Kabanata 7

1354 Words
"Hay nako wag nyo na nga munang isipin ang bagay na iyan, ang mahalaga may makakain tayo ngayon, kaya kain lang kayo hanggat meron pa," pag-iiba ng usapan ni Susan tsaka sumandok pa ng sabaw at iniabot naman kay kapitan Rab. "Sana naman kapitan lagi nalang ganito sana kahit na wala tayong ulam ba sa may kanin lang solved na, hindi iyong katulad noong nakaraang mga araw halos mamatay na tayo sa gutom," wika naman ng isang matandang nasasakupan di niya. "Hayaan ninyo po ka Doming sisikapin ko po ng maka-delihensya ng ating makakain, tsaka wag na po kayo masyado mag-alala dahil may pinadala na po akong tao sa bayan para magreport ng kalagayan natin dito sa Sitio. Nakatitiyak po ako na bukas na bukas darating na ang tulong mula sa gobyerno," nakangiting wika naman ni kapitan Rab. "Haayy salamat naman po Diyos ko, salamat din sa iyo hijo dahil kahit na ikaw ay hirap na hirap na rin hindi mo pa rin kami pinababayaang mga nasasakupan mo. Tama lamang na ikaw ang aming ginawang kapitan dahil mabuti kang tao at talagang hindi mo kami pinapabayaan kahit sa oras ng kagipitan," nakangiting wika ng matanda. Tumango lang siya ng bahagya pero medyo nahihiya siyang tumingin kay Susan talagang hanggang ngayon parang feeling niya napakasama niya bilang kapitan dahil nagawa niya ang bagay na iyon kay Susan sabihin mang ginamit lamang siyang kasangkapan ni Don Eliazer pero hindi pa rin sa kanya maiaalis na mahiya sa babae lalo pa at sa totoo lang nagustuhan din niya at nakarating pa siya sa rurok ng ligaya na ikinatuwa pa ng hay*p na Don Eliazar na iyon. Dalawang beses pa nga siyang nakarating sa dako paroon sino ba ang hindi mahihiya sa nangyari. Siya pa itong aayaw-ayaw daw kesyo ayaw niyang madungisan ang p********e ni Susan, pero anong nangyari? Dalawang beses pa ngang nalasap niya ang sarap mula sa kandungan ni Susan at sa mismong bibig nito. Napansin din niyang nakatingin sa kanya si Susan lalo lamang siyang nakaramdam ng hiya dito. Para kasing nababasa nito ang nasa kanyang isipan. Lumapit ito sa kanya at marahang tinapik ang kanyang balikat. "Kapitan kalimutan na lang po natin ang nangyari na iyon sa mansyon ni Don Eliazar. Isipin nalang po natin na isang masamang panaginip ang pangyayaring iyon, pero para sa akin po hindi iyon isang masamang panaginip dahil sa katunayan naging napakabuti ninyo po sa akin kanina. Kahit naman po may nangyari sa atin naramdaman ko pa rin kong paano ninyo ako iginalang kaya kahit iyan nalang po pinagpapasalamat ko sa iyo kapitan. Kaya wag na po kayong makonsensya, okey lang po ako at kung kakailanganin ko ulit na gawin ang bagay na iyon, hindi po ako mangingiming gawin ulit ang bagay na iyon kasama ka," nakangiting wika nito sa kanya pero batid niyang nais lamang nito na pagaanin ang konsensyang kanyang nararamdaman pero hindi niya alam kung bakit parang may iba dito, pang may ibig-sabihin ito sa sinabi nito o baka napaparanoid lang talaga siya. "S-Salamat naman kung ganon Susan hayaan mo at susubukan kung maibalik ulit ang normal na samahan natin at ang ating mga ka-Sitio," wika na lamang niya dito. "Kapitan kailangan ka po namin doon sa kabilang bahay. May mga bago na naman pong namatay wala na po kaming magawa ng isa-isa silang mangisay nanaman, nilabas na lang po namin sila hanggang sa tuluyan na po silang malagutan ng hininga," malungkot na wika ng isa sa mga nakatoka magbantay sa bahay kung saan nanunuluyan ang mga may malalang karamdaman. Balot na balot ang mga ito kaya naman hindi sila natatakot na baka mahawa din ng sakit mula sa mga taong may malalang karamdaman. Pero syempre doble ingat pa rin ang mga ito kaya naman bago sila magtungo o humarap sa mga naninirahan sa Sitio na wala pang karamdaman na katulad niya, naglilinis muna ang mga ito ng buong katawan matiyak lamang na ligtas din sila at hindi sila makakahawa. Nagka-ingay ang mga taong nakarinig sa kanila. Ang iba ay umiyak at nahihintakutang napausal na lamang ng panalangin. Sumama naman siya sa mga ito, matapos magpaalam sa lahat. Ganon nalang ang kanyang pagkalungkot ng makitang ang mag-asawang pinakamatanda sa kanilang lugar ang binawian ng buhay. Kasama ang isang babae na kung hindi siya nagkakamali, nakatira ito doon sa kabilang kapulungan at ito ay ang may edad at ang nagtitinda ng kakanin tuwing umaga. Nakakapanlumo ang pangyayari pero wala naman siyang magawa, wala silang magawa kundi tanggapin na lang ang lahat at ihatid na lamang ang mga ito sa huling hantungan. Isa pang ikinakalunggkot lang niya lalo ay hindi na nila ito na bigyan ng maayos nalibing. Kundi para na lamang itong namatay na hayop na ibabaon sa hukay. Noong una ang ginagawa nila ay sinusunog ang bangkay pero naisip ni kapitan Rab na baka nakakasama ang amoy ng usok na nagmumula sa sinunog nilang katawan. Baka kapag nalanghap ng kanyang nasasakupan ang usok baka magkaproblema pa lalo sila, kaya naman ngayon ginagawa nila ay binabaon na lamang sa hukay ang mga ito pero binabalot na lamang ng makapal na tela. "Kapitan tatlo nanaman ang namatay, natatakot ako na baka sa susunod isa sa ating mga mahal sa buhay ang sumunod na sa kanila. Kung sakaling magkaganon mas nanaisin kung ako nalang kaysa ang aking asawa," garalgal ang boses na wika ang isa sa kanyang mga tanod. "Ewan ko nga po mang Ambo hindi ko alam kung ano ba ang dapat nating gawin. Sana lang talaga nakarating sa munisipyo ang mga nangyari dito sa ating lugar para naman kahit papaano malunasan na ang karamdaman nagpapahirap sa ating mga nasasakupan. Nakakalungkot lang isipin na parang kinalimutan na nila tayo, unang beses na pinapunta natin sa kanila para humingi ng tulong, hindi natin alam kung anong mangyari sa kanya kung buhay pa ba o pinag walang bahala lamang ang suliranin natin dito sa Sitio. Sana lang talaga makarating sa munisipyo ng ligtas si Mang Gener," malungkot na pahayag niya pero pilit pa rin ang iniisip ang mga positibong bagay para naman kahit papaano hindi mawalan ng pag-asa ang kanyang nasasakupan dahil pano na lamang kong mawalan din siya na pag-asa, paano na lamang ang mga taga Sitio na umaasa sa kanya. "Kami din Kapitan Rab, umaasa na makakarating din sa atin ang tulong. At tiyak na hindi tayo iiwan sa ere ni Mang Gener lalo na at alam naman natin na isa siyang mabuting tao at puro pagmamalasakit lamang sa kanyang kapwa ang taglay niya. Kaya naman, ipalagay niyo na ang loob niyo kapitan darating din ang tulong mula sa gobyerno. Lakasan lamang natin ang loob natin at patuloy na magtiwala at baka nga po mamaya o bukas nandito na iyon kasama ang mga taga gobyerno," wika naman ng isa sa may edad na ring tanod niya. "Tama ka Mang Rennie, wag tayong mawawalan ng pag-asa dapat mas tibayan pa natin ang ating pananampalataya sa Panginoon. Tiyak na hindi niya tayo pababayaan," sang-ayon naman niya dito. Matapos iyon, nailibing na rin nila ang bagong tatlong namatay. Naglagi naman siya sa kanyang opisina sa barangay at doon na rin nagpalipas ng gabi at syempre umaasa na kinabukasan parating na ang tulong mula sa gobyerno sa kanila. Ngunit nabigo siya dahil kinabukasan sa pagmulat ng kanyang mga mata ang labî ni Mang Gener ang bumungad sa kanya. Nagising siya sa malalakas na katok akala nga niya ay may lumusob. Kaya pala nagkakaingay ang kanyang ka-Sitio sa harap ng batanwyarangay ang labi ni mang heneral sa tadtad ng pangalan ng baril sa katawan. "D-Diyos ko, Mang Gener!" di makapaniwala ng bulalas niya nang makita ang walang buhay na katawan ng lalaki, kaagad namalisbis ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung sino ang may kagagawan nito pero ang hinala niya ay mga bandido. Marahil ganito rin ang nangyari sa una niyang inutusan kaya naman wala pa rin dumarating na tulong mula sa gobyerno. Isang malaking dagok nanaman sa kanyang buhay ang pagkawala ng lalaki dahil heto at sinisisi na naman niya ang kanyang sarili dahil siya ang nakiusap dito na magtungo sa bayan para makahingi ng tulong sa munisipyo. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD