nito at tiyak na manganganib ang kanilang buhay kapag tuluyan silang atakihin ito. "Noel madali ka! Umuna na kayo ako na ang bahala dito!" utos niya kay Noel. "P-Pero kapitan! Baka mapahamak po kayo, ikaw na po ang bahala sa anak ninyo, ako na lamang po ang makikipambuno sa baboy ramo." presenta naman nito ngunit wala nang oras kung magpapalit pa sila. "Sige na Noel, iligtas mo ang anak ko!" sigaw niya dito. Doon naman umatake ang baboy ramo, mabilis siyang dinaluhong nito. Nakaiwas siya pero nagpagulong-gulong siya sa damuhan, nakita niya si Noel na tumakbo napapalayo. Ipinagpasalamat niya iyon, ngunit nawala siyasa focus, kaya di niya naiwasan ang pagdaluhong muli ng baboy ramo. "Uurrgghh!" daing na lamang niya ng maramdaman ang pagbaon ng pangil nito sa kanyang tagiliran. Mabilis siyang tumayo at inihanda ang sarili sa muling pag-atake nito. Mahigpit ang kanyang hawak sa gulok, titiyakin niyang hindi na siya masasaktan ng hay*p, kailangan niyang mapatay ito para matiyak ang kaligtasan nila. Malaking tulong din ito sa kanila. Siguradong masisiyahan ang mga taga nayon dahil makakatikim sila ng karne. Pero walang habas ang pagbulwak ng dugo sa kanyang tagiliran. Isang unday ng saksak sa may leeg ng baboy ramo, bagsak agad ito, lumikha ng malakas na ingay kaya inundayan niya ito ulit ng saksak para manahimik. Ngunit nakaramdam siya ng mga yabag ng paa, natakot siya na baka ang mga bandido na iyon kaya agad siyang nagtago sa likod ng malaking puno. "Patay na! Kapitan, kapitan!" narinig niyang tawag sa kanya, kaya lumabas na siya sa pinagtataguan dahil natiyak niyang ang iba pa nilang kasamahan iyon. "Nandito ako! Mabuti ligtas kayo!" wika niya sa apat habang hawak-hawak ang kanyang nasugatang tagiliran. "May sugat kayo kapitan!" bulalas ng isa. "Okey lang ako, nakita nyo ba si Noel at ang anak ko?" tanong niya sa mga ito. "Nasalubong namin sila kapitan, kaya nagtungo kami dito buti na lang hindi ka tuluyang napahamak. Panalo tayo nito kapitan may makakain na tayo ngayong gabi," wka ng isa pa. "Mabuti naman kung gano'n, kaya mo bang buhatin iyan Onyok?" tanong niy sa isa sa mga ito, malaki kasi ang pangangatawan ng alaki, mukhang kaya nitong buhatin ang patay na baboy ramo. Sa tingin niya ay nasa mahigit 50kg iyon. "Oo naman kapitan." sagot nito. "Mabuti kung ganon, kayong tatlo sumama sa akin. Dito ka lang muna Onyok, hintayin mo kami," wika niya dito tsaka inaya na ang tatlo pa para magtungo sa lugar na nakitaan ni Noel nang maaari nilang kainin. "Wow, ang daming saging nito! May mga papaya pa! Matutuwa ang mga taga nayon nito kapitan, malaking tulong ito! Ang dami kaya maaari nating balikan iyong iba dahil hindi natin madadala ito lahat!" bulalas ng isa hindi maitago ang kaisyahan dahil naka-jackpot talaga sila. "Magmadali kayo, kailangang makaalis na agad tayo dito." utos niya sa mga ito. Tumalima naman ang tatlo, kanya-kanyang kuha ng bunga ng saging. Siya pumitas din ng isang buwig ng saba na hinog na. Talagang napakabuti ni Lord dahil nailigtas na nga nila ang kanyang anak, napakarami pa nilang pagkain na maiuuwi. SAMATALA... "Hayop ka kagawad! Lahat kami nagtiwala sayo dapat sayo mamatay! Walang hiya ka, ang anak ko hanggang ngayon hindi ko pa alam kung ligtas ba sya o hindi! Napakasama mo! Hayoooopppp!" galit na galit na sigaw ng Nanay ni Smile. Nasa harapan nilang lahat ang traidor na si Kagawad, nakatali ang kamay nito sa likuran habang nakaluhod. Nakangisi pa ang hayop at tila tuwang-tuwa pa sa pag-iyak ng ginang. "Pwe! Takot na takot kang mamatay ang anak mo! Ei lahat naman kayo mamamatay dito! Sa tingin mo maililigtas kayo ng mayabang na yan ha! Maglumuhod kayo at magmakaawa kay Don Eliazar, at hayaan ninyong ako ang mamuno dito sa inyo! Tiyak na hindi na kayo magugutom pa!" wika ni kagawad. "Hay*p ka! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang asawa ko!" galit na galit na sigaw naman ng isang ginang. Asawa ng unang pinatay ng mga tauhan ni Don Eliazar na unang sumubok na humingi ng tulong sa bayan. Sinugod ng ginang si kagawad at pinagsasampal pero ang hayop humahalakhak pa. Maya-maya ay nagsilapitan na ang mga taga Sitio at binugbog ang lalaki. Hindi tumigil ang mga ito hanggat hindi nagmamakaawa ang lalaki. "Kapitan, p-parang awa nyo na! Tulungan nyo ang asawa ko. Papatayin siya ng mga tao! Hayaan nyong pagbayarn nya ang mga kasalanan niya, i-ikulong nyo na lamang siya. Parang awa nyo na kapitan maawa kayo sa asawa kooo!" umiiyak na pakiusap naman ng may bahay ni kagawad. Nais niyang pagbigyan ito pero ang galit ng mga taga Sitio ay hindi niya kayang pahupain. Ngunit siya namang pagdating nina kapitan Tyago kaya naagaw ang atensyon ng lahat. Napahandusay naman sa lupa ang duguang si kagawad tila nawalan na ng ulirat. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD