Masakit na ang mga paa ni Kapitan Rab, pero patuloy pa rin siya sa pagsunod sa walang hiyang traidor sa kanilang nayon. Wala pa ito sa mismong daan patungo sa mansyon ni Eliazar kaya hindi pa rin siya makatiyak kong ito nga talaga ang trador pero kapag natiyak niya na doon talaga ito patungo. Hindi siya papayag na makarating ito doon, kahit pa ang kapalit ay ang buhay niya.
Lahat ng plano nila nalalaman ng hayop na don iyon pala ito ang salarin. Pinagkatiwalaan nila ito, lalo na siya dahil nakikita naman niya na mabuti ito sa kanilang lahat. Ni sa hinagap hindi niya naiisip na magtataksil ito sa kanila dahil parang totoo naman ang malasakit nito sa kanilng nasasakupan. Hindi niya alam kung bakit bigla itong nagbago. Iniisip niya na baka may kasunduan ito at si Don Eliazar, napakahay*p talaga ng demonyong iyon. Darating din ng panahon at magbabayad ito sa lahat ng kahayupan nito.
Iyon nga lang hindi niya alam kung papano. Lahat na ginawa niya pero ang lahat pala ng taong ipinapadala niya ay pawang nangamatay na, maswerte lamang siya dahil nagsakrispisyo si Smile. Sana lang talaga maging maayos ang kalagayan ni Smile, sana mailigtas ito ng grupong nagtungo para ito ay ma-rescue.
SAMANTALA SA KAGUBATAN
Matamang nagmamanman si Kapitan Tiago sa kanyang mga kasamahan. Malapit na sil sa sinabi ni Kapitan Rab na bangin na kinahulugan ng kanyang anak na si Smile. Maingat din sila sa paglalakad dahil baka nasa lugar pa ang mga kalalakihang armado na sinasabi ni Kapitan Rab. Kung kasama niya ang tryador ei di dapat kanina pa may umalis ito sa kanilang grupo pero heto at nasa mismong lugar na sila y kompleto pa rin naman sila. Mukhang naiwan ang tryador sa nayon. Hagad niya na mahuli sana ni Kapitan Rab dahil kung hindi, tiyak na mapapahamak silang lahat.
Pero kahit anong mangyari, nakahanda siya. Lahat naman ay namamatay na rin sa kanila, lalo pa at wala na silang makain pero titiyakin niyang bago siya pumanaw, kailangag makaligtas muna ang kanyang anak. Napakarami pa niyang pangarap sa kanyang anak na si Smile. Hindi pa nga ito nakaka-graduate sa pag-aaral. Criminology ang kursong kinuha ng kanyang anak, kaya malakas ang kutob niya na buhay pa ito.
"Kapitan, dumidilim na po maaari na po ba nating buksan ang ating mga flashlight?" pabulong na tanong ng isa nilang kasamahan.
"Wag! Tama ng sing lamang ng buwan ang ating tnglaw, siguradong nasa paligid lamang ang mga bandidong iyon. Hindi natin natitiyak kung umalis na sila dito sa lugar kaya dapat mag-ingat tayo. Hatiin natin ang grupo sa tatlo, kayo doon sa dulo maghanap sa may bandang kanan ng bangin, kami naman dito sa gitna at kayong dalawa naman ay doon sa kaliwang bahagi. Mag-iingat kayo, kahit sa pag-uusap iwasan ninyo mas mainam ng magsinyas na lang. Hindi natin alam kung nasa paligid lamang ang kalaban. Tiyakin ninyong gagalugarin ninyo ang lugar para mahanap natin ng anak ko." Mahinang wika niya sa grupo.
"Sige po Kapitan Tiago, doon na po kami. Dito na lang din po siguro tayo magkita mamaya," sang-ayon naman ng isa.
"Sige, mag-iingat kayo. Maging matalas ang pandinig at mga mata ninyo ha, kailangang makabalik tayo ng ligtas sa ating mga pamilya," paalala niya sa mga ito. Iyon lang at kanya-kanya na silang lumakad.
Halos mangapa sila sa paglalakad palapit sa may mismong Bangin. Madilim na kasi ng mga oras na iyon, pero medyo maliwanag naman ang sikat ng buwan kaya kahit papano ay nakakatulong iyon. Sinubukan niyang silipin kung gaano kalalim ang bangin, sa tingin niya ay talagang matarik iyon. Pero may pag-asang buhay pa ang kanyang anak. Matataas na kahoy ang nasa ilalim ng bangin na iyon, baka isa sa mga puno na iyon ang kinaroroonan ng kanyang anak.
"Noel, madali ka susubukan nating bumaba sa may bangin. Baka nasa kakahuyan ang anak ko!" Nagmamadaling wika niya sa lalaki.
"Sige po kapitan, tayo na. Doon tayo sa may banda doon bumaba, hindi na masyadong matarik." Wika naman nito tsaka nagpatiuna na sa paglalakad.
Sumunod naman siya, kahit mahirap pinilit nilang makababa.
SAMANTALA.
Natiyak na ni Kapitan Rab na si kagawad nga ang traydor. Masakit ang kanyang paa pati na ang buong katawan pero handa iyang makipambuno sa lalaki para lamang mapigilan ito. Patuloy lamang niya itong sinusundan pero mukhang nakahalata ang kumag. Ilang beses na itong lumingon mabuti na lamang nakakatago siya. Nakakailang hakbang pa lamang siya ng bigla itong lumingon muli kaya hindi na niya nagawa pang tumago.
Tila nagulat ito pagkakita sa kanya, pero ang pagkagulat ay nahalinhinan ng pagbangis ng itsura nito sabay ngisi.
"Matindi din pala ang pandama mo kapitan ah! Akalain mong nabisto mo ako, huh! Sa tingin mo natatakot ako sayo? Lalo na sa kalagayan mo na iyan, halos dimo na nga maikilos ang katawan mo, nuha mo pa akong sundan! Pwes, mukhang mapapadali ang pangarap ko ah, mukhang agad-agad kitang mapapalitan ka sa pwesto! Napakayabang mo naman kasi, ki bata-bata mo pa nagi-feeling ka na n magaling sa lahat ng bagay! Pwes, ngayon mawawala na ang hinahangaan ng lahat ng gwapong Kapitan! Akala mo ba bubuhayin pa kita ha?!" Galit na pahayag nito. Pero di nawawala ang pagngisi sa mukha.
"Hay*p ka Kagawad! Traydor ka! Ikaw ang may kagagawan ng pagkamatay ng mga inutusan kung magtungo sa bayan! Pati na ang nangyari sa amin ni Smile! Walang kang awang hayop ka! Pagkatapos naming magtiwala lahat sayo, ito pa ang igaganti mo?! Wala kang pinagkaiba sa hayop ng Eliazar na iyon!" Galit din na pahayag niya dito.
"Tsskk, tanga ka ba?! Ako ba ang pumatay ha?! Ako lang ang nag-iinform kay Don Eliazar, pero ang pumapatay ay mga tauhan niya kaya wag kang nangbebentang diyan gunggong! Masyado kang mayabang kaya iyan ang napapala mo! Kung ako na kasi ang pinamahala mo sa Sitio ei di sana hindi na tayo umabot pa sa puntong ito. Kaya lang okey lang naman, mamamatay ka na rin naman ngayon! Pati na si ex-kapitan tiyak na mamamatay na rin kaya naman wala nang iba pang aasahan ang mga taga Sitio kundi ako lang! Bwahahaha!" tila wala na sa sariling pahayag nito. Sinundan pa ng halakhak na tila sa isang demonyo.
"Hindi ka magtatagumpay na hayop ka! Kailanman, hindi magwawagi ang kasamaan sa kabutihan kaya kung ako sayo kagawad, sumuko ka na at humingi ka ng tawad sa ating mga nasasakupan! Hindi pa huli ang lahat, magtulong-tulong tayong iligtas ang nasasakupan natin." galit na pahaya muli niya pero binigyan pa rin niya ito ng isa ang pagkakataon.
"Gunggong! Ano ako tanga na aamin?!Papaano pa ako tatanggapin ng ating mga ka-Sitio kung malalaman nila ang lihim ko ha?! Ungas ka pala talagang kapitan ka ei! Bata ka pa nga, kaya bata ka rin kung mag-isip. Sa tingin mo makakaalis ka pa dito ng buhay? Sa kalagayan mong iyan, kaydali lamang para sa akin na tapusin ang kaawa-awa mong buhay!" tila ulol na wika nito. Sabay bunot ng isang patalim mula sa bewang nito. Tsaka tila naghanda sa pagsugod sa kanya.
Humanda naman siya sa maaari nitong gawin sa kanya, dehado talaga siya pero hindi naman niya mapapahintulutan na ito lamang ang tumapos sa kanyang buhay. Kaya lalaban siya, alang-alang sa kanyang mga kanayon.
ITUTULOY