Pagdating nila ni Susan sa baryo, nagpasya itong manatili saglit sa mga anak. Binigyan nito ng tinapay ang lahat para may mailaman sa mga tiyan ng mga ito. Nakakatuwa ding isipin na kahit ito ang nagpakahirap, hindi ito naging maramot sa kanilang nasasakupan. Imbis na iimbak lamang nito ang pagkaon para sa mga anak nito, nakuha pa nitong mamahagi sa iba. Sa totoo lang nahihiya siya sa babae dahil sa nangyari sa kanila pero parang wala lamang dito ang nangyari. Normal pa rin kung makipag usap ito sa kanya, siya lamang iyong hindi sanay. Nahihiya siya dito na wala manlang siyang nagawa sa pambababoy dito ng Don.
Ang mga gamot naman na ibinigay ng Don sa kanya ay agad nilang ipinainom sa mga may sintomas ng virus at para lumakas ang resistensya ng lahat pinainom din niya ang mga ito ng vitamins pati na mga bata.
Ngunit kahit na napainom na nila ng gamot ang may mga sintomas parang wala pa ring pagbabago sa mga ito. Natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanila. Kapag nagpatuloy pa ito siguradong mauubos silang lahat dito.
Wala manlang tulong na dumarating mula sa gobyerno. Kinausap niya ang isang tanod, sa tingin naman niya ay okey ang kalusugan nito.
Kaya ito ang napili niya.
"Mang Gener, hindi pwedeng ganito na lamang tayo mauubos tayo dito kapag hindi pa tayo kumilos. Sa tingin ko ay hindi nakarating ang taong inutusan kong magtungo sa bayan para humingi ng tulong sa munisipyo," sabi ni Kapitan Rab dito.
"Ano po kaya ang dapat nating gawin Kapitan? Unti-unti na po tayong nauubos kanina lamang po ng pumunta kayo kay Don Eliazar may apat nanaman po kaming inilibing," malungkot na sabi nito sa kanya.
Napailing siya at naihilamos ang kamay sa mukha.
"Mang Gener, ikaw po sana ang uutusan kong magtungo sa bayan para ho maipaabot sa ating Mayor ang nangyayari dito sa baranggay natin. Kung hindi po tayo kikilos siguradong mamamatay tayong lahat dito," sabi niya dito.
"Wala pong problema Kapitan, ngayon din po ay magtutungo na ako sa bayan," pagpayag agad nito.
"Salamat Mang Gener, gamitin nyo na po ang aking motor para mapadali. Tsaka wag nyo pong kalimutang magsuot ng PPE bago kayo pumasok sa munisipyo. Mahirap na po iyong marami kang makasalamuhang tao, hindi po natin sigurado kung nahawa na tayo o hindi pa. May natitira pa ditong PPE na maaari mong gamitin. Patawad po Mang Gener, wala po talaga akong ibang malalapitan kundi ikaw lang," pahayag niya dito.
"Wala pong anuman Kapitan, ako po ay aalis na para makabalik din po ako kaagad," sabi nito sa kanya.
"Salamat po Mang Gener," iyon lamang at lumakad na ang tanod.
Tinanaw na lamang ito ni Kapitan habang papalayo sakay ng motor niya.
Napabuntunghininga na lamang siya, sanay makabalik din ito ng ligtas. Kakaiba kasi ang pakiramdam niya sa unang inutusan niya. Hindi niya maintindihan pero may kutob siyang may nangyaring masama dito.
Samantala.
"Homer! Madali ka, may inutusan nanaman ang Kapitan para magtungo sa bayan. Iradyo mo kina Goling para maharang nila ito." sabi ng humahangos na tauhan ni Don Eliazar.
May itinanim kasi silang mata sa mga taga baryo. Ito ang nagpapadala ng mensahe ng bawat galaw ng mga taga Barrio.
Agad namang iniradyo ng tinawag na Homer ang balita sa isang grupong nag-aabang sa bukana ng Barrio.
Naghanda na ang mga ito.
Matulin ang patakbo ni Mang Gener sa motor ng kanilang Kapitan ngunit agad na napapreno siya dahil may humarang sa kanyang daraan. Isang grupo ng mga kalalakihan na may mga mahabang armas, tiyak niya na nasa panganib siya pero ito lamang ang tanging paraan para matulungan niya ang kanyang mga ka-sitio.
Humanda siya para sa sagasaan ang mga ito ngunit isa pala iyong pagkakamali dahil may sniper na nakaakyat sa may puno na hindi niya napansin agad siyang pinuntirya at natamaan siya sa batok na naging dahilan para mahulog siya sa motor at bago tuluyang mag dilim ang kanyang paningin parang nakikita niya sa kanyang balintataw ang mga kasama ang kaawa awa ang dinaranas. Karamihan sa mga ito ay may mga sakit at unti-unti ng namamatay dahil na rin sa matinding gutom at kakulangan ng gamot para sa kakaibang sakit na dumapo sa kanila.
"G*g*, pare, sapol na sapol sa batok hindi ka pa rin talaga nagmimintis pagdating sa pagbaril! Siguradong matutuwa na naman sa iyo niyan si Don Eliazar baka magkaroon ka pa ng malaki-laking gantimpala niyan pag nagkataon!" wika ng lalaking lumapit saka kanyang katawan at hindi pa nasiyahan sinipa pa siya sa tiyan napaigik na lang siya at napa luha dahil napagtanto niya na si Don Eliazar pala ang may pakana ng lahat.
Napansin nitong humihinga pa siya ng bahagya kaya naman pinaulanan ulit siya nito ng bala.
SAMANTALA SA SITIO UNO
"Mag dahan-dahan kayo sa pagkain mga kasama! Marami pa tayong kanin dito kumuha ng kayo at kahit na sabaw lamang ang ating ulam busog in inyong inyong sarili dahil hindi natin alam kung kailan na naman ito mauulit!" malakas na wika ni kapitan Rab sa mga nasasakupan.
Pagdating kasi nila ni Susan sa kanilang Sitio agad na pinaluto niya ang bigas at ang ilang kilong manok na kasama sa ibinigay ni Don Eliazar, ngunit dahil marami sila hindi sapat ang ulam kaya naman dinamihan lang nila ito ng sabaw at gulay para kahit papaano mainitan ang tiyan ng lahat.
Kung tutuusin para kay susan lamang ang isang kabang bigas na iyon at mga grocery pati na ang manok na kasama sa ibinigay ni Don Eliazar dito pero ang nakakatuwa sa babae hindi ito nagiging makasarili talagang ito pa mismo ang nagkusang sabihin sa kanyang iluto ang bigas at ang ulam para makakain ang lahat. Sa totoo lang hiyang-hiya siya dito lalo pa at isa siya sa ginawa ng kasangkapan ng Don para madungisan ang dangal nito pero heto at napakabuti ng babae dahil hindi ito nagtanim ng sama ng loob sa kanya. Tumutulong pa ito sa pagpapakain sa mga may sakit at pagpapainom ng gamot dito iyon ngalang hindi ito maaaring lumapit sa mga ito kaya naman pinagamit niya ang isang PPE dito para maiwasang mahawa ito sa sakit.
"Kapitan salamat po sa masarap na pagkain at Susan salamat din sa'yo dahil napakabuti mo, ibinahagi mo sa amin iyong pagkain na sana ay pagkain na lamang ng iyong pamilya," wika ng isang nasasakupan niya na hindi na lalayo ang edad kay Susan, isa ito sa mga kaibigan ng babae.
"Walang anuman Jackie ang mahalaga nakakain tayong lahat at saka na natin problemahin ang mga susunod pang araw ang mahalaga ay kahit papaano nalamanan ang ating mga tiyan at sana rin gumaling ang mga may sakit sa gamot na ibinigay ng Don," nakangiti na mga wika ni Susan.
"Kapitan kapag nagpatawag pa ulit ng babae si Don Eliazar ako naman ng pupunta, hayaan n'yong makatulong din ako sa ating mga kanayon," wika muli ni Jackie.
Nagkatinginan naman sila ni Susan at agad na iniiwas niya ang kanyang mga matang nakatuon dito dahil wala talaga siyang lakas ng loob na makipag sukatan ng tingin dito. Naging mailap din ang kanyang mga mata at parang hindi niya kayang pahintulutan ang request ni Jacky dahil siguradong mangyayari din ang nangyari kay Susan o baka mas malala pa.
"Jackie pag-isipan mo muna kung ano ang iyong sinasabi na iyan dahil, sinasabi ko sa'yo hindi maganda ang mapunta ka sa lugar na iyon na lalo pa at dalaga ka," si Susan na mismo ang sumagot dito.
"Handa akong gawin lahat Susan para lamang maisalba ang buhay ng aking mga magulang at pati na ang mga kasamahan natin dito na maaaring mamatay sa gutom lalo pa at karamihan sa atin ay may mga sakit. Kaya kapitan Rab wala akong pakialam sa maaaring mangyari sa akin basta makatulong lang ako," determinadong wika nito. Napakuyom ng kama si Kapitan Rab, parang hindi niya kayang may isang babae na namang masisira ang dangal ng hayop na Don Eleazar na iyon.
ITUTULOY